Tagalog 1905

Syriac: NT

Revelation

15

1At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka't sa mga yao'y magaganap ang kagalitan ng Dios.
1ܘܚܙܝܬ ܐܚܪܬܐ ܐܬܐ ܒܫܡܝܐ ܪܒܬܐ ܘܬܡܝܗܬܐ ܡܠܐܟܐ ܕܐܝܬ ܥܠܝܗܘܢ ܡܚܘܬܐ ܫܒܥ ܐܚܪܝܬܐ ܕܒܗܝܢ ܐܫܬܡܠܝܬ ܚܡܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
2At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy, at yaong nangagtagumpay sa hayop, at sa kaniyang larawan, at sa bilang ng kaniyang pangalan, ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog, na may mga alpa ng Dios.
2ܘܚܙܝܬ ܐܝܟ ܝܡܐ ܕܙܓܘܓܝܬܐ ܕܦܬܝܟܐ ܒܢܘܪܐ ܘܠܕܙܟܘ ܡܢ ܚܝܘܬܐ ܘܡܢ ܨܠܡܗ ܘܡܢ ܡܢܝܢܐ ܕܫܡܗ ܕܩܝܡܝܢ ܠܥܠ ܡܢ ܝܡܐ ܕܙܓܘܓܝܬܐ ܘܐܝܬ ܥܠܝܗܘܢ ܩܝܬܪܘܗܝ ܕܐܠܗܐ ܀
3At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios, at ang awit ng Cordero, na sinasabi, Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat; matuwid at tunay ang iyong mga daan, ikaw na Hari ng mga bansa.
3ܘܡܫܒܚܝܢ ܬܫܒܘܚܬܐ ܕܡܘܫܐ ܥܒܕܗ ܕܐܠܗܐ ܘܬܫܒܘܚܬܐ ܕܐܡܪܐ ܘܐܡܪܝܢ ܪܘܪܒܝܢ ܘܬܡܝܗܝܢ ܥܒܕܝܟ ܡܪܝܐ ܐܠܗܐ ܐܚܝܕ ܟܠ ܟܐܢܝܢ ܘܫܪܝܪܝܢ ܥܒܕܝܟ ܡܠܟܐ ܕܥܠܡܐ ܀
4Sinong hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? sapagka't ikaw lamang ang banal; sapagka't ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo; sapagka't ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.
4ܡܢ ܠܐ ܢܕܚܠ ܠܟ ܡܪܝܐ ܘܢܫܒܚ ܠܫܡܟ ܡܛܠ ܕܐܢܬ ܗܘ ܒܠܚܘܕ ܚܤܝܐ ܡܛܠ ܕܟܠܗܘܢ ܥܡܡܐ ܢܐܬܘܢ ܘܢܤܓܕܘܢ ܩܕܡܝܟ ܡܛܠ ܕܬܪܝܨ ܐܢܬ ܀
5At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang santuario ng tabernakulo ng patotoo sa langit ay nabuksan.
5ܘܡܢ ܒܬܪ ܗܠܝܢ ܚܙܝܬ ܘܐܬܦܬܚ ܗܝܟܠܐ ܕܡܫܟܢܐ ܕܤܗܕܘܬܐ ܒܫܡܝܐ ܀
6At sa santuario ay nagsilabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nararamtan ng mahalagang bato, tunay at makintab, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib.
6ܘܢܦܩܘ ܫܒܥܐ ܡܠܐܟܝܢ ܡܢ ܗܝܟܠܐ ܗܢܘܢ ܕܐܝܬ ܥܠܝܗܘܢ ܫܒܥ ܡܚܘܢ ܟܕ ܠܒܝܫܝܢ ܟܬܢܐ ܕܟܝܐ ܘܢܗܝܪܐ ܘܐܤܝܪܝܢ ܥܠ ܚܕܝܝܗܘܢ ܐܤܪܐ ܕܕܗܒܐ ܀
7At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man.
7ܘܚܕܐ ܡܢ ܐܪܒܥ ܚܝܘܬܐ ܝܗܒܬ ܠܫܒܥܐ ܡܠܐܟܝܢ ܫܒܥ ܙܒܘܪܝܢ ܕܡܠܝܢ ܚܡܬܗ ܕܐܠܗܐ ܕܐܝܬܘܗܝ ܚܝܐ ܠܥܠܡ ܥܠܡܝܢ ܐܡܝܢ ܀
8At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios, at sa kaniyang kapangyarihan; at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario, hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.
8ܘܐܬܡܠܝ ܗܝܟܠܐ ܡܢ ܬܢܢܐ ܕܬܫܒܘܚܬܗ ܕܐܠܗܐ ܘܡܢ ܚܝܠܗ ܘܠܝܬ ܕܡܨܐ ܗܘܐ ܠܡܥܠ ܠܗܝܟܠܐ ܥܕܡܐ ܕܢܫܬܡܠܝܢ ܫܒܥ ܡܚܘܢ ܕܫܒܥܐ ܡܠܐܟܝܢ ܀