1Si Pablo, na apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at ang kapatid nating si Timoteo,
1ܦܘܠܘܤ ܫܠܝܚܐ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܨܒܝܢܗ ܕܐܠܗܐ ܘܛܝܡܬܐܘܤ ܐܚܐ ܀
2Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama.
2ܠܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬ ܒܩܘܠܤܘܤ ܐܚܐ ܩܕܝܫܐ ܘܡܗܝܡܢܐ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܫܠܡܐ ܥܡܟܘܢ ܘܛܝܒܘܬܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܐܒܘܢ ܀
3Nagpapasalamat kami sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin,
3ܡܘܕܝܢܢ ܠܐܠܗܐ ܐܒܘܗܝ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܟܠܙܒܢ ܘܡܨܠܝܢܢ ܥܠܝܟܘܢ ܀
4Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal,
4ܗܐ ܡܢ ܕܫܡܥܢ ܗܝܡܢܘܬܟܘܢ ܕܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܘܚܘܒܟܘܢ ܕܠܘܬ ܟܠܗܘܢ ܩܕܝܫܐ ܀
5Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio,
5ܡܛܠ ܤܒܪܐ ܗܘ ܕܢܛܝܪ ܠܟܘܢ ܒܫܡܝܐ ܗܘ ܕܡܢ ܩܕܝܡ ܫܡܥܬܘܢ ܒܡܠܬܐ ܕܩܘܫܬܐ ܕܤܒܪܬܐ ܀
6Na ito'y dumating sa inyo; gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman ang biyaya ng Dios sa katotohanan;
6ܗܝ ܕܐܬܟܪܙܬ ܠܟܘܢ ܐܝܟ ܕܐܦ ܠܟܠܗ ܥܠܡܐ ܘܪܒܝܐ ܘܝܗܒܐ ܦܐܪܐ ܐܝܟܢܐ ܕܐܦ ܒܟܘܢ ܡܢ ܝܘܡܐ ܕܫܡܥܬܘܢ ܘܐܫܬܘܕܥܬܘܢ ܛܝܒܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܒܩܘܫܬܐ ܀
7Ayon sa inyong natutuhan kay Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin;
7ܐܝܟ ܡܐ ܕܝܠܦܬܘܢ ܡܢ ܐܦܦܪܐ ܟܢܬܢ ܚܒܝܒܐ ܕܗܘ ܐܝܬܘܗܝ ܚܠܦܝܟܘܢ ܡܫܡܫܢܐ ܡܗܝܡܢܐ ܕܡܫܝܚܐ ܀
8Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong pagibig sa Espiritu.
8ܘܗܘ ܐܘܕܥܢ ܚܘܒܟܘܢ ܕܒܪܘܚܐ ܀
9Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,
9ܡܛܠܗܢܐ ܐܦ ܚܢܢ ܡܢ ܝܘܡܐ ܕܫܡܥܢ ܠܐ ܫܠܝܢܢ ܠܡܨܠܝܘ ܥܠܝܟܘܢ ܘܠܡܫܐܠ ܕܬܬܡܠܘܢ ܝܕܥܬܐ ܕܨܒܝܢܗ ܕܐܠܗܐ ܒܟܠ ܚܟܡܐ ܘܒܟܠ ܤܘܟܠ ܕܪܘܚ ܀
10Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;
10ܕܬܗܠܟܘܢ ܐܝܟ ܕܙܕܩ ܘܬܫܦܪܘܢ ܠܐܠܗܐ ܒܟܠ ܥܒܕܝܢ ܛܒܝܢ ܘܬܬܠܘܢ ܦܐܪܐ ܘܬܪܒܘܢ ܒܝܕܥܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
11Na kayo'y palakasin ng buong kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;
11ܘܒܟܠ ܚܝܠ ܬܬܚܝܠܘܢ ܐܝܟ ܪܒܘܬܐ ܕܫܘܒܚܗ ܒܟܠ ܡܤܝܒܪܢܘ ܘܒܡܓܪܬ ܪܘܚ ܘܒܚܕܘܬܐ ܀
12Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;
12ܬܘܕܘܢ ܠܐܠܗܐ ܐܒܐ ܕܐܫܘܝܢ ܠܡܢܬܐ ܕܝܪܬܘܬܐ ܕܩܕܝܫܐ ܒܢܘܗܪܐ ܀
13Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;
13ܘܦܪܩܢ ܡܢ ܫܘܠܛܢܗ ܕܚܫܘܟܐ ܘܐܝܬܝܢ ܠܡܠܟܘܬܐ ܕܒܪܗ ܚܒܝܒܐ ܀
14Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:
14ܗܘ ܕܒܗ ܐܝܬ ܠܢ ܦܘܪܩܢܐ ܘܫܘܒܩܢܐ ܕܚܛܗܐ ܀
15Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;
15ܗܘ ܕܗܘܝܘ ܕܡܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܕܠܐ ܡܬܚܙܐ ܘܒܘܟܪܐ ܕܟܠܗܝܢ ܒܪܝܬܐ ܀
16Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;
16ܘܒܗ ܐܬܒܪܝ ܟܠܡܕܡ ܕܒܫܡܝܐ ܘܒܐܪܥܐ ܟܠ ܕܡܬܚܙܐ ܘܟܠ ܕܠܐ ܡܬܚܙܐ ܐܢ ܡܘܬܒܐ ܘܐܢ ܡܪܘܬܐ ܘܐܢ ܐܪܟܘܤ ܘܐܢ ܫܘܠܛܢܐ ܟܠܡܕܡ ܒܐܝܕܗ ܘܒܗ ܐܬܒܪܝ ܀
17At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.
17ܘܗܘܝܘ ܕܡܢ ܩܕܡ ܟܠ ܘܟܠܡܕܡ ܒܗ ܩܐܡ ܀
18At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.
18ܘܗܘܝܘ ܪܫܐ ܕܦܓܪܐ ܕܥܕܬܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܪܫܐ ܘܒܘܟܪܐ ܕܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܕܢܗܘܐ ܩܕܡܝ ܒܟܠ ܀
19Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;
19ܕܒܗ ܗܘ ܨܒܐ ܟܠܗ ܡܘܠܝܐ ܠܡܥܡܪ ܀
20At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.
20ܘܒܐܝܕܗ ܠܡܪܥܝܘ ܠܗ ܟܠܡܕܡ ܘܫܝܢ ܒܕܡܐ ܕܙܩܝܦܗ ܒܐܝܕܘܗܝ ܐܢ ܕܒܐܪܥܐ ܘܐܢ ܕܒܫܡܝܐ ܀
21At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.
21ܐܦ ܠܟܘܢ ܕܡܢ ܩܕܝܡ ܢܘܟܪܝܐ ܗܘܝܬܘܢ ܘܒܥܠܕܒܒܐ ܒܪܥܝܢܝܟܘܢ ܡܛܠ ܥܒܕܝܟܘܢ ܒܝܫܐ ܫܝܢܟܘܢ ܗܫܐ ܀
22Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya:
22ܒܦܓܪܐ ܕܒܤܪܗ ܘܒܡܘܬܗ ܕܢܩܝܡܟܘܢ ܩܕܡܘܗܝ ܩܕܝܫܝܢ ܕܠܐ ܡܘܡ ܘܕܠܐ ܪܫܝܢ ܀
23Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.
23ܐܢ ܬܩܘܘܢ ܒܗܝܡܢܘܬܟܘܢ ܟܕ ܫܪܝܪܐ ܫܬܐܤܬܟܘܢ ܘܠܐ ܡܬܬܙܝܥܝܬܘܢ ܡܢ ܤܒܪܐ ܕܐܘܢܓܠܝܘܢ ܗܘ ܕܫܡܥܬܘܢ ܕܐܬܟܪܙ ܒܟܠܗ ܒܪܝܬܐ ܕܬܚܝܬ ܫܡܝܐ ܗܘ ܕܐܢܐ ܦܘܠܘܤ ܗܘܝܬ ܡܫܡܫܢܗ ܀
24Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;
24ܘܚܕܐ ܐܢܐ ܒܚܫܐ ܕܥܠ ܐܦܝܟܘܢ ܘܡܡܠܐ ܐܢܐ ܚܤܝܪܘܬܐ ܕܐܘܠܨܢܘܗܝ ܕܡܫܝܚܐ ܒܒܤܪܝ ܚܠܦ ܦܓܪܗ ܕܐܝܬܘܗܝ ܥܕܬܐ ܀
25Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,
25ܗܝ ܕܐܢܐ ܗܘܝܬ ܡܫܡܫܢܗ ܐܝܟ ܡܕܒܪܢܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܕܐܬܝܗܒܬ ܠܝ ܒܟܘܢ ܕܐܫܡܠܐ ܡܠܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
26Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal,
26ܐܪܙܐ ܗܘ ܕܡܟܤܝ ܗܘܐ ܡܢ ܥܠܡܐ ܘܡܢ ܕܪܐ ܗܫܐ ܕܝܢ ܐܬܓܠܝ ܠܩܕܝܫܘܗܝ ܀
27Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:
27ܠܐܝܠܝܢ ܕܨܒܐ ܐܠܗܐ ܕܢܘܕܥ ܡܢܘ ܥܘܬܪܐ ܕܫܘܒܚܗ ܕܐܪܙܐ ܗܢܐ ܒܥܡܡܐ ܕܗܘܝܘ ܡܫܝܚܐ ܕܒܟܘܢ ܤܒܪܐ ܕܫܘܒܚܢ ܀
28Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinuturuan ang bawa't tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao;
28ܗܘ ܕܚܢܢ ܡܟܪܙܝܢܢ ܘܡܠܦܝܢܢ ܘܡܤܟܠܝܢܢ ܠܟܠ ܒܪܢܫ ܒܟܠ ܚܟܡܐ ܕܢܩܝܡ ܠܟܠ ܒܪܢܫ ܟܕ ܓܡܝܪ ܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
29Na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan.
29ܒܗܕܐ ܗܘ ܓܝܪ ܐܦ ܥܡܠ ܐܢܐ ܘܡܬܟܬܫ ܐܢܐ ܒܡܥܕܪܢܘܬܐ ܕܚܝܠܐ ܕܡܬܝܗܒ ܠܝ ܀