1At si Jesus, na puspos ng Espiritu Santo ay bumalik mula sa Jordan at inihatid ng Espiritu sa ilang,
1ܝܫܘܥ ܕܝܢ ܟܕ ܡܠܐ ܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܗܦܟ ܡܢ ܝܘܪܕܢܢ ܘܕܒܪܬܗ ܪܘܚܐ ܠܚܘܪܒܐ ܀
2Sa loob ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo. At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya.
2ܝܘܡܬܐ ܐܪܒܥܝܢ ܕܢܬܢܤܐ ܡܢ ܐܟܠܩܪܨܐ ܘܠܐ ܠܥܤ ܡܕܡ ܒܗܢܘܢ ܝܘܡܬܐ ܘܟܕ ܫܠܡ ܐܢܘܢ ܠܚܪܬܐ ܟܦܢ ܀
3At sinabi sa kaniya ng diablo, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ipag-utos mo na ang batong ito ay maging tinapay.
3ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܟܠܩܪܨܐ ܐܢ ܒܪܗ ܐܢܬ ܕܐܠܗܐ ܐܡܪ ܠܟܐܦܐ ܗܕܐ ܕܬܗܘܐ ܠܚܡܐ ܀
4At sinagot siya ni Jesus, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao.
4ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܟܬܝܒ ܗܘ ܕܠܐ ܗܘܐ ܒܠܚܡܐ ܒܠܚܘܕ ܚܝܐ ܒܪܢܫܐ ܐܠܐ ܒܟܠ ܦܬܓܡ ܕܐܠܗܐ ܀
5At iniakyat pa siya niya, at ipinakita sa kaniya sa sandaling panahon ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan.
5ܘܐܤܩܗ ܤܛܢܐ ܠܛܘܪܐ ܪܡܐ ܘܚܘܝܗ ܟܠܗܝܢ ܡܠܟܘܬܐ ܕܐܪܥܐ ܒܥܕܢܐ ܙܥܘܪܐ ܀
6At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo'y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka't ito'y naibigay na sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig.
6ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܟܠܩܪܨܐ ܠܟ ܐܬܠ ܫܘܠܛܢܐ ܗܢܐ ܟܠܗ ܘܫܘܒܚܗ ܕܠܝ ܡܫܠܡ ܘܠܡܢ ܕܐܨܒܐ ܝܗܒ ܐܢܐ ܠܗ ܀
7Kaya nga kung sasamba ka sa harapan ko, ay magiging iyong lahat.
7ܐܢ ܗܟܝܠ ܬܤܓܘܕ ܩܕܡܝ ܕܝܠܟ ܢܗܘܐ ܟܠܗ ܀
8At si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya, Nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran.
8ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܟܬܝܒ ܗܘ ܕܠܡܪܝܐ ܐܠܗܟ ܬܤܓܘܕ ܘܠܗ ܒܠܚܘܕܘܗܝ ܬܦܠܘܚ ܀
9At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba:
9ܘܐܝܬܝܗ ܠܐܘܪܫܠܡ ܘܐܩܝܡܗ ܥܠ ܟܢܦܐ ܕܗܝܟܠܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܢ ܒܪܗ ܐܢܬ ܕܐܠܗܐ ܐܪܡܐ ܢܦܫܟ ܡܟܐ ܠܬܚܬ ܀
10Sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ikaw ay ingatan:
10ܟܬܝܒ ܓܝܪ ܕܠܡܠܐܟܘܗܝ ܢܦܩܕ ܥܠܝܟ ܕܢܢܛܪܘܢܟ ܀
11At, Aalalayan ka nila ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
11ܘܥܠ ܕܪܥܝܗܘܢ ܢܫܩܠܘܢܟ ܕܠܐ ܬܬܩܠ ܪܓܠܟ ܒܟܐܦܐ ܀
12At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.
12ܥܢܐ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܡܝܪ ܗܘ ܕܠܐ ܬܢܤܐ ܠܡܪܝܐ ܐܠܗܟ ܀
13At nang matapos ng diablo ang lahat ng pagtukso, ay hiniwalayan siya niya ng ilang panahon.
13ܘܟܕ ܫܠܡ ܐܟܠܩܪܨܐ ܟܠܗܘܢ ܢܤܝܘܢܘܗܝ ܦܪܩ ܡܢ ܠܘܬܗ ܥܕ ܙܒܢܐ ܀
14At bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu: at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain.
14ܘܗܦܟ ܝܫܘܥ ܒܚܝܠܐ ܕܪܘܚܐ ܠܓܠܝܠܐ ܘܢܦܩ ܥܠܘܗܝ ܛܒܐ ܒܟܠܗ ܐܬܪܐ ܕܚܕܪܝܗܘܢ ܀
15At nagtuturo siya sa mga sinagoga nila, na niluluwalhati ng lahat.
15ܘܗܘ ܡܠܦ ܗܘܐ ܒܟܢܘܫܬܗܘܢ ܘܡܫܬܒܚ ܗܘܐ ܡܢ ܟܠ ܐܢܫ ܀
16At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.
16ܘܐܬܐ ܠܢܨܪܬ ܐܝܟܐ ܕܐܬܪܒܝ ܘܥܠ ܐܝܟܢܐ ܕܡܥܕ ܗܘܐ ܠܟܢܘܫܬܐ ܒܝܘܡܐ ܕܫܒܬܐ ܘܩܡ ܠܡܩܪܐ ܀
17At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan,
17ܘܐܬܝܗܒ ܠܗ ܤܦܪܐ ܕܐܫܥܝܐ ܢܒܝܐ ܘܦܬܚ ܝܫܘܥ ܤܦܪܐ ܘܐܫܟܚ ܕܘܟܬܐ ܐܝܟܐ ܕܟܬܝܒ ܀
18Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi,
18ܪܘܚܗ ܕܡܪܝܐ ܥܠܝ ܘܡܛܠ ܗܕܐ ܡܫܚܢܝ ܠܡܤܒܪܘ ܠܡܤܟܢܐ ܘܫܠܚܢܝ ܠܡܐܤܝܘ ܠܬܒܝܪܝ ܠܒܐ ܘܠܡܟܪܙܘ ܠܫܒܝܐ ܫܘܒܩܢܐ ܘܠܥܘܝܪܐ ܚܙܝܐ ܘܠܡܫܪܪܘ ܠܬܒܝܪܐ ܒܫܘܒܩܢܐ ܀
19Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon.
19ܘܠܡܟܪܙܘ ܫܢܬܐ ܡܩܒܠܬܐ ܠܡܪܝܐ ܀
20At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya.
20ܘܟܪܟ ܤܦܪܐ ܘܝܗܒܗ ܠܡܫܡܫܢܐ ܘܐܙܠ ܝܬܒ ܟܠܗܘܢ ܕܝܢ ܕܒܟܢܘܫܬܐ ܥܝܢܝܗܘܢ ܚܝܪܢ ܗܘܝ ܒܗ ܀
21At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.
21ܘܫܪܝ ܠܡܐܡܪ ܠܘܬܗܘܢ ܕܝܘܡܢܐ ܐܫܬܠܡ ܟܬܒܐ ܗܢܐ ܒܐܕܢܝܟܘܢ ܀
22At siya'y pinatotohanan ng lahat, at nangagtataka sa mga salita ng biyaya na lumalabas sa kaniyang bibig: at sinabi nila, Hindi baga ito ang anak ni Jose?
22ܘܤܗܕܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܟܠܗܘܢ ܘܡܬܕܡܪܝܢ ܗܘܘ ܒܡܠܐ ܕܛܝܒܘܬܐ ܕܢܦܩܢ ܗܘܝ ܡܢ ܦܘܡܗ ܘܐܡܪܝܢ ܗܘܘ ܠܐ ܗܘܐ ܗܢܐ ܒܪ ܝܘܤܦ ܀
23At sinabi niya sa kanila, Walang salang sasabihin ninyo sa akin itong talinghaga, Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili: ang anomang aming narinig na ginawa sa Capernaum, ay gawin mo naman dito sa iyong lupain.
23ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܟܒܪ ܬܐܡܪܘܢ ܠܝ ܡܬܠܐ ܗܢܐ ܐܤܝܐ ܐܤܐ ܢܦܫܟ ܘܟܠ ܕܫܡܥܢ ܕܥܒܕܬ ܒܟܦܪܢܚܘܡ ܥܒܕ ܐܦ ܗܪܟܐ ܒܡܕܝܢܬܟ ܀
24At sinabi niya, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang propetang kinalulugdan sa kaniyang tinubuang lupa.
24ܗܘ ܕܝܢ ܐܡܪ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܠܝܬ ܢܒܝܐ ܕܡܬܩܒܠ ܒܡܕܝܢܬܗ ܀
25Datapuwa't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maraming mga baong babai sa Israel nang mga araw ni Elias, nang sarhan ang langit sa loob ng tatlong taon at anim na buwan, noong datnan ng malaking kagutom ang buong sangkalupaan;
25ܫܪܪܐ ܓܝܪ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܤܓܝ ܐܪܡܠܬܐ ܐܝܬ ܗܘܝ ܒܐܝܤܪܝܠ ܒܝܘܡܝ ܐܠܝܐ ܢܒܝܐ ܟܕ ܐܬܬܚܕܘ ܫܡܝܐ ܫܢܝܢ ܬܠܬ ܘܝܪܚܐ ܫܬܐ ܘܗܘܐ ܟܦܢܐ ܪܒܐ ܒܟܠܗ ܐܪܥܐ ܀
26At sa kanino man sa kanila ay hindi sinugo si Elias, kundi sa Sarepta sa lupa ng Sidon, sa isang babaing bao.
26ܘܠܘܬ ܚܕܐ ܡܢܗܝܢ ܠܐ ܐܫܬܕܪ ܐܠܝܐ ܐܠܐ ܠܨܪܦܬ ܕܨܝܕܢ ܠܘܬ ܐܢܬܬܐ ܐܪܡܠܬܐ ܀
27At maraming ketongin sa Israel nang panahon ni Eliseo na propeta; at sinoman sa kanila'y hindi nilinis, kundi lamang si Naaman na Siro.
27ܘܤܓܝܐܐ ܓܪܒܐ ܐܝܬ ܗܘܘ ܒܝܬ ܐܝܤܪܝܠ ܒܝܘܡܝ ܐܠܝܫܥ ܢܒܝܐ ܘܚܕ ܡܢܗܘܢ ܠܐ ܐܬܕܟܝ ܐܠܐ ܐܢ ܢܥܡܢ ܐܪܡܝܐ ܀
28At nangapuspos ng galit ang lahat ng nangasa sinagoga, sa pagkarinig nila ng mga bagay na ito;
28ܘܟܕ ܫܡܥܘ ܗܠܝܢ ܗܢܘܢ ܕܒܟܢܘܫܬܐ ܐܬܡܠܝܘ ܚܡܬܐ ܟܠܗܘܢ ܀
29At sila'y nagsitindig, at ipinagtabuyan siya sa labas ng bayan at dinala siya hanggang sa ibabaw ng taluktok ng gulod na kinatatayuan ng kanilang bayan, upang siya'y maibulid nila ng patiwarik.
29ܘܩܡܘ ܐܦܩܘܗܝ ܠܒܪ ܡܢ ܡܕܝܢܬܐ ܘܐܝܬܝܘܗܝ ܥܕܡܐ ܠܓܒܝܢܐ ܕܛܘܪܐ ܗܘ ܕܡܕܝܢܬܗܘܢ ܒܢܝܐ ܗܘܬ ܥܠܘܗܝ ܕܢܫܕܘܢܝܗܝ ܡܢ ܫܩܝܦܐ ܀
30Datapuwa't pagdaraan niya sa gitna nila, ay yumaon ng kaniyang lakad.
30ܗܘ ܕܝܢ ܥܒܪ ܒܝܢܬܗܘܢ ܘܐܙܠ ܀
31At siya'y bumaba sa Capernaum, na isang bayan ng Galilea. At sila'y tinuruan niya sa araw ng sabbath:
31ܘܢܚܬ ܠܟܦܪܢܚܘܡ ܡܕܝܢܬܐ ܕܓܠܝܠܐ ܘܡܠܦ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܒܫܒܐ ܀
32At nangagtaka sila sa kaniyang aral, sapagka't may kapamahalaan ang kaniyang salita.
32ܘܬܡܝܗܝܢ ܗܘܘ ܒܝܘܠܦܢܗ ܕܡܫܠܛܐ ܗܘܬ ܡܠܬܗ ܀
33At sa sinagoga ay may isang lalake na may espiritu ng karumaldumal na demonio; at siya'y sumigaw ng malakas na tinig,
33ܘܐܝܬ ܗܘܐ ܒܟܢܘܫܬܐ ܓܒܪܐ ܕܐܝܬ ܗܘܐ ܒܗ ܪܘܚܐ ܕܫܐܕܐ ܛܢܦܐ ܘܙܥܩ ܒܩܠܐ ܪܡܐ ܀
34Ah! anong mayroon kami sa iyo, Jesus, ikaw na Nazareno? naparito ka baga upang kami'y iyong puksain? nakikilala ko ikaw kung sino ka, ang Banal ng Dios.
34ܘܐܡܪ ܫܒܘܩܝܢܝ ܡܐ ܠܢ ܘܠܟ ܝܫܘܥ ܢܨܪܝܐ ܐܬܝܬ ܠܡܘܒܕܘܬܢ ܝܕܥ ܐܢܐ ܠܟ ܡܢ ܐܢܬ ܩܕܝܫܗ ܕܐܠܗܐ ܀
35At sinaway siya ni Jesus, na sinasabi, Tumahimik ka, at lumabas ka sa kaniya. At nang siya'y mailugmok ng demonio sa gitna, ay lumabas siya sa kaniya, na hindi siya sinaktan.
35ܘܟܐܐ ܒܗ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܤܟܘܪ ܦܘܡܟ ܘܦܘܩ ܡܢܗ ܘܫܕܝܗܝ ܫܐܕܐ ܒܡܨܥܬܐ ܘܢܦܩ ܡܢܗ ܟܕ ܠܐ ܤܪܚ ܒܗ ܡܕܡ ܀
36At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila.
36ܘܬܡܗܐ ܪܒܐ ܐܚܕ ܠܟܠܢܫ ܘܡܡܠܠܝܢ ܗܘܘ ܥܡ ܚܕܕܐ ܘܐܡܪܝܢ ܡܢܐ ܗܝ ܟܝ ܡܠܬܐ ܗܕܐ ܕܒܫܘܠܛܢܐ ܘܒܚܝܠܐ ܦܩܕܐ ܠܪܘܚܐ ܛܢܦܬܐ ܘܢܦܩܢ ܀
37At kumakalat ang alingawngaw tungkol sa kaniya sa lahat ng dako sa palibotlibot ng lupaing yaon.
37ܘܢܦܩ ܥܠܘܗܝ ܛܒܐ ܒܟܠܗ ܐܬܪܐ ܕܚܕܪܝܗܘܢ ܀
38At siya'y nagtindig sa sinagoga, at pumasok sa bahay ni Simon. At nilalagnat na mainam ang biyanang babae ni Simon, at siya'y kanilang ipinamanhik sa kaniya.
38ܘܟܕ ܢܦܩ ܝܫܘܥ ܡܢ ܟܢܘܫܬܐ ܥܠ ܠܒܝܬܗ ܕܫܡܥܘܢ ܘܚܡܬܗ ܕܫܡܥܘܢ ܐܠܝܨܐ ܗܘܬ ܒܐܫܬܐ ܪܒܬܐ ܘܒܥܘ ܡܢܗ ܡܛܠܬܗ ܀
39At tinunghan niya siya, at sinaway ang lagnat; at inibsan siya: at siya'y nagtindig pagdaka at naglingkod sa kanila.
39ܘܩܡ ܠܥܠ ܡܢܗ ܘܟܐܐ ܒܐܫܬܗ ܘܫܒܩܬܗ ܘܡܚܕܐ ܩܡܬ ܘܡܫܡܫܐ ܗܘܬ ܠܗܘܢ ܀
40At nang lumulubog na ang araw, ang lahat na may mga sakit ng sarisaring karamdaman ay dinala sa kaniya; at ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa bawa't isa sa kanila, at sila'y pinagaling.
40ܡܥܪܒܝ ܫܡܫܐ ܕܝܢ ܟܠܗܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܐܝܬ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܟܪܝܗܐ ܕܟܪܝܗܝܢ ܒܟܘܪܗܢܐ ܡܫܚܠܦܐ ܐܝܬܝܘ ܐܢܘܢ ܠܘܬܗ ܗܘ ܕܝܢ ܥܠ ܚܕ ܚܕ ܡܢܗܘܢ ܐܝܕܗ ܤܐܡ ܗܘܐ ܘܡܐܤܐ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܀
41At nagsilabas din sa marami ang mga demonio na nagsisisigaw, na nagsasabi, Ikaw ang anak ng Dios. At sinasaway sila, na di niya sila tinutulutang mangagsalita, sapagka't naalaman nilang siya ang Cristo.
41ܘܢܦܩܝܢ ܗܘܘ ܐܦ ܫܐܕܐ ܡܢ ܤܓܝܐܐ ܟܕ ܡܙܥܩܝܢ ܘܐܡܪܝܢ ܕܐܢܬ ܗܘ ܡܫܝܚܐ ܒܪܗ ܕܐܠܗܐ ܘܟܐܐ ܗܘܐ ܒܗܘܢ ܘܠܐ ܫܒܩ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܕܢܐܡܪܘܢ ܕܝܕܥܝܢ ܕܗܘܝܘ ܡܫܝܚܐ ܀
42At nang araw na, ay lumabas siya at naparoon sa isang ilang na dako: at hinahanap siya ng mga karamihan, at nagsiparoon sa kaniya, at pinagpipilitang pigilin siya, upang huwag siyang humiwalay sa kanila.
42ܘܠܨܦܪܗ ܕܝܘܡܐ ܢܦܩ ܐܙܠ ܠܗ ܠܐܬܪܐ ܚܘܪܒܐ ܘܟܢܫܐ ܒܥܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܘܐܬܘ ܥܕܡܐ ܠܘܬܗ ܘܐܚܕܘܗܝ ܕܠܐ ܢܐܙܠ ܠܗ ܡܢ ܠܘܬܗܘܢ ܀
43Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Dapat namang ipangaral ko sa mga ibang bayan ang mabubuting balita ng kaharian ng Dios: sapagka't sa ganito ay sinugo ako.
43ܗܘ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܕܐܦ ܠܡܕܝܢܬܐ ܐܚܪܢܝܬܐ ܘܠܐ ܠܝ ܠܡܤܒܪܘ ܡܠܟܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܥܠ ܗܕܐ ܗܘ ܐܫܬܕܪܬ ܀
44At siya'y nangangaral sa mga sinagoga ng Galilea.
44ܘܗܘ ܡܟܪܙ ܗܘܐ ܒܟܢܘܫܬܐ ܕܓܠܝܠܐ ܀