Tagalog 1905

Syriac: NT

John

4

1Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan
1ܝܕܥ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܕܫܡܥܘ ܦܪܝܫܐ ܕܬܠܡܝܕܐ ܤܓܝܐܐ ܥܒܕ ܘܡܥܡܕ ܝܬܝܪ ܡܢ ܝܘܚܢܢ ܀
2(Bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad),
2ܟܕ ܠܐ ܗܘܐ ܗܘ ܝܫܘܥ ܡܥܡܕ ܗܘܐ ܐܠܐ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܀
3Nilisan niya ang Judea, at naparoong muli sa Galilea.
3ܘܫܒܩܗ ܠܝܗܘܕ ܘܐܙܠ ܠܗ ܬܘܒ ܠܓܠܝܠܐ ܀
4At kinakailangang magdaan siya sa Samaria.
4ܡܥܒܕܐ ܗܘܬ ܠܗ ܕܝܢ ܕܢܐܬܐ ܢܥܒܪ ܥܠ ܒܝܬ ܫܡܪܝܐ ܀
5Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak:
5ܘܐܬܐ ܠܡܕܝܢܬܐ ܕܫܡܪܝܐ ܕܡܬܩܪܝܐ ܫܟܪ ܥܠ ܓܢܒ ܩܪܝܬܐ ܕܝܗܒ ܗܘܐ ܝܥܩܘܒ ܠܝܘܤܦ ܒܪܗ ܀
6At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras.
6ܘܐܝܬ ܗܘܐ ܬܡܢ ܡܥܝܢܐ ܕܡܝܐ ܕܝܥܩܘܒ ܗܘ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܠܐܐ ܗܘܐ ܡܢ ܥܡܠܐ ܕܐܘܪܚܐ ܘܝܬܒ ܗܘܐ ܠܗ ܥܠ ܡܥܝܢܐ ܘܐܝܬ ܗܘܝ ܫܬ ܫܥܝܢ ܀
7Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Painumin mo ako.
7ܘܐܬܬ ܐܢܬܬܐ ܡܢ ܫܡܪܝܢ ܕܬܡܠܐ ܡܝܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܗܒ ܠܝ ܡܝܐ ܐܫܬܐ ܀
8Sapagka't napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain.
8ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܓܝܪ ܥܠܘ ܗܘܘ ܠܡܕܝܢܬܐ ܕܢܙܒܢܘܢ ܠܗܘܢ ܤܝܒܪܬܐ ܀
9Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako'y babaing Samaritana? (Sapagka't hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano.)
9ܐܡܪܐ ܠܗ ܗܝ ܐܢܬܬܐ ܫܡܪܝܬܐ ܐܝܟܢܐ ܐܢܬ ܝܗܘܕܝܐ ܐܢܬ ܘܡܢܝ ܫܐܠ ܐܢܬ ܠܡܫܬܐ ܕܐܝܬܝ ܐܢܬܬܐ ܫܡܪܝܬܐ ܠܐ ܓܝܪ ܡܬܚܫܚܝܢ ܝܗܘܕܝܐ ܥܡ ܫܡܪܝܐ ܀
10Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyo'y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay.
10ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܠܘ ܝܕܥܐ ܗܘܝܬܝ ܡܘܗܒܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܡܢܘ ܗܢܐ ܕܐܡܪ ܠܟܝ ܗܒ ܠܝ ܐܫܬܐ ܐܢܬܝ ܫܐܠܐ ܗܘܝܬܝ ܠܗ ܘܝܗܒ ܗܘܐ ܠܟܝ ܡܝܐ ܚܝܐ ܀
11Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, wala kang sukat isalok ng tubig, at malalim ang balon: saan nga naroon ang iyong tubig na buhay?
11ܐܡܪܐ ܠܗ ܐܢܬܬܐ ܗܝ ܡܪܝ ܠܐ ܕܘܠܐ ܐܝܬ ܠܟ ܘܒܪܐ ܥܡܝܩܐ ܐܝܡܟܐ ܠܟ ܡܝܐ ܚܝܐ ܀
12Dakila ka pa baga sa aming amang si Jacob, na sa ami'y nagbigay ng balon, at dito'y uminom siya, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang mga hayop?
12ܠܡܐ ܐܢܬ ܪܒ ܐܢܬ ܡܢ ܐܒܘܢ ܝܥܩܘܒ ܗܘ ܕܗܘ ܝܗܒ ܠܢ ܒܪܐ ܗܕܐ ܘܗܘ ܡܢܗ ܐܫܬܝ ܘܒܢܘܗܝ ܘܥܢܗ ܀
13Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawa't uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw:
13ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܟܠ ܕܢܫܬܐ ܡܢ ܗܠܝܢ ܡܝܐ ܬܘܒ ܢܨܗܐ ܀
14Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.
14ܟܠ ܕܝܢ ܕܢܫܬܐ ܡܢ ܡܝܐ ܕܐܢܐ ܐܬܠ ܠܗ ܠܐ ܢܨܗܐ ܠܥܠܡ ܐܠܐ ܡܝܐ ܗܢܘܢ ܕܝܗܒ ܐܢܐ ܠܗ ܢܗܘܘܢ ܒܗ ܡܥܝܢܐ ܕܡܝܐ ܕܢܒܥܝܢ ܠܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܀
15Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig na ito, upang ako'y huwag mauhaw, ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa.
15ܐܡܪܐ ܠܗ ܐܢܬܬܐ ܗܝ ܡܪܝ ܗܒ ܠܝ ܡܢ ܗܠܝܢ ܡܝܐ ܕܠܐ ܬܘܒ ܐܨܗܐ ܘܠܐ ܗܘܝܬ ܐܬܝܐ ܕܠܝܐ ܡܢ ܗܪܟܐ ܀
16Sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa, at pumarito ka.
16ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܙܠܝ ܩܪܝ ܠܒܥܠܟܝ ܘܬܝ ܠܗܪܟܐ ܀
17Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, Wala akong asawa. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Mabuti ang pagkasabi mo, Wala akong asawa:
17ܐܡܪܐ ܠܗ ܠܝܬ ܠܝ ܒܥܠܐ ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܫܦܝܪ ܐܡܪܬܝ ܕܠܝܬ ܠܝ ܒܥܠܐ ܀
18Sapagka't nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito'y sinabi mo ang katotohanan.
18ܚܡܫܐ ܓܝܪ ܒܥܠܝܢ ܗܘܘ ܠܟܝ ܘܗܢܐ ܕܐܝܬ ܠܟܝ ܗܫܐ ܠܐ ܗܘܐ ܒܥܠܟܝ ܗܕܐ ܫܪܝܪܬܐ ܐܡܪܬܝ ܀
19Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, napaghahalata kong ikaw ay isang propeta.
19ܐܡܪܐ ܠܗ ܗܝ ܐܢܬܬܐ ܡܪܝ ܚܙܝܐ ܐܢܐ ܕܢܒܝܐ ܐܢܬ ܀
20Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao.
20ܐܒܗܝܢ ܒܗܢܐ ܛܘܪܐ ܤܓܕܘ ܘܐܢܬܘܢ ܐܡܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܒܐܘܪܫܠܡ ܗܘ ܐܬܪ ܕܘܠܐ ܠܡܤܓܕ ܀
21Sa kaniya'y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.
21ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܐܢܬܬܐ ܗܝܡܢܝܢܝ ܕܐܬܝܐ ܫܥܬܐ ܕܠܐ ܒܗܢܐ ܛܘܪܐ ܘܐܦ ܠܐ ܒܐܘܪܫܠܡ ܬܤܓܕܘܢ ܠܐܒܐ ܀
22Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka't ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.
22ܐܢܬܘܢ ܤܓܕܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܡܕܡ ܕܠܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܚܢܢ ܕܝܢ ܤܓܕܝܢ ܚܢܢ ܠܡܐ ܕܝܕܥܝܢ ܚܢܢ ܕܚܝܐ ܡܢ ܝܗܘܕܝܐ ܐܢܘܢ ܀
23Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
23ܐܠܐ ܐܬܝܐ ܫܥܬܐ ܘܗܫܐ ܐܝܬܝܗ ܐܡܬܝ ܕܤܓܘܕܐ ܫܪܝܪܐ ܢܤܓܕܘܢ ܠܐܒܐ ܒܪܘܚܐ ܘܒܫܪܪܐ ܐܦ ܐܒܐ ܓܝܪ ܕܐܝܟ ܗܠܝܢ ܗܘ ܤܓܘܕܐ ܒܥܐ ܀
24Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
24ܪܘܚܐ ܗܘ ܓܝܪ ܐܠܗܐ ܘܐܝܠܝܢ ܕܤܓܕܝܢ ܠܗ ܒܪܘܚܐ ܘܒܫܪܪܐ ܘܠܐ ܕܢܤܓܕܘܢ ܀
25Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
25ܐܡܪܐ ܠܗ ܐܢܬܬܐ ܗܝ ܝܕܥܐ ܐܢܐ ܕܡܫܝܚܐ ܐܬܐ ܘܡܐ ܕܐܬܐ ܗܘ ܡܠܦ ܠܢ ܟܠܡܕܡ ܀
26Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga.
26ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܐܢܐ ܐܢܐ ܕܡܡܠܠ ܐܢܐ ܥܡܟܝ ܀
27At sa ganito'y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila'y nangagtaka na siya'y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma'y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya?
27ܘܟܕ ܡܡܠܠ ܐܬܘ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܡܬܕܡܪܝܢ ܗܘܘ ܕܥܡ ܐܢܬܬܐ ܡܡܠܠ ܠܐ ܕܝܢ ܐܢܫ ܐܡܪ ܡܢܐ ܒܥܐ ܐܢܬ ܐܘ ܡܢܐ ܡܡܠܠ ܐܢܬ ܥܡܗ ܀
28Sa gayo'y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao,
28ܘܫܒܩܬ ܩܘܠܬܗ ܐܢܬܬܐ ܘܐܙܠܬ ܠܡܕܝܢܬܐ ܘܐܡܪܐ ܠܐܢܫܐ ܀
29Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?
29ܬܘ ܚܙܘ ܓܒܪܐ ܕܐܡܪ ܠܝ ܟܠ ܡܕܡ ܕܥܒܕܬ ܠܡܐ ܗܘܝܘ ܡܫܝܚܐ ܀
30Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya.
30ܘܢܦܩܘ ܐܢܫܐ ܡܢ ܡܕܝܢܬܐ ܘܐܬܝܢ ܗܘܘ ܠܘܬܗ ܀
31Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, kumain ka.
31ܘܒܝܢܬ ܗܠܝܢ ܒܥܝܢ ܗܘܘ ܡܢܗ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܪܒܢ ܠܥܤ ܀
32Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako'y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman.
32ܗܘ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܝܬ ܠܝ ܡܐܟܘܠܬܐ ܕܐܟܘܠ ܐܝܕܐ ܕܐܢܬܘܢ ܠܐ ܝܕܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
33Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan, May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain?
33ܐܡܪܝܢ ܬܠܡܝܕܐ ܒܝܢܝܗܘܢ ܠܡܐ ܐܢܫ ܐܝܬܝ ܠܗ ܡܕܡ ܠܡܐܟܠ ܀
34Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.
34ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܡܐܟܘܠܬܝ ܕܝܠܝ ܐܝܬܝܗ ܕܐܥܒܕ ܨܒܝܢܗ ܕܡܢ ܕܫܕܪܢܝ ܘܐܫܠܡܝܘܗܝ ܠܥܒܕܗ ܀
35Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo'y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.
35ܠܐ ܐܢܬܘܢ ܐܡܪܝܢ ܕܒܬܪ ܐܪܒܥܐ ܝܪܚܝܢ ܐܬܐ ܚܨܕܐ ܗܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܐܪܝܡܘ ܥܝܢܝܟܘܢ ܘܚܙܘ ܐܪܥܬܐ ܕܚܘܪ ܘܡܛܝ ܠܚܨܕܐ ܡܢ ܟܕܘ ܀
36Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa.
36ܘܐܝܢܐ ܕܚܨܕ ܐܓܪܐ ܢܤܒ ܘܟܢܫ ܦܐܪܐ ܠܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܘܙܪܘܥܐ ܘܚܨܘܕܐ ܐܟܚܕܐ ܢܚܕܘܢ ܀
37Sapagka't dito'y totoo ang kasabihan, Isa ang naghahasik, at iba ang umaani.
37ܒܗܕܐ ܓܝܪ ܐܝܬܝܗ ܡܠܬܐ ܕܫܪܪܐ ܕܐܚܪܝܢ ܗܘ ܙܪܥ ܘܐܚܪܝܢ ܚܨܕ ܀
38Kayo'y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan: iba ang nangagpagal, at kayo'y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan.
38ܐܢܐ ܫܕܪܬܟܘܢ ܠܡܚܨܕ ܡܕܡ ܕܠܐ ܗܘܐ ܐܢܬܘܢ ܠܐܝܬܘܢ ܒܗ ܐܚܪܢܐ ܓܝܪ ܠܐܝܘ ܘܐܢܬܘܢ ܥܠܬܘܢ ܥܠ ܥܡܠܗܘܢ ܕܗܢܘܢ ܀
39At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya'y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.
39ܡܢ ܗܝ ܡܕܝܢܬܐ ܕܝܢ ܤܓܝܐܐ ܗܝܡܢܘ ܒܗ ܫܡܪܝܐ ܡܛܠ ܡܠܬܗ ܕܐܢܬܬܐ ܗܝ ܕܡܤܗܕܐ ܗܘܬ ܕܐܡܪ ܠܝ ܟܠܡܕܡ ܕܥܒܕܬ ܀
40Kaya nang sa kaniya'y magsidating ang mga Samaritano, ay sa kaniya'y ipinamanhik nila na matira sa kanila: at siya'y natira roong dalawang araw.
40ܘܟܕ ܐܬܘ ܠܘܬܗ ܗܢܘܢ ܫܡܪܝܐ ܒܥܘ ܡܢܗ ܕܢܗܘܐ ܠܘܬܗܘܢ ܘܗܘܐ ܠܘܬܗܘܢ ܬܪܝܢ ܝܘܡܝܢ ܀
41At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita;
41ܘܤܓܝܐܐ ܗܝܡܢܘ ܒܗ ܡܛܠ ܡܠܬܗ ܀
42At sinabi nila sa babae, Ngayo'y nagsisisampalataya kami, hindi dahil sa iyong pananalita: sapagka't kami rin ang nakarinig, at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan.
42ܘܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܠܐܢܬܬܐ ܗܝ ܕܡܟܝܠ ܠܐ ܗܘܐ ܡܛܠ ܡܠܬܟܝ ܡܗܝܡܢܝܢ ܚܢܢ ܒܗ ܚܢܢ ܓܝܪ ܫܡܥܢ ܘܝܕܥܢ ܕܗܢܘ ܫܪܝܪܐܝܬ ܡܫܝܚܐ ܡܚܝܢܗ ܕܥܠܡܐ ܀
43At pagkaraan ng dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea.
43ܘܒܬܪ ܬܪܝܢ ܝܘܡܝܢ ܢܦܩ ܝܫܘܥ ܡܢ ܬܡܢ ܘܐܙܠ ܠܓܠܝܠܐ ܀
44Sapagka't si Jesus din ang nagpatotoo, na ang isang propeta ay walang kapurihan sa kaniyang sariling lupain.
44ܗܘ ܓܝܪ ܝܫܘܥ ܤܗܕ ܕܢܒܝܐ ܒܡܕܝܢܬܗ ܠܐ ܡܬܝܩܪ ܀
45Kaya nang siya'y dumating sa Galilea, ay tinanggap siya ng mga Galileo, nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan: sapagka't sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan.
45ܟܕ ܕܝܢ ܐܬܐ ܠܓܠܝܠܐ ܩܒܠܘܗܝ ܓܠܝܠܝܐ ܕܚܙܘ ܐܬܘܬܐ ܟܠ ܕܥܒܕ ܒܐܘܪܫܠܡ ܒܥܕܥܕܐ ܐܬܘ ܗܘܘ ܓܝܪ ܘܐܦ ܗܢܘܢ ܠܥܕܥܕܐ ܀
46Naparoon ngang muli siya sa Cana ng Galilea, na doo'y kaniyang pinapaging alak ang tubig. At naroroon ang isang mahal na tao, na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum.
46ܐܬܐ ܕܝܢ ܬܘܒ ܝܫܘܥ ܠܩܛܢܐ ܕܓܠܝܠܐ ܐܝܟܐ ܕܥܒܕ ܡܝܐ ܚܡܪܐ ܘܐܝܬ ܗܘܐ ܒܟܦܪܢܚܘܡ ܥܒܕ ܡܠܟܐ ܚܕ ܕܒܪܗ ܟܪܝܗ ܗܘܐ ܀
47Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea, ay naparoon siya sa kaniya, at ipinamanhik sa kaniya na siya'y lumusong, at pagalingin ang kaniyang anak na lalake; sapagka't siya'y naghihingalo.
47ܗܢܐ ܫܡܥ ܕܐܬܐ ܝܫܘܥ ܡܢ ܝܗܘܕ ܠܓܠܝܠܐ ܘܐܙܠ ܠܘܬܗ ܘܒܥܐ ܗܘܐ ܡܢܗ ܕܢܚܘܬ ܘܢܐܤܐ ܠܒܪܗ ܩܪܝܒ ܗܘܐ ܓܝܪ ܠܡܡܬ ܀
48Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Malibang kayo'y mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ay hindi kayo magsisipaniwala sa anomang paraan.
48ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܐܢ ܐܬܘܬܐ ܘܬܕܡܪܬܐ ܠܐ ܬܚܙܘܢ ܠܐ ܬܗܝܡܢܘܢ ܀
49Ang mahal na tao ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking anak.
49ܐܡܪ ܠܗ ܗܘ ܥܒܕ ܡܠܟܐ ܡܪܝ ܚܘܬ ܥܕܠܐ ܡܐܬ ܠܗ ܛܠܝܐ ܀
50Sinabi sa kaniya ni Jesus, Yumaon ka ng iyong lakad; buhay ang anak mo. Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus, at siya'y yumaon sa kaniyang lakad.
50ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܙܠ ܒܪܟ ܚܝ ܗܘ ܘܗܝܡܢ ܗܘ ܓܒܪܐ ܒܡܠܬܐ ܕܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܘܐܙܠ ܀
51At samantalang siya'y lumulusong, ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin, na nangagsasabi, na ang kaniyang anak ay buhay.
51ܟܕ ܕܝܢ ܢܚܬ ܗܘܐ ܐܪܥܘܗܝ ܥܒܕܘܗܝ ܘܤܒܪܘܗܝ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܒܪܟ ܚܝܐ ܀
52Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya'y pasimulan ng paggaling. Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat.
52ܘܫܐܠ ܐܢܘܢ ܒܐܝܢܐ ܥܕܢܐ ܐܬܚܠܡ ܐܡܪܝܢ ܠܗ ܐܬܡܠܝ ܒܫܒܥ ܫܥܝܢ ܫܒܩܬܗ ܐܫܬܐ ܀
53Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya'y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan.
53ܘܝܕܥ ܐܒܘܗܝ ܕܒܗܝ ܫܥܬܐ ܕܒܗ ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܕܒܪܟ ܚܝܐ ܘܗܝܡܢ ܗܘ ܘܒܝܬܗ ܟܠܗ ܀
54Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus, nang siya'y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea.
54ܗܕܐ ܬܘܒ ܐܬܐ ܕܬܪܬܝܢ ܥܒܕ ܝܫܘܥ ܟܕ ܐܬܐ ܡܢ ܝܗܘܕ ܠܓܠܝܠܐ ܀