Tagalog 1905

Syriac: NT

Luke

6

1Nangyari nga nang dumaraan siya sa mga trigohan nang isang sabbath, ay kumitil ng mga uhay ang mga alagad niya, at kinakain pagkaligis sa kanilang mga kamay.
1ܗܘܐ ܕܝܢ ܒܫܒܬܐ ܟܕ ܡܗܠܟ ܝܫܘܥ ܒܝܬ ܙܪܥܐ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܡܠܓܝܢ ܗܘܘ ܫܒܠܐ ܘܦܪܟܝܢ ܒܐܝܕܝܗܘܢ ܘܐܟܠܝܢ ܀
2Datapuwa't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, Bakit ginagawa ninyo ang di matuwid gawin sa araw ng sabbath?
2ܐܢܫܝܢ ܕܝܢ ܡܢ ܦܪܝܫܐ ܐܡܪܝܢ ܠܗܘܢ ܡܢܐ ܥܒܕܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܕܡ ܕܠܐ ܫܠܝܛ ܠܡܥܒܕ ܒܫܒܬܐ ܀
3At pagsagot sa kanila ni Jesus ay sinabi, Hindi baga nabasa ninyo ang ginawa ni David, nang siya'y magutom, siya, at ang mga kasamahan niya;
3ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܘܠܐ ܗܕܐ ܩܪܝܬܘܢ ܡܕܡ ܕܥܒܕ ܕܘܝܕ ܟܕ ܟܦܢ ܗܘ ܘܐܝܠܝܢ ܕܥܡܗ ܀
4Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain ng mga tinapay na handog, at binigyan pati ang kaniyang mga kasamahan; na hindi naaayon sa kautusan na kanin ninoman kundi ng mga saserdote lamang?
4ܕܥܠ ܠܒܝܬܗ ܕܐܠܗܐ ܘܠܚܡܐ ܕܦܬܘܪܗ ܕܡܪܝܐ ܢܤܒ ܐܟܠ ܘܝܗܒ ܠܐܝܠܝܢ ܕܥܡܗ ܗܘ ܕܠܐ ܫܠܝܛ ܗܘܐ ܠܡܐܟܠ ܐܠܐ ܠܟܗܢܐ ܒܠܚܘܕ ܀
5At sinabi niya sa kanila, Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
5ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܕܡܪܗ ܗܘ ܕܫܒܬܐ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܀
6At nangyari nang ibang sabbath, na siya'y pumasok sa sinagoga at nagturo: at doo'y may isang lalake, at tuyo ang kaniyang kanang kamay.
6ܗܘܐ ܕܝܢ ܠܫܒܬܐ ܐܚܪܬܐ ܥܠ ܠܟܢܘܫܬܐ ܘܡܠܦ ܗܘܐ ܘܐܝܬ ܗܘܐ ܬܡܢ ܓܒܪܐ ܕܐܝܕܗ ܕܝܡܝܢܐ ܝܒܝܫܐ ܗܘܬ ܀
7At inaabangan siya ng mga eskriba at ng mga Fariseo, kung siya'y magpapagaling sa sabbath; upang makasumpong sila ng paraan na siya'y maisakdal.
7ܘܤܦܪܐ ܘܦܪܝܫܐ ܢܛܪܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܕܐܢ ܗܘ ܕܡܐܤܐ ܒܫܒܬܐ ܕܢܫܟܚܘܢ ܢܐܟܠܘܢ ܩܪܨܘܗܝ ܀
8Datapuwa't nalalaman niya ang kanilang mga kaisipan; at sinabi niya sa lalake na tuyo ang kamay, Magtindig ka at tumayo ka sa gitna. At siya'y nagtindig at tumayo.
8ܗܘ ܕܝܢ ܝܕܥ ܡܚܫܒܬܗܘܢ ܘܐܡܪ ܠܗܘ ܓܒܪܐ ܕܝܒܝܫܐ ܐܝܕܗ ܩܘܡ ܬܐ ܠܟ ܠܡܨܥܬ ܟܢܘܫܬܐ ܘܟܕ ܐܬܐ ܘܩܡ ܀
9At sinabi sa kanila ni Jesus, Itinatanong ko sa inyo, Matuwid bagang gumawa ng magaling, o gumawa ng masama kung sabbath? magligtas ng isang buhay o pumuksa?
9ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܐܫܐܠܟܘܢ ܡܢܐ ܫܠܝܛ ܒܫܒܬܐ ܕܛܒ ܠܡܥܒܕ ܐܘ ܕܒܝܫ ܢܦܫܐ ܠܡܚܝܘ ܐܘ ܠܡܘܒܕܘ ܀
10At minamasdan niya silang lahat sa palibotlibot, at sinabi sa kaniya, Iunat mo ang iyong kamay. At ginawa niyang gayon; at gumaling ang kaniyang kamay.
10ܘܚܪ ܒܗܘܢ ܒܟܠܗܘܢ ܘܐܡܪ ܠܗ ܦܫܘܛ ܐܝܕܟ ܘܦܫܛ ܘܬܩܢܬ ܐܝܕܗ ܐܝܟ ܚܒܪܬܗ ܀
11Datapuwa't sila'y nangapuno ng galit; at nangagsangusapan, kung ano ang kanilang magagawang laban kay Jesus.
11ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܐܬܡܠܝܘ ܚܤܡܐ ܘܡܡܠܠܝܢ ܗܘܘ ܚܕ ܥܡ ܚܕ ܕܡܢܐ ܢܥܒܕܘܢ ܠܗ ܠܝܫܘܥ ܀
12At nangyari nang mga araw na ito, na siya'y napasa bundok upang manalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.
12ܗܘܐ ܕܝܢ ܒܝܘܡܬܐ ܗܢܘܢ ܢܦܩ ܝܫܘܥ ܠܛܘܪܐ ܠܡܨܠܝܘ ܘܬܡܢ ܐܓܗ ܗܘܐ ܒܨܠܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
13At nang araw na, ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad; at siya'y humirang ng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol:
13ܘܟܕ ܢܓܗܬ ܩܪܐ ܠܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܓܒܐ ܡܢܗܘܢ ܬܪܥܤܪ ܗܢܘܢ ܕܫܠܝܚܐ ܫܡܝ ܐܢܘܢ ܀
14Si Simon, na tinawag naman niyang Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, at si Santiago at si Juan, at si Felipe at si Bartolome.
14ܫܡܥܘܢ ܗܘ ܕܫܡܝ ܟܐܦܐ ܘܐܢܕܪܐܘܤ ܐܚܘܗܝ ܘܝܥܩܘܒ ܘܝܘܚܢܢ ܘܦܝܠܝܦܘܤ ܘܒܪ ܬܘܠܡܝ ܀
15At si Mateo at si Tomas, at si Santiago anak ni Alfeo, at si Simon, na tinatawag na Masikap,
15ܘܡܬܝ ܘܬܐܘܡܐ ܘܝܥܩܘܒ ܒܪ ܚܠܦܝ ܘܫܡܥܘܢ ܕܡܬܩܪܐ ܛܢܢܐ ܀
16At si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote na naging lilo;
16ܘܝܗܘܕܐ ܒܪ ܝܥܩܘܒ ܘܝܗܘܕܐ ܤܟܪܝܘܛܐ ܗܘ ܕܗܘܐ ܡܫܠܡܢܐ ܀
17At bumaba siya na kasama nila, at tumigil sa isang patag na dako, at ang lubhang marami sa mga alagad niya, at ang lubhang malaking bilang ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem, at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon, na nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit;
17ܘܢܚܬ ܥܡܗܘܢ ܝܫܘܥ ܘܩܡ ܒܦܩܥܬܐ ܘܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܕܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܤܘܓܐܐ ܕܟܢܫܐ ܕܥܡܐ ܡܢ ܟܠܗ ܝܗܘܕ ܘܡܢ ܐܘܪܫܠܡ ܘܡܢ ܤܦܪ ܝܡܐ ܕܨܘܪ ܘܕܨܝܕܢ ܀
18Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung karumaldumal ay pinagagaling.
18ܕܐܬܘ ܕܢܫܡܥܘܢ ܡܠܬܗ ܘܕܢܬܐܤܘܢ ܡܢ ܟܘܪܗܢܝܗܘܢ ܘܐܝܠܝܢ ܕܡܬܐܠܨܝܢ ܡܢ ܪܘܚܐ ܛܢܦܬܐ ܘܡܬܐܤܝܢ ܗܘܘ ܀
19At pinagpipilitan ng buong karamihan na siya'y mahipo; sapagka't lumalabas sa kaniya ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling sa lahat.
19ܘܟܠܗ ܟܢܫܐ ܒܥܝܢ ܗܘܘ ܠܡܬܩܪܒܘ ܠܗ ܚܝܠܐ ܓܝܪ ܢܦܩ ܗܘܐ ܡܢܗ ܘܠܟܠܗܘܢ ܡܐܤܐ ܗܘܐ ܀
20At itiningin niya ang kaniyang mga mata sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Mapapalad kayong mga dukha: sapagka't inyo ang kaharian ng Dios.
20ܘܐܪܝܡ ܥܝܢܘܗܝ ܥܠ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܐܡܪ ܛܘܒܝܟܘܢ ܡܤܟܢܐ ܕܕܝܠܟܘܢ ܗܝ ܡܠܟܘܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
21Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.
21ܛܘܒܝܟܘܢ ܐܝܠܝܢ ܕܟܦܢܝܢ ܗܫܐ ܕܬܤܒܥܘܢ ܛܘܒܝܟܘܢ ܠܕܒܟܝܢ ܗܫܐ ܕܬܓܚܟܘܢ ܀
22Mapapalad kayo kung kayo'y kapootan ng mga tao, at kung kayo'y ihiwalay nila, at kayo'y alimurahin, at itakuwil ang inyong pangalan na tila masasama, dahil sa Anak ng tao.
22ܛܘܒܝܟܘܢ ܡܐ ܕܤܢܝܢ ܠܟܘܢ ܒܢܝܢܫܐ ܘܡܦܪܫܝܢ ܠܟܘܢ ܘܡܚܤܕܝܢ ܠܟܘܢ ܘܡܦܩܝܢ ܫܡܟܘܢ ܐܝܟ ܒܝܫܐ ܚܠܦ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܀
23Mangagalak kayo sa araw na yaon, at magsilukso kayo sa kagalakan; sapagka't narito, ang ganti sa inyo'y malaki sa langit; sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga propeta.
23ܚܕܘ ܒܗܘ ܝܘܡܐ ܘܕܘܨܘ ܕܐܓܪܟܘܢ ܤܓܝ ܒܫܡܝܐ ܗܟܢܐ ܓܝܪ ܥܒܕܝܢ ܗܘܘ ܐܒܗܬܗܘܢ ܠܢܒܝܐ ܀
24Datapuwa't sa aba ninyong mayayaman! sapagka't tinanggap na ninyo ang inyong kaaliwan.
24ܒܪܡ ܘܝ ܠܟܘܢ ܥܬܝܪܐ ܕܩܒܠܬܘܢ ܒܘܝܐܟܘܢ ܀
25Sa aba ninyo mga busog ngayon! sapagka't kayo'y mangagugutom. Sa aba ninyong nagsisitawa ngayon! sapagka't kayo'y magsisitaghoy at magsisitangis.
25ܘܝ ܠܟܘܢ ܤܒܥܐ ܕܬܟܦܢܘܢ ܘܝ ܠܟܘܢ ܠܕܓܚܟܝܢ ܗܫܐ ܕܬܒܟܘܢ ܘܬܬܐܒܠܘܢ ܀
26Sa aba ninyo, pagka ang lahat ng mga tao ay mangagsalita ng magaling tungkol sa inyo! sapagka't sa gayon ding paraan ang ginawa ng kanilang mga magulang sa mga bulaang propeta.
26ܘܝ ܠܟܘܢ ܟܕ ܢܗܘܘܢ ܐܡܪܝܢ ܥܠܝܟܘܢ ܒܢܝ ܐܢܫܐ ܕܫܦܝܪ ܗܟܢܐ ܓܝܪ ܥܒܕܝܢ ܗܘܘ ܠܢܒܝܐ ܕܕܓܠܘܬܐ ܐܒܗܬܗܘܢ ܀
27Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,
27ܠܟܘܢ ܕܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܕܫܡܥܝܢ ܐܚܒܘ ܠܒܥܠܕܒܒܝܟܘܢ ܘܥܒܕܘ ܕܫܦܝܪ ܠܐܝܠܝܢ ܕܤܢܝܢ ܠܟܘܢ ܀
28Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait.
28ܘܒܪܟܘ ܠܐܝܠܝܢ ܕܠܝܛܝܢ ܠܟܘܢ ܘܨܠܘ ܥܠ ܐܝܠܝܢ ܕܕܒܪܝܢ ܠܟܘܢ ܒܩܛܝܪܐ ܀
29Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika.
29ܘܠܕܡܚܐ ܠܟ ܥܠ ܦܟܟ ܩܪܒ ܠܗ ܐܚܪܢܐ ܘܡܢ ܡܢ ܕܫܩܠ ܡܪܛܘܛܟ ܠܐ ܬܟܠܐ ܐܦ ܟܘܬܝܢܟ ܀
30Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli.
30ܠܟܠ ܕܫܐܠ ܠܟ ܗܒ ܠܗ ܘܡܢ ܡܢ ܕܫܩܠ ܕܝܠܟ ܠܐ ܬܬܒܥ ܀
31At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
31ܘܐܝܟܢܐ ܕܨܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܢܥܒܕܘܢ ܠܟܘܢ ܒܢܝ ܐܢܫܐ ܗܟܘܬ ܥܒܕܘ ܠܗܘܢ ܐܦ ܐܢܬܘܢ ܀
32At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.
32ܐܢ ܓܝܪ ܡܚܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܐܝܠܝܢ ܕܡܚܒܝܢ ܠܟܘܢ ܐܝܕܐ ܗܝ ܛܝܒܘܬܟܘܢ ܐܦ ܓܝܪ ܚܛܝܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܡܚܒܝܢ ܠܗܘܢ ܪܚܡܝܢ ܀
33At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
33ܘܐܢ ܥܒܕܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܛܒ ܠܐܝܠܝܢ ܕܡܛܐܒܝܢ ܠܟܘܢ ܐܝܕܐ ܗܝ ܛܝܒܘܬܟܘܢ ܐܦ ܚܛܝܐ ܓܝܪ ܗܟܢܐ ܥܒܕܝܢ ܀
34At kung kayo'y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.
34ܘܐܢ ܡܘܙܦܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܡܢ ܕܤܒܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܕܬܬܦܪܥܘܢ ܡܢܗ ܐܝܕܐ ܗܝ ܛܝܒܘܬܟܘܢ ܐܦ ܚܛܝܐ ܓܝܪ ܠܚܛܝܐ ܡܘܙܦܝܢ ܕܗܟܘܬ ܢܬܦܪܥܘܢ ܀
35Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.
35ܒܪܡ ܐܚܒܘ ܠܒܥܠܕܒܒܝܟܘܢ ܘܐܛܐܒܘ ܠܗܘܢ ܘܐܘܙܦܘ ܘܠܐ ܬܦܤܩܘܢ ܤܒܪܐ ܕܐܢܫ ܘܢܗܘܐ ܤܓܝ ܐܓܪܟܘܢ ܘܬܗܘܘܢ ܒܢܘܗܝ ܕܪܡܐ ܕܗܘ ܒܤܝܡ ܗܘ ܥܠ ܒܝܫܐ ܘܥܠ ܟܦܘܪܐ ܀
36Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.
36ܗܘܘ ܗܟܝܠ ܡܪܚܡܢܐ ܐܝܟܢܐ ܕܐܦ ܐܒܘܟܘܢ ܡܪܚܡܢܐ ܗܘ ܀
37At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain:
37ܠܐ ܬܕܘܢܘܢ ܘܠܐ ܡܬܬܕܝܢܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܐ ܬܚܝܒܘܢ ܘܠܐ ܡܬܚܝܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܫܪܘ ܘܬܫܬܪܘܢ ܀
38Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.
38ܗܒܘ ܘܡܬܝܗܒ ܠܟܘܢ ܒܟܝܠܬܐ ܛܒܬܐ ܘܪܩܝܥܬܐ ܘܡܫܦܥܬܐ ܢܪܡܘܢ ܒܥܘܒܝܟܘܢ ܒܗܝ ܓܝܪ ܟܝܠܬܐ ܕܡܟܝܠܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܬܬܟܝܠ ܠܟܘܢ ܀
39At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay?
39ܘܐܡܪ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܡܬܠܐ ܠܡܐ ܡܫܟܚ ܤܡܝܐ ܠܤܡܝܐ ܠܡܕܒܪܘ ܠܐ ܬܪܝܗܘܢ ܒܓܘܡܨܐ ܢܦܠܝܢ ܀
40Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwa't ang bawa't isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro.
40ܠܝܬ ܬܠܡܝܕܐ ܕܝܬܝܪ ܡܢ ܪܒܗ ܟܠܢܫ ܓܝܪ ܕܓܡܝܪ ܢܗܘܐ ܐܝܟ ܪܒܗ ܀
41At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa't hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
41ܡܢܐ ܕܝܢ ܚܙܐ ܐܢܬ ܓܠܐ ܕܒܥܝܢܗ ܕܐܚܘܟ ܩܪܝܬܐ ܕܝܢ ܕܒܥܝܢܟ ܠܐ ܡܬܚܙܝܐ ܠܟ ܀
42O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.
42ܐܘ ܐܝܟܢܐ ܡܫܟܚ ܐܢܬ ܠܡܐܡܪ ܠܐܚܘܟ ܐܚܝ ܫܒܘܩ ܐܦܩ ܓܠܐ ܡܢ ܥܝܢܟ ܕܗܐ ܩܪܝܬܐ ܕܒܥܝܢܟ ܕܝܠܟ ܠܐ ܡܬܚܙܝܐ ܠܟ ܢܤܒ ܒܐܦܐ ܐܦܩ ܠܘܩܕܡ ܩܪܝܬܐ ܡܢ ܥܝܢܟ ܘܗܝܕܝܢ ܢܬܚܙܐ ܠܟ ܠܡܦܩܘ ܓܠܐ ܡܢ ܥܝܢܗ ܕܐܚܘܟ ܀
43Sapagka't walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.
43ܠܐ ܐܝܬ ܐܝܠܢܐ ܛܒܐ ܕܥܒܕ ܦܐܪܐ ܒܝܫܐ ܐܦ ܠܐ ܐܝܠܢܐ ܒܝܫܐ ܕܥܒܕ ܦܐܪܐ ܛܒܐ ܀
44Sapagka't bawa't punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagka't ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan.
44ܟܠ ܐܝܠܢܐ ܓܝܪ ܡܢ ܦܐܪܘܗܝ ܗܘ ܡܬܝܕܥ ܠܐ ܓܝܪ ܠܩܛܝܢ ܡܢ ܟܘܒܐ ܬܐܢܐ ܐܦ ܠܐ ܡܢ ܤܢܝܐ ܩܛܦܝܢ ܥܢܒܐ ܀
45Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.
45ܓܒܪܐ ܛܒܐ ܡܢ ܤܝܡܬܐ ܛܒܬܐ ܕܒܠܒܗ ܡܦܩ ܛܒܬܐ ܘܓܒܪܐ ܒܝܫܐ ܡܢ ܤܝܡܬܐ ܒܝܫܬܐ ܕܒܠܒܗ ܡܦܩ ܒܝܫܬܐ ܡܢ ܬܘܬܪܝ ܠܒܐ ܓܝܪ ܡܡܠܠܢ ܤܦܘܬܐ ܀
46At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?
46ܡܢܐ ܩܪܝܢ ܐܢܬܘܢ ܠܝ ܡܪܝ ܡܪܝ ܘܡܕܡ ܕܐܡܪ ܐܢܐ ܠܐ ܥܒܕܝܢ ܐܢܬܘܢ ܀
47Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad:
47ܟܠ ܐܢܫ ܕܐܬܐ ܠܘܬܝ ܘܫܡܥ ܡܠܝ ܘܥܒܕ ܠܗܝܢ ܐܚܘܝܟܘܢ ܠܡܢܐ ܕܡܐ ܀
48Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti.
48ܕܡܐ ܠܓܒܪܐ ܕܒܢܐ ܒܝܬܐ ܘܚܦܪ ܘܥܡܩ ܘܤܡ ܫܬܐܤܐ ܥܠ ܫܘܥܐ ܟܕ ܗܘܐ ܕܝܢ ܡܠܐܐ ܐܬܛܪܝ ܡܠܐܐ ܒܒܝܬܐ ܗܘ ܘܠܐ ܐܫܟܚ ܕܢܙܝܥܝܘܗܝ ܤܝܡܐ ܗܘܬ ܓܝܪ ܫܬܐܤܬܗ ܥܠ ܫܘܥܐ ܀
49Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.
49ܘܗܘ ܕܫܡܥ ܘܠܐ ܥܒܕ ܕܡܐ ܠܓܒܪܐ ܕܒܢܐ ܒܝܬܗ ܥܠ ܥܦܪܐ ܕܠܐ ܫܬܐܤܬܐ ܘܟܕ ܐܬܛܪܝ ܒܗ ܢܗܪܐ ܒܪ ܫܥܬܗ ܢܦܠ ܘܗܘܬ ܡܦܘܠܬܗ ܪܒܐ ܕܒܝܬܐ ܗܘ ܀