Tagalog 1905

Syriac: NT

John

17

1Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:
1ܗܠܝܢ ܡܠܠ ܝܫܘܥ ܘܐܪܝܡ ܥܝܢܘܗܝ ܠܫܡܝܐ ܘܐܡܪ ܐܒܝ ܐܬܬ ܫܥܬܐ ܫܒܚ ܒܪܟ ܕܒܪܟ ܢܫܒܚܟ ܀
2Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.
2ܐܝܟܢܐ ܕܝܗܒܬ ܠܗ ܫܘܠܛܢܐ ܥܠ ܟܠ ܒܤܪ ܕܟܠ ܡܐ ܕܝܗܒܬ ܠܗ ܢܬܠ ܠܗ ܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܀
3At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
3ܗܠܝܢ ܐܢܘܢ ܕܝܢ ܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܕܢܕܥܘܢܟ ܕܐܢܬ ܐܢܬ ܐܠܗܐ ܕܫܪܪܐ ܒܠܚܘܕܝܟ ܘܡܢ ܕܫܕܪܬ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
4Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.
4ܐܢܐ ܫܒܚܬܟ ܒܐܪܥܐ ܥܒܕܐ ܗܘ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܕܐܥܒܕ ܫܠܡܬܗ ܀
5At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.
5ܘܗܫܐ ܫܒܚܝܢܝ ܐܢܬ ܐܒܝ ܠܘܬܟ ܒܗܘ ܫܘܒܚܐ ܕܐܝܬ ܗܘܐ ܠܝ ܠܘܬܟ ܡܢ ܩܕܡ ܕܢܗܘܐ ܥܠܡܐ ܀
6Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita.
6ܐܘܕܥܬ ܫܡܟ ܠܒܢܝ ܐܢܫܐ ܗܢܘܢ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܡܢ ܥܠܡܐ ܕܝܠܟ ܗܘܘ ܘܠܝ ܝܗܒܬ ܐܢܘܢ ܘܢܛܪܘ ܡܠܬܟ ܀
7Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo:
7ܗܫܐ ܝܕܥܬ ܕܟܠ ܡܐ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܡܢ ܠܘܬܟ ܗܘ ܀
8Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.
8ܕܡܠܐ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܝܗܒܬ ܠܗܘܢ ܘܗܢܘܢ ܩܒܠܘ ܘܝܕܥܘ ܫܪܝܪܐܝܬ ܕܡܢ ܠܘܬܟ ܢܦܩܬ ܘܗܝܡܢܘ ܕܐܢܬ ܫܕܪܬܢܝ ܀
9Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagka't sila'y iyo:
9ܘܐܢܐ ܥܠܝܗܘܢ ܒܥܐ ܐܢܐ ܠܐ ܗܘܐ ܥܠ ܥܠܡܐ ܒܥܐ ܐܢܐ ܐܠܐ ܥܠ ܗܢܘܢ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܕܕܝܠܟ ܐܢܘܢ ܀
10At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.
10ܘܟܠ ܡܕܡ ܕܕܝܠܝ ܗܘ ܕܝܠܟ ܗܘ ܘܕܝܠܟ ܕܝܠܝ ܗܘ ܘܡܫܒܚ ܐܢܐ ܒܗܘܢ ܀
11At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin.
11ܡܟܝܠ ܠܐ ܗܘܝܬ ܒܥܠܡܐ ܘܗܠܝܢ ܒܥܠܡܐ ܐܢܘܢ ܘܐܢܐ ܠܘܬܟ ܐܬܐ ܐܢܐ ܐܒܐ ܩܕܝܫܐ ܛܪ ܐܢܘܢ ܒܫܡܟ ܗܘ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܕܢܗܘܘܢ ܚܕ ܐܝܟܢܐ ܕܚܢܢ ܀
12Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.
12ܟܕ ܥܡܗܘܢ ܗܘܝܬ ܒܥܠܡܐ ܐܢܐ ܢܛܪ ܗܘܝܬ ܠܗܘܢ ܒܫܡܟ ܠܐܝܠܝܢ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܢܛܪܬ ܘܐܢܫ ܡܢܗܘܢ ܠܐ ܐܒܕ ܐܠܐ ܒܪܗ ܕܐܒܕܢܐ ܕܢܬܡܠܐ ܟܬܒܐ ܀
13Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin.
13ܗܫܐ ܕܝܢ ܠܘܬܟ ܐܬܐ ܐܢܐ ܘܗܠܝܢ ܡܡܠܠ ܐܢܐ ܒܥܠܡܐ ܕܬܗܘܐ ܚܕܘܬܝ ܡܫܡܠܝܐ ܒܗܘܢ ܀
14Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
14ܐܢܐ ܝܗܒܬ ܠܗܘܢ ܡܠܬܟ ܘܥܠܡܐ ܤܢܐ ܐܢܘܢ ܕܠܐ ܗܘܘ ܡܢ ܥܠܡܐ ܐܝܟܢܐ ܕܐܢܐ ܠܐ ܗܘܝܬ ܡܢ ܥܠܡܐ ܀
15Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama.
15ܠܐ ܗܘܐ ܕܬܫܩܘܠ ܐܢܘܢ ܡܢ ܥܠܡܐ ܒܥܐ ܐܢܐ ܐܠܐ ܕܬܛܪ ܐܢܘܢ ܡܢ ܒܝܫܐ ܀
16Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.
16ܠܐ ܗܘܘ ܓܝܪ ܡܢ ܥܠܡܐ ܐܝܟܢܐ ܕܐܢܐ ܠܐ ܗܘܝܬ ܡܢ ܥܠܡܐ ܀
17Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
17ܐܒܐ ܩܕܫ ܐܢܘܢ ܒܫܪܪܟ ܕܡܠܬܟ ܕܝܠܟ ܫܪܪܐ ܗܝ ܀
18Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.
18ܐܝܟܢܐ ܕܠܝ ܫܕܪܬ ܠܥܠܡܐ ܐܦ ܐܢܐ ܫܕܪܬ ܐܢܘܢ ܠܥܠܡܐ ܀
19At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
19ܘܥܠ ܐܦܝܗܘܢ ܐܢܐ ܡܩܕܫ ܐܢܐ ܢܦܫܝ ܕܢܗܘܘܢ ܐܦ ܗܢܘܢ ܡܩܕܫܝܢ ܒܫܪܪܐ ܀
20Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;
20ܘܠܐ ܗܘܐ ܥܠ ܐܦܝ ܗܠܝܢ ܒܥܐ ܐܢܐ ܒܠܚܘܕ ܐܠܐ ܐܦ ܥܠ ܐܦܝ ܐܝܠܝܢ ܕܡܗܝܡܢܝܢ ܒܝ ܒܡܠܬܗܘܢ ܀
21Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.
21ܕܟܠܗܘܢ ܢܗܘܘܢ ܚܕ ܐܝܟܢܐ ܕܐܢܬ ܐܒܝ ܒܝ ܘܐܢܐ ܒܟ ܕܐܦ ܗܢܘܢ ܒܢ ܚܕ ܢܗܘܘܢ ܕܢܗܝܡܢ ܥܠܡܐ ܕܐܢܬ ܫܕܪܬܢܝ ܀
22At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;
22ܘܐܢܐ ܫܘܒܚܐ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܝܗܒܬ ܠܗܘܢ ܕܢܗܘܘܢ ܚܕ ܐܝܟܢܐ ܕܚܢܢ ܚܕ ܚܢܢ ܀
23Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.
23ܐܢܐ ܒܗܘܢ ܘܐܢܬ ܒܝ ܕܢܗܘܘܢ ܓܡܝܪܝܢ ܠܚܕ ܘܕܢܕܥ ܥܠܡܐ ܕܐܢܬ ܫܕܪܬܢܝ ܘܕܐܚܒܬ ܐܢܘܢ ܐܝܟܢܐ ܕܐܦ ܠܝ ܐܚܒܬ ܀
24Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.
24ܐܒܐ ܗܢܘܢ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܨܒܐ ܐܢܐ ܕܐܬܪ ܕܐܢܐ ܐܦ ܗܢܘܢ ܢܗܘܘܢ ܥܡܝ ܕܢܗܘܘܢ ܚܙܝܢ ܫܘܒܚܐ ܕܝܠܝ ܗܘ ܕܝܗܒܬ ܠܝ ܕܐܚܒܬܢܝ ܡܢ ܩܕܡ ܬܪܡܝܬܗ ܕܥܠܡܐ ܀
25Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;
25ܐܒܝ ܟܐܢܐ ܘܥܠܡܐ ܠܐ ܝܕܥܟ ܐܢܐ ܕܝܢ ܝܕܥܬܟ ܘܗܢܘܢ ܝܕܥܘ ܕܐܢܬ ܫܕܪܬܢܝ ܀
26At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.
26ܘܐܘܕܥܬ ܐܢܘܢ ܫܡܟ ܘܡܘܕܥ ܐܢܐ ܕܚܘܒܐ ܗܘ ܕܐܚܒܬܢܝ ܢܗܘܐ ܒܗܘܢ ܘܐܢܐ ܐܗܘܐ ܒܗܘܢ ܀