1Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.
1ܟܠ ܢܦܫ ܠܫܘܠܛܢܐ ܕܪܒܘܬܐ ܬܫܬܥܒܕ ܠܝܬ ܓܝܪ ܫܘܠܛܢܐ ܕܠܐ ܗܘܐ ܡܢ ܐܠܗܐ ܗܘ ܘܐܝܠܝܢ ܫܘܠܛܢܐ ܕܐܝܬܝܗܘܢ ܡܢ ܐܠܗܐ ܗܘ ܦܩܝܕܝܢ ܀
2Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.
2ܡܢ ܕܩܐܡ ܗܟܝܠ ܠܘܩܒܠ ܫܘܠܛܢܐ ܠܘܩܒܠ ܦܘܩܕܢܐ ܕܐܠܗܐ ܩܐܡ ܘܗܠܝܢ ܕܩܝܡܝܢ ܠܘܩܒܠܗܘܢ ܕܝܢܐ ܢܤܒܘܢ ܀
3Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:
3ܕܝܢܐ ܓܝܪ ܠܐ ܗܘܘ ܕܚܠܬܐ ܠܥܒܕܐ ܛܒܐ ܐܠܐ ܠܒܝܫܐ ܨܒܐ ܐܢܬ ܗܟܝܠ ܕܠܐ ܬܕܚܠ ܡܢ ܫܘܠܛܢܐ ܥܒܕ ܛܒܬܐ ܘܬܫܒܘܚܬܐ ܬܗܘܐ ܠܟ ܡܢܗ ܀
4Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.
4ܡܫܡܫܢܐ ܗܘ ܓܝܪ ܕܐܠܗܐ ܐܠܐ ܠܟ ܠܛܒܬܐ ܘܐܢ ܒܝܫܬܐ ܥܒܕ ܐܢܬ ܕܚܠ ܠܐ ܗܘܐ ܓܝܪ ܤܪܝܩܐܝܬ ܐܤܝܪ ܠܤܦܤܪܐ ܡܫܡܫܢܐ ܗܘ ܓܝܪ ܕܐܠܗܐ ܘܬܒܘܥܐ ܕܪܘܓܙܐ ܠܐܝܠܝܢ ܕܥܒܕܝܢ ܒܝܫܬܐ ܀
5Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.
5ܘܡܛܠ ܗܢܐ ܐܠܨܐ ܠܢ ܕܢܫܬܥܒܕ ܠܐ ܡܛܠ ܪܘܓܙܐ ܒܠܚܘܕ ܐܠܐ ܐܦ ܡܛܠ ܬܐܪܬܢ ܀
6Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.
6ܡܛܠ ܗܢܐ ܐܦ ܟܤܦ ܪܫܐ ܝܗܒܝܢ ܐܢܬܘܢ ܡܫܡܫܢܐ ܐܢܘܢ ܓܝܪ ܕܐܠܗܐ ܕܥܠܝܗܝܢ ܕܗܠܝܢ ܩܝܡܝܢ ܀
7Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.
7ܦܪܘܥܘ ܗܟܝܠ ܠܟܠܢܫ ܐܝܟ ܕܡܬܚܝܒ ܠܗ ܠܡܢ ܕܟܤܦ ܪܫܐ ܟܤܦ ܪܫܐ ܘܠܡܢ ܕܡܟܤܐ ܡܟܤܐ ܘܠܡܢ ܕܕܚܠܬܐ ܕܚܠܬܐ ܘܠܡܢ ܕܐܝܩܪܐ ܐܝܩܪܐ ܀
8Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.
8ܘܠܐܢܫ ܡܕܡ ܠܐ ܬܚܘܒܘܢ ܐܠܐ ܚܕ ܠܚܕ ܠܡܚܒܘ ܡܢ ܕܡܚܒ ܓܝܪ ܚܒܪܗ ܢܡܘܤܐ ܡܠܝ ܀
9Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.
9ܘܐܦ ܗܝ ܓܝܪ ܕܐܡܪ ܕܠܐ ܬܓܘܪ ܘܠܐ ܬܩܛܘܠ ܘܠܐ ܬܓܢܘܒ ܘܠܐ ܬܪܓ ܘܐܢ ܐܝܬ ܦܘܩܕܢܐ ܐܚܪܢܐ ܒܗܕܐ ܡܠܬܐ ܡܫܬܠܡ ܕܬܪܚܡ ܠܩܪܝܒܟ ܐܝܟ ܢܦܫܟ ܀
10Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.
10ܚܘܒܐ ܠܩܪܝܒܗ ܒܝܫܬܐ ܠܐ ܤܥܪ ܡܛܠ ܕܚܘܒܐ ܡܘܠܝܗ ܗܘ ܕܢܡܘܤܐ ܀
11At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.
11ܘܐܦ ܗܕܐ ܕܥܘ ܕܙܒܢܐ ܗܘ ܘܫܥܬܐ ܗܝ ܡܟܝܠ ܕܢܬܥܝܪ ܡܢ ܫܢܬܢ ܗܫܐ ܗܘ ܓܝܪ ܐܬܩܪܒܘ ܠܢ ܚܝܝܢ ܝܬܝܪ ܡܢ ܕܟܕ ܗܝܡܢܢ ܀
12Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.
12ܠܠܝܐ ܡܟܝܠ ܥܒܪ ܘܐܝܡܡܐ ܩܪܒ ܢܢܝܚ ܡܢܢ ܗܟܝܠ ܥܒܕܐ ܕܚܫܘܟܐ ܘܢܠܒܫ ܙܝܢܗ ܕܢܘܗܪܐ ܀
13Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.
13ܘܐܝܟ ܕܒܐܝܡܡܐ ܒܐܤܟܡܐ ܢܗܠܟ ܠܐ ܒܙܡܪܐ ܘܠܐ ܒܪܘܝܘܬܐ ܘܠܐ ܒܡܕܡܟܐ ܛܢܦܐ ܘܠܐ ܒܚܤܡܐ ܘܒܚܪܝܢܐ ܀
14Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.
14ܐܠܐ ܠܘܒܫܘܗܝ ܠܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܘܠܐ ܬܐܨܦܘܢ ܕܒܤܪܟܘܢ ܠܪܓܝܓܬܐ ܀