1At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo'y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas.
1ܢܚܬܘ ܗܘܘ ܕܝܢ ܐܢܫܐ ܡܢ ܝܗܘܕ ܘܡܠܦܝܢ ܗܘܘ ܠܗܘܢ ܠܐܚܐ ܕܐܢ ܗܘ ܕܠܐ ܓܙܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܒܥܝܕܐ ܕܢܡܘܤܐ ܠܐ ܡܫܟܚܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܡܚܐ ܀
2At nang magkaroon si Pablo at si Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila, ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga matanda tungkol sa suliraning ito.
2ܘܗܘܐ ܫܓܘܫܝܐ ܤܓܝܐܐ ܘܒܥܬܐ ܠܦܘܠܘܤ ܘܠܒܪܢܒܐ ܥܡܗܘܢ ܘܗܘܬ ܕܢܤܩܘܢ ܦܘܠܘܤ ܘܒܪܢܒܐ ܘܐܚܪܢܐ ܥܡܗܘܢ ܠܘܬ ܫܠܝܚܐ ܘܩܫܝܫܐ ܕܒܐܘܪܫܠܡ ܡܛܠ ܗܕܐ ܒܥܬܐ ܀
3Sila nga, palibhasa'y inihatid ng iglesia sa kanilang paglalakbay, ay tinahak ang Fenicia at Samaria, na isinasaysay ang pagbabalik-loob ng mga Gentil: at sila'y nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid.
3ܘܠܘܝܬ ܫܕܪܬ ܐܢܘܢ ܥܕܬܐ ܘܪܕܝܢ ܗܘܘ ܒܟܠܗ ܦܘܢܝܩܐ ܘܐܦ ܒܝܬ ܫܡܪܝܐ ܟܕ ܡܫܬܥܝܢ ܗܘܘ ܥܠ ܦܘܢܝܐ ܕܥܡܡܐ ܘܥܒܕܝܢ ܗܘܘ ܚܕܘܬܐ ܪܒܬܐ ܠܟܠܗܘܢ ܐܚܐ ܀
4At nang sila'y magsidating sa Jerusalem, ay tinanggap sila ng iglesia at ng mga apostol at ng mga matanda, at isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa pamamagitan nila.
4ܘܟܕ ܐܬܘ ܠܐܘܪܫܠܡ ܐܬܩܒܠܘ ܡܢ ܥܕܬܐ ܘܡܢ ܫܠܝܚܐ ܘܡܢ ܩܫܝܫܐ ܘܐܫܬܥܝܘ ܠܗܘܢ ܟܠ ܡܐ ܕܥܒܕ ܥܡܗܘܢ ܐܠܗܐ ܀
5Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa sekta ng mga Fariseong nagsisampalataya na nangagsasabi, Kinakailangang sila'y tuliin, at sa kanila'y ipagbiling ganapin ang kautusan ni Moises.
5ܩܡܘ ܗܘܘ ܕܝܢ ܐܢܫܐ ܐܝܠܝܢ ܕܗܝܡܢܘ ܗܘܘ ܡܢ ܝܘܠܦܢܐ ܕܦܪܝܫܐ ܘܐܡܪܝܢ ܕܘܠܐ ܗܘ ܠܟܘܢ ܠܡܓܙܪ ܐܢܘܢ ܘܬܦܩܕܘܢ ܐܢܘܢ ܕܢܛܪܘܢ ܢܡܘܤܐ ܕܡܘܫܐ ܀
6At nangagkatipon ang mga apostol at ang mga matanda upang pagusapan ang bagay na ito.
6ܐܬܟܢܫܘ ܕܝܢ ܫܠܝܚܐ ܘܩܫܝܫܐ ܕܢܚܙܘܢ ܥܠ ܡܠܬܐ ܗܕܐ ܀
7At pagkatapos ng maraming pagtatalo, ay nagtindig si Pedro, at sinabi sa kanila, Mga kapatid, nalalaman ninyo na nang unang panahong nakaraan ay humirang ang Dios sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Gentil ang salita ng Evangelio, at sila'y magsisampalataya.
7ܘܟܕ ܗܘܬ ܒܥܬܐ ܤܓܝܐܬܐ ܩܡ ܫܡܥܘܢ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܓܒܪܐ ܐܚܝܢ ܐܢܬܘܢ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܡܢ ܝܘܡܬܐ ܩܕܡܝܐ ܡܢ ܦܘܡܝ ܕܝܠܝ ܓܒܐ ܐܠܗܐ ܕܢܫܡܥܘܢ ܥܡܡܐ ܡܠܬܐ ܕܤܒܪܬܐ ܘܢܗܝܡܢܘܢ ܀
8At ang Dios, na nakatataho ng puso, ay nagpatotoo sa kanila, na sa kanila'y ibinigay ang Espiritu Santo, na gaya naman ng kaniyang ginawa sa atin;
8ܘܐܠܗܐ ܕܝܕܥ ܕܒܠܒܘܬܐ ܐܤܗܕ ܥܠܝܗܘܢ ܘܝܗܒ ܠܗܘܢ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܐܝܟ ܕܠܢ ܀
9At tayo'y hindi niya itinangi sa kanila, na nilinis sa pamamagitan ng pananampalataya ang kanilang mga puso.
9ܘܡܕܡ ܠܐ ܦܪܫ ܒܝܢܝܢ ܘܠܗܘܢ ܡܛܠ ܕܕܟܝ ܒܗܝܡܢܘܬܐ ܠܒܘܬܗܘܢ ܀
10Ngayon nga bakit ninyo tinutukso ang Dios, na inyong nilalagyan ng pamatok ang batok ng mga alagad na kahit ang ating mga magulang ni tayo man ay hindi maaaring makadala?
10ܘܗܫܐ ܐܢܬܘܢ ܡܢܐ ܡܢܤܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܐܠܗܐ ܐܝܟ ܕܬܤܝܡܘܢ ܢܝܪܐ ܥܠ ܨܘܪܝܗܘܢ ܕܬܠܡܝܕܐ ܐܝܢܐ ܕܐܦܠܐ ܐܒܗܬܢ ܐܦܠܐ ܚܢܢ ܐܫܟܚܢ ܠܡܛܥܢ ܀
11Datapuwa't naniniwala tayo na tayo'y mangaliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, na gaya rin naman nila.
11ܐܠܐ ܒܛܝܒܘܬܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܡܗܝܡܢܝܢܢ ܕܢܚܐ ܐܟܘܬܗܘܢ ܀
12At nagsitahimik ang buong karamihan; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan nila.
12ܘܫܬܩܘ ܟܠܗ ܟܢܫܐ ܘܫܡܥܝܢ ܗܘܘ ܠܦܘܠܘܤ ܘܠܒܪܢܒܐ ܕܡܫܬܥܝܢ ܗܘܘ ܟܠ ܡܐ ܕܥܒܕ ܐܠܗܐ ܒܐܝܕܝܗܘܢ ܐܬܘܬܐ ܘܓܒܪܘܬܐ ܒܥܡܡܐ ܀
13At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid, pakinggan ninyo ako:
13ܘܒܬܪ ܕܫܬܩܘ ܩܡ ܝܥܩܘܒ ܘܐܡܪ ܓܒܪܐ ܐܚܝܢ ܫܘܡܥܘܢܝ ܀
14Sinaysay na ni Simeon kung paanong dinalaw na una ng Dios ang mga Gentil, upang kumuha sa kanila ng isang bayan sa kaniyang pangalan.
14ܫܡܥܘܢ ܐܫܬܥܝ ܠܟܘܢ ܐܝܟܢܐ ܫܪܝ ܐܠܗܐ ܠܡܓܒܐ ܡܢ ܥܡܡܐ ܥܡܐ ܠܫܡܗ ܀
15At dito'y nasasangayon ang mga salita ng mga propeta; gaya ng nasusulat,
15ܘܠܗܕܐ ܫܠܡܢ ܡܠܝܗܘܢ ܕܢܒܝܐ ܐܝܟ ܡܐ ܕܟܬܝܒ ܀
16Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako'y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito'y aking itatayo:
16ܕܡܢ ܒܬܪ ܗܠܝܢ ܐܗܦܘܟ ܘܐܩܝܡ ܡܫܟܢܗ ܕܕܘܝܕ ܐܝܢܐ ܕܢܦܠ ܘܐܒܢܐ ܡܕܡ ܕܢܦܠ ܡܢܗ ܘܐܩܝܡܝܘܗܝ ܀
17Upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon, At ng lahat ng mga Gentil, na tinatawag sa aking pangalan,
17ܐܝܟ ܕܢܒܥܘܢ ܫܪܟܗܘܢ ܕܒܢܝܢܫܐ ܠܡܪܝܐ ܘܟܠܗܘܢ ܥܡܡܐ ܐܝܠܝܢ ܕܐܬܩܪܝ ܫܡܝ ܥܠܝܗܘܢ ܐܡܪ ܡܪܝܐ ܕܥܒܕ ܗܠܝܢ ܟܠܗܝܢ ܀
18Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una.
18ܝܕܝܥܝܢ ܡܢ ܥܠܡ ܥܒܕܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܀
19Dahil dito'y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios;
19ܡܛܠ ܗܕܐ ܐܢܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܕܠܐ ܢܗܘܘܢ ܫܚܩܝܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܡܢ ܥܡܡܐ ܡܬܦܢܝܢ ܠܘܬ ܐܠܗܐ ܀
20Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.
20ܐܠܐ ܢܫܬܠܚ ܠܗܘܢ ܕܢܗܘܘܢ ܦܪܝܩܝܢ ܡܢ ܛܡܐܘܬܐ ܕܕܒܝܚܐ ܘܡܢ ܙܢܝܘܬܐ ܘܡܢ ܕܚܢܝܩܐ ܘܡܢ ܕܡܐ ܀
21Sapagka't si Moises mula nang unang panahon ay mayroon sa bawa't bayan na nangangaral tungkol sa kaniya, palibhasa'y binabasa sa mga sinagoga sa bawa't sabbath.
21ܡܘܫܐ ܓܝܪ ܡܢ ܕܪܐ ܩܕܡܝܐ ܒܟܠ ܡܕܝܢܐ ܐܝܬ ܗܘܐ ܠܗ ܟܪܘܙܐ ܒܟܢܘܫܬܐ ܕܒܟܠ ܫܒܝܢ ܩܪܝܢ ܠܗ ܀
22Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas na mga nangungulo sa mga kapatid:
22ܗܝܕܝܢ ܫܠܝܚܐ ܘܩܫܝܫܐ ܥܡ ܟܠܗ ܥܕܬܐ ܓܒܘ ܓܒܪܐ ܡܢܗܘܢ ܘܫܕܪܘ ܠܐܢܛܝܘܟܝ ܥܡ ܦܘܠܘܤ ܘܒܪܢܒܐ ܠܝܗܘܕܐ ܕܡܬܩܪܐ ܒܪ ܫܒܐ ܘܠܫܝܠܐ ܓܒܪܐ ܕܪܫܐ ܗܘܘ ܒܗܘܢ ܒܐܚܐ ܀
23At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia at Siria at Cilicia, ay bumabati:
23ܘܟܬܒܘ ܐܓܪܬܐ ܒܐܝܕܝܗܘܢ ܗܟܢܐ ܫܠܝܚܐ ܘܩܫܝܫܐ ܘܐܚܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬ ܒܐܢܛܝܘܟܝ ܘܒܤܘܪܝܐ ܘܒܩܝܠܝܩܝܐ ܐܚܐ ܕܡܢ ܥܡܡܐ ܫܠܡ ܀
24Sapagka't aming nabalitaan na ang ilang nagsialis sa amin ay nangangbagabag sa inyo ng mga salita, na isininsay ang inyong mga kaluluwa; na sa kanila'y hindi kami nangagutos ng anoman;
24ܫܡܝܥ ܠܢ ܕܐܢܫܝܢ ܡܢܢ ܢܦܩܘ ܘܕܠܚܟܘܢ ܒܡܠܐ ܘܐܗܦܟܘ ܢܦܫܬܟܘܢ ܟܕ ܐܡܪܝܢ ܕܬܗܘܘܢ ܓܙܪܝܢ ܘܢܛܪܝܢ ܢܡܘܤܐ ܐܝܠܝܢ ܕܚܢܢ ܠܐ ܦܩܕܢ ܐܢܘܢ ܀
25Ay minagaling namin, nang mapagkaisahan na, na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga minamahal na si Bernabe at si Pablo,
25ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܬܚܫܒܢ ܟܠܢ ܟܕ ܟܢܝܫܝܢܢ ܘܓܒܝܢ ܓܒܪܐ ܘܫܕܪܢ ܠܘܬܟܘܢ ܥܡ ܦܘܠܘܤ ܘܒܪܢܒܐ ܚܒܝܒܝܢ ܀
26Na mga lalaking nangagsapanganib ng kanilang mga buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo.
26ܐܢܫܐ ܕܐܫܠܡܘ ܢܦܫܬܗܘܢ ܚܠܦ ܫܡܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
27Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas, na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig.
27ܘܫܕܪܢ ܥܡܗܘܢ ܠܝܗܘܕܐ ܘܠܫܝܠܐ ܕܗܢܘܢ ܒܡܠܬܐ ܢܐܡܪܘܢ ܠܟܘܢ ܗܢܝܢ ܗܠܝܢ ܀
28Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
28ܗܘܐ ܓܝܪ ܨܒܝܢܐ ܠܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܘܐܦ ܠܢ ܕܠܐ ܢܬܬܤܝܡ ܥܠܝܟܘܢ ܝܘܩܪܐ ܝܬܝܪܐ ܠܒܪ ܡܢ ܗܠܝܢ ܕܐܠܨܢ ܀
29Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo. Paalam na sa inyo.
29ܕܬܬܪܚܩܘܢ ܡܢ ܕܕܒܝܚܐ ܘܡܢ ܕܡܐ ܘܡܢ ܚܢܝܩܐ ܘܡܢ ܙܢܝܘܬܐ ܕܟܕ ܬܛܪܘܢ ܢܦܫܟܘܢ ܡܢ ܗܠܝܢ ܫܦܝܪ ܬܗܘܘܢ ܗܘܘ ܫܪܝܪܝܢ ܒܡܪܢ ܀
30Kaya nga, nang sila'y mapayaon na, ay nagsilusong sa Antioquia; at nang matipon na nila ang karamihan, ay kanilang ibinigay ang sulat.
30ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܕܐܫܬܠܚܘ ܐܬܘ ܠܐܢܛܝܟܝܐ ܘܟܢܫܘ ܟܠܗ ܥܡܐ ܘܝܗܒܘ ܐܓܪܬܐ ܀
31At nang ito'y kanilang mabasa na, ay nangagalak dahil sa pagkaaliw.
31ܘܟܕ ܩܪܘ ܚܕܝܘ ܘܐܬܒܝܐܘ ܀
32Si Judas at si Silas, palibhasa'y mga propeta rin naman, ay inaralan ang mga kapatid ng maraming mga salita, at sila'y pinapagtibay.
32ܘܒܡܠܬܐ ܥܬܝܪܬܐ ܚܝܠܘ ܠܐܚܐ ܘܩܝܡܘ ܐܢܘܢ ܕܒܝܬ ܝܗܘܕܐ ܘܫܝܠܐ ܡܛܠ ܕܐܦ ܗܢܘܢ ܢܒܝܐ ܗܘܘ ܀
33At nang sila'y makapaggugol na ng ilang panahon doon, ay payapang pinapagbalik sila ng mga kapatid sa mga nagsipagsugo sa kanila.
33ܘܟܕ ܗܘܘ ܬܡܢ ܙܒܢܐ ܫܪܘ ܐܢܘܢ ܐܚܐ ܒܫܠܡܐ ܠܘܬ ܫܠܝܚܐ ܀
34Datapuwa't minagaling ni Silas ang matira roon.
34ܒܪܡ ܗܘܐ ܨܒܝܢܗ ܕܫܝܠܐ ܕܢܩܘܐ ܬܡܢ ܀
35Datapuwa't nangatira si Pablo at si Bernabe sa Antioquia, na itinuturo at ipinangangaral ang salita ng Panginoon, na kasama naman ng ibang marami.
35ܦܘܠܘܤ ܕܝܢ ܘܒܪܢܒܐ ܩܘܝܘ ܗܘܘ ܒܐܢܛܝܘܟܝ ܘܡܠܦܝܢ ܗܘܘ ܘܡܤܒܪܝܢ ܥܡ ܐܚܪܢܐ ܤܓܝܐܐ ܡܠܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
36At nang makaraan ang ilang araw ay sinabi ni Pablo kay Bernabe, Pagbalikan natin ngayon at dalawin ang mga kapatid sa bawa't bayang pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang lagay nila.
36ܘܒܬܪ ܝܘܡܬܐ ܐܡܪ ܦܘܠܘܤ ܠܒܪܢܒܐ ܢܬܦܢܐ ܘܢܤܥܘܪ ܠܐܚܐ ܕܒܟܠ ܡܕܝܢܐ ܕܐܟܪܙܢ ܒܗ ܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܢܚܙܐ ܡܢܐ ܥܒܝܕܝܢ ܀
37At inibig ni Bernabe na kanilang isama naman si Juan, na tinatawag na Marcos.
37ܒܪܢܒܐ ܕܝܢ ܨܒܐ ܗܘܐ ܕܢܕܒܪ ܠܝܘܚܢܢ ܗܘ ܕܐܬܟܢܝ ܡܪܩܘܤ ܀
38Datapuwa't hindi minagaling ni Pablo na isama nila ang humiwalay sa kanila mula sa Pamfilia, at hindi sumama sa kanila sa gawain.
38ܦܘܠܘܤ ܕܝܢ ܠܐ ܨܒܐ ܗܘܐ ܕܢܕܒܪܗ ܥܡܗܘܢ ܡܛܠ ܕܫܒܩ ܗܘܐ ܐܢܘܢ ܟܕ ܗܢܘܢ ܒܦܡܦܘܠܝܐ ܘܠܐ ܐܙܠ ܥܡܗܘܢ ܀
39At nagkaroon ng pagtatalo, ano pa't sila'y naghiwalay, at isinama ni Bernabe si Marcos, at lumayag sa Chipre:
39ܡܛܠ ܗܢܐ ܚܪܝܢܐ ܦܪܫܘ ܚܕ ܡܢ ܚܕ ܘܒܪܢܒܐ ܕܒܪ ܠܡܪܩܘܤ ܘܪܕܘ ܒܝܡܐ ܘܐܙܠܘ ܠܗܘܢ ܠܩܘܦܪܘܤ ܀
40Datapuwa't hinirang ni Pablo si Silas, at yumaon, na sila'y ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon.
40ܦܘܠܘܤ ܕܝܢ ܓܒܐ ܠܗ ܠܫܝܠܐ ܘܢܦܩ ܟܕ ܡܓܥܠ ܡܢ ܐܚܐ ܠܛܝܒܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
41At kaniyang tinahak ang Siria at Cilicia, na pinagtitibay ang mga iglesia.
41ܘܪܕܐ ܗܘܐ ܒܤܘܪܝܐ ܘܒܩܝܠܝܩܝܐ ܘܡܩܝܡ ܥܕܬܐ ܀