Tagalog 1905

Syriac: NT

Romans

5

1Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo;
1ܡܛܠ ܕܐܙܕܕܩܢ ܗܟܝܠ ܒܗܝܡܢܘܬܐ ܢܗܘܐ ܠܢ ܫܠܡܐ ܠܘܬ ܐܠܗܐ ܒܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
2Sa pamamagitan din naman niya'y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios.
2ܕܒܗ ܐܬܩܪܒܢ ܒܗܝܡܢܘܬܐ ܠܛܝܒܘܬܐ ܗܕܐ ܕܒܗ ܩܝܡܝܢܢ ܘܡܫܬܒܗܪܝܢܢ ܒܤܒܪܐ ܕܬܫܒܘܚܬܗ ܕܐܠܗܐ ܀
3At hindi lamang gayon, kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan;
3ܘܠܐ ܗܟܢܐ ܒܠܚܘܕ ܐܠܐ ܐܦ ܒܐܘܠܨܢܝܢ ܡܫܬܒܗܪܝܢܢ ܕܝܕܥܝܢܢ ܕܐܘܠܨܢܐ ܡܤܝܒܪܢܘܬܐ ܓܡܪ ܒܢ ܀
4At ang katiyagaan, ng pagpapatunay; at ang pagpapatunay, ng pagasa:
4ܘܡܤܝܒܪܢܘܬܐ ܒܘܩܝܐ ܘܒܘܩܝܐ ܤܒܪܐ ܀
5At ang pagasa ay hindi humihiya; sapagka't ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.
5ܤܒܪܐ ܕܝܢ ܠܐ ܡܒܗܬ ܡܛܠ ܕܚܘܒܗ ܕܐܠܗܐ ܡܫܦܥ ܥܠ ܠܒܘܬܢ ܒܪܘܚܐ ܕܩܘܕܫܐ ܕܐܬܝܗܒܬ ܠܢ ܀
6Sapagka't nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.
6ܐܢ ܕܝܢ ܡܫܝܚܐ ܡܛܠ ܟܪܝܗܘܬܢ ܒܙܒܢܐ ܗܢܐ ܚܠܦ ܪܫܝܥܐ ܡܝܬ ܀
7Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay.
7ܠܡܚܤܢ ܓܝܪ ܐܢܫ ܚܠܦ ܪܫܝܥܐ ܡܐܬ ܚܠܦ ܛܒܐ ܓܝܪ ܛܟ ܡܡܪܚ ܐܢܫ ܠܡܡܬ ܀
8Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin.
8ܗܪܟܐ ܡܚܘܐ ܐܠܗܐ ܚܘܒܗ ܕܠܘܬܢ ܕܐܢ ܟܕ ܚܛܝܐ ܐܝܬܝܢ ܗܘܝܢ ܡܫܝܚܐ ܚܠܦܝܢ ܡܝܬ ܀
9Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.
9ܟܡܐ ܗܟܝܠ ܝܬܝܪܐܝܬ ܢܙܕܕܩ ܗܫܐ ܒܕܡܗ ܘܒܗ ܢܬܦܨܐ ܡܢ ܪܘܓܙܐ ܀
10Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay;
10ܐܢ ܓܝܪ ܟܕ ܐܝܬܝܢ ܒܥܠܕܒܒܐ ܐܬܪܥܝ ܥܡܢ ܐܠܗܐ ܒܡܘܬܐ ܕܒܪܗ ܟܡܐ ܗܟܝܠ ܝܬܝܪܐܝܬ ܒܬܪܥܘܬܗ ܢܚܐ ܒܚܝܘܗܝ ܀
11At hindi lamang gayon, kundi tayo'y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niya'y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.
11ܘܠܐ ܗܟܢܐ ܒܠܚܘܕ ܐܠܐ ܐܦ ܢܫܬܒܗܪ ܒܐܠܗܐ ܒܝܕ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܕܒܗ ܗܘ ܗܫܐ ܩܒܠܢ ܬܪܥܘܬܐ ܀
12Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:
12ܐܝܟܢܐ ܓܝܪ ܕܒܝܕ ܚܕ ܒܪܢܫܐ ܥܠܬ ܚܛܝܬܐ ܠܥܠܡܐ ܘܒܝܕ ܚܛܝܬܐ ܡܘܬܐ ܘܗܟܢܐ ܒܟܠܗܘܢ ܒܢܝ ܐܢܫܐ ܥܒܪ ܡܘܬܐ ܒܗܝ ܕܟܠܗܘܢ ܚܛܘ ܀
13Sapagka't ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan: nguni't hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan.
13ܥܕܡܐ ܓܝܪ ܠܢܡܘܤܐ ܚܛܝܬܐ ܟܕ ܐܝܬܝܗ ܗܘܬ ܒܥܠܡܐ ܠܐ ܚܫܝܒܐ ܗܘܬ ܚܛܝܬܐ ܡܛܠ ܕܠܝܬ ܗܘܐ ܢܡܘܤܐ ܀
14Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam, na siyang anyo niyaong darating.
14ܐܠܐ ܐܡܠܟ ܡܘܬܐ ܡܢ ܐܕܡ ܘܥܕܡܐ ܠܡܘܫܐ ܐܦ ܥܠ ܐܝܠܝܢ ܕܠܐ ܚܛܘ ܒܕܡܘܬܐ ܕܥܒܪ ܢܡܘܤܗ ܕܐܕܡ ܗܘ ܕܐܝܬܘܗܝ ܕܡܘܬܐ ܕܗܘ ܕܥܬܝܕ ܀
15Datapuwa't gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka't kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios, at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo.
15ܐܠܐ ܠܐ ܗܘܐ ܐܝܟ ܫܘܪܥܬܐ ܗܟܢܐ ܡܘܗܒܬܐ ܐܢ ܓܝܪ ܡܛܠ ܫܘܪܥܬܗ ܕܚܕ ܤܓܝܐܐ ܡܝܬܘ ܟܡܐ ܗܟܝܠ ܝܬܝܪܐܝܬ ܛܝܒܘܬܗ ܕܐܠܗܐ ܘܡܘܗܒܬܗ ܡܛܠ ܚܕ ܒܪܢܫܐ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܒܤܓܝܐܐ ܬܬܝܬܪ ܀
16At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala: sapagka't ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa, datapuwa't ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap.
16ܘܠܐ ܐܝܟ ܤܟܠܘܬܐ ܕܚܕ ܗܟܢܐ ܡܘܗܒܬܐ ܕܝܢܐ ܓܝܪ ܕܗܘܐ ܡܢ ܚܕ ܠܚܘܝܒܐ ܗܘܐ ܡܘܗܒܬܐ ܕܝܢ ܡܢ ܚܛܗܐ ܤܓܝܐܐ ܗܘܬ ܠܟܐܢܘ ܀
17Sapagka't kung, sa pagsuway ng isa, ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.
17ܐܢ ܓܝܪ ܡܛܠ ܤܟܠܘܬܐ ܕܚܕ ܐܡܠܟ ܡܘܬܐ ܝܬܝܪܐܝܬ ܐܝܠܝܢ ܕܢܤܒܘ ܤܘܓܐܐ ܕܛܝܒܘܬܐ ܘܕܡܘܗܒܬܐ ܘܕܟܐܢܘܬܐ ܒܚܝܐ ܢܡܠܟܘܢ ܒܝܕ ܚܕ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀
18Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay.
18ܐܟܙܢܐ ܗܟܝܠ ܕܡܛܠ ܤܟܠܘܬܐ ܕܚܕ ܗܘܐ ܚܘܝܒܐ ܠܟܠܗܘܢ ܒܢܝܢܫܐ ܗܟܢܐ ܡܛܠ ܟܐܢܘܬܐ ܕܚܕ ܬܗܘܐ ܙܟܘܬܐ ܠܚܝܐ ܠܟܠܗܘܢ ܒܢܝܢܫܐ ܀
19Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.
19ܐܝܟܢܐ ܓܝܪ ܕܡܛܠ ܠܐ ܡܫܬܡܥܢܘܬܗ ܕܚܕ ܒܪܢܫܐ ܚܛܝܐ ܤܓܝܐܐ ܗܘܘ ܗܟܢܐ ܐܦ ܡܛܠ ܡܫܬܡܥܢܘܬܗ ܕܚܕ ܤܓܝܐܐ ܟܐܢܐ ܗܘܝܢ ܀
20At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa't kung saan nanagana ang kasalanan, ay nanaganang lubha ang biyaya:
20ܡܥܠܢܐ ܕܝܢ ܕܗܘܐ ܠܢܡܘܤܐ ܕܬܤܓܐ ܚܛܝܬܐ ܘܟܪ ܕܤܓܝܬ ܚܛܝܬܐ ܬܡܢ ܐܬܝܬܪܬ ܛܝܒܘܬܐ ܀
21Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin.
21ܕܐܝܟ ܕܐܡܠܟܬ ܚܛܝܬܐ ܒܡܘܬܐ ܗܟܢܐ ܬܡܠܟ ܛܝܒܘܬܐ ܒܟܐܢܘܬܐ ܠܚܝܐ ܕܠܥܠܡ ܒܝܕ ܡܪܢ ܝܫܘܥ ܡܫܝܚܐ ܀