Tagalog 1905

Syriac: NT

James

3

1Huwag maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang nalalamang tayo'y tatanggap ng lalong mabigat na hatol.
1ܠܐ ܤܓܝܐܐ ܡܠܦܢܐ ܢܗܘܘܢ ܒܟܘܢ ܐܚܝ ܐܠܐ ܗܘܝܬܘܢ ܝܕܥܝܢ ܕܕܝܢܐ ܝܬܝܪܐ ܚܝܒܝܢܢ ܀
2Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan.
2ܤܓܝܐܬܐ ܓܝܪ ܡܫܬܪܥܝܢܢ ܟܠܢ ܟܠ ܕܒܡܠܬܐ ܠܐ ܫܪܥ ܗܢܐ ܐܝܬܘܗܝ ܓܒܪܐ ܓܡܝܪܐ ܕܡܫܟܚ ܢܫܥܒܕ ܐܦ ܟܠܗ ܦܓܪܗ ܀
3Kung atin ngang inilalagay ang mga preno ng kabayo sa kanilang mga bibig, upang tayo'y talimahin, ay ibinabaling din naman natin ang kanilang buong katawan.
3ܗܐ ܓܝܪ ܦܓܘܕܐ ܒܦܘܡܐ ܕܪܟܫܐ ܪܡܝܢܢ ܐܝܟ ܕܢܫܬܥܒܕܘܢ ܠܢ ܘܟܠܗ ܓܘܫܡܗܘܢ ܡܗܦܟܝܢܢ ܀
4Narito, ang mga daong naman, bagama't lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, gayon ma'y sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napapabaling kung saan ibig ng tagaugit.
4ܐܦ ܐܠܦܐ ܥܫܝܢܬܐ ܟܕ ܕܒܝܪܢ ܠܗܝܢ ܪܘܚܐ ܩܫܝܬܐ ܡܢ ܩܝܤܐ ܙܥܘܪܐ ܡܬܢܬܦܢ ܠܐܬܪ ܕܚܐܪ ܨܒܝܢܗ ܕܗܘ ܕܡܕܒܪ ܀
5Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy!
5ܗܟܢܐ ܐܦ ܠܫܢܐ ܗܕܡܐ ܗܘ ܙܥܘܪܐ ܘܡܫܬܥܠܐ ܐܦ ܢܘܪܐ ܙܥܘܪܬܐ ܥܒܐ ܤܓܝܐܐ ܡܘܩܕܐ ܀
6At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.
6ܘܠܫܢܐ ܢܘܪܐ ܗܘ ܘܥܠܡܐ ܕܚܛܝܬܐ ܐܝܟ ܥܒܐ ܗܘ ܘܗܘ ܠܫܢܐ ܟܕ ܐܝܬܘܗܝ ܒܗܕܡܝܢ ܡܟܬܡ ܠܗ ܠܟܠܗ ܦܓܪܢ ܘܡܘܩܕ ܝܘܒܠܐ ܕܫܪܒܬܢ ܕܪܗܛܝܢ ܐܝܟ ܓܝܓܠܐ ܘܝܩܕ ܐܦ ܗܘ ܒܢܘܪܐ ܀
7Sapagka't ang bawa't uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga nagsisiusad at mga bagay sa dagat, ay pinaaamo, at napaaamo ng tao:
7ܟܠܗܘܢ ܓܝܪ ܟܝܢܐ ܕܚܝܘܬܐ ܘܕܦܪܚܬܐ ܘܪܚܫܐ ܕܝܡܐ ܘܕܝܒܫܐ ܡܫܬܥܒܕܝܢ ܠܟܝܢܐ ܕܐܢܫܘܬܐ ܀
8Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.
8ܠܫܢܐ ܕܝܢ ܐܢܫ ܠܐ ܐܫܟܚ ܕܢܟܒܫܝܘܗܝ ܒܝܫܬܐ ܗܕܐ ܕܠܐ ܡܬܬܟܤܐ ܡܠܐ ܗܘ ܤܡܐ ܕܡܘܬܐ ܀
9Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios:
9ܒܗ ܡܒܪܟܝܢܢ ܠܡܪܝܐ ܘܐܒܐ ܘܒܗ ܠܝܛܝܢܢ ܠܒܢܝܢܫܐ ܕܒܕܡܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܥܒܝܕܝܢ ܀
10Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.
10ܘܡܢܗ ܡܢ ܦܘܡܐ ܢܦܩܢ ܒܘܪܟܬܐ ܘܠܘܛܬܐ ܠܐ ܘܠܐ ܐܚܝ ܕܗܠܝܢ ܗܟܢܐ ܢܤܬܥܪܢ ܀
11Ang bukal baga'y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait?
11ܕܠܡܐ ܡܫܟܚܐ ܕܡܢ ܚܕ ܡܒܘܥܐ ܢܦܩܘܢ ܡܝܐ ܚܠܝܐ ܘܡܪܝܪܐ ܀
12Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig.
12ܐܘ ܕܠܡܐ ܡܫܟܚܐ ܬܬܐ ܐܚܝ ܕܙܝܬܐ ܬܥܒܕ ܐܘ ܓܦܬܐ ܬܐܢܐ ܗܟܢܐ ܐܦ ܠܐ ܡܝܐ ܡܠܝܚܐ ܡܫܟܚܝܢ ܕܢܬܥܒܕܘܢ ܚܠܝܐ ܀
13Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.
13ܡܢܘ ܡܢܟܘܢ ܕܚܟܝܡ ܘܪܕܐ ܢܚܘܐ ܥܒܕܘܗܝ ܒܗܘܦܟܐ ܫܦܝܪܐ ܒܚܟܡܬܐ ܡܟܝܟܬܐ ܀
14Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.
14ܐܢ ܕܝܢ ܚܤܡܐ ܡܪܝܪܐ ܐܝܬ ܒܟܘܢ ܐܘ ܚܪܝܢܐ ܒܠܒܝܟܘܢ ܠܐ ܬܬܚܬܪܘܢ ܥܠ ܩܘܫܬܐ ܘܬܕܓܠܘܢ ܀
15Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo.
15ܡܛܠ ܕܗܕܐ ܚܟܡܬܐ ܡܢ ܠܥܠ ܠܐ ܢܚܬܬ ܐܠܐ ܐܝܬܝܗ ܐܪܥܢܝܬܐ ܡܢ ܚܘܫܒܐ ܕܢܦܫܐ ܘܡܢ ܫܐܕܐ ܀
16Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.
16ܐܝܟܐ ܓܝܪ ܕܐܝܬ ܚܤܡܐ ܘܚܪܝܢܐ ܬܡܢ ܐܦ ܕܠܘܚܝܐ ܘܟܠܡܕܡ ܕܒܝܫ ܀
17Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.
17ܚܟܡܬܐ ܕܝܢ ܕܡܢ ܠܥܠ ܕܟܝܐ ܗܝ ܘܡܠܝܐ ܫܠܡܐ ܘܡܟܝܟܐ ܘܡܫܬܡܥܢܝܐ ܘܡܠܝܐ ܪܚܡܐ ܘܦܐܪܐ ܛܒܐ ܘܕܠܐ ܦܠܓܘܬܐ ܗܝ ܘܒܐܦܐ ܠܐ ܢܤܒܐ ܀
18At ang bunga ng katuwiran ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.
18ܦܐܪܐ ܕܝܢ ܕܙܕܝܩܘܬܐ ܒܫܝܢܐ ܡܙܕܪܥܝܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܥܒܕܝܢ ܫܠܡܐ ܀