Tagalog 1905

Syriac: NT

Mark

9

1At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayong ito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na may kapangyarihan.
1ܘܐܡܪ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܐܝܬ ܐܢܫܐ ܕܩܝܡܝܢ ܬܢܢ ܕܠܐ ܢܛܥܡܘܢ ܡܘܬܐ ܥܕܡܐ ܕܢܚܙܘܢ ܡܠܟܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܐܬܬ ܒܚܝܠܐ ܀
2At pagkaraan ng anim na araw, ay isinama ni Jesus si Pedro, at si Santiago, at si Juan, at sila'y dinalang bukod sa isang mataas na bundok: at siya'y nagbagong-anyo sa harap nila;
2ܘܒܬܪ ܫܬܐ ܝܘܡܝܢ ܕܒܪ ܝܫܘܥ ܠܟܐܦܐ ܘܠܝܥܩܘܒ ܘܠܝܘܚܢܢ ܘܐܤܩ ܐܢܘܢ ܠܛܘܪܐ ܪܡܐ ܒܠܚܘܕܝܗܘܢ ܘܐܬܚܠܦ ܠܥܢܝܗܘܢ ܀ 3 ܘܡܙܗܪ ܗܘܐ ܠܒܘܫܗ ܘܡܚܘܪ ܛܒ ܐܝܟ ܬܠܓܐ ܐܝܟܢܐ ܕܒܢܝ ܐܢܫܐ ܠܡܚܘܪܘ ܒܐܪܥܐ ܠܐ ܡܫܟܚܝܢ ܀
3At ang kaniyang mga damit ay nangagningning, na nagsiputing maigi, na ano pa't sinomang magpapaputi sa lupa ay hindi makapagpapaputi ng gayon.
3
4At doo'y napakita sa kanila si Elias na kasama si Moises: at sila'y nakikipagusap kay Jesus.
4ܘܐܬܚܙܝܘ ܠܗܘܢ ܐܠܝܐ ܘܡܘܫܐ ܟܕ ܡܡܠܠܝܢ ܥܡ ܝܫܘܥ ܀
5At sumagot si Pedro at sinabi kay Jesus, Rabi, mabuti sa atin ang tayo'y dumito: at magsigawa kami ng tatlong tabernakulo; isa ang sa iyo, at isa ang kay Moises, at isa ang kay Elias.
5ܘܐܡܪ ܠܗ ܟܐܦܐ ܪܒܝ ܫܦܝܪ ܗܘ ܠܢ ܕܗܪܟܐ ܢܗܘܐ ܘܢܥܒܕ ܬܠܬ ܡܛܠܝܢ ܠܟ ܚܕܐ ܘܠܡܘܫܐ ܚܕܐ ܘܠܐܠܝܐ ܚܕܐ ܀
6Sapagka't hindi niya nalalaman kung ano ang isasagot; sapagka't sila'y lubhang nangatakot.
6ܠܐ ܕܝܢ ܝܕܥ ܗܘܐ ܡܢܐ ܐܡܪ ܐܝܬܝܗܘܢ ܗܘܘ ܓܝܪ ܒܕܚܠܬܐ ܀
7At dumating ang isang alapaap na sa kanila'y lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.
7ܘܗܘܬ ܥܢܢܐ ܘܡܛܠܐ ܗܘܬ ܥܠܝܗܘܢ ܘܩܠܐ ܡܢ ܥܢܢܐ ܕܐܡܪ ܗܢܘ ܒܪܝ ܚܒܝܒܐ ܠܗ ܫܡܥܘ ܀
8At karakaraka'y sa biglang paglingap nila sa palibotlibot, ay wala silang nakitang sinoman, kundi si Jesus lamang na kasama nila.
8ܘܡܢ ܫܠܝܐ ܟܕ ܚܪܘ ܬܠܡܝܕܐ ܠܐܢܫ ܠܐ ܚܙܘ ܐܠܐ ܠܝܫܘܥ ܒܠܚܘܕܘܗܝ ܥܡܗܘܢ ܀
9At habang nagsisibaba sila sa bundok, ay ipinagbilin niya sa kanila na sa kanino man ay huwag nilang sabihin ang kanilang nakita, maliban na pagka ang Anak ng tao ay magbangong maguli sa mga patay.
9ܘܟܕ ܢܚܬܝܢ ܡܢ ܛܘܪܐ ܡܦܩܕ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܕܠܐܢܫ ܠܐ ܢܐܡܪܘܢ ܡܕܡ ܕܚܙܘ ܐܠܐ ܐܢ ܡܐ ܕܩܡ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܡܢ ܡܝܬܐ ܀
10At kanilang iningatan ang pananalitang ito, na nangagtatanungan sila-sila kung ano ang kahulugan ng pagbabangong maguli sa mga patay.
10ܘܐܚܕܘܗ ܠܡܠܬܐ ܒܢܦܫܗܘܢ ܘܒܥܝܢ ܗܘܘ ܕܡܢܐ ܗܝ ܗܕܐ ܡܠܬܐ ܕܡܐ ܕܩܡ ܡܢ ܒܝܬ ܡܝܬܐ ܀
11At tinanong nila siya, na sinasabi, Bakit sinasabi ng mga eskriba na kinakailangang pumarito muna si Elias?
11ܘܡܫܐܠܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܘܐܡܪܝܢ ܡܢܐ ܗܟܝܠ ܐܡܪܝܢ ܤܦܪܐ ܕܐܠܝܐ ܘܠܐ ܕܢܐܬܐ ܠܘܩܕܡ ܀
12At sinabi niya sa kanila, Katotohanang si Elias ay pariritong mauna, at isasauli sa dati ang lahat ng mga bagay: at paanong nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao, na siya'y maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga?
12ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܐܠܝܐ ܐܬܐ ܠܘܩܕܡ ܕܟܠܡܕܡ ܢܬܩܢ ܘܐܝܟܢܐ ܟܬܝܒ ܥܠ ܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܕܤܓܝ ܢܚܫ ܘܢܤܬܠܐ ܀
13Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na naparito na si Elias, at ginawa din naman nila sa kaniya ang anomang kanilang inibig, ayon sa nasusulat tungkol sa kaniya.
13ܐܠܐ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܐܦ ܐܠܝܐ ܐܬܐ ܘܥܒܕܘ ܒܗ ܟܠ ܡܐ ܕܨܒܘ ܐܝܟܢܐ ܕܟܬܝܒ ܥܠܘܗܝ ܀
14At pagdating nila sa mga alagad, ay nakita nilang nasa kanilang palibotlibot ang lubhang maraming mga tao, at ang mga eskriba ay nangakikipagtalo sa kanila.
14ܘܟܕ ܐܬܐ ܠܘܬ ܬܠܡܝܕܐ ܚܙܐ ܠܘܬܗܘܢ ܟܢܫܐ ܤܓܝܐܐ ܘܤܦܪܐ ܟܕ ܕܪܫܝܢ ܥܡܗܘܢ ܀
15At pagdaka'y ang buong karamihan, pagkakita nila sa kaniya, ay nangagtakang mainam, at tinakbo siya na siya'y binati.
15ܘܒܪ ܫܥܬܗ ܟܠܗ ܟܢܫܐ ܚܙܐܘܗܝ ܘܬܘܗܘ ܘܪܗܛܘ ܫܐܠܘ ܒܫܠܡܗ ܀
16At tinanong niya sila, Ano ang ipinakikipagtalo ninyo sa kanila?
16ܘܡܫܐܠ ܗܘܐ ܠܤܦܪܐ ܡܢܐ ܕܪܫܝܢ ܐܢܬܘܢ ܥܡܗܘܢ ܀
17At isa sa karamihan ay sumagot sa kaniya, Guro, dinala ko sa iyo ang aking anak na lalake na may isang espiritung pipi;
17ܘܥܢܐ ܚܕ ܡܢ ܟܢܫܐ ܘܐܡܪ ܡܠܦܢܐ ܐܝܬܝܬ ܒܪܝ ܠܘܬܟ ܕܐܝܬ ܠܗ ܪܘܚܐ ܕܠܐ ܡܡܠܠܐ ܀
18At saan man siya alihan nito, ay ibinubuwal siya: at nagbububula ang kaniyang bibig, at nagngangalit ang mga ngipin, at untiunting natutuyo: at sinabi ko sa iyong mga alagad na siya'y palabasin; at hindi nila magawa.
18ܘܐܝܟܐ ܕܡܕܪܟܐ ܠܗ ܚܒܛܐ ܠܗ ܘܡܪܥܬ ܘܡܚܪܩ ܫܢܘܗܝ ܘܝܒܫ ܘܐܡܪܬ ܠܬܠܡܝܕܝܟ ܕܢܦܩܘܢܝܗܝ ܘܠܐ ܐܫܟܚܘ ܀
19At sumagot siya sa kanila at nagsabi, Oh lahing walang pananampalataya, hanggang kailan makikisama ako sa inyo? hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.
19ܥܢܐ ܝܫܘܥ ܘܐܡܪ ܠܗ ܐܘܢ ܫܪܒܬܐ ܕܠܐ ܡܗܝܡܢܐ ܥܕܡܐ ܠܐܡܬܝ ܐܗܘܐ ܠܘܬܟܘܢ ܘܥܕܡܐ ܠܐܡܬܝ ܐܤܝܒܪܟܘܢ ܐܝܬܐܘܗܝ ܠܘܬܝ ܀
20At dinala nila siya sa kaniya: at pagkakita niya sa kaniya, ay pagdaka'y pinapangatal siyang lubha ng espiritu; at siya'y nalugmok sa lupa, at nagpagulonggulong na bumubula ang kaniyang bibig.
20ܘܐܝܬܝܘܗܝ ܠܘܬܗ ܘܟܕ ܚܙܬܗ ܪܘܚܐ ܒܪ ܫܥܬܗ ܚܒܛܬܗ ܘܢܦܠ ܥܠ ܐܪܥܐ ܘܡܬܒܥܩ ܗܘܐ ܘܡܪܥܬ ܀
21At tinanong niya ang kaniyang ama, Kailan pang panahon nangyayari sa kaniya ito? At sinabi niya, Mula sa pagkabata.
21ܘܫܐܠ ܝܫܘܥ ܠܐܒܘܗܝ ܕܟܡܐ ܠܗ ܙܒܢܐ ܗܐ ܡܢ ܕܗܟܢܐ ܗܘ ܐܡܪ ܠܗ ܗܐ ܡܢ ܛܠܝܘܬܗ ܀
22At madalas na siya'y inihahagis sa apoy at sa tubig, upang siya'y patayin: datapuwa't kung mayroon kang magagawang anomang bagay, ay maawa ka sa amin, at tulungan mo kami.
22ܘܙܒܢܝܢ ܤܓܝܐܢ ܐܪܡܝܬܗ ܒܢܘܪܐ ܘܒܡܝܐ ܕܬܘܒܕܝܘܗܝ ܐܠܐ ܡܕܡ ܕܡܫܟܚ ܐܢܬ ܥܕܪܝܢܝ ܘܐܬܪܚܡ ܥܠܝ ܀
23At sinabi sa kaniya ni Jesus, Kung kaya mo! Ang lahat ng mga bagay ay may pangyayari sa kaniya na nananampalataya.
23ܐܡܪ ܠܗ ܝܫܘܥ ܐܢ ܡܫܟܚ ܐܢܬ ܕܬܗܝܡܢ ܟܠ ܡܕܡ ܡܫܟܚ ܕܢܗܘܐ ܠܡܢ ܕܡܗܝܡܢ ܀
24Pagdaka'y sumigaw ang ama ng bata, at sinabi, Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.
24ܘܒܪ ܫܥܬܗ ܩܥܐ ܐܒܘܗܝ ܕܛܠܝܐ ܟܕ ܒܟܐ ܘܐܡܪ ܡܗܝܡܢ ܐܢܐ ܡܪܝ ܥܕܪ ܠܚܤܝܪܘܬ ܗܝܡܢܘܬܝ ܀
25At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.
25ܟܕ ܚܙܐ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܕܪܗܛ ܥܡܐ ܘܡܬܟܢܫ ܠܘܬܗ ܟܐܐ ܒܗܝ ܪܘܚܐ ܛܢܦܬܐ ܘܐܡܪ ܠܗ ܪܘܚܐ ܚܪܫܬܐ ܕܠܐ ܡܡܠܠܐ ܐܢܐ ܦܩܕ ܐܢܐ ܠܟܝ ܦܘܩܝ ܡܢܗ ܘܬܘܒ ܠܐ ܬܥܠܝܢ ܠܗ ܀
26At nang makapagsisisigaw, at nang siya'y mapangatal na mainam, ay lumabas siya: at ang bata'y naging anyong patay; ano pa't marami ang nagsabi, Siya'y patay.
26ܘܩܥܐ ܫܐܕܐ ܗܘ ܤܓܝ ܘܫܚܩܗ ܘܢܦܩ ܘܗܘܐ ܐܝܟ ܡܝܬܐ ܐܝܟ ܕܤܓܝܐܐ ܢܐܡܪܘܢ ܕܡܝܬ ܠܗ ܀
27Datapuwa't hinawakan siya ni Jesus sa kamay, at siya'y ibinangon; at siya'y nagtindig.
27ܗܘ ܕܝܢ ܝܫܘܥ ܐܚܕܗ ܒܐܝܕܗ ܘܐܩܝܡܗ ܀
28At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?
28ܟܕ ܥܠ ܕܝܢ ܠܒܝܬܐ ܝܫܘܥ ܫܐܠܘܗܝ ܬܠܡܝܕܘܗܝ ܒܠܚܘܕܝܗܘܢ ܠܡܢܐ ܚܢܢ ܠܐ ܐܫܟܚܢ ܠܡܦܩܘܬܗ ܀
29At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin.
29ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܗܢܐ ܓܢܤܐ ܒܡܕܡ ܠܐ ܡܫܟܚ ܠܡܦܩ ܐܠܐ ܒܨܘܡܐ ܘܒܨܠܘܬܐ ܀
30At nagsialis sila roon, at nangagdaan sa Galilea; at ayaw siyang sinomang tao'y makaalam niyaon.
30ܘܟܕ ܢܦܩ ܡܢ ܬܡܢ ܥܒܪܝܢ ܗܘܘ ܒܓܠܝܠܐ ܘܠܐ ܨܒܐ ܗܘܐ ܕܐܢܫ ܢܕܥ ܒܗ ܀
31Sapagka't tinuruan niya ang kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Ibibigay ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya'y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw.
31ܡܠܦ ܗܘܐ ܓܝܪ ܠܬܠܡܝܕܘܗܝ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܕܒܪܗ ܕܐܢܫܐ ܡܫܬܠܡ ܒܐܝܕܝ ܐܢܫܐ ܘܢܩܛܠܘܢܝܗܝ ܘܡܐ ܕܐܬܩܛܠ ܒܝܘܡܐ ܕܬܠܬܐ ܢܩܘܡ ܀
32Nguni't hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya.
32ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܠܐ ܝܕܥܝܢ ܗܘܘ ܠܗ ܠܡܠܬܐ ܘܕܚܠܝܢ ܗܘܘ ܕܢܫܐܠܘܢܝܗܝ ܀
33At sila'y nagsidating sa Capernaum: at nang siya'y nasa bahay na ay tinanong niya sila, Ano ang pinagkakatuwiranan ninyo sa daan?
33ܘܐܬܘ ܠܟܦܪܢܚܘܡ ܘܟܕ ܥܠܘ ܠܒܝܬܐ ܡܫܐܠ ܗܘܐ ܠܗܘܢ ܕܡܢܐ ܡܬܚܫܒܝܢ ܗܘܝܬܘܢ ܒܐܘܪܚܐ ܒܝܢܬܟܘܢ ܀
34Datapuwa't hindi sila nagsiimik: sapagka't sila-sila ay nangagtalo sa daan, kung sino ang pinakadakila.
34ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܫܬܝܩܝܢ ܗܘܘ ܐܬܚܪܝܘ ܗܘܘ ܓܝܪ ܒܐܘܪܚܐ ܚܕ ܥܡ ܚܕ ܕܡܢܘ ܪܒ ܒܗܘܢ ܀
35At siya'y naupo, at tinawag ang labingdalawa; at sa kanila'y sinabi niya, Kung sinoman ang ibig na maging una, ay siyang mahuhuli sa lahat, at lingkod ng lahat.
35ܘܝܬܒ ܝܫܘܥ ܘܩܪܐ ܠܬܪܥܤܪ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܡܢ ܕܨܒܐ ܕܢܗܘܐ ܩܕܡܝܐ ܢܗܘܐ ܐܚܪܝܐ ܕܟܠ ܐܢܫ ܘܡܫܡܫܢܐ ܕܟܠ ܐܢܫ ܀
36At kinuha niya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila: at siya'y kaniyang kinalong, na sa kanila'y sinabi niya,
36ܘܢܤܒ ܛܠܝܐ ܚܕ ܘܐܩܝܡܗ ܒܡܨܥܬܐ ܘܫܩܠܗ ܥܠ ܕܪܥܘܗܝ ܘܐܡܪ ܠܗܘܢ ܀
37Ang sinomang tumanggap sa isa sa mga ganitong maliliit na bata sa aking pangalan, ay ako ang tinatanggap: at ang sinomang tumanggap sa akin, ay hindi ako ang tinatanggap, kundi yaong sa aki'y nagsugo.
37ܟܠ ܡܢ ܕܢܩܒܠ ܐܝܟ ܗܢܐ ܛܠܝܐ ܒܫܡܝ ܠܝ ܗܘ ܡܩܒܠ ܘܡܢ ܕܠܝ ܡܩܒܠ ܠܐ ܗܘܐ ܠܝ ܡܩܒܠ ܐܠܐ ܠܡܢ ܕܫܕܪܢܝ ܀
38Sinabi sa kaniya ni Juan, Guro, nakita namin ang isa na sa pangalan mo'y nagpapalabas ng mga demonio; at pinagbawalan namin siya, sapagka't hindi sumusunod sa atin.
38ܐܡܪ ܠܗ ܝܘܚܢܢ ܪܒܝ ܚܙܝܢ ܐܢܫ ܕܡܦܩ ܫܐܕܐ ܒܫܡܟ ܘܟܠܝܢܝܗܝ ܥܠ ܕܠܐ ܢܩܦ ܠܢ ܀
39Datapuwa't sinabi ni Jesus, Huwag ninyong pagbawalan siya: sapagka't walang taong gumagawa ng makapangyarihang gawa sa pangalan ko, na pagdaka'y makapagsasalita ng masama tungkol sa akin.
39ܐܡܪ ܠܗܘܢ ܝܫܘܥ ܠܐ ܬܟܠܘܢܝܗܝ ܠܝܬ ܓܝܪ ܐܢܫ ܕܥܒܕ ܚܝܠܐ ܒܫܡܝ ܘܡܫܟܚ ܥܓܠ ܐܡܪ ܥܠܝ ܕܒܝܫ ܀
40Sapagka't ang hindi laban sa atin ay sumasa atin.
40ܡܢ ܕܠܐ ܗܘܐ ܗܟܝܠ ܠܘܩܒܠܟܘܢ ܚܠܦܝܟܘܢ ܗܘ ܀
41Sapagka't ang sinomang magpainom sa inyo ng isang sarong tubig, dahil sa kayo'y kay Cristo, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hindi mawawala sa anomang paraan ang ganti sa kaniya.
41ܟܠ ܕܝܢ ܕܢܫܩܝܟܘܢ ܟܤܐ ܕܡܝܐ ܒܠܚܘܕ ܒܫܡܐ ܕܕܡܫܝܚܐ ܐܢܬܘܢ ܐܡܝܢ ܐܡܪ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܢܘܒܕ ܐܓܪܗ ܀
42At ang sinomang magbigay ng ikatitisod sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin, ay mabuti pa sa kaniya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking gilingang bato, at siya'y ibulid sa dagat.
42ܘܟܠ ܡܢ ܕܢܟܫܠ ܠܚܕ ܡܢ ܗܠܝܢ ܙܥܘܪܐ ܕܡܗܝܡܢܝܢ ܒܝ ܦܩܚ ܗܘܐ ܠܗ ܐܠܘ ܪܡܝܐ ܗܘܬ ܪܚܝܐ ܕܚܡܪܐ ܒܨܘܪܗ ܘܫܕܐ ܒܝܡܐ ܀
43At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay.
43ܐܢ ܕܝܢ ܡܟܫܠܐ ܠܟ ܐܝܕܟ ܦܤܘܩܝܗ ܦܩܚ ܗܘ ܠܟ ܦܫܝܓܐ ܕܬܥܘܠ ܠܚܝܐ ܐܘ ܟܕ ܐܝܬ ܠܟ ܬܪܬܝܢ ܐܝܕܝܢ ܬܐܙܠ ܠܓܗܢܐ ܀
44Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
44ܐܝܟܐ ܕܬܘܠܥܗܘܢ ܠܐ ܡܝܬܐ ܘܢܘܪܗܘܢ ܠܐ ܕܥܟܐ ܀
45At kung ang paa mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno.
45ܘܐܢ ܪܓܠܟ ܡܟܫܠܐ ܠܟ ܦܤܘܩܝܗ ܦܩܚ ܗܘ ܠܟ ܕܬܥܘܠ ܠܚܝܐ ܚܓܝܤܐ ܐܘ ܟܕ ܐܝܬ ܠܟ ܬܪܬܝܢ ܪܓܠܝܢ ܬܦܠ ܒܓܗܢܐ ܀
46Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
46ܐܝܟܐ ܕܬܘܠܥܗܘܢ ܠܐ ܡܝܬܐ ܘܢܘܪܗܘܢ ܠܐ ܕܥܟܐ ܀
47At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno;
47ܘܐܢ ܥܝܢܟ ܡܟܫܠܐ ܠܟ ܚܨܝܗ ܦܩܚ ܗܘ ܠܟ ܕܒܚܕܐ ܥܝܢܟ ܬܥܘܠ ܠܡܠܟܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܐܘ ܟܕ ܐܝܬ ܠܟ ܬܪܬܝܢ ܥܝܢܝܢ ܬܦܠ ܒܓܗܢܐ ܕܢܘܪܐ ܀
48Na doo'y hindi namamatay ang kanilang uod, at hindi namamatay ang apoy.
48ܐܝܟܐ ܕܬܘܠܥܗܘܢ ܠܐ ܡܝܬܐ ܘܢܘܪܗܘܢ ܠܐ ܕܥܟܐ ܀
49Sapagka't bawa't isa'y aasnan sa pamamagitan ng apoy.
49ܟܠ ܓܝܪ ܒܢܘܪܐ ܢܬܡܠܚ ܘܟܠ ܕܒܚܬܐ ܒܡܠܚܐ ܬܬܡܠܚ ܀ 50 ܫܦܝܪܐ ܗܝ ܡܠܚܐ ܐܢ ܕܝܢ ܡܠܚܐ ܬܦܟܗ ܒܡܢܐ ܬܬܡܠܚ ܬܗܘܐ ܒܟܘܢ ܡܠܚܐ ܘܒܫܝܢܐ ܗܘܘ ܚܕ ܥܡ ܚܕ ܀
50Mabuti ang asin: datapuwa't kung tumabang ang asin, ay ano ang inyong ipagpapaalat? Taglayin ninyo sa inyong sarili ang asin, at kayo'y magkaroon ng kapayapaan sa isa't isa.
50