1Ito ang ikatlo na ako'y paririyan sa inyo. Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa't salita.
1ܗܕܐ ܕܬܠܬ ܗܝ ܙܒܢܝܢ ܕܐܬܐ ܐܢܐ ܠܘܬܟܘܢ ܕܥܠ ܦܘܡ ܬܪܝܢ ܘܬܠܬܐ ܤܗܕܝܢ ܬܩܘܡ ܟܠ ܡܠܐ ܀
2Sinabi ko na nang una, at muling aking ipinagpapauna, gaya nang ako'y nahaharap ng ikalawa, gayon din ngayon, na ako'y wala sa harapan, sa mga nagkasala nang una, at sa mga iba pa, na kung ako'y pumariyang muli ay hindi ko na patatawarin;
2ܡܢ ܩܕܝܡ ܐܡܪܬ ܗܘܝܬ ܠܟܘܢ ܘܬܘܒ ܡܩܕܡ ܐܢܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܐܝܟ ܕܐܦ ܬܪܬܝܢ ܙܒܢܝܢ ܕܗܘܝܬ ܠܘܬܟܘܢ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܘܐܦ ܗܫܐ ܟܕ ܪܚܝܩ ܐܢܐ ܟܬܒܢܐ ܠܗܠܝܢ ܕܚܛܘ ܘܠܫܪܟܐ ܕܐܚܪܢܐ ܕܐܢ ܐܬܐ ܬܘܒ ܠܐ ܐܚܘܤ ܀
3Yamang nagsisihanap kayo ng isang katunayan na si Cristo ay nagsasalita sa akin; na siya sa inyo'y hindi mahina, kundi sa inyo'y makapangyarihan:
3ܡܛܠ ܕܒܘܩܝܐ ܒܥܝܬܘܢ ܕܡܫܝܚܐ ܕܡܡܠܠ ܒܝ ܗܘ ܕܠܐ ܗܘܐ ܡܚܝܠ ܒܟܘܢ ܐܠܐ ܚܝܠܬܢ ܗܘ ܒܟܘܢ ܀
4Sapagka't siya'y ipinako sa krus dahil sa kahinaan, gayon ma'y nabubuhay siya dahil sa kapangyarihan ng Dios. Sapagka't kami naman ay sa kaniya'y mahihina, nguni't kami ay mabubuhay na kasama niya sa kapangyarihan ng Dios sa inyo.
4ܐܦܢ ܐܙܕܩܦ ܓܝܪ ܒܡܚܝܠܘܬܐ ܐܠܐ ܚܝ ܗܘ ܒܚܝܠܐ ܕܐܠܗܐ ܘܐܦ ܚܢܢ ܡܚܝܠܝܢܢ ܥܡܗ ܐܠܐ ܚܝܝܢ ܚܢܢ ܥܡܗ ܒܚܝܠܐ ܕܐܠܗܐ ܕܒܟܘܢ ܀
5Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nangasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.
5ܢܦܫܟܘܢ ܒܩܘ ܐܢ ܒܗ ܒܗܝܡܢܘܬܐ ܩܝܡܝܢ ܐܢܬܘܢ ܢܦܫܟܘܢ ܐܤܘ ܐܘ ܠܐ ܡܫܬܘܕܥܝܬܘܢ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܟܘܢ ܗܘ ܘܐܢ ܠܐ ܡܤܠܝܐ ܐܢܬܘܢ ܀
6Nguni't inaasahan ko na inyong mangakikilala na kami ay hindi itinakuwil.
6ܡܤܒܪ ܐܢܐ ܕܝܢ ܕܬܕܥܘܢ ܕܚܢܢ ܠܐ ܗܘܝܢ ܡܤܠܝܢ ܀
7Ngayo'y idinadalangin namin sa Dios na kayo'y huwag magsigawa ng masama; hindi upang kami'y mangakitang subok, kundi upang gawin ninyo ang may karangalan, kahit kami'y maging gaya ng itinakuwil.
7ܒܥܐ ܐܢܐ ܕܝܢ ܡܢ ܐܠܗܐ ܕܠܐ ܢܗܘܐ ܒܟܘܢ ܡܕܡ ܕܒܝܫ ܐܝܟ ܕܒܘܩܝܢ ܕܝܠܢ ܢܬܚܙܐ ܐܠܐ ܕܐܢܬܘܢ ܬܗܘܘܢ ܤܥܪܝܢ ܛܒܬܐ ܘܚܢܢ ܢܗܘܐ ܐܝܟ ܡܤܠܝܐ ܀
8Sapagka't kami'y walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi ayon sa katotohanan.
8ܠܐ ܓܝܪ ܡܫܟܚܝܢܢ ܕܢܥܒܕ ܡܕܡ ܠܘܩܒܠ ܩܘܫܬܐ ܐܠܐ ܚܠܦ ܩܘܫܬܐ ܀
9Sapagka't kami'y natutuwa kung kami'y mahihina, at kayo'y malalakas: at ito naman ang idinadalangin namin, sa makatuwid baga'y ang inyong pagkasakdal.
9ܚܕܝܢܢ ܕܝܢ ܡܐ ܕܚܢܢ ܟܪܝܗܝܢ ܘܐܢܬܘܢ ܚܝܠܬܢܝܢ ܗܕܐ ܓܝܪ ܐܦ ܡܨܠܝܢܢ ܕܐܢܬܘܢ ܬܬܓܡܪܘܢ ܀
10Dahil dito'y sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako'y wala sa harapan, upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan, ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay, at hindi sa ikagigiba.
10ܡܛܠ ܗܢܐ ܟܕ ܪܚܝܩ ܐܢܐ ܗܠܝܢ ܟܬܒ ܐܢܐ ܕܠܐ ܡܐ ܕܐܬܝܬ ܩܫܝܐܝܬ ܐܤܥܘܪ ܐܝܟ ܫܘܠܛܢܐ ܕܝܗܒ ܠܝ ܡܪܝ ܠܒܢܝܢܟܘܢ ܘܠܐ ܠܤܘܚܦܟܘܢ ܀
11Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; mangagkaisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo.
11ܡܟܝܠ ܐܚܝ ܚܕܘ ܘܐܬܓܡܪܘ ܘܐܬܒܝܐܘ ܘܐܘܝܘܬܐ ܘܫܝܢܐ ܢܗܘܐ ܒܟܘܢ ܘܐܠܗܐ ܕܚܘܒܐ ܘܕܫܠܡܘܬܐ ܢܗܘܐ ܥܡܟܘܢ ܀
12Mangagbatian ang isa't isa sa inyo ng banal na halik.
12ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܚܕ ܕܚܕ ܒܢܘܫܩܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܀
13Binabati kayo ng lahat ng mga banal.
13ܫܐܠܝܢ ܒܫܠܡܟܘܢ ܟܠܗܘܢ ܩܕܝܫܐ ܀
14Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo, at ang pagibig ng Dios, at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat.
14ܫܠܡܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܘܚܘܒܗ ܕܐܠܗܐ ܘܫܘܬܦܘܬܐ ܕܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܥܡ ܟܠܟܘܢ ܐܡܝܢ ܀