1Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin.
1ܩܘܡܘ ܗܟܝܠ ܒܚܐܪܘܬܐ ܗܝ ܕܡܫܝܚܐ ܚܪܪܢ ܘܠܐ ܬܬܟܕܢܘܢ ܬܘܒ ܒܢܝܪܐ ܕܥܒܕܘܬܐ ܀
2Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.
2ܗܐ ܐܢܐ ܦܘܠܘܤ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܐܢ ܬܬܓܙܪܘܢ ܡܫܝܚܐ ܡܕܡ ܠܐ ܡܗܢܐ ܠܟܘܢ ܀
3Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.
3ܡܤܗܕ ܐܢܐ ܕܝܢ ܬܘܒ ܠܟܠ ܒܪܢܫ ܕܡܬܓܙܪ ܕܚܝܒ ܗܘ ܕܟܠܗ ܢܡܘܤܐ ܢܥܒܕ ܀
4Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya.
4ܐܬܒܛܠܬܘܢ ܠܟܘܢ ܡܢ ܡܫܝܚܐ ܐܝܠܝܢ ܕܒܢܡܘܤܐ ܡܙܕܕܩܝܬܘܢ ܘܡܢ ܛܝܒܘܬܐ ܢܦܠܬܘܢ ܀
5Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran.
5ܚܢܢ ܓܝܪ ܒܪܘܚܐ ܕܡܢ ܗܝܡܢܘܬܐ ܠܤܒܪܐ ܕܙܕܝܩܘܬܐ ܡܩܘܝܢܢ ܀
6Sapagka't kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.
6ܒܡܫܝܚܐ ܓܝܪ ܝܫܘܥ ܠܐ ܓܙܘܪܬܐ ܡܕܡ ܐܝܬܝܗ ܘܠܐ ܥܘܪܠܘܬܐ ܐܠܐ ܗܝܡܢܘܬܐ ܕܡܬܓܡܪܐ ܒܚܘܒܐ ܀
7Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?
7ܫܦܝܪ ܪܗܛܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܡܢܘ ܕܘܕܟܘܢ ܕܠܫܪܪܐ ܠܐ ܬܬܛܦܝܤܘܢ ܀
8Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo.
8ܦܝܤܟܘܢ ܠܐ ܗܘܐ ܡܢ ܗܘ ܕܩܪܟܘܢ ܀
9Ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak.
9ܚܡܝܪܐ ܩܠܝܠ ܟܠܗ ܓܒܝܠܬܐ ܡܚܡܥ ܀
10Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.
10ܐܢܐ ܬܟܝܠ ܐܢܐ ܥܠܝܟܘܢ ܒܡܪܢ ܕܡܕܡ ܐܚܪܝܢ ܠܐ ܡܬܪܥܝܬܘܢ ܘܐܝܢܐ ܕܕܠܚ ܠܟܘܢ ܗܘ ܢܤܝܒܪܝܘܗܝ ܠܕܝܢܐ ܡܢ ܕܐܝܬܘܗܝ ܀
11Nguni't ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa krus.
11ܐܢܐ ܕܝܢ ܐܚܝ ܐܠܘ ܥܕܟܝܠ ܓܙܘܪܬܐ ܡܟܪܙ ܗܘܝܬ ܠܡܢܐ ܡܬܪܕܦ ܗܘܝܬ ܕܠܡܐ ܐܬܒܛܠ ܠܗ ܟܫܠܗ ܕܙܩܝܦܐ ܀
12Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng higit sa pagtutuli.
12ܐܫܬܘܦ ܕܝܢ ܐܦ ܡܦܤܩ ܢܦܤܩܘܢ ܗܢܘܢ ܕܕܠܚܝܢ ܠܟܘܢ ܀
13Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.
13ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܠܚܐܪܘܬܐ ܗܘ ܐܬܩܪܝܬܘܢ ܐܚܝ ܒܠܚܘܕ ܠܐ ܬܗܘܐ ܚܐܪܘܬܟܘܢ ܠܥܠܬ ܒܤܪܐ ܐܠܐ ܒܚܘܒܐ ܗܘܝܬܘܢ ܡܫܬܥܒܕܝܢ ܚܕ ܠܚܕ ܀
14Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.
14ܟܠܗ ܓܝܪ ܢܡܘܤܐ ܒܚܕܐ ܡܠܬܐ ܡܬܡܠܐ ܒܗܝ ܕܬܚܒ ܠܩܪܝܒܟ ܐܝܟ ܢܦܫܟ ܀
15Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.
15ܐܢ ܕܝܢ ܚܕ ܠܚܕ ܡܢܟܬܝܬܘܢ ܘܐܟܠܝܬܘܢ ܚܙܘ ܕܠܡܐ ܚܕ ܡܢ ܚܕ ܬܤܘܦܘܢ ܀
16Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.
16ܐܡܪ ܐܢܐ ܕܝܢ ܕܒܪܘܚܐ ܗܘܝܬܘܢ ܡܗܠܟܝܢ ܘܪܓܬܐ ܕܒܤܪܐ ܠܐ ܡܢ ܡܬܘܡ ܬܥܒܕܘܢ ܀
17Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.
17ܒܤܪܐ ܓܝܪ ܪܐܓ ܡܕܡ ܕܢܟܐ ܠܪܘܚܐ ܘܪܘܚܐ ܪܓܐ ܡܕܡ ܕܢܟܐ ܠܒܤܪܐ ܘܬܪܝܗܘܢ ܤܩܘܒܠܐ ܐܢܘܢ ܚܕ ܕܚܕ ܕܠܐ ܡܕܡ ܕܨܒܝܬܘܢ ܬܗܘܘܢ ܥܒܕܝܢ ܀
18Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.
18ܐܢ ܕܝܢ ܒܪܘܚܐ ܡܬܕܒܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܐ ܗܘܝܬܘܢ ܬܚܝܬ ܢܡܘܤܐ ܀
19At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
19ܝܕܝܥܝܢ ܐܢܘܢ ܓܝܪ ܥܒܕܘܗܝ ܕܒܤܪܐ ܕܐܝܬܝܗܘܢ ܙܢܝܘܬܐ ܛܢܦܘܬܐ ܨܚܢܘܬܐ ܀
20Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
20ܦܘܠܚܢܐ ܕܦܬܟܪܐ ܚܪܫܘܬܐ ܒܥܠܕܒܒܘܬܐ ܚܪܝܢܐ ܛܢܢܐ ܚܡܬܐ ܥܨܝܢܐ ܦܠܓܘܬܐ ܤܕܩܐ ܀
21Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.
21ܚܤܡܐ ܩܛܠܐ ܪܘܝܘܬܐ ܙܡܪܐ ܘܟܠ ܕܠܗܠܝܢ ܕܡܝܢ ܘܐܝܠܝܢ ܕܗܠܝܢ ܤܥܪܝܢ ܐܝܟ ܕܡܢ ܠܘܩܕܡ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܐܦ ܗܫܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܕܡܠܟܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܠܐ ܝܪܬܝܢ ܀
22Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,
22ܦܐܪܐ ܕܝܢ ܕܪܘܚܐ ܐܝܬܝܗܘܢ ܚܘܒܐ ܚܕܘܬܐ ܫܠܡܐ ܡܓܪܬ ܪܘܚܐ ܒܤܝܡܘܬܐ ܛܒܘܬܐ ܗܝܡܢܘܬܐ ܀
23Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.
23ܡܟܝܟܘܬܐ ܡܤܝܒܪܢܘܬܐ ܥܠ ܗܠܝܢ ܢܡܘܤܐ ܠܐ ܤܝܡ ܀
24At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.
24ܐܝܠܝܢ ܕܝܢ ܕܕܡܫܝܚܐ ܐܢܘܢ ܒܤܪܗܘܢ ܙܩܦܘ ܥܡ ܟܠܗܘܢ ܟܐܒܘܗܝ ܘܪܓܝܓܬܗ ܀
25Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.
25ܢܚܐ ܗܟܝܠ ܒܪܘܚܐ ܘܠܪܘܚܐ ܢܫܠܡ ܀
26Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.
26ܘܠܐ ܢܗܘܐ ܤܪܝܩܝ ܫܘܒܚܐ ܕܡܩܠܝܢ ܚܕ ܥܠ ܚܕ ܘܚܤܡܝܢ ܚܕ ܒܚܕ ܀