Tagalog 1905

Syriac: NT

Luke

13

1Nang panahon ding ngang yaon ay nangaroon ang ilan, na nagsipagsabi sa kaniya tungkol sa mga Galileo, na ang dugo ng mga ito'y inihalo ni Pilato sa mga hain nila.
1ܒܗܘ ܕܝܢ ܙܒܢܐ ܐܬܘ ܐܢܫܝܢ ܐܡܪܘ ܠܗ ܥܠ ܓܠܝܠܝܐ ܗܢܘܢ ܕܦܝܠܛܘܤ ܚܠܛ ܕܡܗܘܢ ܥܡ ܕܒܚܝܗܘܢ ܀
2At siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Inaakala baga ninyo na ang mga Galileong ito ay higit ang pagkamakasalanan kay sa lahat ng mga Galileo, dahil sa sila'y nangagbata ng mga bagay na ito?
2ܘܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܤܒܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܗܠܝܢ ܓܠܝܠܝܐ ܚܛܝܝܢ ܗܘܘ ܝܬܝܪ ܡܢ ܟܠܗܘܢ ܓܠܝܠܝܐ ܕܗܟܢܐ ܗܘܐ ܐܢܘܢ ܀
3Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.
3ܠܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܝܢ ܕܐܦ ܟܠܟܘܢ ܐܠܐ ܬܬܘܒܘܢ ܗܟܢܐ ܬܐܒܕܘܢ ܀
4O yaong labingwalo, na nalagpakan ng moog sa Siloe, at nangamatay, ay inaakala baga ninyo na sila'y lalong salarin kay sa lahat ng taong nangananahan sa Jerusalem?
4ܐܘ ܗܢܘܢ ܬܡܢܬܥܤܪ ܕܢܦܠ ܥܠܝܗܘܢ ܡܓܕܠܐ ܒܫܝܠܘܚܐ ܘܩܛܠ ܐܢܘܢ ܤܒܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܚܛܝܝܢ ܗܘܘ ܝܬܝܪ ܡܢ ܟܠܗܘܢ ܒܢܝܢܫܐ ܕܥܡܪܝܢ ܒܐܘܪܫܠܡ ܀
5Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa't, malibang kayo'y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.
5ܠܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܝܢ ܕܐܠܐ ܬܬܘܒܘܢ ܟܠܟܘܢ ܐܟܘܬܗܘܢ ܬܐܒܕܘܢ ܀
6At sinalita niya ang talinghagang ito, Isang tao ay may isang puno ng igos na natatanim sa kaniyang ubasan; at siya'y naparoong humahanap ng bunga niyaon, at walang nasumpungan.
6ܘܐܡܪ ܡܬܠܐ ܗܢܐ ܬܬܐ ܐܝܬ ܗܘܬ ܠܐܢܫ ܕܢܨܝܒܐ ܒܟܪܡܗ ܘܐܬܐ ܒܥܐ ܒܗ ܦܐܪܐ ܘܠܐ ܐܫܟܚ ܀
7At sinabi niya sa nagaalaga ng ubasan, Narito, tatlong taon nang pumaparito akong humahanap ng bunga sa puno ng igos na ito, at wala akong masumpungan: putulin mo; bakit pa makasisikip sa lupa?
7ܘܐܡܪ ܠܦܠܚܐ ܗܐ ܬܠܬ ܫܢܝܢ ܐܬܐ ܐܢܐ ܒܥܐ ܐܢܐ ܦܐܪܐ ܒܬܬܐ ܗܕܐ ܘܠܐ ܡܫܟܚ ܐܢܐ ܦܤܘܩܝܗ ܠܡܢܐ ܡܒܛܠܐ ܐܪܥܐ ܀
8At pagsagot niya'y sinabi sa kaniya, Panginoon, pabayaan mo muna sa taong ito, hanggang sa aking mahukayan sa palibot, at malagyan ng pataba:
8ܐܡܪ ܠܗ ܦܠܚܐ ܡܪܝ ܫܒܘܩܝܗ ܐܦ ܗܕܐ ܫܢܬܐ ܥܕ ܐܦܠܚܝܗ ܘܐܙܒܠܝܗ ܀
9At kung pagkatapos ay magbunga, ay mabuti; datapuwa't kung hindi, ay puputulin mo.
9ܘܐܢ ܥܒܕܬ ܦܐܪܐ ܘܐܠܐ ܠܡܢܚܝ ܬܦܤܩܝܗ ܀
10At siya'y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath.
10ܟܕ ܕܝܢ ܡܠܦ ܝܫܘܥ ܒܫܒܬܐ ܒܚܕܐ ܡܢ ܟܢܘܫܬܐ ܀
11At narito, ang isang babae na may espiritu ng sakit na may labingwalong taon na; at totoong baluktot at hindi makaunat sa anomang paraan.
11ܐܝܬ ܗܘܬ ܬܡܢ ܐܢܬܬܐ ܕܐܝܬ ܗܘܬ ܠܗ ܪܘܚܐ ܕܟܘܪܗܢܐ ܫܢܝܢ ܬܡܢܥܤܪܐ ܘܟܦܝܦܐ ܗܘܬ ܘܠܐ ܡܫܟܚܐ ܗܘܬ ܕܬܬܦܫܛ ܠܓܡܪ ܀
12At nang siya'y makita ni Jesus, ay kaniyang tinawag siya, at sinabi niya sa kaniya, Babae, kalag ka na sa iyong sakit.
12ܚܙܗ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܘܩܪܗ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܢܬܬܐ ܫܪܝܬܝ ܡܢ ܟܘܪܗܢܟܝ ܀
13At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya: at pagdaka siya'y naunat, at niluwalhati niya ang Dios.
13ܘܤܡ ܐܝܕܗ ܥܠܝܗ ܘܡܚܕܐ ܐܬܦܫܛܬ ܘܫܒܚܬ ܠܐܠܗܐ ܀
14At ang pinuno sa sinagoga, dala ng kagalitan, sapagka't si Jesus ay nagpagaling nang sabbath, ay sumagot at sinabi sa karamihan, May anim na araw na ang mga tao'y dapat na magsigawa: kaya sa mga araw na iyan ay magsiparito kayo, at kayo'y pagagalingin, at huwag sa araw ng sabbath.
14ܥܢܐ ܕܝܢ ܪܒ ܟܢܘܫܬܐ ܟܕ ܡܬܚܡܬ ܥܠ ܕܐܤܝ ܒܫܒܬܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܟܢܫܐ ܫܬܐ ܐܢܘܢ ܝܘܡܝܢ ܕܒܗܘܢ ܘܠܐ ܠܡܦܠܚ ܒܗܘܢ ܗܘܝܬܘܢ ܐܬܝܢ ܡܬܐܤܝܢ ܘܠܐ ܒܝܘܡܐ ܕܫܒܬܐ ܀
15Datapuwa't sinagot siya ng Panginoon, at sinabi, Kayong mga mapagpaimbabaw, hindi baga kinakalagan ng bawa't isa sa inyo sa sabbath ang kaniyang bakang lalake o ang kaniyang asno sa sabsaban, at ito'y inilalabas upang painumin?
15ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܥܢܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܢܤܒ ܒܐܦܐ ܚܕ ܚܕ ܡܢܟܘܢ ܒܫܒܬܐ ܠܐ ܫܪܐ ܬܘܪܗ ܐܘ ܚܡܪܗ ܡܢ ܐܘܪܝܐ ܘܐܙܠ ܡܫܩܐ ܀
16At ang babaing itong anak ni Abraham, na tinalian ni Satanas, narito, sa loob ng labingwalong taon, hindi baga dapat kalagan ng taling ito sa araw ng sabbath?
16ܗܕܐ ܕܝܢ ܕܒܪܬܗ ܗܝ ܕܐܒܪܗܡ ܘܐܤܪܗ ܐܟܠܩܪܨܐ ܗܐ ܬܡܢܥܤܪܐ ܫܢܝܢ ܠܐ ܘܠܐ ܗܘܐ ܕܬܫܬܪܐ ܡܢ ܗܢܐ ܐܤܘܪܝܐ ܒܝܘܡܐ ܕܫܒܬܐ ܀
17At samantalang sinasabi niya ang mga bagay na ito, ay nangapahiya ang lahat ng kaniyang mga kaalit: at nangagagalak ang buong karamihan dahil sa lahat ng maluwalhating bagay na kaniyang ginawa.
17ܘܟܕ ܗܠܝܢ ܐܡܪ ܗܘܐ ܒܗܬܝܢ ܗܘܘ ܟܠܗܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܩܝܡܝܢ ܗܘܘ ܠܩܘܒܠܗ ܘܟܠܗ ܥܡܐ ܚܕܐ ܗܘܐ ܒܟܠܗܝܢ ܬܡܝܗܬܐ ܕܗܘܝܢ ܗܘܝ ܒܐܝܕܗ ܀
18Sinabi nga niya, Sa ano tulad ang kaharian ng Dios? at sa ano ko itutulad?
18ܐܡܪ ܗܘܐ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܠܡܢܐ ܕܡܝܐ ܡܠܟܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܘܠܡܢܐ ܐܕܡܝܗ ܀
19Tulad sa isang butil ng mostasa na kinuha ng isang tao, at inihagis sa kaniyang sariling halamanan; at ito'y sumibol, at naging isang punong kahoy; at humapon sa mga sanga nito ang mga ibon sa langit.
19ܕܡܝܐ ܠܦܪܕܬܐ ܕܚܪܕܠܐ ܗܝ ܕܢܤܒ ܓܒܪܐ ܐܪܡܝܗ ܒܓܢܬܗ ܘܪܒܬ ܘܗܘܬ ܐܝܠܢܐ ܪܒܐ ܘܦܪܚܬܐ ܕܫܡܝܐ ܐܩܢܬ ܒܤܘܟܝܗ ܀
20At muling sinabi niya, Sa ano ko itutulad ang kaharian ng Dios?
20ܬܘܒ ܐܡܪ ܝܫܘܥ ܠܡܢܐ ܐܕܡܝܗ ܠܡܠܟܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
21Tulad sa lebadura na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.
21ܕܡܝܐ ܠܚܡܝܪܐ ܕܢܤܒܬ ܐܢܬܬܐ ܛܡܪܬ ܒܩܡܚܐ ܕܬܠܬ ܤܐܝܢ ܥܕܡܐ ܕܟܠܗ ܚܡܥ ܀
22At siya'y yumaon sa kaniyang lakad sa mga bayan at mga nayon, na nagtuturo, at naglalakbay na tungo sa Jerusalem.
22ܘܪܕܐ ܗܘܐ ܒܩܘܪܝܐ ܘܒܡܕܝܢܬܐ ܟܕ ܡܠܦ ܘܐܙܠ ܠܐܘܪܫܠܡ ܀
23At may isang nagsabi sa kaniya, Panginoon, kakaunti baga ang mangaliligtas? At sinabi niya sa kanila,
23ܫܐܠܗ ܕܝܢ ܐܢܫ ܕܐܢ ܙܥܘܪܝܢ ܐܢܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܚܐܝܢ ܀
24Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot: sapagka't sinasabi ko sa inyo na marami ang mangagsisikap na pumasok, at hindi mangyayari.
24ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܬܟܬܫܘ ܠܡܥܠ ܒܬܪܥܐ ܐܠܝܨܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܓܝܪ ܕܤܓܝܐܐ ܢܒܥܘܢ ܠܡܥܠ ܘܠܐ ܢܫܟܚܘܢ ܀
25Kung makatindig na ang puno ng sangbahayan, at mailapat na ang pinto, at magpasimula kayong mangagsitayo sa labas, at mangagsituktok sa pintuan, na mangagsasabi, Panginoon, buksan mo kami; at siya'y sasagot at sasabihin sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan;
25ܡܢ ܫܥܬܐ ܕܢܩܘܡ ܡܪܐ ܒܝܬܐ ܘܢܐܚܘܕ ܬܪܥܐ ܘܬܗܘܘܢ ܩܝܡܝܢ ܠܒܪ ܘܢܩܫܝܢ ܒܬܪܥܐ ܘܬܫܪܘܢ ܠܡܐܡܪ ܡܪܢ ܡܪܢ ܦܬܚ ܠܢ ܘܢܥܢܐ ܗܘ ܘܢܐܡܪ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܝܕܥ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܐܝܡܟܐ ܐܢܬܘܢ ܀
26Kung magkagayo'y pasisimulan ninyong sabihin, Nagsikain kami at nagsiinom sa harap mo, at nagturo ka sa aming mga lansangan;
26ܘܬܫܪܘܢ ܠܡܐܡܪ ܩܕܡܝܟ ܐܟܠܢ ܘܐܫܬܝܢ ܘܒܫܘܩܝܢ ܐܠܦܬ ܀
27At sasabihin niya, Sinasabi ko sa inyo na hindi ko kayo nangakikilala kung kayo'y taga saan; magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kalikuan.
27ܘܢܐܡܪ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܝܕܥ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܐܝܡܟܐ ܐܢܬܘܢ ܦܪܘܩܘ ܠܟܘܢ ܡܢܝ ܦܠܚܝ ܫܘܩܪܐ ܀
28Diyan na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng mga ngipin, kung mangakita ninyo si Abraham, at si Isaac, at si Jacob, at ang lahat ng mga propeta sa kaharian ng Dios, at kayo'y palabasin.
28ܬܡܢ ܢܗܘܐ ܒܟܝܐ ܘܚܘܪܩ ܫܢܐ ܟܕ ܬܚܙܘܢ ܠܐܒܪܗܡ ܘܠܐܝܤܚܩ ܘܠܝܥܩܘܒ ܘܠܟܠܗܘܢ ܢܒܝܐ ܒܡܠܟܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܐܢܬܘܢ ܕܝܢ ܬܗܘܘܢ ܡܦܩܝܢ ܠܒܪ ܀
29At sila'y magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios.
29ܘܢܐܬܘܢ ܡܢ ܡܕܢܚܐ ܘܡܢ ܡܥܪܒܐ ܘܡܢ ܬܝܡܢܐ ܘܡܢ ܓܪܒܝܐ ܘܢܤܬܡܟܘܢ ܒܡܠܟܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
30At narito, may mga huling magiging una at may mga unang magiging huli.
30ܘܗܐ ܐܝܬ ܐܚܪܝܐ ܕܢܗܘܘܢ ܩܕܡܝܐ ܘܐܝܬ ܩܕܡܝܐ ܕܢܗܘܘܢ ܐܚܪܝܐ ܀
31Nagsidating nang oras ding yaon ang ilang Fariseo, na nangagsasabi sa kaniya, Lumabas ka, at humayo ka rito: sapagka't ibig kang patayin ni Herodes.
31ܒܗ ܒܗܘ ܝܘܡܐ ܩܪܒܘ ܐܢܫܐ ܡܢ ܦܪܝܫܐ ܘܐܡܪܝܢ ܠܗ ܦܘܩ ܙܠ ܠܟ ܡܟܐ ܡܛܠ ܕܗܪܘܕܤ ܨܒܐ ܠܡܩܛܠܟ ܀
32At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon kayo, at inyong sabihin sa sorrang yaon, Narito, nagpapalabas ako ng mga demonio at nagpapagaling ngayon at bukas, at ako'y magiging sakdal sa ikatlong araw.
32ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܙܠܘ ܐܡܪܘ ܠܬܥܠܐ ܗܢܐ ܕܗܐ ܡܦܩ ܐܢܐ ܫܐܕܐ ܘܐܤܘܬܐ ܥܒܕ ܐܢܐ ܝܘܡܢܐ ܘܡܚܪ ܘܠܝܘܡܐ ܕܬܠܬܐ ܡܫܬܡܠܐ ܐܢܐ ܀
33Gayon ma'y kailangang ako'y yumaon sa aking lakad ngayon at bukas at sa makalawa: sapagka't hindi mangyayari na ang isang propeta ay mamatay sa labas ng Jerusalem.
33ܒܪܡ ܘܠܐ ܠܝ ܕܝܘܡܢܐ ܘܡܚܪ ܐܤܥܘܪ ܘܠܝܘܡܐ ܐܚܪܢܐ ܐܙܠ ܡܛܠ ܕܠܐ ܡܫܟܚܐ ܕܢܒܝܐ ܢܐܒܕ ܠܒܪ ܡܢ ܐܘܪܫܠܡ ܀
34Oh Jerusalem, Jerusalem, na pumapatay sa mga propeta, at bumabato sa mga sinugo sa kaniya! Makailang inibig kong tipunin ang iyong mga anak, na gaya ng pagtitipon ng inahing manok sa kaniyang sariling mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, at ayaw kayo!
34ܐܘܪܫܠܡ ܐܘܪܫܠܡ ܩܛܠܬ ܢܒܝܐ ܘܪܓܡܬ ܠܐܝܠܝܢ ܕܫܠܝܚܝܢ ܠܘܬܗ ܟܡܐ ܙܒܢܝܢ ܨܒܝܬ ܠܡܟܢܫܘ ܒܢܝܟܝ ܐܝܟ ܬܪܢܓܘܠܬܐ ܕܟܢܫܐ ܦܪܘܓܝܗ ܬܚܝܬ ܓܦܝܗ ܘܠܐ ܨܒܝܬܘܢ ܀
35Narito, sa inyo'y iniwang walang anoman ang inyong bahay: at sinasabi ko sa inyo, Hindi ninyo ako makikita, hanggang sa inyong sabihin, Mapalad ang pumaparito sa pangalan ng Panginoon.
35ܗܐ ܡܫܬܒܩ ܠܟܘܢ ܒܝܬܟܘܢ ܚܪܒܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܓܝܪ ܕܠܐ ܬܚܙܘܢܢܝ ܥܕܡܐ ܕܬܐܡܪܘܢ ܒܪܝܟ ܗܘ ܕܐܬܐ ܒܫܡܗ ܕܡܪܝܐ ܀