1Si Jethro nga, saserdote sa Madian, biyanan ni Moises, ay nakabalita ng lahat na ginawa ng Dios kay Moises, at sa Israel na kaniyang bayan, kung paanong inilabas ng Panginoon ang Israel sa Egipto.
1เมื่อเยโธร ปุโรหิตแห่งมีเดียน พ่อตาของโมเสส ได้ยินถึงกิจการทั้งหลายที่พระเจ้าทรงกระทำเพื่อโมเสส และอิสราเอลพลไพร่ของพระองค์ว่า พระเยโฮวาห์ทรงนำอิสราเอลออกจากอียิปต์
2At ipinagsama ni Jethro, na biyanan ni Moises, si Sephora na asawa ni Moises, pagkatapos na kaniyang maipadala sa kanilang ama,
2เยโธรพ่อตาของโมเสสจึงพาศิปโปราห์ภรรยาของโมเสสซึ่งโมเสสได้ส่งกลับไปแต่คราวก่อนนั้น
3At ang dalawa niyang anak na lalake: na ang pangalan ng isa'y Gersom; sapagka't sinabi ni Moises, Ako'y nakipamayan sa ibang bayan.
3พร้อมกับบุตรชายทั้งสองคนของนาง คนหนึ่งชื่อเกอร์โชม เพราะโมเสสกล่าวว่า "ข้าพเจ้าเป็นคนต่างด้าวอาศัยอยู่ต่างประเทศ"
4At ang pangalan ng isa'y Elieser; sapagka't kaniyang sinabi, Ang Dios ng aking ama'y naging aking saklolo, at ako'y iniligtas sa tabak ni Faraon;
4อีกคนหนึ่งชื่อเอลีเยเซอร์ เพราะท่านกล่าวว่า "พระเจ้าของบิดาข้าพเจ้าเป็นผู้อุปถัมภ์ของข้าพเจ้า และทรงให้ข้าพเจ้ารอดจากพระแสงดาบของฟาโรห์"
5At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay dumating, na kasama ang kaniyang mga anak at ang kaniyang asawa, kay Moises sa ilang na kaniyang hinantungan sa tabi ng bundok ng Dios:
5เยโธรพ่อตาของโมเสส พาภรรยาและบุตรชายทั้งสองคนนั้นมาหาโมเสสที่ในถิ่นทุรกันดารที่เขาตั้งค่ายอยู่ที่ภูเขาของพระเจ้า
6At kaniyang ipinasabi kay Moises, Akong iyong biyanang si Jethro ay naparito sa iyo, at ang iyong asawa, at ang kaniyang dalawang anak na kasama niya.
6ท่านบอกโมเสสว่า "เราคือเยโธรพ่อตาของท่านพาภรรยากับบุตรชายทั้งสองของนางมาหาท่าน"
7At si Moises ay lumabas na sinalubong ang kaniyang biyanan, at kaniyang niyukuran at hinalikan. At sila'y nagtanungang isa't isa ng kanilang kalagayan; at sila'y pumasok sa tolda.
7โมเสสออกไปต้อนรับพ่อตากราบลงและจุบท่าน ท่านทั้งสองไต่ถามถึงทุกข์สุขซึ่งกันและกันแล้วพากันเข้าไปในเต็นท์
8At isinaysay ni Moises sa kaniyang biyanan ang lahat ng ginawa ng Panginoon kay Faraon at sa mga Egipcio dahil sa Israel, ang buong hirap na kanilang naranasan sa daan, at kung paanong iniligtas ng Panginoon sila.
8โมเสสเล่าให้พ่อตาฟังถึงเหตุการณ์ทุกประการซึ่งพระเยโฮวาห์ทรงกระทำกับฟาโรห์ และแก่ชาวอียิปต์เพราะทรงเห็นแก่พวกอิสราเอล ทั้งความทุกข์ยากลำบากทั้งปวงซึ่งเกิดขึ้นแก่คนอิสราเอลในระหว่างทาง และพระเยโฮวาห์ได้ทรงช่วยเขาให้พ้นภัยอย่างไร
9At ikinagalak ni Jethro ang buong kabutihang ginawa ng Panginoon sa Israel, na iniligtas sila sa kamay ng mga Egipcio.
9เยโธรก็มีความยินดีที่ได้ทราบพระกรุณาทั้งสิ้นซึ่งพระเยโฮวาห์ได้ทรงสำแดงแก่คนอิสราเอล เมื่อพระองค์ทรงช่วยเขาให้รอดพ้นจากเงื้อมมือชาวอียิปต์
10At sinabi ni Jethro, Purihin ang Panginoon, na nagligtas sa inyo, sa kamay ng mga Egipcio, at sa kamay ni Faraon; na siyang nagligtas sa bayan sa kamay ng mga Egipcio.
10เยโธรจึงกล่าวว่า "สาธุการแด่พระเยโฮวาห์ผู้ทรงช่วยท่านทั้งหลายให้รอดจากเงื้อมมือชาวอียิปต์ และจากหัตถ์ของฟาโรห์ และทรงช่วยพลไพร่ให้พ้นจากมือของชาวอียิปต์
11Ngayo'y aking natatalastas na ang Panginoon ay lalong dakila kay sa lahat ng mga dios: oo, sa bagay na ipinagpalalo ng mga Egipcio laban sa mga Hebreo.
11บัดนี้เราทราบว่าพระเยโฮวาห์ทรงเป็นใหญ่กว่าพระทั้งปวง ใหญ่กว่าพระเหล่านั้นที่ได้กระทำต่อชนชาติอิสราเอลอย่างทะนง"
12At si Jethro, na biyanan ni Moises, ay kumuha ng handog na susunugin at mga hain para sa Dios: at si Aaron ay naparoon, at ang lahat ng mga matanda sa Israel, upang kumain ng tinapay na kasalo ng biyanan ni Moises sa harap ng Dios.
12เยโธรพ่อตาของโมเสสก็นำเครื่องเผาบูชา และเครื่องสัตวบูชาถวายแด่พระเจ้า ฝ่ายอาโรนกับบรรดาผู้ใหญ่แห่งอิสราเอลมารับประทานเลี้ยงกับพ่อตาของโมเสสเฉพาะพระพักตร์พระเจ้า
13At nangyari kinabukasan, na lumuklok si Moises upang hatulan ang bayan: at ang bayan ay tumayo sa palibot ni Moises mula sa umaga hanggang sa hapon.
13ต่อมาวันรุ่งขึ้น โมเสสออกนั่งพิจารณาพิพากษาความให้พลไพร่ พลไพร่ก็ยืนห้อมล้อมโมเสสตั้งแต่เช้าจนเย็น
14At nang makita ng biyanan ni Moises ang lahat ng kaniyang ginagawa sa bayan, ay nagsabi, Anong bagay itong ginagawa mo sa bayan? bakit nauupo kang magisa, at ang buong bayan ay nakatayo sa palibot mo mula sa umaga hanggang sa hapon?
14เมื่อพ่อตาของโมเสสเห็นงานทั้งปวงที่โมเสสกระทำเพื่อพลไพร่เช่นนั้น จึงกล่าวว่า "นี่ท่านใช้วิธีอะไรปฏิบัติกับพลไพร่เล่า เหตุไรท่านจึงนั่งทำงานอยู่แต่ผู้เดียว และพลไพร่ทั้งปวงก็ยืนล้อมท่านตั้งแต่เช้าจนเย็น"
15At sinabi ni Moises sa kaniyang biyanan, Sapagka't ang bayan ay lumalapit sa akin, upang sumangguni sa Dios.
15โมเสสจึงตอบพ่อตาว่า "เพราะพลไพร่มาหาข้าพเจ้า เพื่อขอให้ทูลถามพระเจ้า
16Pagka sila'y may usap ay lumapit sa akin; at aking hinahatulang isa't isa, at aking ipinakikilala sa kanila ang mga palatuntunan ng Dios, at ang kaniyang mga kautusan.
16เมื่อเขามีการโต้เถียงกันก็มาหาข้าพเจ้า ข้าพเจ้าก็ตัดสินความระหว่างเขากับเพื่อนบ้าน สอนเขาให้รู้จักกฎเกณฑ์ของพระเจ้าและพระราชบัญญัติของพระองค์"
17At sinabi ng biyanan ni Moises sa kaniya, Ang bagay na iyong ginagawa ay hindi mabuti.
17ฝ่ายพ่อตาของโมเสสจึงกล่าวแก่ท่านว่า "ท่านทำอย่างนี้ไม่ดี
18Tunay na ikaw ay manghihina, ikaw at ang bayang ito, na nasa iyo: sapagka't ang bagay ay totoong mabigat sa iyo; hindi mo makakayang magisa.
18ทั้งท่านและพลไพร่ที่มาหาท่านนั้นจะอ่อนระอาใจ เพราะภาระอันหนักนี้เหลือกำลังของท่าน ท่านไม่สามารถที่จะทำแต่ผู้เดียวได้
19Dinggin mo ngayon ang aking tinig; papayuhan kita, at sumaiyo nawa ang Dios: ikaw ang maging tagapagakay sa bayan sa harap ng Dios, at dalhin mo ang mga usap sa Dios:
19ฟังเสียงของเราบ้าง เราจะให้คำแนะนำแก่ท่าน และขอให้พระเจ้าทรงสถิตอยู่กับท่าน ท่านจงเป็นผู้แทนของพลไพร่ต่อพระเจ้า นำความกราบทูลพระเจ้า
20At ituturo mo sa kanila ang mga palatuntunan, at ang mga kautusan, at ipakikilala mo sa kanila ang daang nararapat lakaran, at ang gawang kanilang nararapat gawin.
20ท่านจงสั่งสอนเขาให้รู้กฎและพระราชบัญญัติต่างๆ และแสดงให้เขารู้จักทางที่เขาต้องดำเนินชีวิตและสิ่งที่ต้องปฏิบัติ
21Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin:
21ยิ่งกว่านั้น ท่านจงเลือกคนที่สามารถจากพวกพลไพร่ คือคนที่ยำเกรงพระเจ้า ไว้ใจได้และเกลียดสินบน แต่งตั้งคนอย่างนี้ไว้เป็นผู้ปกครองคน พันคนบ้าง ร้อยคนบ้าง ห้าสิบคนบ้าง สิบคนบ้าง
22At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, at magpapasan silang katulong mo.
22ให้เขาพิพากษาความของพลไพร่อยู่เสมอ ส่วนคดีใหญ่ๆก็ให้เขานำมาแจ้งต่อท่าน แต่คดีเล็กๆน้อยๆให้เขาติดสินเอง การงานของท่านจะเบาลง และพวกเขาจะแบกภาระร่วมกับท่าน
23Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing payapa.
23ถ้าทำดังนี้และพระเจ้าทรงบัญชาแล้ว ท่านก็จะสามารถทนได้ พลไพร่ทั้งปวงนี้ก็จะไปยังที่อาศัยของเขาด้วยความสงบสุข"
24Sa gayon, ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan, at ginawang lahat yaong sinabi.
24โมเสสก็ฟังเสียงของพ่อตา และทำตามที่เขาแนะนำทุกประการ
25At pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel, at ginawa niyang pangulo sa bayan, na mga puno ng lilibuhin, mga puno ng dadaanin, mga puno ng lilimangpuin, at mga puno ng sasangpuin.
25โมเสสจึงได้เลือกคนที่สามารถจากคนอิสราเอลทั้งปวงตั้งให้เป็นหัวหน้าพลไพร่ เป็นผู้ปกครองคนพันคนบ้าง ร้อยคนบ้าง ห้าสิบคนบ้าง สิบคนบ้าง
26At kanilang hinatulan ang bayan sa buong panahon: ang mabibigat na usap ay kanilang dinadala kay Moises, datapuwa't bawa't munting usap ay silasila ang naghahatulan.
26คนเหล่านั้นพิพากษาความของพลไพร่อยู่เสมอ แต่คดียากๆเขานำไปแจ้งโมเสส ส่วนคดีเล็กๆน้อยๆเขาตัดสินเอง
27At tinulutan ni Moises ang kaniyang biyanan na magpaalam at siya'y umuwi sa sariling lupain.
27โมเสสส่งพ่อตาของตนกลับไป พ่อตาก็กลับไปยังเมืองของเขา