Tagalog 1905

Thai King James Version

Genesis

42

1Nabalitaan nga ni Jacob na may trigo sa Egipto, at sinabi ni Jacob sa kaniyang mga anak, Bakit kayo nangagtitinginan?
1เมื่อยาโคบรู้ว่ามีข้าวในอียิปต์ ยาโคบจึงพูดกับพวกบุตรชายของตนว่า "มานั่งมองดูกันอยู่ทำไมเล่า"
2At kaniyang sinabi, Narito, aking narinig na may trigo sa Egipto: bumaba kayo roon, at bumili kayo roon ng sa ganang atin, upang tayo'y mabuhay at huwag mamatay.
2ท่านพูดว่า "ดูเถิด เราได้ยินว่ามีข้าวในอียิปต์ ลงไปซื้อข้าวจากที่นั่นมาให้พวกเรา เพื่อพวกเราจะได้มีชีวิตและไม่อดตาย"
3At ang sangpung kapatid ni Jose ay bumaba, na bumili ng trigo sa Egipto.
3พี่ชายของโยเซฟสิบคนก็ลงไปซื้อข้าวที่อียิปต์
4Datapuwa't si Benjamin na kapatid ni Jose, ay hindi sinugo ni Jacob na kasama ng kaniyang mga kapatid; sapagka't aniya'y, Baka sakaling may mangyari sa kaniyang anomang kapahamakan.
4แต่เบนยามินน้องชายของโยเซฟนั้นยาโคบไม่ให้ไปกับพวกพี่ชาย ด้วยท่านกล่าวว่า "เกรงว่าอาจจะเกิดอันตรายแก่เขา"
5At ang mga anak ni Israel ay nagsiparoong bumili, na kasalamuha ng nagsisiparoon: sapagka't nagkakagutom sa lupain ng Canaan.
5บรรดาบุตรชายของอิสราเอลก็ไปซื้อข้าวพร้อมกับคนทั้งหลายที่ไป เพราะการกันดารอาหารก็เกิดในแผ่นดินคานาอัน
6At si Jose ang tagapamahala sa lupain; siya ang nagbibili ng trigo sa lahat ng mga tao sa lupain: at nagsidating ang mga kapatid ni Jose at nangagpatirapa sa kaniya, na ang kanilang mga mukha ay pasubasob.
6ฝ่ายโยเซฟเป็นผู้สำเร็จราชการแผ่นดิน ท่านเป็นผู้ที่ขายข้าวให้แก่บรรดาประชาชนแห่งแผ่นดิน พวกพี่ชายของโยเซฟก็มากราบไหว้ท่าน ก้มหน้าลงถึงดิน
7At nakita ni Jose ang kaniyang mga kapatid, at kaniyang nangakilala, datapuwa't siya'y nagkunwaring iba sa kanila, at sila'y kinausap niya ng magilas; at sinabi sa kanila, Saan kayo nagsipanggaling? At sinabi nila, Sa lupain ng Canaan, upang bumili ng pagkain.
7โยเซฟเห็นพวกพี่ชายของตนและรู้จักเขาแต่ทำเป็นไม่รู้จักเขา และพูดจาดุดันกับเขา ท่านถามเขาว่า "พวกเจ้ามาจากไหน" เขาตอบว่า "มาจากแผ่นดินคานาอันเพื่อซื้ออาหาร"
8At nakilala ni Jose ang kaniyang mga kapatid, datapuwa't hindi nila siya nakilala.
8โยเซฟรู้จักพวกพี่ชาย แต่พวกพี่หารู้จักท่านไม่
9At naalaala ni Jose ang mga panaginip na kaniyang napanaginip, tungkol sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y mga tiktik; upang tingnan ninyo ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito.
9โยเซฟระลึกถึงความฝันที่ท่านเคยฝันถึงพวกพี่ๆ และกล่าวแก่พวกเขาว่า "พวกเจ้าเป็นคนสอดแนม แอบมาดูจุดอ่อนของบ้านเมือง"
10At kanilang sinabi sa kaniya, Hindi panginoon ko, kundi ang iyong mga lingkod ay nagsiparito upang bumili ng pagkain.
10พวกเขาจึงตอบท่านว่า "นายเจ้าข้า มิใช่เช่นนั้น แต่ข้าพเจ้าผู้รับใช้ของท่านมาซื้ออาหาร
11Kaming lahat ay anak ng isa lamang lalake; kami ay mga taong tapat, ang iyong mga lingkod ay hindi mga tiktik.
11ข้าพเจ้าทั้งหลายเป็นบุตรชายร่วมบิดาเดียวกัน เป็นคนสัตย์จริง ผู้รับใช้ของท่านมิใช่คนสอดแนม"
12At kaniyang sinabi sa kanila, Hindi, kungdi upang tingnan ang kahubaran ng lupain kaya kayo naparito.
12โยเซฟบอกเขาอีกว่า "มิใช่ แต่พวกเจ้ามาเพื่อดูจุดอ่อนของบ้านเมือง"
13At kanilang sinabi, Kaming iyong mga lingkod ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng isa lamang lalake sa lupain ng Canaan; at, narito, ang bunso ay nasa aming ama ngayon, at ang isa'y wala na.
13พวกพี่จึงตอบว่า "ข้าพเจ้าทั้งหลายผู้รับใช้ของท่านเป็นพี่น้องสิบสองคน เป็นบุตรชายร่วมบิดาเดียวกันอยู่ในแผ่นดินคานาอัน ดูเถิด วันนี้น้องสุดท้องยังอยู่กับบิดา แต่น้องอีกคนหนึ่งเสียไปแล้ว"
14At sinabi sa kanila ni Jose, Iyan ang sinasalita ko sa inyo, na aking sinasabi, Kayo'y mga tiktik;
14โยเซฟตอบเขาว่า "ที่เราว่า `พวกเจ้าเป็นคนสอดแนม' นั้นจริงแน่ๆ
15Dito ko kayo susubukin: alangalang sa buhay ni Faraon ay hindi kayo aalis dito, malibang pumarito ang inyong kapatid na bunso.
15พวกเจ้าจะถูกทดลองดังนี้ โดยพระชนม์ฟาโรห์พวกเจ้าจะไปจากที่นี่ไม่ได้ เว้นแต่น้องชายสุดท้องมาที่นี่
16Suguin ninyo ang isa sa inyo, na dalhin dito ang inyong kapatid, at kayo'y mangabibilanggo; upang masubok ang inyong mga salita, kung may katotohanan sa inyo: o kung hindi alangalang sa buhay ni Faraon, ay tunay na mga tiktik kayo.
16พวกเจ้าต้องอยู่ในคุกก่อน ให้คนหนึ่งในพวกเจ้าไปพาน้องชายมา เพื่อพิสูจน์ถ้อยคำของเจ้าว่าเจ้าพูดจริงหรือไม่ มิฉะนั้นโดยพระชนม์ฟาโรห์ พวกเจ้าเป็นคนสอดแนมแน่"
17At kaniyang inilagay silang lahat na magkakasama sa bilangguan na tatlong araw.
17แล้วโยเซฟก็ขังพวกพี่ชายไว้ด้วยกันในคุกสามวัน
18At sinabi ni Jose sa kanila sa ikatlong araw, Gawin ninyo ito at mangabuhay kayo; sapagka't natatakot ako sa Dios:
18ในวันที่สามโยเซฟบอกเขาว่า "ทำดังนี้แล้วจะรอดชีวิต เพราะเรายำเกรงพระเจ้า
19Kung kayo'y mga taong tapat, ay matira ang isa sa inyong magkakapatid na bilanggo sa bahay na pinagbilangguan sa inyo; datapuwa't kayo'y yumaon, magdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay:
19ถ้าพวกเจ้าเป็นคนสัตย์จริง จงให้คนหนึ่งในพวกเจ้าถูกจำอยู่ที่ห้องเล็กในคุก คนอื่นนำข้าวไปเพื่อบรรเทาการกันดารอาหารที่บ้านของเจ้า
20At dalhin ninyo sa akin ang inyong kapatid na bunso; sa ganito'y matototohanan ang inyong mga salita, at hindi kayo mangamamatay. At kanilang ginawang gayon.
20แล้วพาน้องชายสุดท้องมาหาเรา ดังนั้นจึงจะเห็นได้ว่าพวกเจ้าพูดจริง แล้วพวกเจ้าจะไม่ตาย" พวกพี่ชายก็ทำดังนั้น
21At sila'y nagsabisabihan, Katotohanang tayo'y salarin tungkol sa ating kapatid, sapagka't nakita natin ang kahapisan ng kaniyang kaluluwa, nang namamanhik sa atin, at hindi natin siya dininig; kaya't dumarating sa atin ang kahapisang ito.
21พวกพี่ชายจึงพูดกันว่า "ที่จริงเรามีความผิดเรื่องน้องชายเรา เพราะเราได้เห็นความทุกข์ใจของน้องเมื่อเขาอ้อนวอนเราแต่แล้วมิได้ฟัง เพราะฉะนั้นความทุกข์ใจทั้งนี้จึงบังเกิดแก่เรา"
22At si Ruben ay sumagot sa kanila, na nagsasabi, Di ba nagsalita ako sa inyo, na aking sinasabi, Huwag kayong magkasala laban sa bata; at ayaw kayong makinig? kaya naman, narito, ang kaniyang dugo ay nagsasakdal.
22ฝ่ายรูเบนพูดกับน้องทั้งหลายว่า "ข้าห้ามเจ้าแล้วมิใช่หรือว่า `อย่าทำบาปผิดต่อเด็กนั้น' แต่พวกเจ้าไม่ฟัง เหตุฉะนั้น ดูเถิด การพิพากษาเรื่องโลหิตของน้องจึงมาถึง"
23At hindi nila nalalaman na sila'y pinakikinggan ni Jose; sapagka't may tagapagpaliwanag sa kanila.
23พวกพี่ชายไม่รู้ว่าโยเซฟฟังออก เพราะว่าท่านพูดกับเขาโดยใช้ล่าม
24At siya'y humiwalay sa kanila, at umiyak; at siya'y bumalik sa kanila, at sila'y kinausap at kinuha sa kanila si Simeon, at siya'y tinalian sa harap ng kanilang mga mata.
24โยเซฟก็หันไปจากเขาและร้องไห้ แล้วกลับมาพูดกับเขาอีก และเอาสิเมโอนออกมามัดไว้ต่อหน้าต่อตาพวกเขา
25Nang magkagayo'y ipinagutos ni Jose na punuin ang kanilang mga bayong ng trigo, at ibalik ang salapi ng bawa't isa sa kanikaniyang bayong, at sila'y bigyan ng mababaon sa daan: at ginawa sa kanilang gayon.
25แล้วโยเซฟบัญชาให้ใส่ข้าวในถุงของพี่ชายให้เต็มและใส่เงินของแต่ละคนไว้ในกระสอบของทุกคน และให้เสบียงไปกินกลางทาง ท่านก็ทำต่อเขาดังนี้
26At kanilang pinasanan ng trigo ang kanilang mga asno, at sila'y yumaon mula roon.
26พวกเขาบรรทุกข้าวใส่หลังลาแล้วก็ออกเดินทางไป
27At pagbubukas ng isa ng kaniyang bayong upang bigyan ng pagkain ang kaniyang asno sa tuluyan, ay nakita niya ang kaniyang salapi; at, narito, nasa labi ng kaniyang bayong.
27ครั้นคนหนึ่งเปิดกระสอบออกจะเอาข้าวให้ลากิน ณ ที่หยุดพัก ดูเถิด เขาก็เห็นเงินของเขาอยู่ที่ปากกระสอบนั้น
28At sinabi niya sa kaniyang mga kapatid, Ang salapi ko ay nasauli; at, narito, nasa aking bayong: at kumutob ang kanilang puso; at nangagtinginan na nanganginginig, na nagsasabihan, Ano itong ginawa ng Dios sa atin?
28ผู้นั้นจึงบอกแก่พี่น้องว่า "เงินของข้าพเจ้ากลับคืนมา ดูเถิด เงินนั้นอยู่ที่ปากกระสอบของข้าพเจ้า" พี่น้องตกใจกลัวจนตัวสั่น พูดกันว่า "ที่พระเจ้าทรงกระทำดังนี้แก่เราจะเป็นอย่างไรหนอ"
29At sila'y dumating kay Jacob na kanilang ama sa lupain ng Canaan, at isinaysay nila sa kaniya ang lahat na nangyari sa kanila; na sinasabi:
29เขาก็กลับไปหายาโคบบิดาของเขาในแผ่นดินคานาอัน แล้วเล่าเรื่องทั้งหมดที่เกิดขึ้นแก่ตนให้บิดาฟังว่า
30Ang lalaking panginoon sa lupaing yaon ay kinausap kami na magilas, at inari kaming mga tiktik sa lupain.
30"ท่านผู้นั้นที่เป็นเจ้านายของประเทศพูดจาดุดันกับพวกข้าพเจ้า เหมาเอาว่าพวกข้าพเจ้าเป็นผู้สอดแนมดูบ้านเมือง
31At aming sinabi sa kaniya, Kami ay mga taong tapat; hindi kami mga tiktik:
31พวกข้าพเจ้าเรียนท่านว่า `ข้าพเจ้าทั้งหลายเป็นคนสัตย์จริง หาได้เป็นคนสอดแนมไม่
32Kami ay labing dalawang magkakapatid, na mga anak ng aming ama; ang isa'y wala na, at ang bunso ay nasa aming ama ngayon sa lupain ng Canaan.
32ข้าพเจ้าทั้งหลายเป็นบุตรชายร่วมบิดาเดียวกัน มีพี่น้องสิบสองคน น้องคนหนึ่งเสียไปแล้ว น้องสุดท้องยังอยู่กับบิดาในแผ่นดินคานาอัน'
33At sinabi sa amin ng lalaking yaon, ng panginoon sa lupain, Dito ko makikilala na kayo'y mga taong tapat: magiwan kayo sa akin ng isa sa inyong magkakapatid, at magsipagdala kayo ng trigo dahil sa kagutom sa inyong mga bahay, at kayo'y yumaon.
33แล้วท่านผู้เป็นเจ้านายของประเทศนั้นตอบแก่เราว่า `เพื่อเราจะรู้ว่าพวกเจ้าเป็นคนสัตย์จริง คือให้คนหนึ่งในพวกพี่น้องอยู่กับเรา พวกเจ้าเอาข้าวไปเพื่อบรรเทาการกันดารอาหารที่บ้านของเจ้า แล้วออกเดินทางไปเถิด
34At dalhin ninyo rito sa akin ang inyong kapatid na bunso: kung gayo'y makikilala ko, na kayo'y hindi mga tiktik, kundi kayo'y mga taong tapat: sa ganito'y isasauli ko sa inyo ang inyong kapatid at kayo'y mangangalakal sa lupain.
34แล้วจงพาน้องชายสุดท้องมาหาเรา เราจึงจะรู้แน่ว่าพวกเจ้ามิได้เป็นคนสอดแนม แต่เป็นคนสัตย์จริง แล้วเราจะปล่อยพี่ชายไป พวกเจ้ายังจะได้ค้าขายในประเทศนี้'"
35At nangyari na pagaalis ng laman ng kanilang mga bayong, na, narito, sa bayong ng bawa't isa ay nakalagay ang balot ng kanikaniyang salapi: at nang makita nila at ng kanilang ama ang kanilang mga balot ng salapi, ay nangatakot.
35และต่อมาครั้นพวกเขาแก้กระสอบข้าวออก ดูเถิด เห็นห่อเงินของแต่ละคนอยู่ในกระสอบของตน เมื่อเวลาพวกเขากับบิดาเห็นห่อเงินดังนั้นก็กลัว
36At sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob, Inalis na ninyo sa akin ang aking mga anak: si Jose ay wala, at si Simeon ay wala, at aalisin pa ninyo si Benjamin: lahat ng bagay na ito ay laban sa akin.
36ฝ่ายยาโคบบิดาของเขาจึงว่า "พวกเจ้าทำให้เราพลัดพรากจากลูกของเรา โยเซฟก็เสียไปแล้ว สิเมโอนก็เสียไปแล้ว แล้วพวกเจ้ายังจะเอาเบนยามินไปอีกคน สิ่งเหล่านี้ทั้งหมดทำให้เรามีความทุกข์"
37At nagsalita, si Ruben sa kaniyang ama, na sinasabi, Ipapatay mo ang aking dalawang anak kung siya'y hindi ko dalhin sa iyo; ibigay mo sa aking kamay, at siya'y aking ibabalik sa iyo.
37รูเบนจึงบอกบิดาของตนว่า "ถ้าลูกไม่พาเบนยามินกลับมาให้พ่อ พ่อจงเอาบุตรชายทั้งสองคนของลูกฆ่าเสีย จงมอบเบนยามินไว้ในความดูแลของลูกเถิด แล้วลูกจะนำเขากลับมาหาพ่ออีก"
38At kaniyang sinabi, Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo; sapagka't ang kaniyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira; kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan, ay pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan.
38ยาโคบบอกว่า "ลูกของเราจะไม่ลงไปกับเจ้า เพราะพี่ชายของเขาก็ตายเสียแล้ว เหลือแต่เบนยามินคนเดียว ถ้าเกิดอันตรายแก่เขาในเวลาเดินทางไปกับเจ้า เจ้าจะพาผมหงอกของเราลงสู่หลุมฝังศพด้วยความทุกข์"