Tagalog 1905

Syriac: NT

Hebrews

13

1Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid.
1ܚܘܒܐ ܕܐܚܐ ܢܟܬܪ ܒܟܘܢ ܀
2Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.
2ܘܪܚܡܬܐ ܕܐܟܤܢܝܐ ܠܐ ܬܛܥܘܢ ܒܗܕܐ ܓܝܪ ܫܘܘ ܐܢܫܐ ܕܟܕ ܠܐ ܪܓܝܫܝܢ ܢܩܒܠܘܢ ܡܠܐܟܐ ܀
3Alalahanin ninyo ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.
3ܥܗܕܘ ܠܐܝܠܝܢ ܕܐܤܝܪܝܢ ܐܝܟ ܗܘ ܕܥܡܗܘܢ ܐܤܝܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܐܬܕܟܪܘ ܠܐܝܠܝܢ ܕܐܠܝܨܝܢ ܐܝܟ ܐܢܫܐ ܕܒܤܪܐ ܠܒܝܫܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
4Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.
4ܡܝܩܪ ܗܘ ܙܘܘܓܐ ܒܟܠ ܘܥܪܤܗܘܢ ܕܟܝܐ ܗܝ ܠܙܢܝܐ ܕܝܢ ܘܠܓܝܪܐ ܕܐܢ ܐܠܗܐ ܀
5Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.
5ܠܐ ܗܘܐ ܪܚܡ ܟܤܦܐ ܪܥܝܢܟܘܢ ܐܠܐ ܢܤܦܩ ܠܟܘܢ ܡܕܡ ܕܐܝܬ ܠܟܘܢ ܗܘ ܓܝܪ ܡܪܝܐ ܐܡܪ ܕܠܐ ܐܫܒܩܟ ܘܠܐ ܐܪܦܐ ܒܟ ܐܝܕܝܐ ܀
6Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?
6ܘܐܝܬ ܠܢ ܕܢܐܡܪ ܬܟܝܠܐܝܬ ܡܪܝ ܡܥܕܪܢܝ ܠܐ ܐܕܚܠ ܡܢܐ ܥܒܕ ܠܝ ܒܪܢܫܐ ܀
7Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.
7ܗܘܝܬܘܢ ܥܗܕܝܢ ܠܡܕܒܪܢܝܟܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܡܠܠܘ ܥܡܟܘܢ ܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܐܬܒܩܘ ܒܫܘܠܡܐ ܕܕܘܒܪܝܗܘܢ ܘܡܪܘ ܒܗܝܡܢܘܬܗܘܢ ܀
8Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.
8ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܐܬܡܠܝ ܘܝܘܡܢܐ ܗܘܝܘ ܘܠܥܠܡ ܀
9Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.
9ܠܝܘܠܦܢܐ ܢܘܟܪܝܐ ܘܡܫܚܠܦܐ ܠܐ ܬܬܕܒܪܘܢ ܫܦܝܪ ܗܘ ܓܝܪ ܕܒܛܝܒܘܬܐ ܢܫܪܪ ܠܒܘܬܢ ܘܠܐ ܒܡܐܟܠܬܐ ܡܛܠ ܕܠܐ ܐܬܥܕܪܘ ܐܝܠܝܢ ܕܗܠܟܘ ܒܗܝܢ ܀
10Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo.
10ܐܝܬ ܠܢ ܕܝܢ ܡܕܒܚܐ ܕܠܐ ܫܠܝܛ ܠܡܐܟܠ ܡܢܗ ܠܗܢܘܢ ܕܒܡܫܟܢܐ ܡܫܡܫܝܢ ܀
11Sapagka't ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento.
11ܚܝܘܬܐ ܓܝܪ ܗܠܝܢ ܕܡܥܠ ܗܘܐ ܕܡܗܝܢ ܪܒ ܟܘܡܪܐ ܠܒܝܬ ܡܩܕܫܐ ܚܠܦ ܚܛܗܐ ܒܤܪܗܝܢ ܝܩܕ ܗܘܐ ܠܒܪ ܡܢ ܡܫܪܝܬܐ ܀
12Kaya naman si Jesus, upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay nagbata sa labas ng pintuan.
12ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܦ ܝܫܘܥ ܕܢܩܕܫ ܠܥܡܗ ܒܕܡܗ ܠܒܪ ܡܢ ܡܕܝܢܬܐ ܚܫ ܀
13Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta.
13ܘܐܦ ܚܢܢ ܗܟܝܠ ܢܦܘܩ ܠܘܬܗ ܠܒܪ ܡܢ ܡܫܪܝܬܐ ܟܕ ܫܩܝܠܝܢܢ ܚܤܕܗ ܀
14Sapagka't dito'y wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating.
14ܠܝܬ ܠܢ ܓܝܪ ܡܕܝܢܬܐ ܕܡܩܘܝܐ ܗܪܟܐ ܐܠܐ ܠܐܝܕܐ ܕܥܬܝܕܐ ܡܤܟܝܢܢ ܀
15Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.
15ܘܒܐܝܕܗ ܢܤܩ ܕܒܚܐ ܕܬܫܒܘܚܬܐ ܒܟܠܙܒܢ ܠܐܠܗܐ ܕܐܝܬܝܗ ܦܐܪܐ ܕܤܦܘܬܐ ܕܡܘܕܝܢ ܠܫܡܗ ܀
16Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.
16ܘܠܐ ܬܛܥܘܢ ܡܪܚܡܢܘܬܐ ܘܫܘܬܦܘܬܐ ܕܡܤܟܢܐ ܒܗܠܝܢ ܓܝܪ ܕܒܚܐ ܫܦܪ ܐܢܫ ܠܐܠܗܐ ܀
17Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.
17ܐܬܛܦܝܤܘ ܠܡܕܒܪܢܝܟܘܢ ܘܐܫܬܡܥܘ ܠܗܘܢ ܗܢܘܢ ܓܝܪ ܫܗܪܝܢ ܚܠܦ ܢܦܫܬܟܘܢ ܐܝܟ ܐܢܫܐ ܕܝܗܒܝܢ ܚܘܫܒܢܟܘܢ ܕܒܚܕܘܬܐ ܢܗܘܘܢ ܥܒܕܝܢ ܗܕܐ ܘܠܐ ܒܬܢܚܬܐ ܡܛܠ ܕܠܐ ܦܩܚܐ ܠܟܘܢ ܀
18Idalangin ninyo kami: sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay.
18ܨܠܘ ܥܠܝܢ ܬܟܝܠܝܢܢ ܓܝܪ ܕܬܐܪܬܐ ܛܒܬܐ ܐܝܬ ܠܢ ܕܒܟܠܡܕܡ ܨܒܝܢܢ ܕܫܦܝܪ ܢܬܕܒܪ ܀
19At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito, upang ako'y masauli na lalong madali sa inyo.
19ܝܬܝܪܐܝܬ ܒܥܐ ܐܢܐ ܡܢܟܘܢ ܕܬܥܒܕܘܢ ܗܕܐ ܕܒܥܓܠ ܐܬܦܢܐ ܠܟܘܢ ܀
20Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus,
20ܐܠܗܐ ܕܝܢ ܕܫܠܡܐ ܗܘ ܕܐܤܩ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܠܪܥܝܐ ܪܒܐ ܕܡܪܥܝܬܐ ܒܕܡܐ ܕܕܝܬܩܐ ܕܠܥܠܡ ܕܐܝܬܘܗܝ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܡܪܢ ܀
21Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
21ܗܘ ܢܓܡܘܪܟܘܢ ܒܟܠ ܥܒܕ ܛܒ ܕܬܥܒܕܘܢ ܨܒܝܢܗ ܘܗܘ ܢܤܥܘܪ ܒܢ ܡܕܡ ܕܫܦܝܪ ܩܕܡܘܗܝ ܒܝܕ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܕܠܗ ܫܘܒܚܐ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܐܡܝܢ ܀
22Datapuwa't ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na inyong pagtiisan ang salitang iniaral: sapagka't kayo'y sinulatan ko ng ilang salita.
22ܒܥܐ ܐܢܐ ܕܝܢ ܡܢܟܘܢ ܐܚܝ ܕܬܓܪܘܢ ܪܘܚܟܘܢ ܒܡܠܬܐ ܕܒܘܝܐܐ ܡܛܠ ܕܒܙܥܘܪܝܬܐ ܗܘ ܟܬܒܬ ܠܟܘܢ ܀
23Inyong talastasin na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinawalan na; na kung siya'y dumating na madali, kayo'y makikita kong kasama niya.
23ܕܥܘ ܕܝܢ ܠܐܚܘܢ ܛܝܡܬܐܘܤ ܕܐܫܬܪܝ ܘܐܢ ܒܥܓܠ ܢܐܬܐ ܥܡܗ ܐܚܙܝܟܘܢ ܀
24Batiin ninyo ang lahat ng mga namiminuno sa inyo, at ang lahat ng mga banal. Kayo'y binabati ng nangasa Italia.
24ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܐ ܕܟܠܗܘܢ ܡܕܒܪܢܝܟܘܢ ܘܕܟܠܗܘܢ ܩܕܝܫܐ ܫܐܠܝܢ ܒܫܠܡܟܘܢ ܟܠܗܘܢ ܕܡܢ ܐܝܛܠܝܐ ܀
25Ang biyaya'y sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
25ܛܝܒܘܬܐ ܥܡ ܟܠܟܘܢ ܐܡܝܢ ܀ ܀ ܫܥܡܐܐ ܀