1Anim na araw nga bago magpaskua ay naparoon si Jesus sa Betania, na kinaroroonan ni Lazaro, na ibinangon ni Jesus mula sa mga patay.
1ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܩܕܡ ܫܬܐ ܝܘܡܝܢ ܕܦܨܚܐ ܐܬܐ ܠܒܝܬ ܥܢܝܐ ܐܝܟܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܠܥܙܪ ܗܘ ܕܐܩܝܡ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܗܘ ܝܫܘܥ ܀
2Kaya't iginawa siya doon ng isang hapunan: at si Marta ay naglilingkod; datapuwa't si Lazaro ay isa sa nangakaupo sa pagkain na kasalo niya.
2ܘܥܒܕܘ ܠܗ ܬܡܢ ܚܫܡܝܬܐ ܘܡܪܬܐ ܡܫܡܫܐ ܗܘܬ ܘܠܥܙܪ ܚܕ ܡܢ ܤܡܝܟܐ ܗܘܐ ܕܥܡܗ ܀
3Si Maria nga'y kumuha ng isang libra ng unguentong taganas na nardo, na totoong mahalaga, at pinahiran ang mga paa ni Jesus, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok: at ang bahay ay napuno ng amoy ng unguento.
3ܡܪܝܡ ܕܝܢ ܫܩܠܬ ܫܛܝܦܬܐ ܕܒܤܡܐ ܕܢܪܕܝܢ ܪܫܝܐ ܤܓܝ ܕܡܝܐ ܘܡܫܚܬ ܪܓܠܘܗܝ ܕܝܫܘܥ ܘܫܘܝܬ ܒܤܥܪܗ ܪܓܠܘܗܝ ܘܐܬܡܠܝ ܒܝܬܐ ܡܢ ܪܝܚܗ ܕܒܤܡܐ ܀
4Datapuwa't si Judas Iscariote, na isa sa kaniyang mga alagad, na sa kaniya'y magkakanulo, ay nagsabi,
4ܘܐܡܪ ܝܗܘܕܐ ܤܟܪܝܘܛܐ ܚܕ ܡܢ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܗܘ ܕܥܬܝܕ ܗܘܐ ܕܢܫܠܡܝܘܗܝ ܀
5Bakit hindi ipinagbili ang unguentong ito ng tatlong daang denario, at ibigay sa mga dukha?
5ܠܡܢܐ ܠܐ ܐܙܕܒܢ ܡܫܚܐ ܗܢܐ ܒܬܠܬ ܡܐܐ ܕܝܢܪܝܢ ܘܐܬܝܗܒ ܠܡܤܟܢܐ ܀
6Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.
6ܗܕܐ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܐ ܗܘܐ ܡܛܠ ܕܥܠ ܡܤܟܢܐ ܒܛܝܠ ܗܘܐ ܠܗ ܐܠܐ ܡܛܠ ܕܓܢܒܐ ܗܘܐ ܘܓܠܘܤܩܡܐ ܠܘܬܗ ܗܘܐ ܘܡܕܡ ܕܢܦܠ ܗܘܐ ܒܗ ܗܘ ܛܥܝܢ ܗܘܐ ܀
7Sinabi nga ni Jesus, Pabayaan ninyong ilaan niya ito ukol sa araw ng paglilibing sa akin.
7ܐܡܪ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܫܒܘܩܝܗ ܠܝܘܡܐ ܕܩܒܘܪܝ ܢܛܪܬܗ ܀
8Sapagka't ang mga dukha ay laging nasa inyo; nguni't ako'y hindi laging nasa inyo.
8ܒܟܠܙܒܢ ܓܝܪ ܡܤܟܢܐ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܥܡܟܘܢ ܠܝ ܕܝܢ ܠܐ ܒܟܠܙܒܢ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܀
9Ang karaniwang mga tao nga sa mga Judio ay naalaman na siya'y naroroon: at sila'y nagsiparoon, hindi dahil kay Jesus lamang, kundi upang makita nila si Lazaro naman, na muling ibinangon niya mula sa mga patay.
9ܘܫܡܥܘ ܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܡܢ ܝܗܘܕܝܐ ܕܬܡܢ ܗܘ ܝܫܘܥ ܘܐܬܘ ܠܐ ܡܛܠ ܝܫܘܥ ܒܠܚܘܕ ܐܠܐ ܐܦ ܕܢܚܙܘܢ ܠܠܥܙܪ ܗܘ ܕܐܩܝܡ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܀
10Datapuwa't nangagsanggunian ang mga pangulong saserdote upang kanilang maipapatay pati si Lazaro;
10ܘܐܬܪܥܝܘ ܗܘܘ ܪܒܝ ܟܗܢܐ ܕܐܦ ܠܠܥܙܪ ܢܩܛܠܘܢܝܗܝ ܀
11Sapagka't dahil sa kaniya'y marami sa mga Judio ang nagsisialis at nagsisipanampalataya kay Jesus.
11ܡܛܠ ܕܤܓܝܐܐ ܡܢ ܝܗܘܕܝܐ ܡܛܠܬܗ ܐܙܠܝܢ ܗܘܘ ܘܡܗܝܡܢܝܢ ܒܝܫܘܥ ܀
12Nang kinabukasan ang isang malaking karamihan na nagsiparoon sa pista, pagkabalita nila na si Jesus ay dumarating sa Jerusalem,
12ܘܠܝܘܡܐ ܐܚܪܢܐ ܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܐܝܢܐ ܕܐܬܐ ܗܘܐ ܠܥܕܥܕܐ ܟܕ ܫܡܥܘ ܕܝܫܘܥ ܐܬܐ ܠܐܘܪܫܠܡ ܀
13Ay nagsikuha ng mga palapa ng mga puno ng palma, at nagsilabas na sumalubong sa kaniya, na nagsisigawan, Hosanna: Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon, sa makatuwid baga'y ang Hari ng Israel.
13ܫܩܠܘ ܤܘܟܐ ܕܕܩܠܐ ܘܢܦܩܘ ܠܐܘܪܥܗ ܘܩܥܝܢ ܗܘܘ ܘܐܡܪܝܢ ܐܘܫܥܢܐ ܒܪܝܟ ܗܘ ܕܐܬܐ ܒܫܡܗ ܕܡܪܝܐ ܡܠܟܐ ܕܐܝܤܪܝܠ ܀
14At si Jesus, pagkasumpong sa isang batang asno, ay sumakay doon, gaya ng nasusulat,
14ܐܫܟܚ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܚܡܪܐ ܘܝܬܒ ܥܠܘܗܝ ܐܝܟܢܐ ܕܟܬܝܒ ܀
15Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.
15ܠܐ ܬܕܚܠܝܢ ܒܪܬ ܨܗܝܘܢ ܗܐ ܡܠܟܟܝ ܐܬܐ ܠܟܝ ܘܪܟܝܒ ܥܠ ܥܝܠܐ ܒܪ ܐܬܢܐ ܀
16Ang mga bagay na ito ay hindi napagunawa ng kaniyang mga alagad sa pasimula: nguni't nang si Jesus ay maluwalhati na, ay saka nila naalaala na ang mga bagay na ito ay sinulat tungkol sa kaniya, at kanilang ginawa ang mga bagay na ito sa kaniya.
16ܗܠܝܢ ܕܝܢ ܠܐ ܝܕܥܘ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܒܗܘ ܙܒܢܐ ܐܠܐ ܟܕ ܐܫܬܒܚ ܝܫܘܥ ܐܬܕܟܪܘ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܕܗܠܝܢ ܟܬܝܒܢ ܗܘܝ ܥܠܘܗܝ ܘܗܠܝܢ ܥܒܕܘ ܠܗ ܀
17Ang karamihan ngang kasama niya nang tawagin niya si Lazaro mula sa libingan, at siya'y ibangon sa mga patay, ay siyang nangagpapatotoo.
17ܘܤܗܕ ܗܘܐ ܟܢܫܐ ܗܘ ܕܥܡܗ ܗܘܐ ܕܩܪܐ ܠܠܥܙܪ ܡܢ ܩܒܪܐ ܘܐܩܝܡܗ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܀
18Dahil dito rin naman ang karamihan ay nagsiyaon at sumalubong sa kaniya, sapagka't nabalitaan nila na siyang gumawa ng tandang ito.
18ܘܡܛܠ ܗܕܐ ܢܦܩܘ ܠܩܘܒܠܗ ܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܕܫܡܥܘ ܕܐܬܐ ܗܕܐ ܥܒܕ ܀
19Ang mga Fariseo nga'y nangagsangusapan, Tingnan ninyo kung paanong kayo'y walang anomang ikapanaig; narito, ang sanglibutan ay sumusunod sa kaniya.
19ܦܪܝܫܐ ܕܝܢ ܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܚܕ ܠܚܕ ܚܙܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܠܐ ܡܘܬܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܕܡ ܕܗܐ ܥܠܡܐ ܟܠܗ ܐܙܠ ܠܗ ܒܬܪܗ ܀
20Mayroon ngang ilang Griego sa nagsiahon sa kapistahan upang magsisamba:
20ܐܝܬ ܗܘܘ ܕܝܢ ܐܦ ܡܢ ܥܡܡܐ ܐܢܫܐ ܒܗܘܢ ܕܤܠܩܘ ܠܡܤܓܕ ܒܥܕܥܕܐ ܀
21Ang mga ito nga'y nagsilapit kay Felipe, na taga Betsaida ng Galilea, at nagsipamanhik sa kaniya, na sinasabi, Ginoo, ibig sana naming makita si Jesus.
21ܗܠܝܢ ܐܬܘ ܩܪܒܘ ܠܘܬ ܦܝܠܝܦܘܤ ܗܘ ܕܡܢ ܒܝܬ ܨܝܕܐ ܕܓܠܝܠܐ ܘܫܐܠܘܗܝ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܡܪܝ ܨܒܝܢ ܚܢܢ ܢܚܙܐ ܠܝܫܘܥ ܀
22Lumapit si Felipe at sinabi kay Andres: lumapit si Andres, at si Felipe, at kanilang sinabi kay Jesus.
22ܘܐܬܐ ܗܘ ܦܝܠܝܦܘܤ ܘܐܡܪ ܠܐܢܕܪܐܘܤ ܘܐܢܕܪܐܘܤ ܘܦܝܠܝܦܘܤ ܐܡܪܘ ܠܝܫܘܥ ܀
23At sinagot sila ni Jesus, na nagsasabi, Dumating na ang oras, na ang Anak ng tao ay luluwalhatiin.
23ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܥܢܐ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܬܬ ܫܥܬܐ ܕܢܫܬܒܚ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܀
24Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban ang butil ng trigo ay mahulog sa lupa at mamatay, ay natitira siyang magiisa; nguni't kung mamatay, ay nagbubunga ng marami.
24ܐܡܝܢ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܦܪܕܬܐ ܕܚܛܬܐ ܐܠܐ ܢܦܠܐ ܘܡܝܬܐ ܒܐܪܥܐ ܒܠܚܘܕܝܗ ܦܝܫܐ ܐܢ ܕܝܢ ܡܝܬܐ ܦܐܪܐ ܤܓܝܐܐ ܡܝܬܝܐ ܀
25Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan.
25ܡܢ ܕܪܚܡ ܢܦܫܗ ܢܘܒܕܝܗ ܘܡܢ ܕܤܢܐ ܢܦܫܗ ܒܥܠܡܐ ܗܢܐ ܢܛܪܝܗ ܠܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܀
26Kung ang sinomang tao'y naglilingkod sa akin, ay sumunod sa akin; at kung saan ako naroroon, ay doon naman doroon ang lingkod ko: kung ang sinomang tao'y maglingkod sa akin, ay siya'y pararangalan ng Ama.
26ܐܢ ܠܝ ܐܢܫ ܡܫܡܫ ܢܐܬܐ ܒܬܪܝ ܘܐܝܟܐ ܕܐܢܐ ܐܝܬܝ ܬܡܢ ܢܗܘܐ ܐܦ ܡܫܡܫܢܝ ܡܢ ܕܠܝ ܡܫܡܫ ܢܝܩܪܝܘܗܝ ܐܒܐ ܀
27Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito.
27ܗܫܐ ܢܦܫܝ ܗܐ ܫܓܝܫܐ ܘܡܢܐ ܐܡܪ ܐܒܝ ܦܨܢܝ ܡܢ ܗܕܐ ܫܥܬܐ ܐܠܐ ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܬܝܬ ܠܗܕܐ ܫܥܬܐ ܀
28Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan. Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin.
28ܐܒܐ ܫܒܚ ܫܡܟ ܘܩܠܐ ܐܫܬܡܥ ܡܢ ܫܡܝܐ ܫܒܚܬ ܘܬܘܒ ܡܫܒܚ ܐܢܐ ܀
29Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya.
29ܘܟܢܫܐ ܕܩܐܡ ܗܘܐ ܫܡܥܘ ܘܐܡܪܝܢ ܪܥܡܐ ܗܘܐ ܐܚܪܢܐ ܕܝܢ ܐܡܪܝܢ ܡܠܐܟܐ ܡܠܠ ܥܡܗ ܀
30Sumagot si Jesus at sinabi, Ang tinig na ito'y hindi dumating dahil sa akin, kundi dahil sa inyo.
30ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܠܐ ܗܘܐ ܡܛܠܬܝ ܗܘܐ ܩܠܐ ܗܢܐ ܐܠܐ ܡܛܠܬܟܘܢ ܀
31Ngayon ang paghatol sa sanglibutang ito: ngayon ang prinsipe ng sanglibutang ito ay palalayasin.
31ܗܫܐ ܕܝܢܗ ܗܘ ܕܥܠܡܐ ܗܢܐ ܗܫܐ ܐܪܟܘܢܐ ܕܥܠܡܐ ܗܢܐ ܡܫܬܕܐ ܠܒܪ ܀
32At ako, kung ako'y mataas na mula sa lupa, ang lahat ng mga tao ay palalapitin ko sa akin din.
32ܘܐܢܐ ܡܐ ܕܐܬܬܪܝܡܬ ܡܢ ܐܪܥܐ ܐܓܕ ܟܠܢܫ ܠܘܬܝ ܀
33Datapuwa't ito'y sinabi niya, na ipinaaalam kung sa anong kamatayan ang ikamamatay niya.
33ܗܕܐ ܕܝܢ ܐܡܪ ܕܢܚܘܐ ܒܐܝܢܐ ܡܘܬܐ ܡܐܬ ܀
34Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito?
34ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܟܢܫܐ ܚܢܢ ܫܡܥܢ ܡܢ ܢܡܘܤܐ ܕܡܫܝܚܐ ܠܥܠܡ ܡܩܘܐ ܐܝܟܢܐ ܐܡܪ ܐܢܬ ܕܥܬܝܕ ܗܘ ܕܢܬܬܪܝܡ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܡܢܘ ܗܢܐ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܀
35Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Kaunting panahon na lamang sasagitna ninyo ang ilaw. Kayo'y magsilakad samantalang nasa inyo ang ilaw, upang huwag kayong abutin ng kadiliman: at ang lumalakad sa kadiliman ay hindi nalalaman kung saan siya tutungo.
35ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܩܠܝܠ ܐܚܪܝܢ ܙܒܢܐ ܢܘܗܪܐ ܥܡܟܘܢ ܗܘ ܗܠܟܘ ܥܕ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܢܘܗܪܐ ܕܠܐ ܚܫܘܟܐ ܢܕܪܟܟܘܢ ܘܡܢ ܕܡܗܠܟ ܒܚܫܘܟܐ ܠܐ ܝܕܥ ܠܐܝܟܐ ܐܙܠ ܀
36Samantalang nasa inyo ang ilaw, ay magsisampalataya kayo sa ilaw, upang kayo'y maging mga anak ng ilaw. Ang mga bagay na ito'y sinalita ni Jesus, at siya'y umalis at nagtago sa kanila.
36ܥܕ ܐܝܬ ܠܟܘܢ ܢܘܗܪܐ ܗܝܡܢܘ ܒܢܘܗܪܐ ܕܒܢܘܗܝ ܕܢܘܗܪܐ ܬܗܘܘܢ ܗܠܝܢ ܡܠܠ ܝܫܘܥ ܘܐܙܠ ܐܬܛܫܝ ܡܢܗܘܢ ܀
37Nguni't bagaman gumawa siya sa harap nila ng gayon maraming mga tanda, gayon ma'y hindi sila nagsisampalataya sa kaniya:
37ܘܟܕ ܗܠܝܢ ܟܠܗܝܢ ܐܬܘܬܐ ܥܒܕ ܩܕܡܝܗܘܢ ܠܐ ܗܝܡܢܘ ܒܗ ܀
38Upang maganap ang salita ng propeta Isaias, na kaniyang sinalita, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?
38ܕܬܬܡܠܐ ܡܠܬܐ ܕܐܫܥܝܐ ܢܒܝܐ ܕܐܡܪ ܡܪܝ ܡܢܘ ܗܝܡܢ ܠܫܡܥܢ ܘܕܪܥܗ ܕܡܪܝܐ ܠܡܢ ܐܬܓܠܝ ܀
39Dahil dito'y hindi sila makapaniwala, sapagka't muling sinabi ni Isaias,
39ܡܛܠ ܗܢܐ ܠܐ ܡܫܟܚܝܢ ܗܘܘ ܕܢܗܝܡܢܘܢ ܡܛܠ ܕܬܘܒ ܐܡܪ ܐܫܥܝܐ ܀
40Binulag niya ang kanilang mga mata, at pinatigas niya ang kanilang mga puso; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, at mangakaunawa ng kanilang puso At mangagbalik-loob, At sila'y mapagaling ko.
40ܕܥܘܪܘ ܥܝܢܝܗܘܢ ܘܐܚܫܟܘ ܠܒܗܘܢ ܕܠܐ ܢܚܙܘܢ ܒܥܝܢܝܗܘܢ ܘܢܤܬܟܠܘܢ ܒܠܒܗܘܢ ܘܢܬܦܢܘܢ ܘܐܤܐ ܐܢܘܢ ܀
41Ang mga bagay na ito'y sinabi ni Isaias, sapagka't nakita niya ang kaniyang kaluwalhatian; at siya'y nagsalita ng tungkol sa kaniya.
41ܗܠܝܢ ܐܡܪ ܐܫܥܝܐ ܟܕ ܚܙܐ ܫܘܒܚܗ ܘܡܠܠ ܥܠܘܗܝ ܀
42Gayon man maging sa mga pinuno ay maraming nagsisampalataya sa kaniya; datapuwa't dahil sa mga Fariseo ay hindi nila ipinahayag, baka sila'y mapalayas sa sinagoga:
42ܐܦ ܡܢ ܪܫܐ ܕܝܢ ܤܓܝܐܐ ܗܝܡܢܘ ܒܗ ܐܠܐ ܡܛܠ ܦܪܝܫܐ ܠܐ ܡܘܕܝܢ ܗܘܘ ܕܠܐ ܢܗܘܘܢ ܠܒܪ ܡܢ ܟܢܘܫܬܐ ܀
43Sapagka't iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios.
43ܪܚܡܘ ܓܝܪ ܫܘܒܚܐ ܕܒܢܝܢܫܐ ܝܬܝܪ ܡܢ ܫܘܒܚܗ ܕܐܠܗܐ ܀
44At si Jesus ay sumigaw at nagsabi, Ang sumasampalataya sa akin, ay hindi sa akin sumasampalataya, kundi doon sa nagsugo sa akin.
44ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܩܥܐ ܘܐܡܪ ܡܢ ܕܡܗܝܡܢ ܒܝ ܠܐ ܗܘܐ ܒܝ ܡܗܝܡܢ ܐܠܐ ܒܡܢ ܕܫܕܪܢܝ ܀
45At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
45ܘܡܢ ܕܠܝ ܚܙܐ ܚܙܐ ܠܡܢ ܕܫܕܪܢܝ ܀
46Ako'y naparito na isang ilaw sa sanglibutan, upang ang sinomang sumampalataya sa akin ay huwag manatili sa kadiliman.
46ܐܢܐ ܢܘܗܪܐ ܐܬܝܬ ܠܥܠܡܐ ܕܟܠ ܡܢ ܕܡܗܝܡܢ ܒܝ ܠܐ ܢܩܘܐ ܒܚܫܘܟܐ ܀
47At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan.
47ܘܡܢ ܕܫܡܥ ܡܠܝ ܘܠܐ ܢܛܪ ܠܗܝܢ ܐܢܐ ܠܐ ܕܐܢ ܐܢܐ ܠܗ ܠܐ ܓܝܪ ܐܬܝܬ ܕܐܕܘܢ ܠܥܠܡܐ ܐܠܐ ܕܐܚܐ ܠܥܠܡܐ ܀
48Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw.
48ܡܢ ܕܛܠܡ ܠܝ ܘܠܐ ܡܩܒܠ ܡܠܝ ܐܝܬ ܡܢ ܕܕܐܢ ܠܗ ܡܠܬܐ ܕܡܠܠܬ ܗܝ ܕܝܢܐ ܠܗ ܒܝܘܡܐ ܐܚܪܝܐ ܀
49Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain.
49ܕܐܢܐ ܡܢ ܢܦܫܝ ܠܐ ܡܠܠܬ ܐܠܐ ܐܒܐ ܕܫܕܪܢܝ ܗܘ ܝܗܒ ܠܝ ܦܘܩܕܢܐ ܡܢܐ ܐܡܪ ܘܡܢܐ ܐܡܠܠ ܀
50At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita.
50ܘܝܕܥ ܐܢܐ ܕܦܘܩܕܢܗ ܚܝܐ ܐܢܘܢ ܕܠܥܠܡ ܐܝܠܝܢ ܗܟܝܠ ܕܡܡܠܠ ܐܢܐ ܐܝܟܢܐ ܕܐܡܪ ܠܝ ܐܒܝ ܗܟܢܐ ܡܡܠܠ ܐܢܐ ܀