Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

11

1At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat: at may isang nagsabi, Magtindig ka, at sukatin mo ang templo ng Dios, at ang dambana, at ang mga sumasamba doon.
1ܘܐܬܝܗܒ ܠܝ ܩܢܝܐ ܕܡܘܬܐ ܕܫܒܛܐ ܘܩܐܡ ܗܘܐ ܡܠܐܟܐ ܘܐܡܪ ܩܘܡ ܘܡܫܘܚ ܠܗܝܟܠܐ ܕܐܠܗܐ ܘܠܡܕܒܚܐ ܘܠܐܝܠܝܢ ܕܤܓܕܝܢ ܒܗ ܀
2At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; sapagka't ibinigay sa mga Gentil; at kanilang yuyurakang apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.
2ܘܠܕܪܬܐ ܕܠܓܘ ܡܢ ܗܝܟܠܐ ܐܦܩ ܡܢ ܠܒܪ ܘܠܐ ܬܡܫܚܝܗ ܡܛܠ ܕܐܬܝܗܒܬ ܠܥܡܡܐ ܘܠܡܕܝܢܬܐ ܩܕܝܫܬܐ ܢܕܘܫܘܢ ܝܪܚܐ ܐܪܒܥܝܢ ܘܬܪܝܢ ܀
3At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.
3ܘܐܬܠ ܠܬܪܝܢ ܤܗܕܝ ܠܡܬܢܒܝܘ ܝܘܡܝܢ ܐܠܦ ܘܡܐܬܝܢ ܘܫܬܝܢ ܟܕ ܥܛܝܦܝܢ ܤܩܐ ܀
4Ang mga ito'y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.
4ܗܠܝܢ ܐܢܘܢ ܬܪܝܢ ܙܝܬܝܢ ܘܬܪܬܝܢ ܡܢܪܢ ܕܩܕܡ ܡܪܐ ܕܟܠܗ ܐܪܥܐ ܩܝܡܝܢ ܀
5At kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak, ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway; at kung nasain ng sinoman na sila'y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan.
5ܘܡܢ ܕܒܥܐ ܕܢܗܪ ܐܢܘܢ ܢܦܩܐ ܢܘܪܐ ܡܢ ܦܘܡܗܘܢ ܘܐܟܠܐ ܠܒܥܠܕܒܒܝܗܘܢ ܘܠܐܝܢܐ ܕܨܒܐ ܕܢܗܪ ܐܢܘܢ ܗܟܢ ܝܗܝܒ ܠܗܘܢ ܠܡܬܩܛܠܘ ܀
6Ang mga ito'y may kapangyarihang magsara ng langit, upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula: at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo, at mapahirapan ang lupa ng bawa't salot sa tuwing kanilang nasain.
6ܘܗܠܝܢ ܐܝܬ ܠܗܘܢ ܫܘܠܛܢܐ ܕܢܐܚܕܘܢ ܠܫܡܝܐ ܕܠܐ ܢܚܘܬ ܡܛܪܐ ܒܝܘܡܬܐ ܕܢܒܝܘܬܗܘܢ ܘܐܝܬ ܠܗܘܢ ܫܘܠܛܢܐ ܕܢܗܦܟܘܢ ܡܝܐ ܠܕܡܐ ܘܕܢܡܚܘܢ ܠܐܪܥܐ ܒܟܠ ܡܚܘܢ ܟܡܐ ܕܢܨܒܘܢ ܀
7At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin.
7ܘܡܐ ܕܫܡܠܝܘ ܤܗܕܘܬܗܘܢ ܚܝܘܬܐ ܕܤܠܩܐ ܡܢ ܝܡܐ ܬܥܒܕ ܥܡܗܘܢ ܩܪܒܐ ܘܬܙܟܐ ܐܢܘܢ ܘܬܩܛܘܠ ܐܢܘܢ ܀
8At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.
8ܘܫܠܕܝܗܘܢ ܥܠ ܫܘܩܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܪܒܬܐ ܐܝܕܐ ܕܡܬܩܪܝܐ ܪܘܚܢܐܝܬ ܤܕܘܡ ܘܡܨܪܝܢ ܐܝܟܐ ܕܡܪܗܘܢ ܐܨܛܠܒ ܀
9At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.
9ܘܚܙܝܢ ܡܢ ܐܡܘܬܐ ܘܫܪܒܬܐ ܘܠܫܢܐ ܘܥܡܡܐ ܠܫܠܕܝܗܘܢ ܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܘܦܠܓܗ ܘܠܫܠܕܝܗܘܢ ܠܐ ܢܫܒܩܘܢ ܠܡܬܬܤܡܘ ܒܩܒܪܐ ܀
10At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; sapagka't ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.
10ܘܥܡܘܪܝܗ ܕܐܪܥܐ ܢܚܕܘܢ ܥܠܝܗܘܢ ܘܢܬܦܨܚܘܢ ܘܡܘܗܒܬܐ ܢܫܕܪܘܢ ܠܚܕܕܐ ܡܛܠ ܬܪܝܢ ܢܒܝܝܢ ܕܫܢܩܘ ܠܥܡܘܪܝܗ ܕܐܪܥܐ ܀
11At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati, ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila, at sila'y nangagsitindig; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila.
11ܘܡܢ ܒܬܪ ܬܠܬܐ ܝܘܡܝܢ ܘܦܠܓܗ ܪܘܚܐ ܚܝܬܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܥܠܬ ܒܗܘܢ ܘܩܡܘ ܥܠ ܪܓܠܝܗܘܢ ܘܪܘܚܐ ܕܚܝܐ ܢܦܠܬ ܥܠܝܗܘܢ ܘܕܚܠܬܐ ܪܒܬܐ ܗܘܬ ܥܠ ܐܝܠܝܢ ܕܚܙܝܢ ܠܗܘܢ ܀
12At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila'y umakyat sa langit sa isang alapaap; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.
12ܘܫܡܥܘ ܩܠܐ ܪܒܐ ܡܢ ܫܡܝܐ ܕܐܡܪ ܠܗܘܢ ܤܩܘ ܠܟܐ ܘܤܠܩܘ ܠܫܡܝܐ ܒܥܢܢܐ ܘܡܨܕܝܢ ܒܗܘܢ ܒܥܠܕܒܒܝܗܘܢ ܀
13At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao: at ang mga iba ay nangatatakot, at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit.
13ܘܒܫܥܬܐ ܗܝ ܗܘܐ ܙܘܥܐ ܪܒܐ ܘܚܕ ܡܢ ܥܤܪܐ ܕܡܕܝܢܬܐ ܢܦܠܘ ܘܐܬܩܛܠܘ ܒܙܘܥܐ ܫܡܗܐ ܕܓܒܪܐ ܐܠܦܐ ܫܒܥܐ ܘܕܫܪܟܐ ܗܘܘ ܒܕܚܠܬܐ ܘܝܗܒܘܢ ܬܫܒܘܚܬܐ ܠܐܠܗܐ ܕܒܫܡܝܐ ܀
14Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba: narito, nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba.
14ܗܐ ܬܪܝܢ ܘܝ ܐܙܠܘ ܘܗܐ ܘܝ ܕܬܠܬܐ ܐܬܐ ܡܚܕܐ ܀
15At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.
15ܘܡܠܐܟܐ ܕܫܒܥܐ ܙܥܩ ܘܗܘܘ ܩܠܐ ܪܘܪܒܐ ܒܫܡܝܐ ܕܐܡܪܝܢ ܗܘܬ ܡܠܟܘܬܗ ܕܥܠܡܐ ܕܐܠܗܢ ܘܕܡܫܝܚܗ ܘܐܡܠܟ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܀
16At ang dalawangpu't apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios,
16ܘܥܤܪܝܢ ܘܐܪܒܥܐ ܩܫܝܫܐ ܐܝܠܝܢ ܕܩܕܡ ܐܠܗܐ ܝܬܒܝܢ ܥܠ ܟܘܪܤܘܬܗܘܢ ܢܦܠܘ ܥܠ ܐܦܝܗܘܢ ܘܤܓܕܘ ܠܐܠܗܐ ܀
17Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka't hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.
17ܠܡܐܡܪ ܡܘܕܝܢܢ ܠܟ ܡܪܝܐ ܐܠܗܐ ܐܚܝܕ ܟܠ ܕܐܝܬܘܗܝ ܘܐܝܬܘܗܝ ܗܘܐ ܕܢܤܒܬ ܒܚܝܠܟ ܪܒܐ ܘܐܡܠܟܬ ܀
18At nangagalit ang mga bansa, at dumating ang iyong poot, at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan, at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta, at sa mga banal, at sa mga natatakot sa iyong pangalan, maliliit at malalaki; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa.
18ܘܥܡܡܐ ܪܓܙܘ ܘܐܬܐ ܪܘܓܙܟ ܘܙܒܢܐ ܕܡܝܬܐ ܕܢܬܕܝܢܘܢ ܘܬܬܠ ܐܓܪܐ ܠܥܒܕܝܟ ܢܒܝܐ ܘܠܩܕܝܫܐ ܘܠܕܚܠܝ ܫܡܟ ܠܙܥܘܪܐ ܥܡ ܪܘܪܒܐ ܘܬܚܒܠ ܠܐܝܠܝܢ ܕܚܒܠܘ ܠܐܪܥܐ ܀
19At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit: at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan; at nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog, at isang lindol, at malaking granizo.
19ܘܐܬܦܬܚ ܗܝܟܠܐ ܒܫܡܝܐ ܘܐܬܚܙܝܬ ܩܝܒܘܬܐ ܕܕܝܬܩܐ ܕܝܠܗ ܒܗܝܟܠܐ ܘܗܘܘ ܒܪܩܐ ܘܪܥܡܐ ܘܩܠܐ ܘܢܘܕܐ ܘܒܪܕܐ ܪܒܐ ܀