Tagalog 1905

Syriac: NT

Philippians

1

1Si Pablo at si Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos, pati ng mga obispo at ng mga diakono:
1ܦܘܠܘܤ ܘܛܝܡܬܐܘܤ ܥܒܕܐ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܠܟܠܗܘܢ ܩܕܝܫܐ ܕܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܕܐܝܬ ܒܦܝܠܝܦܘܤ ܥܡ ܩܫܝܫܐ ܘܡܫܡܫܢܐ ܀
2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
2ܛܝܒܘܬܐ ܥܡܟܘܢ ܘܫܠܡܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܐܒܘܢ ܘܡܢ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
3Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,
3ܡܘܕܐ ܐܢܐ ܠܐܠܗܝ ܥܠ ܥܘܗܕܢܟܘܢ ܐܡܝܢܐ ܀
4Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,
4ܕܒܟܠ ܒܥܘܬܝ ܕܥܠ ܐܦܝܟܘܢ ܘܟܕ ܚܕܐ ܐܢܐ ܡܬܟܫܦ ܐܢܐ ܀
5Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;
5ܥܠ ܫܘܬܦܘܬܟܘܢ ܕܒܐܘܢܓܠܝܘܢ ܡܢ ܝܘܡܐ ܩܕܡܝܐ ܘܥܕܡܐ ܠܗܫܐ ܀
6Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo:
6ܡܛܠ ܕܬܟܝܠ ܐܢܐ ܥܠ ܗܕܐ ܕܗܘ ܡܢ ܕܫܪܝ ܒܟܘܢ ܥܒܕܐ ܛܒܐ ܗܘ ܢܫܠܡ ܥܕܡܐ ܠܝܘܡܗ ܕܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
7Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.
7ܗܟܢܐ ܓܝܪ ܙܕܩ ܠܝ ܠܡܬܪܥܝܘ ܥܠ ܟܠܟܘܢ ܡܛܠ ܕܒܠܒܝ ܤܝܡܝܢ ܐܢܬܘܢ ܘܒܐܤܘܪܝ ܘܒܡܦܩ ܒܪܘܚܝ ܕܥܠ ܫܪܪܗ ܕܐܘܢܓܠܝܘܢ ܕܫܘܬܦܝ ܐܢܬܘܢ ܒܛܝܒܘܬܐ ܀
8Sapagka't saksi ko ang Dios, kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus.
8ܤܗܕ ܗܘ ܠܝ ܓܝܪ ܐܠܗܐ ܕܐܝܟܢܐ ܡܚܒ ܐܢܐ ܠܟܘܢ ܒܪܚܡܘܗܝ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
9At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;
9ܘܗܕܐ ܡܨܠܐ ܐܢܐ ܕܬܘܒ ܢܤܓܐ ܘܢܬܝܬܪ ܚܘܒܟܘܢ ܒܝܕܥܬܐ ܘܒܟܠ ܤܘܟܠ ܕܪܘܚ ܀
10Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo;
10ܕܬܗܘܘܢ ܦܪܫܝܢ ܐܝܠܝܢ ܕܥܗܢܢ ܘܬܗܘܘܢ ܕܟܝܢ ܕܠܐ ܬܘܩܠܐ ܒܝܘܡܗ ܕܡܫܝܚܐ ܀
11Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.
11ܘܡܠܝܢ ܦܐܪܐ ܕܙܕܝܩܘܬܐ ܕܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܠܫܘܒܚܐ ܘܠܐܝܩܪܐ ܕܐܠܗܐ ܀
12Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio;
12ܨܒܐ ܐܢܐ ܕܝܢ ܕܬܕܥܘܢ ܐܚܝ ܕܤܘܥܪܢܝ ܕܝܠܝ ܝܬܝܪܐܝܬ ܐܬܐ ܠܩܕܡܘܗܝ ܒܐܘܢܓܠܝܘܢ ܀
13Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa;
13ܗܟܢܐ ܕܐܦ ܐܤܘܪܝ ܐܬܓܠܝܘ ܒܡܫܝܚܐ ܒܦܪܛܘܪܝܢ ܟܠܗ ܘܠܫܪܟܐ ܕܟܠܢܫ ܀
14At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.
14ܘܤܘܓܐܐ ܕܐܚܐ ܕܒܡܪܢ ܐܬܬܟܠܘ ܥܠ ܐܤܘܪܝ ܘܐܫܝܚܘ ܝܬܝܪܐܝܬ ܕܠܐ ܕܚܠܐ ܠܡܡܠܠܘ ܡܠܬܐ ܕܐܠܗܐ ܀
15Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban:
15ܘܐܢܫ ܐܢܫ ܡܢ ܚܤܡܐ ܘܚܪܝܢܐ ܐܢܫ ܐܢܫ ܕܝܢ ܒܨܒܝܢܐ ܛܒܐ ܘܒܚܘܒܐ ܠܡܫܝܚܐ ܡܟܪܙܝܢ ܀
16Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa pagsasanggalang ng evangelio;
16ܡܛܠ ܕܝܕܥܝܢ ܕܠܡܦܩ ܒܪܘܚܐ ܕܐܘܢܓܠܝܘܢ ܤܝܡ ܐܢܐ ܀
17Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.
17ܗܢܘܢ ܕܝܢ ܕܒܚܪܝܢܐ ܠܡܫܝܚܐ ܡܟܪܙܝܢ ܠܐ ܗܘܐ ܕܟܝܐܝܬ ܐܠܐ ܕܤܒܪܝܢ ܕܡܘܤܦܝܢ ܐܘܠܨܢܐ ܠܐܤܘܪܝ ܀
18Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak.
18ܘܒܗܕܐ ܚܕܝܬ ܘܚܕܐ ܐܢܐ ܕܒܟܠ ܦܪܘܤ ܐܢ ܒܥܠܬܐ ܘܐܢ ܒܩܘܫܬܐ ܡܫܝܚܐ ܢܬܟܪܙ ܀
19Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Cristo,
19ܝܕܥ ܐܢܐ ܓܝܪ ܕܗܠܝܢ ܠܚܝܐ ܡܫܬܟܚܢ ܠܝ ܒܒܥܘܬܟܘܢ ܘܒܡܘܗܒܬܐ ܕܪܘܚܐ ܕܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
20Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.
20ܐܝܟܢܐ ܕܡܤܒܪ ܐܢܐ ܘܡܤܟܐ ܐܢܐ ܕܒܡܕܡ ܠܐ ܐܒܗܬ ܐܠܐ ܒܓܠܝܘܬ ܐܦܐ ܐܝܟ ܕܒܟܠܙܒܢ ܐܦ ܗܫܐ ܢܬܪܘܪܒ ܡܫܝܚܐ ܒܦܓܪܝ ܐܢ ܒܚܝܐ ܘܐܢ ܒܡܘܬܐ ܀
21Sapagka't sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.
21ܚܝܝ ܓܝܪ ܕܝܠܝ ܡܫܝܚܐ ܗܘ ܘܐܢ ܐܡܘܬ ܝܘܬܪܢܐ ܗܘ ܠܝ ܀
22Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad, ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.
22ܐܢ ܕܝܢ ܐܦ ܒܗܠܝܢ ܚܝܐ ܕܒܤܪܐ ܦܐܪܐ ܐܝܬ ܠܝ ܒܥܒܕܝ ܠܐ ܝܕܥ ܐܢܐ ܡܢܐ ܐܓܒܐ ܠܝ ܀
23Sapagka't ako'y nagigipit sa magkabila, akong may nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:
23ܐܠܨܢ ܠܝ ܓܝܪ ܬܪܬܝܗܝܢ ܠܡܦܛܪ ܪܓܝܓ ܐܢܐ ܕܥܡ ܡܫܝܚܐ ܐܗܘܐ ܘܗܕܐ ܛܒ ܦܩܚܐ ܗܘܬ ܠܝ ܀
24Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo.
24ܐܠܐ ܐܦ ܕܐܩܘܐ ܒܦܓܪܝ ܐܠܨܐ ܠܝ ܨܒܘܬܐ ܡܛܠܬܟܘܢ ܀
25At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya;
25ܘܗܕܐ ܬܟܝܠܐܝܬ ܝܕܥ ܐܢܐ ܕܦܐܫ ܐܢܐ ܘܡܩܘܐ ܐܢܐ ܠܚܕܘܬܐ ܕܝܠܟܘܢ ܘܠܬܪܒܝܬܐ ܕܗܝܡܢܘܬܟܘܢ ܀
26Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.
26ܕܟܕ ܐܬܐ ܬܘܒ ܠܘܬܟܘܢ ܢܬܝܬܪ ܒܝ ܫܘܒܗܪܟܘܢ ܕܒܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܠܚܘܕ ܀
27Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;
27ܐܝܟܢܐ ܕܝܐܐ ܠܤܒܪܬܗ ܕܡܫܝܚܐ ܗܘܝܬܘܢ ܡܬܕܒܪܝܢ ܕܐܢ ܐܬܐ ܐܚܙܝܟܘܢ ܘܐܢ ܦܪܝܩ ܐܢܐ ܐܫܡܥ ܥܠܝܟܘܢ ܕܩܝܡܝܢ ܐܢܬܘܢ ܒܚܕܐ ܪܘܚ ܘܒܚܕܐ ܢܦܫ ܘܡܬܢܨܚܝܬܘܢ ܐܟܚܕ ܒܗܝܡܢܘܬܐ ܕܐܘܢܓܠܝܘܢ ܀
28At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios;
28ܘܒܡܕܡ ܠܐ ܡܬܬܙܝܥܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܢ ܗܢܘܢ ܕܩܝܡܝܢ ܠܩܘܒܠܢ ܠܬܚܘܝܬܐ ܕܐܒܕܢܗܘܢ ܘܠܚܝܐ ܕܝܠܟܘܢ ܀
29Sapagka't sa inyo'y ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:
29ܘܗܕܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܗܘ ܐܬܝܗܒܬ ܠܟܘܢ ܕܠܐ ܒܠܚܘܕ ܡܗܝܡܢܘ ܬܗܝܡܢܘܢ ܒܗ ܒܡܫܝܚܐ ܐܠܐ ܐܦ ܕܥܠ ܐܦܘܗܝ ܬܚܫܘܢ ܀
30Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.
30ܘܬܤܝܒܪܘܢ ܐܓܘܢܐ ܐܝܟ ܗܘ ܕܚܙܝܬܘܢ ܒܝ ܘܗܫܐ ܫܡܥܝܬܘܢ ܥܠܝ ܀