1Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro, si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka, at si Saulo.
1ܐܝܬ ܗܘܐ ܕܝܢ ܒܥܕܬܐ ܕܐܢܛܝܟܝܐ ܢܒܝܐ ܘܡܠܦܢܐ ܒܪܢܒܐ ܘܫܡܥܘܢ ܕܡܬܩܪܐ ܢܝܓܪ ܘܠܘܩܝܤ ܕܡܢ ܩܘܪܝܢܐ ܡܕܝܢܬܐ ܘܡܢܐܝܠ ܒܪ ܡܪܒܝܢܘܗܝ ܕܗܪܘܕܤ ܛܛܪܪܟܐ ܘܫܐܘܠ ܀
2At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.
2ܘܟܕ ܗܢܘܢ ܨܝܡܝܢ ܗܘܘ ܘܡܬܟܫܦܝܢ ܠܐܠܗܐ ܐܡܪܬ ܠܗܘܢ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܦܪܘܫܘ ܠܝ ܠܫܐܘܠ ܘܠܒܪܢܒܐ ܠܥܒܕܐ ܐܝܢܐ ܕܐܢܐ ܩܪܝܬ ܐܢܘܢ ܀
3Nang magkagayon, nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.
3ܘܒܬܪ ܕܨܡܘ ܘܨܠܝܘ ܤܡܘ ܥܠܝܗܘܢ ܐܝܕܐ ܘܫܕܪܘ ܐܢܘܢ ܀
4Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa Chipre.
4ܘܗܢܘܢ ܟܕ ܐܫܬܠܚܘ ܡܢ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܢܚܬܘ ܠܗܘܢ ܠܤܠܘܩܝܐ ܘܡܢ ܬܡܢ ܪܕܘ ܒܝܡܐ ܥܕܡܐ ܠܩܘܦܪܘܤ ܀
5At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong si Juan.
5ܘܟܕ ܥܠܘ ܠܤܠܡܢܐ ܡܕܝܢܬܐ ܡܤܒܪܝܢ ܗܘܘ ܡܠܬܗ ܕܡܪܢ ܒܟܢܘܫܬܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܘܝܘܚܢܢ ܡܫܡܫ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܀
6At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;
6ܘܟܕ ܐܬܟܪܟܘܗ ܠܟܠܗ ܓܙܪܬܐ ܥܕܡܐ ܠܦܦܘܤ ܡܕܝܢܬܐ ܐܫܟܚܘ ܓܒܪܐ ܚܕ ܚܪܫܐ ܝܗܘܕܝܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܢܒܝܐ ܕܓܠܐ ܕܫܡܗ ܗܘܐ ܒܪܫܘܡܐ ܀
7Na kasama ng proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.
7ܗܢܐ ܕܒܝܩ ܗܘܐ ܠܓܒܪܐ ܚܟܝܡܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܐܢܬܘܦܛܘܤ ܘܡܬܩܪܐ ܗܘܐ ܤܪܓܝܘܤ ܦܘܠܘܤ ܘܩܪܐ ܗܘܐ ܐܢܬܘܦܛܘܤ ܠܫܐܘܠ ܘܠܒܪܢܒܐ ܘܒܥܐ ܗܘܐ ܕܢܫܡܥ ܡܢܗܘܢ ܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
8Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.
8ܩܐܡ ܗܘܐ ܕܝܢ ܠܘܩܒܠܗܘܢ ܗܘ ܗܢܐ ܚܪܫܐ ܒܪܫܘܡܐ ܕܡܬܬܪܓܡ ܫܡܗ ܐܠܘܡܤ ܡܛܠ ܕܨܒܐ ܗܘܐ ܕܢܥܩܡܝܘܗܝ ܠܐܢܬܘܦܛܘܤ ܡܢ ܗܝܡܢܘܬܐ ܀
9Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,
9ܫܐܘܠ ܕܝܢ ܗܘ ܕܐܬܩܪܝ ܦܘܠܘܤ ܐܬܡܠܝ ܗܘܐ ܒܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܘܚܪ ܒܗ ܀
10At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?
10ܘܐܡܪ ܐܘ ܕܡܠܐ ܟܠ ܢܟܠܝܢ ܘܟܠܗܝܢ ܒܝܫܬܐ ܒܪܗ ܕܐܟܠ ܩܪܨܐ ܘܒܥܠܕܒܒܐ ܕܟܠܗ ܟܐܢܘܬܐ ܠܐ ܫܠܐ ܐܢܬ ܠܡܥܩܡܘ ܐܘܪܚܬܗ ܬܪܝܨܬܐ ܕܡܪܝܐ ܀
11At ngayon, narito, nasa iyo ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.
11ܘܗܫܐ ܐܝܕܗ ܕܡܪܝܐ ܥܠܝܟ ܘܬܗܘܐ ܤܡܐ ܘܠܐ ܬܚܙܐ ܫܡܫܐ ܥܕܡܐ ܠܙܒܢܐ ܘܒܗ ܒܫܥܬܐ ܢܦܠ ܥܠܘܗܝ ܥܡܛܢܐ ܘܚܫܘܟܐ ܘܡܬܟܪܟ ܗܘܐ ܘܒܥܐ ܕܡܢܘ ܢܐܚܘܕ ܒܐܝܕܗ ܀
12Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.
12ܘܟܕ ܚܙܐ ܐܢܬܘܦܛܘܤ ܡܕܡ ܕܗܘܐ ܐܬܕܡܪ ܘܗܝܡܢ ܒܝܘܠܦܢܗ ܕܡܪܝܐ ܀
13Nagsitulak nga sa Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem.
13ܦܘܠܘܤ ܕܝܢ ܘܒܪܢܒܐ ܪܕܘ ܒܝܡܐ ܡܢ ܦܦܘܤ ܡܕܝܢܬܐ ܘܐܬܘ ܠܗܘܢ ܠܦܪܓܐ ܡܕܝܢܬܐ ܕܦܡܦܘܠܝܐ ܘܦܪܫ ܡܢܗܘܢ ܝܘܚܢܢ ܘܐܙܠ ܠܗ ܠܐܘܪܫܠܡ ܀
14Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.
14ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܢܦܩܘ ܡܢ ܦܪܓܐ ܘܐܬܘ ܠܐܢܛܝܟܝܐ ܡܕܝܢܬܐ ܕܦܝܤܝܕܝܐ ܘܥܠܘ ܠܟܢܘܫܬܐ ܘܝܬܒܘ ܒܝܘܡܐ ܘܫܒܬܐ ܀
15At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.
15ܘܒܬܪ ܕܐܬܩܪܝ ܢܡܘܤܐ ܘܢܒܝܐ ܫܠܚܘ ܠܗܘܢ ܩܫܝܫܐ ܕܟܢܘܫܬܐ ܘܐܡܪܘ ܓܒܪܐ ܐܚܝܢ ܐܢ ܗܘ ܕܐܝܬ ܠܟܘܢ ܡܠܬܐ ܕܒܘܝܐܐ ܡܠܠܘ ܥܡ ܥܡܐ ܀
16At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay ikinikiya na nagsabi, Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.
16ܘܩܡ ܦܘܠܘܤ ܘܐܢܝܦ ܐܝܕܗ ܘܐܡܪ ܓܒܪܐ ܒܢܝ ܐܝܤܪܝܠ ܘܐܝܠܝܢ ܕܕܚܠܝܢ ܡܢ ܐܠܗܐ ܫܡܥܘ ܀
17Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas sila roon.
17ܐܠܗܗ ܕܥܡܐ ܗܢܐ ܓܒܐ ܠܐܒܗܬܢ ܘܐܪܝܡ ܘܐܘܪܒ ܐܢܘܢ ܟܕ ܗܘܘ ܬܘܬܒܐ ܒܐܪܥܐ ܕܡܨܪܝܢ ܘܒܕܪܥܐ ܪܡܐ ܐܦܩ ܐܢܘܢ ܡܢܗ ܀
18At nang panahong halos apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.
18ܘܬܪܤܝ ܐܢܘܢ ܒܡܕܒܪܐ ܐܪܒܥܝܢ ܫܢܝܢ ܀
19At nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:
19ܘܗܓܡ ܫܒܥܐ ܥܡܡܝܢ ܒܐܪܥܐ ܕܟܢܥܢ ܘܝܗܒ ܠܗܘܢ ܐܪܥܗܘܢ ܠܝܘܪܬܢܐ ܀
20At pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
20ܘܐܪܒܥ ܡܐܐ ܘܚܡܫܝܢ ܫܢܝܢ ܝܗܒ ܠܗܘܢ ܕܝܢܐ ܥܕܡܐ ܠܫܡܘܐܝܠ ܢܒܝܐ ܀
21At pagkatapos ay nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.
21ܘܗܝܕܝܢ ܫܐܠܘ ܠܗܘܢ ܡܠܟܐ ܘܝܗܒ ܠܗܘܢ ܐܠܗܐ ܠܫܐܘܠ ܒܪ ܩܝܫ ܓܒܪܐ ܡܢ ܫܪܒܬܐ ܕܒܢܝܡܝܢ ܫܢܝܢ ܐܪܒܥܝܢ ܀
22At nang siya'y alisin niya, ay ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.
22ܘܢܤܒܗ ܘܐܩܝܡ ܠܗܘܢ ܠܕܘܝܕ ܡܠܟܐ ܘܐܤܗܕ ܥܠܘܗܝ ܘܐܡܪ ܕܐܫܟܚܬ ܠܕܘܝܕ ܒܪܗ ܕܐܝܫܝ ܓܒܪܐ ܐܝܟ ܠܒܝ ܗܘ ܢܥܒܕ ܟܠܗܘܢ ܨܒܝܢܝ ܀
23Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus;
23ܡܢ ܙܪܥܗ ܕܗܢܐ ܐܩܝܡ ܐܠܗܐ ܠܐܝܤܪܝܠ ܐܝܟ ܡܐ ܕܐܫܬܘܕܝ ܠܝܫܘܥ ܦܪܘܩܐ ܀
24Noong unang ipangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.
24ܘܫܕܪ ܠܝܘܚܢܢ ܕܢܟܪܙ ܩܕܡ ܡܐܬܝܬܗ ܡܥܡܘܕܝܬܐ ܕܬܝܒܘܬܐ ܠܟܠܗ ܥܡܐ ܕܐܝܤܪܝܠ ܀
25At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.
25ܘܟܕ ܡܫܠܡ ܗܘܐ ܝܘܚܢܢ ܬܫܡܫܬܗ ܐܡܪ ܗܘܐ ܡܢܘ ܤܒܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܐܝܬܝ ܠܐ ܗܘܝܬ ܐܢܐ ܐܠܐ ܗܐ ܐܬܐ ܒܬܪܝ ܗܘ ܕܠܐ ܫܘܐ ܐܢܐ ܕܐܫܪܐ ܥܪܩܐ ܕܡܤܢܘܗܝ ܀
26Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.
26ܓܒܪܐ ܐܚܝܢ ܒܢܝ ܫܪܒܬܗ ܕܐܒܪܗܡ ܘܐܝܠܝܢ ܕܕܚܠܝܢ ܥܡܟܘܢ ܠܐܠܗܐ ܠܟܘܢ ܗܘ ܐܫܬܕܪܬ ܡܠܬܐ ܕܚܝܐ ܀
27Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad ang hatol sa kaniya.
27ܗܠܝܢ ܓܝܪ ܥܡܘܪܐ ܕܐܘܪܫܠܡ ܘܪܫܢܝܗܘܢ ܠܐ ܐܪܓܫܘ ܒܗ ܐܦܠܐ ܒܟܬܒܐ ܕܢܒܝܐ ܕܡܬܩܪܝܢ ܒܟܠ ܫܒܐ ܐܠܐ ܕܢܘܗܝ ܘܫܠܡܘ ܗܠܝܢ ܕܟܬܝܒܢ ܀
28At bagaman hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.
28ܘܟܕ ܠܐ ܐܫܟܚܘ ܥܠܬܐ ܕܡܘܬܐ ܡܕܡ ܫܐܠܘ ܡܢ ܦܝܠܛܘܤ ܕܢܩܛܠܘܢܝܗܝ ܀
29At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.
29ܘܟܕ ܫܠܡܘ ܟܠܡܕܡ ܕܟܬܝܒ ܗܘܐ ܥܠܘܗܝ ܐܚܬܘܗܝ ܡܢ ܨܠܝܒܐ ܘܤܡܘܗܝ ܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܀
30Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng Dios sa mga patay:
30ܐܠܗܐ ܕܝܢ ܐܩܝܡܗ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܀
31At siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.
31ܘܐܬܚܙܝ ܝܘܡܬܐ ܤܓܝܐܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܤܠܩܘ ܥܡܗ ܡܢ ܓܠܝܠܐ ܠܐܘܪܫܠܡ ܘܗܢܘܢ ܐܢܘܢ ܗܫܐ ܤܗܕܘܗܝ ܠܘܬ ܥܡܐ ܀
32At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang,
32ܘܐܦ ܚܢܢ ܗܐ ܡܤܒܪܝܢܢ ܠܟܘܢ ܕܫܘܘܕܝܐ ܗܘ ܕܗܘܐ ܠܘܬ ܐܒܗܬܢ ܀
33Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.
33ܗܐ ܫܡܠܝܗ ܐܠܗܐ ܠܢ ܠܒܢܝܗܘܢ ܕܐܩܝܡ ܠܝܫܘܥ ܐܝܟ ܕܟܬܝܒ ܒܡܙܡܘܪܐ ܕܬܪܝܢ ܕܒܪܝ ܐܢܬ ܐܢܐ ܝܘܡܢܐ ܝܠܕܬܟ ܀
34At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.
34ܘܗܟܢܐ ܐܩܝܡܗ ܐܠܗܐ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܕܬܘܒ ܠܐ ܢܗܦܘܟ ܢܚܙܐ ܚܒܠܐ ܐܝܟ ܕܐܡܪ ܕܐܬܠ ܠܟܘܢ ܛܝܒܘܬܗ ܕܕܘܝܕ ܡܗܝܡܢܬܐ ܀
35Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
35ܘܬܘܒ ܐܡܪ ܒܕܘܟܬܐ ܐܚܪܬܐ ܕܠܐ ܝܗܒܬ ܠܚܤܝܟ ܕܢܚܙܐ ܚܒܠܐ ܀
36Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.
36ܕܘܝܕ ܓܝܪ ܒܫܪܒܬܗ ܫܡܫ ܨܒܝܢܗ ܕܐܠܗܐ ܘܫܟܒ ܘܐܬܬܘܤܦ ܥܠ ܐܒܗܘܗܝ ܘܚܙܐ ܚܒܠܐ ܀
37Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.
37ܗܢܐ ܕܝܢ ܕܐܩܝܡ ܐܠܗܐ ܠܐ ܚܙܐ ܚܒܠܐ ܀
38Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan:
38ܕܥܘ ܗܟܝܠ ܐܚܝ ܕܒܗ ܒܗܢܐ ܡܬܟܪܙ ܠܟܘܢ ܫܘܒܩܢ ܚܛܗܐ ܀
39At sa pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.
39ܘܡܢ ܟܠ ܕܠܐ ܐܫܟܚܬܘܢ ܒܢܡܘܤܐ ܕܡܘܫܐ ܕܬܙܕܕܩܘܢ ܒܗܢܐ ܟܠ ܕܡܗܝܡܢ ܡܙܕܕܩ ܀
40Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:
40ܐܙܕܗܪܘ ܗܟܝܠ ܕܠܡܐ ܢܐܬܐ ܥܠܝܟܘܢ ܡܕܡ ܕܟܬܝܒ ܒܢܒܝܐ ܀
41Tingnan ninyo, mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam: Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan, Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.
41ܕܚܙܘ ܡܒܤܪܢܐ ܘܬܬܡܗܘܢ ܘܬܬܚܒܠܘܢ ܕܥܒܕܐ ܥܒܕ ܐܢܐ ܒܝܘܡܝܟܘܢ ܐܝܢܐ ܕܠܐ ܬܗܝܡܢܘܢ ܐܢ ܐܢܫ ܡܫܬܥܐ ܠܟܘܢ ܀
42At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod.
42ܘܟܕ ܢܦܩܝܢ ܗܘܘ ܡܢ ܨܐܕܝܗܘܢ ܒܥܘ ܡܢܗܘܢ ܕܠܫܒܬܐ ܐܚܪܬܐ ܢܡܠܠܘܢ ܥܡܗܘܢ ܡܠܐ ܗܠܝܢ ܀
43Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.
43ܘܡܢ ܕܐܫܬܪܝܬ ܟܢܘܫܬܐ ܤܓܝܐܐ ܝܗܘܕܝܐ ܐܙܠܘ ܒܬܪܗܘܢ ܘܐܦ ܓܝܘܪܐ ܕܕܚܠܝܢ ܗܘܘ ܡܢ ܐܠܗܐ ܘܗܢܘܢ ܡܡܠܠܝܢ ܗܘܘ ܘܡܦܝܤܝܢ ܠܗܘܢ ܕܢܗܘܘܢ ܢܩܝܦܝܢ ܠܛܝܒܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
44At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.
44ܘܠܫܒܬܐ ܐܚܪܬܐ ܟܢܫܬ ܟܠܗ ܡܕܝܢܬܐ ܠܡܫܡܥ ܡܠܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
45Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong.
45ܘܟܕ ܚܙܘ ܝܗܘܕܝܐ ܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܐܬܡܠܝܘ ܚܤܡܐ ܘܩܝܡܝܢ ܗܘܘ ܠܘܩܒܠ ܡܠܐ ܕܐܡܪ ܗܘܐ ܦܘܠܘܤ ܘܡܓܕܦܝܢ ܗܘܘ ܀
46At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil.
46ܐܡܪ ܕܝܢ ܦܘܠܘܤ ܘܒܪܢܒܐ ܥܝܢ ܒܓܠܐ ܠܟܘܢ ܗܘ ܘܠܐ ܗܘܐ ܩܕܡܝܬ ܕܬܬܐܡܪ ܡܠܬܗ ܕܐܠܗܐ ܐܠܐ ܡܛܠ ܕܕܚܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܗ ܡܢܟܘܢ ܘܦܤܩܬܘܢ ܥܠ ܢܦܫܟܘܢ ܕܠܐ ܫܘܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܗܐ ܡܬܦܢܝܢܢ ܠܢ ܠܘܬ ܥܡܡܐ ܀
47Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.
47ܗܟܢܐ ܓܝܪ ܦܩܕܢ ܡܪܢ ܐܝܟ ܕܟܬܝܒ ܕܤܡܬܟ ܢܘܗܪܐ ܠܥܡܡܐ ܕܬܗܘܐ ܠܚܝܐ ܥܕܡܐ ܠܤܘܦܝܗ ܕܐܪܥܐ ܀
48At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.
48ܘܟܕ ܫܡܥܝܢ ܗܘܘ ܥܡܡܐ ܚܕܝܢ ܗܘܘ ܘܡܫܒܚܝܢ ܠܐܠܗܐ ܘܗܝܡܢܘ ܐܝܠܝܢ ܕܤܝܡܝܢ ܗܘܘ ܠܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܀
49At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.
49ܘܡܠܬܗ ܕܡܪܝܐ ܡܬܡܠܠܐ ܗܘܬ ܒܟܠܗ ܗܘ ܐܬܪܐ ܀
50Datapuwa't inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.
50ܝܗܘܕܝܐ ܕܝܢ ܓܪܓܘ ܠܪܫܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܘܠܢܫܐ ܥܬܝܪܬܐ ܐܝܠܝܢ ܕܕܚܠܢ ܗܘܝ ܥܡܗܘܢ ܠܐܠܗܐ ܘܐܩܝܡܘ ܪܕܘܦܝܐ ܥܠ ܦܘܠܘܤ ܘܥܠ ܒܪܢܒܐ ܘܐܦܩܘ ܐܢܘܢ ܡܢ ܬܚܘܡܝܗܘܢ ܀
51Datapuwa't ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa Iconio.
51ܘܟܕ ܢܦܩܘ ܢܦܨܘ ܥܠܝܗܘܢ ܚܠܐ ܕܪܓܠܝܗܘܢ ܘܐܬܘ ܠܗܘܢ ܠܐܝܩܢܘܢ ܡܕܝܢܬܐ ܀
52At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.
52ܘܬܠܡܝܕܐ ܡܬܡܠܝܢ ܗܘܘ ܚܕܘܬܐ ܘܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܀