1Datapuwa't ito'y ipinasiya ko sa aking sarili, na hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan.
1ܕܢܬ ܕܝܢ ܗܕܐ ܒܢܦܫܝ ܕܠܐ ܬܘܒ ܒܟܪܝܘܬܐ ܐܬܐ ܠܘܬܟܘܢ ܀
2Sapagka't kung kayo'y palulumbayin ko, sino nga ang sa akin ay magpapagalak, kundi yaong pinalulumbay ko?
2ܐܢ ܐܢܐ ܓܝܪ ܡܟܪܐ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܡܢܘ ܢܚܕܝܢܝ ܐܠܐ ܗܘ ܕܐܢܐ ܐܟܪܝܬ ܠܗ ܀
3At aking isinulat ang bagay ring ito, upang pagdating ko ay huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak; sa pagkakatiwala sa inyong lahat, na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat.
3ܘܕܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܗܝ ܗܕܐ ܕܠܐ ܟܕ ܐܬܐ ܢܟܪܘܢ ܠܝ ܗܢܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܘܠܐ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܕܗܢܘܢ ܢܚܕܘܢܢܝ ܬܟܝܠ ܐܢܐ ܕܝܢ ܥܠ ܟܠܟܘܢ ܕܚܕܘܬܝ ܕܟܠܟܘܢ ܗܝ ܀
4Sapagka't sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; hindi upang kayo'y palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo.
4ܘܡܢ ܐܘܠܨܢܐ ܪܒܐ ܘܡܢ ܐܢܘܤܝܐ ܕܠܒܐ ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܗܠܝܢ ܒܕܡܥܐ ܤܓܝܐܬܐ ܠܐ ܡܛܠ ܕܬܟܪܐ ܠܟܘܢ ܐܠܐ ܡܛܠ ܕܬܕܥܘܢ ܚܘܒܐ ܝܬܝܪܐ ܕܐܝܬ ܠܝ ܠܘܬܟܘܢ ܀
5Datapuwa't kung ang sinoman ay nakapagpalumbay, hindi ako ang pinalumbay niya, kundi sa isang paraan ay kayong lahat (upang huwag kong higpitang totoo).
5ܐܢ ܕܝܢ ܐܢܫ ܐܟܪܝ ܠܐ ܗܘܐ ܠܝ ܐܟܪܝ ܐܠܐ ܒܨܝܪܐ ܩܠܝܠ ܠܟܠܟܘܢ ܕܠܐ ܬܐܩܪ ܡܠܬܐ ܥܠܝܟܘܢ ܀
6Sukat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa ng marami;
6ܟܕܘ ܠܗ ܕܝܢ ܠܗܢܐ ܟܐܬܐ ܕܡܢ ܤܓܝܐܐ ܀
7Upang bagkus ninyong patawarin siya at aliwin siya, baka sa anomang paraan ay madaig ang gayon ng kaniyang malabis na kalumbayan.
7ܘܡܟܝܠ ܐܚܪܢܝܐܝܬ ܘܠܐ ܕܬܫܒܩܘܢ ܠܗ ܘܬܒܝܐܘܢܗ ܕܠܡܐ ܒܟܪܝܘܬܐ ܝܬܝܪܬܐ ܢܬܒܠܥ ܠܗ ܗܘ ܡܢ ܕܗܟܢܐ ܗܘ ܀
8Dahil dito'y ipinamamanhik ko sa inyo na papagtibayin ninyo ang pagibig sa kaniya.
8ܡܛܠ ܗܢܐ ܒܥܐ ܐܢܐ ܡܢܟܘܢ ܕܬܫܪܪܘܢ ܒܗ ܚܘܒܟܘܢ ܀
9Sapagka't dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako, upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo, kung kayo'y mga matalimahin sa lahat ng mga bagay.
9ܡܛܠ ܗܢܐ ܓܝܪ ܟܬܒܬ ܐܦ ܕܐܕܥ ܒܢܤܝܢܐ ܐܢ ܒܟܠܡܕܡ ܡܫܬܡܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
10Datapuwa't ang inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagka't ang aking ipinatawad naman, kung ako'y nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo;
10ܠܡܢ ܕܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܫܒܩܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܦ ܐܢܐ ܐܦ ܐܢܐ ܓܝܪ ܡܕܡ ܕܫܒܩܬ ܠܡܢ ܕܫܒܩܬ ܡܛܠܬܟܘܢ ܗܘ ܫܒܩܬ ܒܦܪܨܘܦܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
11Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka't kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang.
11ܕܠܐ ܢܥܠܒܢ ܤܛܢܐ ܝܕܥܝܢܢ ܓܝܪ ܡܚܫܒܬܗ ܀
12Nang ako'y dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo, at nang mabuksan sa akin ang isang pinto sa Panginoon,
12ܟܕ ܐܬܝܬ ܕܝܢ ܠܛܪܘܐܤ ܒܤܒܪܬܗ ܕܡܫܝܚܐ ܘܐܬܦܬܚ ܠܝ ܬܪܥܐ ܒܡܪܝܐ ܀
13Ay hindi ako nagkaroon ng katiwasayan sa aking espiritu, sapagka't hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwa't pagkapagpaalam ko sa kanila, ako'y napasa Macedonia.
13ܠܐ ܗܘܐ ܠܝ ܢܝܚܐ ܒܪܘܚܝ ܕܠܐ ܐܫܟܚܬ ܠܛܛܘܤ ܐܚܝ ܐܠܐ ܫܪܝܬ ܐܢܘܢ ܘܢܦܩܬ ܠܝ ܠܡܩܕܘܢܝܐ ܀
14Datapuwa't salamat sa Dios, na laging pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako.
14ܛܝܒܘ ܕܝܢ ܠܐܠܗܐ ܕܒܟܠ ܙܒܢ ܚܙܬܐ ܥܒܕ ܠܢ ܒܡܫܝܚܐ ܘܓܠܐ ܒܢ ܪܝܚܐ ܕܝܕܥܬܗ ܒܟܠ ܐܬܪ ܀
15Sapagka't sa mga inililigtas, at sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios;
15ܪܝܚܐ ܚܢܢ ܓܝܪ ܒܤܝܡܐ ܒܡܫܝܚܐ ܠܐܠܗܐ ܒܐܝܠܝܢ ܕܚܐܝܢ ܘܒܐܝܠܝܢ ܕܐܒܕܝܢ ܀
16Sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat sa mga bagay na ito?
16ܠܐܝܠܝܢ ܕܪܝܚܐ ܕܡܘܬܐ ܠܡܘܬܐ ܘܠܐܝܠܝܢ ܕܪܝܚܐ ܕܚܝܐ ܠܚܝܐ ܘܠܗܠܝܢ ܡܢܘ ܢܫܘܐ ܀
17Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.
17ܠܐ ܗܘܝܢ ܓܝܪ ܐܝܟ ܫܪܟܐ ܕܡܡܙܓܝܢ ܡܠܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܐܠܐ ܐܝܟ ܕܒܫܪܪܐ ܘܐܝܟ ܕܡܢ ܐܠܗܐ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܒܡܫܝܚܐ ܡܡܠܠܝܢܢ ܀