1Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita ang bato na naalis na sa libingan.
1ܒܚܕ ܒܫܒܐ ܕܝܢ ܐܬܬ ܡܪܝܡ ܡܓܕܠܝܬܐ ܒܨܦܪܐ ܥܕ ܚܫܘܟ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܘܚܙܬ ܠܟܐܦܐ ܕܫܩܝܠܐ ܡܢ ܩܒܪܐ ܀
2Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay.
2ܘܪܗܛܬ ܐܬܬ ܠܘܬ ܫܡܥܘܢ ܟܐܦܐ ܘܠܘܬ ܗܘ ܬܠܡܝܕܐ ܐܚܪܢܐ ܕܪܚܡ ܗܘܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪܐ ܠܗܘܢ ܕܫܩܠܘܗܝ ܠܡܪܢ ܡܢ ܗܘ ܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܘܠܐ ܝܕܥܐ ܐܢܐ ܐܝܟܐ ܤܡܘܗܝ ܀
3Umalis nga si Pedro, at ang isang alagad, at nagsitungo sa libingan.
3ܘܢܦܩ ܫܡܥܘܢ ܘܗܘ ܬܠܡܝܕܐ ܐܚܪܢܐ ܘܐܬܝܢ ܗܘܘ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܀
4At sila'y kapuwa tumakbong magkasama: at ang isang alagad ay tumakbong matulin kay sa kay Pedro, at dumating na una sa libingan;
4ܘܪܗܛܝܢ ܗܘܘ ܬܪܝܗܘܢ ܐܟܚܕܐ ܗܘ ܕܝܢ ܬܠܡܝܕܐ ܪܗܛ ܩܕܡܗ ܠܫܡܥܘܢ ܘܐܬܐ ܩܕܡܝܐ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܀
5At nang kaniyang tunghan at tingnan ang loob, ay nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino; gayon ma'y hindi siya pumasok sa loob.
5ܘܐܕܝܩ ܚܙܐ ܟܬܢܐ ܟܕ ܤܝܡܝܢ ܡܥܠ ܕܝܢ ܠܐ ܥܠ ܀
6Dumating naman nga si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nangakalatag ang mga kayong lino,
6ܐܬܐ ܕܝܢ ܫܡܥܘܢ ܒܬܪܗ ܘܥܠ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܘܚܙܐ ܟܬܢܐ ܟܕ ܤܝܡܝܢ ܀
7At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi.
7ܘܤܘܕܪܐ ܗܘ ܕܚܙܝܩ ܗܘܐ ܒܪܫܗ ܠܐ ܥܡ ܟܬܢܐ ܐܠܐ ܟܕ ܟܪܝܟ ܘܤܝܡ ܠܤܛܪ ܒܚܕܐ ܕܘܟܐ ܀
8Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya.
8ܗܝܕܝܢ ܥܠ ܐܦ ܗܘ ܬܠܡܝܕܐ ܕܐܬܐ ܩܕܡܝܐ ܠܒܝܬ ܩܒܘܪܐ ܘܚܙܐ ܘܗܝܡܢ ܀
9Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay.
9ܠܐ ܓܝܪ ܥܕܟܝܠ ܝܕܥܝܢ ܗܘܘ ܡܢ ܟܬܒܐ ܕܥܬܝܕ ܗܘܐ ܠܡܩܡ ܡܢ ܡܝܬܐ ܀
10Kaya't ang mga alagad ay muling nagsitungo sa kanikanilang sariling tahanan.
10ܘܐܙܠܘ ܗܢܘܢ ܬܠܡܝܕܐ ܬܘܒ ܠܕܘܟܬܗܘܢ ܀
11Nguni't si Maria ay nakatayo sa labas ng libingan na umiiyak: sa gayon, samantalang siya'y umiiyak, siya'y yumuko at tumingin sa loob ng libingan;
11ܡܪܝܡ ܕܝܢ ܩܝܡܐ ܗܘܬ ܠܘܬ ܩܒܪܐ ܘܒܟܝܐ ܘܟܕ ܒܟܝܐ ܐܕܝܩܬ ܒܩܒܪܐ ܀
12At nakita niya ang dalawang anghel na nararamtan na nangakaupo, ang isa'y sa ulunan, at ang isa'y sa paanan, ng kinalalagyan ng bangkay ni Jesus.
12ܘܚܙܬ ܬܪܝܢ ܡܠܐܟܐ ܒܚܘܪܐ ܕܝܬܒܝܢ ܚܕ ܡܢ ܐܤܕܘܗܝ ܘܚܕ ܡܢ ܪܓܠܘܗܝ ܐܝܟܐ ܕܤܝܡ ܗܘܐ ܦܓܪܗ ܕܝܫܘܥ ܀
13At sinabi nila sa kaniya, Babae, bakit ka umiiyak? Sinabi niya sa kanila, Sapagka't kinuha nila ang aking Panginoon, at hindi ko maalaman kung saan nila inilagay siya.
13ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܐܢܬܬܐ ܡܢܐ ܒܟܝܐ ܐܢܬܝ ܐܡܪܐ ܠܗܘܢ ܕܫܩܠܘܗܝ ܠܡܪܝ ܘܠܐ ܝܕܥܐ ܐܢܐ ܐܝܟܐ ܤܡܘܗܝ ܀
14Pagkasabi niya ng gayon, siya'y lumingon, at nakitang nakatayo si Jesus, at hindi nalalaman na yaon ay si Jesus.
14ܗܕܐ ܐܡܪܬ ܘܐܬܦܢܝܬ ܠܒܤܬܪܗ ܘܚܙܬ ܠܝܫܘܥ ܕܩܐܡ ܘܠܐ ܝܕܥܐ ܗܘܬ ܕܝܫܘܥ ܗܘ ܀
15Sinabi sa kaniya ni Jesus, Babae, bakit ka umiiyak? sino ang iyong hinahanap? Siya, sa pagaakalang yao'y maghahalaman, ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung ikaw ang kumuha sa kaniya, ay sabihin mo sa akin kung saan mo siya inilagay, at akin siyang kukunin.
15ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܐܢܬܬܐ ܡܢܐ ܒܟܝܐ ܐܢܬܝ ܘܠܡܢ ܒܥܝܐ ܐܢܬܝ ܗܝ ܕܝܢ ܤܒܪܬ ܕܓܢܢܐ ܗܘ ܘܐܡܪܐ ܠܗ ܡܪܝ ܐܢ ܐܢܬ ܫܩܠܬܝܗܝ ܐܡܪ ܠܝ ܐܝܟܐ ܤܡܬܝܗܝ ܐܙܠ ܐܫܩܠܝܘܗܝ ܀
16Sinabi sa kaniya ni Jesus, Maria. Lumingon siya, at nagsabi sa kaniya sa wikang Hebreo, Raboni; na ang ibig sabihin ay, Guro.
16ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܡܪܝܡ ܘܐܬܦܢܝܬ ܘܐܡܪܐ ܠܗ ܥܒܪܐܝܬ ܪܒܘܠܝ ܕܡܬܐܡܪ ܡܠܦܢܐ ܀
17Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.
17ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܠܐ ܬܬܩܪܒܝܢ ܠܝ ܠܐ ܓܝܪ ܥܕܟܝܠ ܤܠܩܬ ܠܘܬ ܐܒܝ ܙܠܝ ܕܝܢ ܠܘܬ ܐܚܝ ܘܐܡܪܝ ܠܗܘܢ ܤܠܩ ܐܢܐ ܠܘܬ ܐܒܝ ܘܐܒܘܟܘܢ ܘܐܠܗܝ ܘܐܠܗܟܘܢ ܀
18Naparoon si Maria Magdalena at sinabi sa mga alagad, Nakita ko ang Panginoon; at kung paanong sinabi niya sa kaniya ang mga bagay na ito.
18ܗܝܕܝܢ ܐܬܬ ܡܪܝܡ ܡܓܕܠܝܬܐ ܘܤܒܪܬ ܠܬܠܡܝܕܐ ܕܚܙܬ ܠܡܪܢ ܘܕܗܠܝܢ ܐܡܪ ܠܗ ܀
19Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
19ܟܕ ܗܘܐ ܕܝܢ ܪܡܫܐ ܕܝܘܡܐ ܗܘ ܕܚܕ ܒܫܒܐ ܘܬܪܥܐ ܐܚܝܕܝܢ ܗܘܘ ܕܐܝܟܐ ܕܐܝܬܝܗܘܢ ܗܘܘ ܬܠܡܝܕܐ ܡܛܠ ܕܚܠܬܐ ܕܝܗܘܕܝܐ ܐܬܐ ܝܫܘܥ ܩܡ ܒܝܢܬܗܘܢ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܫܠܡܐ ܥܡܟܘܢ ܀
20At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.
20ܗܕܐ ܐܡܪ ܘܚܘܝ ܐܢܘܢ ܐܝܕܘܗܝ ܘܤܛܪܗ ܘܚܕܝܘ ܬܠܡܝܕܐ ܕܚܙܘ ܠܡܪܢ ܀
21Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.
21ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܕܝܢ ܬܘܒ ܝܫܘܥ ܫܠܡܐ ܥܡܟܘܢ ܐܝܟܢܐ ܕܫܕܪܢܝ ܐܒܝ ܐܦ ܐܢܐ ܡܫܕܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܀
22At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:
22ܘܟܕ ܐܡܪ ܗܠܝܢ ܢܦܚ ܒܗܘܢ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܩܒܠܘ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܀
23Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.
23ܐܢ ܬܫܒܩܘܢ ܚܛܗܐ ܠܐܢܫ ܢܫܬܒܩܘܢ ܠܗ ܘܐܢ ܬܐܚܕܘܢ ܕܐܢܫ ܐܚܝܕܝܢ ܀
24Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.
24ܬܐܘܡܐ ܕܝܢ ܚܕ ܡܢ ܬܪܥܤܪܬܐ ܗܘ ܕܡܬܐܡܪ ܬܐܡܐ ܠܐ ܗܘܐ ܬܡܢ ܗܘܐ ܥܡܗܘܢ ܟܕ ܐܬܐ ܝܫܘܥ ܀
25Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.
25ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܬܠܡܝܕܐ ܚܙܝܢ ܠܡܪܢ ܗܘ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܠܐ ܚܙܐ ܐܢܐ ܒܐܝܕܘܗܝ ܕܘܟܝܬܐ ܕܨܨܐ ܘܪܡܐ ܐܢܐ ܒܗܝܢ ܨܒܥܬܝ ܘܡܘܫܛ ܐܢܐ ܐܝܕܝ ܒܕܦܢܗ ܠܐ ܡܗܝܡܢ ܐܢܐ ܀
26At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
26ܘܒܬܪ ܬܡܢܝܐ ܝܘܡܝܢ ܬܘܒ ܠܓܘ ܗܘܘ ܬܠܡܝܕܐ ܘܬܐܘܡܐ ܥܡܗܘܢ ܘܐܬܐ ܝܫܘܥ ܟܕ ܐܚܝܕܝܢ ܬܪܥܐ ܩܡ ܒܡܨܥܬܐ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܫܠܡܐ ܥܡܟܘܢ ܀
27Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.
27ܘܐܡܪ ܠܬܐܘܡܐ ܐܝܬܐ ܨܒܥܟ ܠܗܪܟܐ ܘܚܙܝ ܐܝܕܝ ܘܐܝܬܐ ܐܝܕܟ ܘܐܘܫܛ ܒܓܒܝ ܘܠܐ ܬܗܘܐ ܠܐ ܡܗܝܡܢܐ ܐܠܐ ܡܗܝܡܢܐ ܀
28Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.
28ܘܥܢܐ ܬܐܘܡܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܡܪܝ ܘܐܠܗܝ ܀
29Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.
29ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܗܫܐ ܕܚܙܝܬܢܝ ܗܝܡܢܬ ܛܘܒܝܗܘܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܚܙܐܘܢܝ ܘܗܝܡܢܘ ܀
30Gumawa rin nga si Jesus ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:
30ܤܓܝܐܬܐ ܕܝܢ ܐܬܘܬܐ ܐܚܪܢܝܬܐ ܥܒܕ ܝܫܘܥ ܩܕܡ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܟܬܝܒܢ ܒܟܬܒܐ ܗܢܐ ܀
31Nguni't ang mga ito ay nangasulat, upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.
31ܐܦ ܗܠܝܢ ܕܝܢ ܕܟܬܝܒܢ ܕܬܗܝܡܢܘܢ ܕܝܫܘܥ ܗܘ ܡܫܝܚܐ ܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܘܡܐ ܕܗܝܡܢܬܘܢ ܢܗܘܘܢ ܠܟܘܢ ܒܫܡܗ ܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܀