1Kaya nga sa pagkakaroon namin ng ministeriong ito, ayon sa aming tinanggap na kaawaan, ay hindi kami nanghihina.
1ܡܛܠ ܗܢܐ ܠܐ ܡܐܢܐ ܠܢ ܒܬܫܡܫܬܐ ܗܕܐ ܕܐܚܝܕܝܢܢ ܐܝܟ ܪܚܡܐ ܕܗܘܘ ܥܠܝܢ ܀
2Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago, na hindi kami nagsisilakad sa katusuhan, ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios; kundi sa pagpapahayag ng katotohanan ay ipinagtatagubilin ang aming sarili sa bawa't budhi ng mga tao sa harapan ng Dios.
2ܐܠܐ ܐܤܠܝܢܢ ܟܤܝܬܗ ܕܒܗܬܬܐ ܘܠܐ ܡܗܠܟܝܢܢ ܒܚܪܥܘܬܐ ܘܠܐ ܢܟܠܝܢܢ ܡܠܬܗ ܕܐܠܗܐ ܐܠܐ ܒܓܠܝܘܬܐ ܕܫܪܪܐ ܡܚܘܝܢܢ ܢܦܫܢ ܠܟܠܗܘܢ ܪܥܝܢܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܩܕܡ ܐܠܗܐ ܀
3At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak:
3ܘܐܢ ܕܝܢ ܡܟܤܝ ܗܘ ܐܘܢܓܠܝܘܢ ܕܝܠܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܐܒܕܝܢ ܗܘ ܡܟܤܝ ܀
4Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.
4ܐܝܠܝܢ ܕܐܠܗܗ ܕܥܠܡܐ ܗܢܐ ܥܘܪ ܡܕܥܝܗܘܢ ܥܠ ܕܠܐ ܡܗܝܡܢܝܢ ܕܠܐ ܢܕܢܚ ܠܗܘܢ ܢܘܗܪܗ ܕܐܘܢܓܠܝܘܢ ܕܫܘܒܚܗ ܕܡܫܝܚܐ ܕܗܘܝܘ ܕܡܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
5Sapagka't hindi namin ipinangangaral ang aming sarili, kundi si Cristo Jesus na Panginoon, at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo.
5ܠܐ ܗܘܐ ܓܝܪ ܢܦܫܢ ܡܟܪܙܝܢܢ ܐܠܐ ܠܡܫܝܚܐ ܝܫܘܥ ܡܪܢ ܠܢܦܫܢ ܕܝܢ ܕܥܒܕܝܟܘܢ ܚܢܢ ܡܛܠ ܝܫܘܥ ܀
6Yamang ang Dios, ang nagsabi, Magniningning ang ilaw sa kadiliman, na siyang nagningning sa aming mga puso, upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo.
6ܡܛܠ ܕܐܠܗܐ ܗܘ ܕܐܡܪ ܕܡܢ ܚܫܘܟܐ ܢܘܗܪܐ ܢܕܢܚ ܗܘ ܕܢܚ ܒܠܒܘܬܢ ܕܢܬܢܗܪ ܒܝܕܥܬܐ ܕܫܘܒܚܗ ܕܐܠܗܐ ܒܦܪܨܘܦܗ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
7Nguni't taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios, at huwag mula sa aming sarili;
7ܐܝܬ ܠܢ ܕܝܢ ܤܝܡܬܐ ܗܕܐ ܒܡܐܢܐ ܕܚܨܦܐ ܕܪܒܘܬܐ ܕܚܝܠܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܬܗܘܐ ܘܠܐ ܡܢܢ ܀
8Sa magkabikabila ay nangagigipit kami, gayon ma'y hindi nangaghihinagpis; nangatitilihan, gayon ma'y hindi nangawawalan ng pagasa;
8ܒܟܠܡܕܡ ܓܝܪ ܡܬܐܠܨܝܢܢ ܐܠܐ ܠܐ ܡܬܚܢܩܝܢܢ ܡܬܛܪܦܝܢܢ ܐܠܐ ܠܐ ܚܝܒܝܢ ܚܢܢ ܀
9Pinaguusig, gayon ma'y hindi pinababayaan; inilulugmok, gayon ma'y hindi nangasisira;
9ܡܬܪܕܦܝܢܢ ܐܠܐ ܠܐ ܡܫܬܒܩܝܢܢ ܡܤܬܚܦܝܢܢ ܐܠܐ ܠܐ ܐܒܕܝܢܢ ܀
10Laging saan ma'y tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan.
10ܒܟܠܙܒܢ ܡܝܬܘܬܗ ܕܝܫܘܥ ܒܦܓܪܝܢ ܫܩܝܠܝܢܢ ܕܐܦ ܚܝܘܗܝ ܕܝܫܘܥ ܒܦܓܪܝܢ ܢܬܓܠܘܢ ܀
11Sapagka't kaming nangabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus, upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan.
11ܐܢ ܚܢܢ ܓܝܪ ܚܝܐ ܠܡܘܬܐ ܡܫܬܠܡܝܢܢ ܡܛܠ ܝܫܘܥ ܗܟܢܐ ܐܦ ܚܝܘܗܝ ܕܝܫܘܥ ܢܬܓܠܘܢ ܒܦܓܪܢ ܗܢܐ ܕܡܐܬ ܀
12Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin, datapuwa't ang buhay ay sa inyo.
12ܗܫܐ ܡܘܬܐ ܒܢ ܡܬܚܦܛ ܘܚܝܐ ܒܟܘܢ ܀
13Nguni't yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya, na gaya ng nasusulat, Sumampalataya ako, at kaya't nagsalita ako; kami naman ay nagsisisampalataya, at kaya't kami naman ay nangagsasalita;
13ܐܦ ܚܢܢ ܗܟܝܠ ܕܚܕܐ ܗܝ ܪܘܚܐ ܕܗܝܡܢܘܬܐ ܐܝܬ ܠܢ ܐܝܟ ܕܟܬܝܒ ܕܗܝܡܢܬ ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܦ ܡܠܠܬ ܡܗܝܡܢܝܢܢ ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܦ ܡܡܠܠܝܢܢ ܀
14Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus, at ihaharap kaming kasama ninyo.
14ܘܝܕܥܝܢܢ ܕܗܘ ܡܢ ܕܐܩܝܡ ܠܡܪܢ ܝܫܘܥ ܐܦ ܠܢ ܒܝܕ ܝܫܘܥ ܢܩܝܡ ܘܢܩܪܒܢ ܥܡܟܘܢ ܠܘܬܗ ܀
15Sapagka't ang lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo, upang ang biyaya na pinarami sa pamamagitan ng marami, ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios.
15ܟܠܡܕܡ ܓܝܪ ܡܛܠܬܟܘܢ ܗܘ ܕܟܕ ܡܬܝܬܪܐ ܛܝܒܘܬܐ ܒܝܕ ܤܓܝܐܐ ܬܤܓܐ ܬܘܕܝܬܐ ܠܫܘܒܚܗ ܕܐܠܗܐ ܀
16Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama't ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni't ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.
16ܡܛܠ ܗܢܐ ܠܐ ܡܐܢܐ ܠܢ ܐܦ ܐܢ ܒܪܢܫܢ ܓܝܪ ܒܪܝܐ ܡܬܚܒܠ ܐܠܐ ܕܡܢ ܠܓܘ ܡܬܚܕܬ ܝܘܡ ܡܢ ܝܘܡ ܀
17Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;
17ܐܘܠܨܢܗ ܓܝܪ ܕܙܒܢܐ ܗܢܐ ܟܕ ܛܒ ܙܥܘܪ ܘܩܠܝܠ ܫܘܒܚܐ ܪܒܐ ܕܠܐ ܤܟܐ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܡܛܝܒ ܠܢ ܀
18Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.
18ܕܠܐ ܚܕܝܢܢ ܒܗܠܝܢ ܕܡܬܚܙܝܢ ܐܠܐ ܒܗܠܝܢ ܕܠܐ ܡܬܚܙܝܢ ܕܡܬܚܙܝܢ ܓܝܪ ܕܙܒܢܐ ܐܢܝܢ ܕܠܐ ܡܬܚܙܝܢ ܕܝܢ ܕܠܥܠܡ ܐܢܝܢ ܀