1Ang unang kasaysayan na ginawa ko, Oh Teofilo, ay tungkol sa lahat na pinasimulang ginawa at itinuro ni Jesus,
1ܟܬܒܐ ܩܕܡܝܐ ܟܬܒܬ ܐܘ ܬܐܘܦܝܠܐ ܥܠ ܟܠܗܝܢ ܐܝܠܝܢ ܕܫܪܝ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܠܡܥܒܕ ܘܠܡܠܦܘ ܀
2Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kaitaasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kaniyang hinirang;
2ܥܕܡܐ ܠܝܘܡܐ ܗܘ ܕܒܗ ܐܤܬܠܩ ܡܢ ܒܬܪ ܕܦܩܕ ܗܘܐ ܐܢܘܢ ܠܫܠܝܚܐ ܐܝܠܝܢ ܕܓܒܐ ܒܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܀
3Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming mga katunayan, pagkatapos na siya'y makapaghirap, na napakikita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at nagpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios:
3ܗܢܘܢ ܕܐܦ ܚܘܝ ܠܗܘܢ ܢܦܫܗ ܟܕ ܚܝ ܡܢ ܒܬܪ ܕܚܫ ܒܐܬܘܬܐ ܤܓܝܐܬܐ ܒܝܘܡܝܢ ܐܪܒܥܝܢ ܟܕ ܡܬܚܙܐ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܘܐܡܪ ܥܠ ܡܠܟܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
4At, palibhasa'y nakikipagpulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, na sinabi niyang narinig ninyo sa akin:
4ܘܟܕ ܐܟܠ ܥܡܗܘܢ ܠܚܡܐ ܦܩܕ ܐܢܘܢ ܕܡܢ ܐܘܪܫܠܡ ܠܐ ܢܦܪܩܘܢ ܐܠܐ ܕܢܩܘܘܢ ܠܫܘܘܕܝܗ ܕܐܒܐ ܗܘ ܕܫܡܥܬܘܢ ܡܢܝ ܀
5Sapagka't tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa.
5ܕܝܘܚܢܢ ܐܥܡܕ ܒܡܝܐ ܘܐܢܬܘܢ ܬܥܡܕܘܢ ܒܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܠܐ ܒܬܪ ܝܘܡܬܐ ܤܓܝܐܐ ܀
6Tinanong nga siya nila nang sila'y nangagkakatipon, na nangagsasabi, Panginoon, isasauli mo baga ang kaharian sa Israel sa panahong ito?
6ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܟܕ ܟܢܝܫܝܢ ܫܐܠܘܗܝ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܡܪܢ ܐܢ ܒܗܢܐ ܙܒܢܐ ܡܦܢܐ ܐܢܬ ܡܠܟܘܬܐ ܠܐܝܤܪܝܠ ܀
7At sinabi niya sa kanila, Hindi ukol sa inyo ang pagkaalam ng mga panahon o ng mga bahagi ng panahon, na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
7ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܗܘ ܠܐ ܗܘܬ ܕܝܠܟܘܢ ܗܕܐ ܠܡܕܥ ܙܒܢܐ ܐܘ ܙܒܢܐ ܐܝܠܝܢ ܕܐܒܐ ܤܡ ܐܢܘܢ ܒܫܘܠܛܢܐ ܕܢܦܫܗ ܀
8Datapuwa't tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
8ܐܠܐ ܟܕ ܬܐܬܐ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܥܠܝܟܘܢ ܬܩܒܠܘܢ ܚܝܠܐ ܘܬܗܘܘܢ ܠܝ ܤܗܕܐ ܒܐܘܪܫܠܡ ܘܒܟܠܗ ܝܗܘܕ ܘܐܦ ܒܝܬ ܫܡܪܝܐ ܘܥܕܡܐ ܠܤܘܦܝܗ ܕܐܪܥܐ ܀
9At pagkasabi niya ng mga bagay na ito, nang siya'y tinitingnan nila, ay dinala siya sa itaas; at siya'y tinanggap ng isang alapaap at ikinubli sa kanilang mga paningin.
9ܘܟܕ ܗܠܝܢ ܐܡܪ ܟܕ ܚܙܝܢ ܠܗ ܐܤܬܠܩ ܘܥܢܢܐ ܩܒܠܬܗ ܘܐܬܟܤܝ ܡܢ ܥܝܢܝܗܘܢ ܀
10At samantalang tinititigan nila ang langit habang siya'y lumalayo, narito may dalawang lalaking nangakatayo sa tabi nila na may puting damit;
10ܘܟܕ ܚܝܪܝܢ ܗܘܘ ܒܫܡܝܐ ܟܕ ܗܘ ܐܙܠ ܗܘܐ ܐܫܬܟܚܘ ܬܪܝܢ ܓܒܪܝܢ ܩܝܡܝܢ ܠܘܬܗܘܢ ܒܠܒܘܫܐ ܚܘܪܐ ܀
11Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.
11ܘܐܡܪܝܢ ܠܗܘܢ ܓܒܪܐ ܓܠܝܠܝܐ ܡܢܐ ܩܝܡܝܢ ܐܢܬܘܢ ܘܚܝܪܝܢ ܒܫܡܝܐ ܗܢܐ ܝܫܘܥ ܕܐܤܬܠܩ ܡܢܟܘܢ ܠܫܡܝܐ ܗܟܢܐ ܢܐܬܐ ܐܝܟ ܡܐ ܕܚܙܝܬܘܢܝܗܝ ܕܤܠܩ ܠܫܡܝܐ ܀
12Nang magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, na isang araw ng sabbath lakarin.
12ܘܡܢ ܒܬܪܟܢ ܗܦܟܘ ܠܗܘܢ ܠܐܘܪܫܠܡ ܡܢ ܛܘܪܐ ܕܡܬܩܪܐ ܕܒܝܬ ܙܝܬܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܥܠ ܓܢܒ ܐܘܪܫܠܡ ܘܦܪܝܩ ܡܢܗ ܐܝܟ ܫܒܥܐ ܐܤܛܕܘܢ ܀
13At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.
13ܘܡܢ ܒܬܪ ܕܥܠܘ ܤܠܩܘ ܠܗܘܢ ܠܥܠܝܬܐ ܗܝ ܕܗܘܝܢ ܗܘܘ ܒܗ ܦܛܪܘܤ ܘܝܘܚܢܢ ܘܝܥܩܘܒ ܘܐܢܕܪܐܘܤ ܘܦܝܠܝܦܘܤ ܘܬܐܘܡܐ ܘܡܬܝ ܘܒܪ ܬܘܠܡܝ ܘܝܥܩܘܒ ܒܪ ܚܠܦܝ ܘܫܡܥܘܢ ܛܢܢܐ ܘܝܗܘܕܐ ܒܪ ܝܥܩܘܒ ܀
14Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid niya.
14ܗܠܝܢ ܟܠܗܘܢ ܐܟܚܕܐ ܐܡܝܢܝܢ ܗܘܘ ܒܨܠܘܬܐ ܒܚܕܐ ܢܦܫ ܥܡ ܢܫܐ ܘܥܡ ܡܪܝܡ ܐܡܗ ܕܝܫܘܥ ܘܥܡ ܐܚܘܗܝ ܀
15At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),
15ܘܒܗܘܢ ܒܝܘܡܬܐ ܗܢܘܢ ܩܡ ܫܡܥܘܢ ܟܐܦܐ ܡܨܥܬ ܬܠܡܝܕܐ ܐܝܬ ܗܘܐ ܕܝܢ ܬܡܢ ܟܢܫܐ ܕܐܢܫܐ ܐܝܟ ܡܐܐ ܘܥܤܪܝܢ ܘܐܡܪ ܀
16Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
16ܓܒܪܐ ܐܚܝܢ ܙܕܩ ܗܘܐ ܕܢܬܡܠܐ ܟܬܒܐ ܐܝܢܐ ܕܩܕܡ ܐܡܪ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܒܦܘܡܗ ܕܕܘܝܕ ܥܠ ܝܗܘܕܐ ܗܘ ܕܗܘܐ ܡܕܒܪܢܐ ܠܗܢܘܢ ܕܐܚܕܘ ܠܝܫܘܥ ܀
17Sapagka't siya'y ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong ito.
17ܡܛܠ ܕܡܢܐ ܗܘܐ ܥܡܢ ܘܐܝܬ ܗܘܐ ܠܗ ܦܤܐ ܒܬܫܡܫܬܐ ܗܕܐ ܀
18Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.
18ܗܢܘ ܕܩܢܐ ܠܗ ܩܪܝܬܐ ܡܢ ܐܓܪܐ ܕܚܛܝܬܐ ܘܢܦܠ ܥܠ ܐܦܘܗܝ ܥܠ ܐܪܥܐ ܘܐܬܦܪܬ ܡܢ ܡܨܥܬܗ ܘܐܬܐܫܕ ܟܠܗ ܓܘܝܗ ܀
19At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, Ang parang ng Dugo.)
19ܘܗܝ ܗܕܐ ܐܬܝܕܥܬ ܠܟܠܗܘܢ ܕܥܡܪܝܢ ܒܐܘܪܫܠܡ ܘܗܟܢܐ ܐܬܩܪܝܬ ܩܪܝܬܐ ܗܝ ܒܠܫܢܗ ܕܐܬܪܐ ܚܩܠ ܕܡܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܬܘܪܓܡܗ ܩܘܪܝܬ ܕܡ ܀
20Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit, Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan, At huwag bayaang manahan doon ang sinoman; at, Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.
20ܟܬܝܒ ܓܝܪ ܒܤܦܪܐ ܕܡܙܡܘܪܐ ܕܕܝܪܗ ܬܗܘܐ ܚܪܒܐ ܘܥܡܘܪ ܠܐ ܢܗܘܐ ܒܗ ܘܬܫܡܫܬܗ ܢܤܒ ܐܚܪܝܢ ܀
21Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,
21ܘܠܝܐ ܗܝ ܗܟܝܠ ܠܚܕ ܡܢ ܗܠܝܢ ܓܒܪܐ ܕܗܘܘ ܥܡܢ ܒܗܢܐ ܙܒܢܐ ܟܠܗ ܕܒܗ ܥܠ ܘܢܦܩ ܥܠܝܢ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܀
22Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na siya'y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito'y maging saksi na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.
22ܕܐܩܦ ܡܢ ܡܥܡܘܕܝܬܗ ܕܝܘܚܢܢ ܥܕܡܐ ܠܝܘܡܐ ܕܐܤܬܠܩ ܡܢ ܠܘܬܢ ܕܗܘ ܢܗܘܐ ܥܡܢ ܤܗܕܐ ܕܩܝܡܬܗ ܀
23At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.
23ܘܐܩܝܡܘ ܬܪܝܢ ܠܝܘܤܦ ܕܡܬܩܪܐ ܒܪܫܒܐ ܕܐܫܬܡܝ ܝܘܤܛܘܤ ܘܠܡܬܝܐ ܀
24At sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,
24ܘܟܕ ܨܠܝܘ ܐܡܪܘ ܐܢܬ ܡܪܝܐ ܝܕܥ ܕܒܠܒܘܬܐ ܕܟܠ ܚܘܐ ܚܕ ܐܝܢܐ ܕܓܒܐ ܐܢܬ ܡܢ ܗܠܝܢ ܬܪܝܗܘܢ ܀
25Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon sa kaniyang sariling kalalagyan.
25ܕܗܘ ܢܩܒܠ ܦܤܐ ܕܬܫܡܫܬܐ ܘܫܠܝܚܘܬܐ ܕܡܢܗ ܦܪܩ ܝܗܘܕܐ ܕܢܐܙܠ ܠܗ ܠܐܬܪܗ ܀
26At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.
26ܘܐܪܡܝܘ ܦܨܐ ܘܤܠܩܬ ܠܡܬܝܐ ܘܐܬܡܢܝ ܥܡ ܚܕܥܤܪ ܫܠܝܚܐ ܀