1Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin.
1ܠܐ ܢܬܕܘܕ ܠܒܟܘܢ ܗܝܡܢܘ ܒܐܠܗܐ ܘܒܝ ܗܝܡܢܘ ܀
2Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan.
2ܤܓܝܐܝܢ ܐܢܘܢ ܐܘܢܐ ܒܝܬ ܐܒܝ ܘܐܠܐ ܐܡܪ ܗܘܝܬ ܠܟܘܢ ܕܐܙܠ ܐܢܐ ܕܐܛܝܒ ܠܟܘܢ ܐܬܪܐ ܀
3At kung ako'y pumaroon at kayo'y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
3ܘܐܢ ܐܙܠ ܐܛܝܒ ܠܟܘܢ ܐܬܪܐ ܬܘܒ ܐܬܐ ܘܐܕܒܪܟܘܢ ܠܘܬܝ ܕܐܝܟܐ ܕܐܢܐ ܐܝܬܝ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܬܗܘܘܢ ܀
4At kung saan ako paroroon, ay nalalaman ninyo ang daan.
4ܘܠܐܝܟܐ ܕܐܙܠ ܐܢܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܘܐܘܪܚܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
5Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?
5ܐܡܪ ܠܗ ܬܐܘܡܐ ܡܪܢ ܠܐ ܝܕܥܝܢܢ ܠܐܝܟܐ ܐܙܠ ܐܢܬ ܘܐܝܟܢܐ ܡܫܟܚܝܢ ܚܢܢ ܐܘܪܚܐ ܠܡܕܥ ܀
6Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.
6ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܐܢܐ ܐܢܐ ܐܘܪܚܐ ܘܫܪܪܐ ܘܚܝܐ ܠܐ ܐܢܫ ܐܬܐ ܠܘܬ ܐܒܝ ܐܠܐ ܐܢ ܒܝ ܀
7Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita.
7ܐܠܘ ܠܝ ܝܕܥܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܐܦ ܠܐܒܝ ܝܕܥܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܘܡܢ ܗܫܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܗ ܘܚܙܝܬܘܢܝܗܝ ܀
8Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
8ܐܡܪ ܠܗ ܦܝܠܝܦܘܤ ܡܪܢ ܚܘܢ ܐܒܐ ܘܟܕܘ ܠܢ ܀
9Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?
9ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܗܢܐ ܟܠܗ ܙܒܢܐ ܥܡܟܘܢ ܐܢܐ ܘܠܐ ܝܕܥܬܢܝ ܦܝܠܝܦܐ ܡܢ ܕܠܝ ܚܙܐ ܚܙܐ ܠܐܒܐ ܘܐܝܟܢܐ ܐܢܬ ܐܡܪ ܐܢܬ ܚܘܢ ܐܒܐ ܀
10Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.
10ܠܐ ܡܗܝܡܢ ܐܢܬ ܕܐܢܐ ܒܐܒܝ ܘܐܒܝ ܒܝ ܡܠܐ ܐܝܠܝܢ ܕܐܢܐ ܡܡܠܠ ܐܢܐ ܡܢ ܢܦܫܝ ܠܐ ܡܡܠܠ ܐܢܐ ܐܒܝ ܕܝܢ ܕܒܝ ܥܡܪ ܗܘ ܥܒܕ ܥܒܕܐ ܗܠܝܢ ܀
11Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin.
11ܗܝܡܢܘ ܕܐܢܐ ܒܐܒܝ ܘܐܒܝ ܒܝ ܘܐܠܐ ܐܦܢ ܡܛܠ ܥܒܕܐ ܗܝܡܢܘ ܀
12Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka't ako'y paroroon sa Ama.
12ܐܡܝܢ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܡܢ ܕܡܗܝܡܢ ܒܝ ܥܒܕܐ ܐܝܠܝܢ ܕܐܢܐ ܥܒܕ ܐܢܐ ܐܦ ܗܘ ܢܥܒܕ ܘܕܝܬܝܪܝܢ ܡܢ ܗܠܝܢ ܢܥܒܕ ܕܐܢܐ ܠܘܬ ܐܒܐ ܐܙܠ ܐܢܐ ܀
13At ang anomang inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak.
13ܘܡܕܡ ܕܬܫܐܠܘܢ ܒܫܡܝ ܐܥܒܕ ܠܟܘܢ ܕܢܫܬܒܚ ܐܒܐ ܒܒܪܗ ܀
14Kung kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.
14ܘܐܢ ܬܫܐܠܘܢܢܝ ܒܫܡܝ ܐܢܐ ܥܒܕܢܐ ܀
15Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.
15ܐܢ ܪܚܡܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܝ ܦܘܩܕܢܝ ܛܪܘ ܀
16At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man,
16ܘܐܢܐ ܐܒܥܐ ܡܢ ܐܒܝ ܘܐܚܪܢܐ ܦܪܩܠܛܐ ܢܬܠ ܠܟܘܢ ܕܢܗܘܐ ܥܡܟܘܢ ܠܥܠܡ ܀
17Sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan: na hindi matatanggap ng sanglibutan; sapagka't hindi nito siya nakikita, ni nakikilala man siya: siya'y nakikilala ninyo; sapagka't siya'y tumatahan sa inyo, at sasa inyo.
17ܪܘܚܐ ܕܫܪܪܐ ܗܘ ܕܥܠܡܐ ܠܐ ܡܫܟܚ ܠܡܩܒܠܘܬܗ ܡܛܠ ܕܠܐ ܚܙܝܗܝ ܘܠܐ ܝܕܥܗ ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܗ ܕܠܘܬܟܘܢ ܥܡܪ ܘܒܟܘܢ ܗܘ ܀
18Hindi ko kayo iiwang magisa: ako'y paririto sa inyo.
18ܠܐ ܫܒܩ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܝܬܡܐ ܐܬܐ ܐܢܐ ܓܝܪ ܠܘܬܟܘܢ ܩܠܝܠ ܐܚܪܝܢ ܀
19Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't inyong makikita ako: sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.
19ܘܥܠܡܐ ܠܐ ܚܙܐ ܠܝ ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܬܚܙܘܢܢܝ ܕܐܢܐ ܚܝ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܬܚܘܢ ܀
20Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
20ܒܗܘ ܝܘܡܐ ܬܕܥܘܢ ܕܐܢܐ ܒܐܒܝ ܘܐܢܬܘܢ ܒܝ ܐܢܬܘܢ ܘܐܢܐ ܒܟܘܢ ܐܢܐ ܀
21Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
21ܡܢ ܕܐܝܬ ܠܘܬܗ ܦܘܩܕܢܝ ܘܢܛܪ ܠܗܘܢ ܗܘ ܗܘ ܡܚܒ ܠܝ ܗܘ ܕܝܢ ܕܪܚܡ ܠܝ ܢܬܪܚܡ ܡܢ ܐܒܝ ܘܐܢܐ ܐܪܚܡܝܘܗܝ ܘܐܚܘܝܘܗܝ ܢܦܫܝ ܀
22Si Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?
22ܐܡܪ ܠܗ ܝܗܘܕܐ ܠܐ ܗܘܐ ܤܟܪܝܘܛܐ ܡܪܝ ܡܢܘ ܠܢ ܥܬܝܕ ܐܢܬ ܠܡܚܘܝܘ ܢܦܫܟ ܘܠܐ ܗܘܐ ܠܥܠܡܐ ܀
23Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, at kami'y pasasa kaniya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
23ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܡܢ ܕܪܚܡ ܠܝ ܡܠܬܝ ܢܛܪ ܘܐܒܝ ܢܪܚܡܝܘܗܝ ܘܠܘܬܗ ܐܬܝܢ ܚܢܢ ܘܐܘܢܐ ܠܘܬܗ ܥܒܕܝܢ ܚܢܢ ܀
24Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
24ܗܘ ܕܝܢ ܕܠܐ ܪܚܡ ܠܝ ܡܠܬܝ ܠܐ ܢܛܪ ܘܡܠܬܐ ܗܕܐ ܕܫܡܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܐ ܗܘܬ ܕܝܠܝ ܐܠܐ ܕܐܒܐ ܕܫܕܪܢܝ ܀
25Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.
25ܗܠܝܢ ܡܠܠܬ ܥܡܟܘܢ ܟܕ ܠܘܬܟܘܢ ܐܝܬܝ ܀
26Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
26ܗܘ ܕܝܢ ܦܪܩܠܛܐ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܗܘ ܕܡܫܕܪ ܐܒܝ ܒܫܡܝ ܗܘ ܢܠܦܟܘܢ ܟܠܡܕܡ ܘܗܘ ܢܥܗܕܟܘܢ ܟܠ ܡܐ ܕܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܀
27Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
27ܫܠܡܐ ܫܒܩ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܫܠܡܐ ܕܝܠܝ ܝܗܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܠܐ ܗܘܐ ܐܝܟܢܐ ܕܝܗܒ ܥܠܡܐ ܐܢܐ ܝܗܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܠܐ ܢܬܕܘܕ ܠܒܟܘܢ ܘܠܐ ܢܕܚܠ ܀
28Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa ako'y pasasa Ama: sapagka't ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
28ܫܡܥܬܘܢ ܕܐܢܐ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܕܐܙܠ ܐܢܐ ܘܐܬܐ ܐܢܐ ܠܘܬܟܘܢ ܐܠܘ ܪܚܡܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܠܝ ܚܕܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܕܐܙܠ ܐܢܐ ܠܘܬ ܐܒܝ ܕܐܒܝ ܪܒ ܗܘ ܡܢܝ ܀
29At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.
29ܘܗܫܐ ܗܐ ܐܡܪܬ ܠܟܘܢ ܥܕܠܐ ܢܗܘܐ ܕܡܐ ܕܗܘܐ ܬܗܝܡܢܘܢ ܀
30Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;
30ܡܟܝܠ ܠܐ ܐܡܠܠ ܥܡܟܘܢ ܤܓܝܐܬܐ ܐܬܐ ܓܝܪ ܐܪܟܘܢܗ ܕܥܠܡܐ ܘܒܝ ܠܝܬ ܠܗ ܡܕܡ ܀
31Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.
31ܐܠܐ ܕܢܕܥ ܥܠܡܐ ܕܪܚܡ ܐܢܐ ܠܐܒܝ ܘܐܝܟܢܐ ܕܦܩܕܢܝ ܐܒܝ ܗܟܘܬ ܥܒܕ ܐܢܐ ܩܘܡܘ ܢܐܙܠ ܡܟܐ ܀