1At sinabi ng Panginoon kay Moises, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una: at aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas, na iyong sinira.
1พระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสว่า "จงสกัดศิลาอีกสองแผ่นเหมือนเดิมแล้วเราจะจารึกคำเหมือนในแผ่นเก่าที่เจ้าทำแตกนั้นให้
2At iyong ihanda sa kinaumagahan, at sumampa ka sa kinaumagahan sa bundok ng Sinai at humarap ka roon sa akin sa taluktok ng bundok.
2จงเตรียมให้พร้อมเวลาเช้า แล้วจงขึ้นมาบนภูเขาซีนายแต่เช้า จงคอยเฝ้าเราบนยอดภูเขานั้น
3At sinomang tao ay huwag sasampang kasama mo, o makikita ang sinomang tao sa buong bundok; kahit ang mga kawan at ang mga bakahan ay huwag manginain sa harap ng bundok na yaon.
3อย่าให้ผู้ใดขึ้นมาด้วย และอย่าให้ผู้ใดมาอยู่ตลอดทั่วทั้งภูเขา อย่าให้ฝูงแพะแกะ ฝูงวัวกินหญ้าอยู่หน้าภูเขานี้เลย"
4At siya'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una; at bumangon si Moises na maaga sa kinaumagahan, at sumampa sa bundok ng Sinai, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kaniya, at kinuha sa kaniyang kamay ang dalawang tapyas na bato.
4ฝ่ายโมเสสจึงสกัดศิลาสองแผ่นเหมือนสองแผ่นแรก แล้วท่านก็ตื่นแต่เช้าขึ้นไปบนภูเขาซีนายตามรับสั่งของพระเยโฮวาห์ถือศิลาไปสองแผ่น
5At ang Panginoon ay bumaba sa ulap, at tumayong kasama niya roon at itinanyag ang pangalan ng Panginoon.
5ฝ่ายพระเยโฮวาห์เสด็จลงมาในเมฆ และโมเสสยืนอยู่กับพระองค์ที่นั่น และออกพระนามพระเยโฮวาห์
6At ang Panginoo'y nagdaan sa harap niya, na itinanyag, Ang Panginoon, ang Panginoong Dios na puspos ng kahabagan at mapagkaloob, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kaawaan at katotohanan;
6พระเยโฮวาห์เสด็จผ่านไปข้างหน้าท่าน ตรัสว่า "พระเยโฮวาห์ พระเยโฮวาห์พระเจ้า ผู้ทรงพระกรุณา ทรงกอปรด้วยพระคุณ ทรงกริ้วข้า และบริบูรณ์ด้วยความเมตตาและความจริง
7Na gumagamit ng kaawaan sa libolibo, na nagpapatawad ng kasamaan, at ng pagsalangsang, at ng kasalanan: at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin; na dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak, at sa mga anak ng mga anak, hanggang sa ikatlo at ika apat na salin.
7ผู้ทรงสำแดงความเมตตาต่อมนุษย์กระทั่งพันชั่วอายุ ผู้ทรงโปรดยกโทษความชั่วช้า การละเมิดและบาปของเขาเสีย แต่จะทรงถือว่าไม่มีโทษก็หามิได้ และให้โทษเพราะความชั่วช้าของบิดาตกทอดไปถึงลูกหลานสามชั่วสี่ชั่วอายุคน"
8At nagmadali si Moises, at itinungo ang kaniyang ulo sa lupa, at sumamba.
8ฝ่ายโมเสสจึงรีบกราบลงที่พื้นดินนมัสการ
9At kaniyang sinabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, Oh Panginoon, ay ipahintulot nawa ng Panginoon, isinasamo ko sa iyo, na pasa gitna namin; sapagka't isang bayang may matigas na ulo; at ipatawad mo ang aming kasamaan, at ang aming kasalanan, at ariin mo kaming iyong mana.
9แล้วทูลว่า "ข้าแต่องค์พระผู้เป็นเจ้า ถ้าแม้ข้าพระองค์ได้รับพระกรุณาในสายพระเนตรของพระองค์ ข้าพระองค์ทูลวิงวอนต่อพระองค์ ขอองค์พระผู้เป็นเจ้าของข้าพระองค์โปรดเสด็จไปท่ามกลางพวกข้าพระองค์เพราะเป็นชนชาติคอแข็งดื้อดึง และขอทรงโปรดยกโทษความชั่วช้าและความบาปของพวกข้าพระองค์ และโปรดรับพวกข้าพระองค์เป็นมรดกของพระองค์ด้วย"
10At kaniyang sinabi, Narito, ako'y nakikipagtipan sa harap ng iyong buong bayan at gagawa ako ng mga kababalaghan, na kailan ma'y hindi ginawa sa buong lupa, o sa alin mang bansa: at ang buong bayan sa gitna ng iyong kinaroroonan ay makakakita ng gawa ng Panginoon, sapagka't kakilakilabot na bagay ang aking gagawin sa pamamagitan mo.
10ฝ่ายพระองค์ตรัสว่า "ดูเถิด เราจะทำพันธสัญญาไว้ เราจะทำการมหัศจรรย์ต่อหน้าชนชาติของเจ้าทุกคน ซึ่งไม่มีผู้ใดกระทำในประชาชาติใดทั่วพิภพ และประชาชนทั้งปวงซึ่งเจ้าอยู่ท่ามกลางเขานั้น จะเห็นกิจการของพระเยโฮวาห์ เพราะการซึ่งเราจะทำต่อเจ้านั้นจะเป็นสิ่งที่น่ากลัวยิ่งนัก
11Tuparin mo ang mga iniutos ko sa iyo sa araw na ito: narito, aking pinalalayas sa harap mo ang Amorrheo, at ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, at ang Jebuseo.
11จงถือตามคำซึ่งเราบัญชาเจ้าในวันนี้ ดูเถิด เราจะไล่คนอาโมไรต์ คนคานาอัน คนฮิตไทต์ คนเปริสซี คนฮีไวต์ และคนเยบุส ไปให้พ้นหน้าเจ้า
12Magingat ka, na huwag kang makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain na iyong pinaroroonan, baka maging isang silo sa gitna mo:
12จงระวังตัวให้ดี อย่ากระทำพันธสัญญากับชาวเมืองซึ่งเจ้าจะไปถึงนั้น เกรงว่าจะเป็นบ่วงแร้วดักพวกเจ้า
13Kundi inyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera.
13แต่เจ้าทั้งหลายจงทำลายแท่นบูชาและทุบเสาอันศักดิ์สิทธิ์ของเขาให้แหลกละเอียด และโค่นเสารูปเคารพของเขาเสีย
14Sapagka't hindi ka sasamba sa ibang dios: sapagka't ang Panginoon na ang pangalan ay Mapanibughuin; ay mapanibughuin ngang Dios:
14เจ้าอย่านมัสการพระอื่นเลย เพราะพระเยโฮวาห์ผู้ทรงพระนามว่าหวงแหนเป็นพระเจ้าผู้ทรงหวงแหน
15Magingat ka; baka ikaw ay makipagtipan sa mga tumatahan sa lupain, at sila'y sumunod sa kanilang mga dios, at magsipaghain sa kanilang mga dios, at ikaw ay alukin ng isa at kumain ka ng kanilang hain;
15เกรงว่าเจ้าจะทำพันธสัญญากับชาวเมืองนั้น และเมื่อเขาเล่นชู้กับพระของเขา และถวายสัตวบูชาแก่บรรดาพระนั้น เขาจะเชิญพวกเจ้าไปร่วมด้วย และพวกเจ้าจะไปกินของที่เขาถวายบูชานั้น
16At iyong papag-asawahin ang iyong mga anak na lalake at kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga anak na babae ay sumunod sa kanilang mga dios at pasunurin ang inyong mga anak na sumunod sa kanilang mga dios.
16เกรงว่าเจ้าจะรับบุตรสาวของเขามาเป็นภรรยาบุตรชายของเจ้า และบุตรสาวของเขานั้นจะไปเล่นชู้กับพระของเขา และชักชวนให้บุตรชายของเจ้าไปเล่นชู้กับพระนั้นด้วย
17Huwag kang gagawa para sa iyo ng mga dios na binubo.
17เจ้าอย่าหล่อรูปพระไว้สำหรับตัวเองเลย
18Ang kapistahan ng tinapay na walang lebadura ay iyong ipangingilin. Pitong araw na kakain ka ng tinapay na walang lebadura na gaya ng iniutos ko sa iyo, sa takdang panahon sa buwan ng Abib: sapagka't sa buwan ng Abib, ay umalis ka sa Egipto.
18เจ้าทั้งหลายจงถือเทศการกินขนมปังไร้เชื้อ จงกินขนมปังไร้เชื้อให้ครบเจ็ดวันตามกำหนดในเดือนอาบีบตามที่เราบัญชาเจ้า เพราะเจ้าออกจากอียิปต์ในเดือนอาบีบ
19Yaong lahat na nagbubukas ng bahay-bata ay akin; at gayon din ang lahat ng hayop na lalake, ang panganay ng baka at ng tupa,
19ทุกสิ่งซึ่งออกจากครรภ์ครั้งแรกเป็นของเรา คือสัตว์ตัวผู้ทั้งหมดของเจ้า ลูกหัวปีของวัวและของแกะ
20At ang panganay ng isang asno ay iyong tutubusin ng isang kordero: at kung hindi mo tutubusin ay iyo ngang babaliin ang kaniyang leeg. Lahat ng panganay sa iyong mga anak ay iyong tutubusin. At walang lalapit sa harapan ko na walang dala.
20ส่วนลูกลาหัวปีนั้นเจ้าจงนำลูกแกะมาไถ่ไว้ ถ้าแม้เจ้ามิได้ไถ่ก็จงหักคอมันเสีย บุตรชายหัวปีทั้งหลายของพวกเจ้านั้นจะต้องไถ่ไว้ด้วย อย่าให้ผู้ใดมาเฝ้าเรามือเปล่าเลย
21Anim na araw na gagawa ka, nguni't sa ikapitong araw ay magpapahinga ka: sa panahon ng pagbubukid at sa pagaani ay magpapahinga ka.
21เจ้าจงทำการงานในกำหนดหกวัน แต่วันที่เจ็ดจงพัก แม้ว่าในฤดูไถนาและฤดูเกี่ยวข้าวก็จงพัก
22At iyong ipangingilin ang kapistahan ng mga sanglinggo, ang sa mga unang bunga ng pagaani ng trigo, at ang kapistahan ng pagaani sa katapusan ng taon.
22จงถือเทศกาลสัปดาห์ คือเทศกาลเลี้ยงฉลองผลต้นฤดูเกี่ยวข้าวสาลี และถือเทศกาลเลี้ยงฉลองการเก็บผลิตผลในปลายปี
23Makaitlo nga sa isang taon na haharap ang lahat ng iyong mga lalake sa Panginoong Dios, na Dios ng Israel.
23บรรดาผู้ชายทั้งหลายของพวกเจ้าต้องมาประชุมกันต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์พระเจ้า คือพระเจ้าแห่งอิสราเอลปีละสามครั้ง
24Sapagka't aking palalayasin ang mga bansa sa harap mo, at aking palalaparin ang iyong mga hangganan: at hindi pagnanasaan ng sinoman ang iyong lupain, pagka ikaw ay pumapanhik na humarap sa Panginoong iyong Dios, na makaitlo sa isang taon.
24เพราะเราจะขับไล่ชนชาติทั้งหลายออกไปให้พ้นหน้าพวกเจ้าและจะขยายเขตแดนเมืองของเจ้าให้กว้างออกไป เมื่อพวกเจ้าจะขึ้นไปเฝ้าพระเยโฮวาห์พระเจ้าของเจ้าปีละสามครั้งนั้น จะไม่มีใครอยากได้แผ่นดินของเจ้าเลย
25Huwag kang maghahandog ng dugo ng hain sa akin, na kasabay ng tinapay na may lebadura; o magtitira man ng hain sa kapistahan ng paskua hanggang sa kinaumagahan.
25อย่าถวายเลือดบูชาพร้อมกับขนมปังมีเชื้อ และเครื่องบูชาอันเกี่ยวกับเทศกาลเลี้ยงปัสกานั้น อย่าให้เหลือไว้จนถึงวันรุ่งขึ้น
26Ang pinakaunang bunga ng iyong lupa ay iyong dadalhin sa bahay ng Panginoon mong Dios. Huwag mong lulutuin ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
26จงคัดพืชผลแรกจากผลรุ่นแรกในไร่นามาถวายในพระนิเวศพระเยโฮวาห์พระเจ้าของเจ้า อย่าต้มเนื้อลูกแพะด้วยน้ำนมแม่ของมันเลย"
27At sinabi ng Panginoon kay Moises, Isulat mo ang mga salitang ito: sapagka't ayon sa tunog ng mga salitang ito, ay nakipagtipan ako sa iyo at sa Israel.
27พระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสว่า "คำเหล่านี้จงเขียนไว้ เพราะเราทำพันธสัญญาไว้กับเจ้าและพวกอิสราเอลตามข้อความเหล่านี้แล้ว"
28At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.
28ฝ่ายโมเสสเฝ้าพระเยโฮวาห์อยู่ที่นั่นสี่สิบวันสี่สิบคืน มิได้รับประทานอาหารหรือน้ำเลย และท่านจารึกคำพันธสัญญาไว้ที่แผ่นศิลา คือพระบัญญัติสิบประการ
29At nangyari, nang bumaba si Moises sa bundok ng Sinai, na dala ang tapyas na bato ng patotoo sa kamay niya, noong bumaba sa bundok ay hindi nalalaman ni Moises na ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag dahil sa pakikipagusap niya sa Dios.
29อยู่ต่อมาโมเสสได้ลงมาจากภูเขาซีนาย ถือแผ่นพระโอวาทสองแผ่นมาด้วย เวลาที่ลงมาจากภูเขานั้นโมเสสก็ไม่ทราบว่า ผิวหน้าของตนทอแสงเนื่องด้วยพระเจ้าทรงสนทนากับท่าน
30At nang makita ni Aaron at ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises, narito, ang balat ng kaniyang mukha ay nagliliwanag; at sila'y natakot na lumapit sa kaniya.
30เมื่ออาโรนและคนอิสราเอลทั้งปวงมองดูโมเสส ดูเถิด ผิวหน้าของท่านทอแสง และเขาก็กลัวไม่กล้าเข้ามาใกล้ท่าน
31At tinawag sila ni Moises; at si Aaron at ang lahat ng puno sa Israel ay nagbalik sa kaniya: at si Moises ay nagsalita sa kanila.
31ฝ่ายโมเสสเรียกเขามา แล้วอาโรนกับบรรดาประมุขของชุมนุมก็กลับมาหาโมเสสและท่านสนทนากับเขา
32At pagkatapos, ang lahat ng mga anak ni Israel ay lumapit; at kaniyang ibinigay sa kanila sa pamamagitan ng utos ang lahat ng salita ng Panginoon na sinalita sa kaniya sa bundok ng Sinai.
32แล้วภายหลังคนอิสราเอลทั้งหลายเข้ามาใกล้ โมเสสจึงให้บัญญัติแก่เขาตามที่พระเยโฮวาห์ตรัสแก่ท่านทุกข้อบนภูเขาซีนาย
33At pagkapagsalita sa kanila ni Moises ay naglagay siya ng isang lambong sa kaniyang mukha.
33เมื่อท่านพูดจบแล้วก็ใช้ผ้าคลุมหน้าไว้
34Datapuwa't pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya'y makalabas; at siya'y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya;
34แต่เมื่อไรที่โมเสสเข้าเฝ้าทูลต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์ ท่านก็ปลดผ้านั้นออกเสีย จนกว่าจะกลับออกมา แล้วท่านออกมาเล่าให้คนอิสราเอลฟังตามที่ท่านรับพระบัญชามาแล้วนั้น
35At nakita ng mga anak ni Israel ang mukha ni Moises, na ang balat ng mukha ni Moises ay nagliliwanag: at inilagay uli ni Moises ang lambong sa ibabaw ng kaniyang mukha, hanggang sa siya'y makapasok na nakipagsalitaan sa Dios.
35และคนอิสราเอลดูหน้าของโมเสสคือเห็นผิวหน้าของโมเสสทอแสง ฝ่ายโมเสสใช้ผ้าคลุมหน้าไว้อีกทุกครั้ง จนกว่าจะเข้าไปทูลพระองค์