1At nagsidating sila sa kabilang ibayo ng dagat sa lupain ng mga Gadareno.
1ПАС ба он канори баҳр ба сарзамини ҷадариён расиданд.
2At paglunsad niya sa daong, pagdaka'y sinalubong siya na galing sa mga libingan ng isang lalake na may isang karumaldumal na espiritu,
2Чун аз қаиқ берун омад, дарҳол касе ки рӯҳи палид дошт, аз миени гӯрҳо баромада, бо Ӯ рӯ ба рӯ шуд,
3Na tumatahan sa mga libingan: at sinoma'y hindi siya magapos, kahit ng tanikala;
3Ки бошишгоҳи вай мағоки гӯр буд, ва ҳеҷ кас наметавонист бо занҷир ҳам вайро бибандад;
4Sapagka't madalas na siya'y ginapos ng mga damal at mga tanikala, at pinagpatidpatid niya ang mga tanikala, at pinagbabalibali ang mga damal: at walang taong may lakas na makasupil sa kaniya.
4Зеро ки борҳо вайро бо завлона ва занҷирҳо баста буданд, лекин занҷирҳоро канда ва завлонаҳоро шикаста буд, ва ҳеҷ кас наметавонист вайро ром кунад;
5At palaging sa gabi't araw, ay nagsisisigaw sa mga libingan at sa mga kabundukan, at sinusugatan ang sarili ng mga bato.
5Ва ҳамеша, рӯзу шаб, дар кӯҳҳо ва дар миёни гӯрҳо фарьёд мекашид ва худро бо сангҳо мезад.
6At pagkatanaw niya sa malayo kay Jesus, ay tumakbo at siya'y kaniyang sinamba;
6Чун Исоро аз дур дид, давон-давон омада, ба Ӯ сачда кард.
7At nagsisisigaw ng malakas na tinig, na kaniyang sinabi, Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, ikaw na Anak ng Dios na Kataastaasan? kita'y pinamamanhikan alangalang sa Dios, na huwag mo akong pahirapan.
7Ва бо овози баланд фарьёд зада, гуфт: «Туро бо ман чӣ кор аст, эй Исо, Писари Худои Таоло? Туро ба Худо қасам медиҳам, ки маро азоб надиҳй!»
8Sapagka't sinabi niya sa kaniya, Lumabas ka sa taong ito, ikaw na karumaldumal na espiritu.
8Зеро ки ба вай гуфта буд: «Эй рӯҳи палид, аз ин шахс берун шав».
9At tinanong niya siya, Ano ang pangalan mo? At sinabi niya sa kaniya, Pulutong ang pangalan ko; sapagka't marami kami.
9Ва аз вай пурсид: «Номи ту чист?» Вай ҷавоб дод: «Номи ман легион аст, чунки мо бисьёрем».
10At ipinamamanhik na mainam sa kaniya na huwag silang palayasin sa lupaing yaon.
10Ва аз Ӯ бисьёр илтимос мекарданд, ки онҳоро аз он сарзамин берун накунад.
11At sa libis ng bundok na yaon ay may isang malaking kawan ng mga baboy na nagsisipanginain.
11Ва дар чарогоҳи он кӯҳҳо галаи бузурги хукҳо мечарид.
12At nangamanhik sila sa kaniya, na nagsisipagsabi, Paparoonin mo kami sa mga baboy, upang kami ay magsipasok sa kanila.
12Ва ҳамаи девҳо аз Ӯ илтимос карда, гуфтанд: «Моро ба хукҳо равона кун, то дар онҳо дохил шавем».
13At ipinahintulot niya sa kanila. At ang mga karumaldumal na espiritu ay nangagsilabas, at nangagsipasok sa mga baboy: at ang kawan ay napadaluhong sa bangin hanggang sa dagat, na sila'y may mga dalawang libo; at sila'y nangalunod sa dagat.
13Исо дарҳол ба онҳо иҷозат дод, Ва арвоҳи палид берун шуда, ба хукҳо даромаданд ва он гала аз баландӣ якбора ба баҳр ҷаст, ва онҳо қариб ду ҳазор буданд ва дар баҳр ғарқ шуданд.
14At nagsitakas ang mga tagapagalaga ng mga yaon, at ibinalita sa bayan, at sa mga bukid. At nagsiparoon ang mga tao upang makita kung ano ang nangyari.
14Ва хукбонҳо давида рафтанду дар шаҳр ва дар деҳот бнро нақл карданд. Ва мардум барои дидани он моҷаро берун шитофтанд.
15At nagsiparoon sila kay Jesus, at nakita nila ang inalihan ng mga demonio na nakaupo, nakapanamit at matino ang kaniyang pagiisip, sa makatuwid baga'y siyang nagkaroon ng isang pulutong: at sila'y nangatakot.
15Ва назди Исо омада, он девонаро нишаста диданд, ки дар вай легион буд, ва либос пӯшидааст ва ақлаш солим гаштааст; ва ҳаросон шуданд.
16At sinabi sa kanila ng nangakakita kung paanong pagkapangyari sa inalihan ng mga demonio, at tungkol sa mga baboy.
16Касоне ки дида буданд, саргузашти девонаро, ва он чиро, ки ба хукон рӯй дод, ба онҳо нақл карданд.
17At sila'y nangagpasimulang magsipamanhik sa kaniya na siya'y umalis sa kanilang mga hangganan.
17Ва аз Ӯ илтимос карданд, ки аз худуди онҳо берун равад.
18At habang lumululan siya sa daong, ay ipinamamanhik sa kaniya ng inalihan ng mga demonio na siya'y ipagsama niya.
18Ва чун ба қаиқ савор шуд, он ки девона буд, аз Ӯ иҷозат пурсид, ки бо Ӯ бошад.
19At hindi niya itinulot sa kaniya, kundi sa kaniya'y sinabi, Umuwi ka sa iyong bahay sa iyong mga kaibigan, at sabihin mo sa kanila kung gaano kadakilang mga bagay ang ginawa sa iyo ng Panginoon, at kung paanong kinaawaan ka niya.
19Аммо Исо иҷозат надод, балки ба вай гуфт: «Ба хона назди хешу табори худ бирав ва хабар деҳ аз он чи, ки Худованд бо ту кардааст, ва чй гуна ба ту раҳм намудааст».
20At siya'y yumaon ng kaniyang lakad, at nagpasimulang ihayag sa Decapolis kung gaanong kadakilang mga bagay ang sa kaniya'y ginawa ni Jesus: at nangagtaka ang lahat ng mga tao.
20Пас вай равона шуда, он чиро, ки Исо бо вай карда буд, дар Декалолис мавъиза кардан гирифт. Ва ҳама дар тааҷҷуб мемонданд.
21At nang si Jesus ay muling makatawid sa daong sa kabilang ibayo, ay nakipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao; at siya'y nasa tabi ng dagat.
21Чун Исо боз бо қаиқ ба он сӯи баҳр гузашт,мардуми бисьёре назди Ӯ ҷамъ омаданд, ва Ӯ дар канори баҳр буд.
22At lumapit ang isa sa mga pinuno sa sinagoga, na nagngangalang Jairo; at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa siya sa kaniyang paanan,
22Ва инак яке аз сардорони куништ омад, ки Ёир ном дошт, ва чун Ӯро дид, пеши пояш афтод
23At ipinamamanhik na mainam sa kaniya, na sinasabi, Ang aking munting anak na babae ay naghihingalo: ipinamamanhik ko sa iyo, na ikaw ay pumaroon at ipatong mo ang iyong mga kamay sa kaniya, upang siya'y gumaling, at mabuhay.
23Ва аз Ӯ хеле илтимос карда, гуфт: «Духтари ман дар ҳолати назъ аст; биё ва даст бар вай гузор, то шифо ёбад ва зиндагӣ кунад».
24At siya'y sumama sa kaniya; at sinundan siya ng lubhang maraming tao; at siya'y sinisiksik nila.
24Пас бо вай равона шуд, ва мардуми бисьёре аз паи Ӯ рафта, Ӯро фишор медоданд.
25At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan,
25Як зане ки дувоздаҳ сол боз гирифтори хунравй буд,
26At siya'y napahirapan na ng maraming bagay ng mga manggagamot, at nagugol na niya ang lahat niyang tinatangkilik, at hindi gumaling ng kaunti man, kundi bagkus pang lumulubha siya,
26Ва азоби бисьёре аз табибони зиёд кашида ва ҳамаи дороии худро сарф карда, ҳеҷ фоидае надида буд, балки аҳволаш торафт бадтар мешуд, -
27Na pagkarinig niya ng mga bagay tungkol kay Jesus, ay lumapit siya sa karamihan, sa likuran niya, at hinipo ang kaniyang damit.
27Чун овозаи Исоро шунид, дар миёни он гурӯҳ аз қафо омада, либоси Ӯро ламс намуд;
28Sapagka't sinasabi niya, Kung mahipo ko man lamang ang kaniyang damit, ay gagaling ako.
28Зеро гуфт: «Агар лоақал либоси Ӯро ламс кунам, шифо меёбамк
29At pagdaka'y naampat ang kaniyang agas; at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya sa salot niya.
29Ва дарҳол чашмаи хуни вай хушк шуд, ва дар ҷисми худ ҳис кард, ки аз касалӣ шифо ёфтааст.
30At si Jesus, sa pagkatalastas niya agad sa kaniyang sarili na may umalis na bisa sa kaniya, ay pagdaka'y pumihit sa karamihan at nagsabi, Sino ang humipo ng aking mga damit?
30Дар айни замон Исо дар Худ ҳис кард, ки куввае аз Ӯ берун рафт, ва ба мардум муроҷиат карда, гуфт: «Кист, ки либоси Маро ламс кард?»
31At sinabi sa kaniya ng kaniyang mga alagad, Nakikita mong sinisiksik ka ng karamihan, at sasabihin mo, Sino ang humipo sa akin?
31Шогирдонаш ба Ӯ гуфтанд: «Мебинй, ки мардум Туро фишор медиҳанд, ва мегӯӣ: "Кист, ки Маро ламс кард?"»
32At lumingap siya sa palibotlibot upang makita siya na gumawa ng bagay na ito.
32Аммо Ӯ ба гирду пеш менигарист, то он занро, ки ин тавр амал кардааст, бубинад.
33Nguni't ang babae na natatakot at nangangatal, palibhasa'y nalalaman ang sa kaniya'y nangyari, lumapit at nagpatirapa sa harap niya, at sinabi sa kaniya ang buong katotohanan.
33Он зан, чун донист, ки ба вай чӣ ҳодиса рӯй дод, тарсону ларзон омада, пеши Ӯ афтод ва тамоми ҳақиқатро ба Ӯ гуфт.
34At sinabi niya sa kaniya, Anak, pinagaling ka ng pananampalataya mo; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo.
34Ӯ ба вай гуфт: «Духтарам! Имонат туро шифо бахшид; ба саломатӣ бирав ва аз касалии худ дар амон бош».
35Samantalang nagsasalita pa siya, ay may nagsidating na galing sa bahay ng pinuno sa sinagoga, na nagsasabi, Patay na ang anak mong babae: bakit mo pa binabagabag ang Guro?
35Ӯ ҳанӯз сухан мегуфт, ки аз хонаи сардори куништ омада гуфтанд: «Духтарат мурд; боз барои чӣ Ӯстодро заҳмат медиҳӣ?»
36Datapuwa't hindi pinansin ni Jesus ang kanilang sinasalita, at nagsabi sa pinuno ng sinagoga, Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.
36Аммо Исо ин суханонро шунида, ба сардори куништ гуфт: «Натарс, фақат имон овару бас».
37At hindi niya ipinahintulot na sinoma'y makasunod sa kaniya, liban kay Pedro, at kay Santiago, at kay Juan na kapatid ni Santiago.
37Ва, ҷуз Петрус, Яъкуб ва Юҳанно бародари Яъқуб, касеро иҷозат надод, ки аз паяш равад.
38At nagsidating sila sa bahay ng pinuno sa sinagoga; at napanood niya ang pagkakagulo, at ang nagsisitangis, at nangagbubuntong-hininga ng labis.
38Чун ба хонаи сардори куништ расид, азодоронро дар ҳолати изтироб дид, ки гирья ва навҳаи бисьёр мекарданд.
39At pagkapasok niya, ay kaniyang sinabi sa kanila, Bakit kayo'y nangagkakagulo at nagsisitangis? hindi patay ang bata, kundi natutulog.
39Ва даромадан замон ба онҳо гуфт: «Чаро дар изтироб афтодаед вагирья мекунед? Духтар намурдааст, балки хуфтааст».
40At tinatawanan nila siya na nililibak. Datapuwa't, nang mapalabas na niya ang lahat, ay isinama niya ang ama ng bata at ang ina nito, at ang kaniyang mga kasamahan, at pumasok sa kinaroroonan ng bata.
40Ва онҳо бар Ӯ хандиданд, лекин Ӯ ҳамаро берун карда, бо падару модари духтар ва бо рафиқонаш ба ҳуҷрае ки духтар хобида буд, даромад.
41At pagkahawak niya sa kamay ng bata, ay sinabi niya sa kaniya, Talitha cumi; na kung liliwanagin ay, Dalaga, sinasabi ko sa iyo, Magbangon ka.
41Ва дасти духтарро гирифта, гуфт: «Талитоқуми», ки маънояш ин аст: «Эй духтар, туро мегӯям, бархез».
42At pagdaka'y nagbangon ang dalaga, at lumakad: sapagka't siya'y may labingdalawang taon na. At pagdaka'y nangagtaka silang lubha.
42Дарҳол духтар бархоста, равон шуд, зеро ки дувоздаҳсола буд. Онҳо хеле дар ҳайрат монданд.
43At ipinagbilin niya sa kanilang mahigpit, na sinoman ay huwag makaalam nito: at kaniyang ipinagutos na siya'y bigyan ng pagkain.
43Ва Ӯ онҳоро сахт таъкид карда, фармуд, ки касе аз ин огоҳ нашавад, ва гуфт, то хӯроке ба вай диҳанд.