1Nang ikalawang taon ni Dario na hari, nang ikaanim na buwan, nang unang araw ng buwan, dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta kay Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at kay Josue na anak ni Josadac na dakilang saserdote, na nagsasabi,
1ณ วันที่หนึ่ง เดือนที่หก ปีที่สองแห่งรัชกาลกษัตริย์ดาริอัส พระวจนะของพระเยโฮวาห์มาโดยทางฮักกัย ผู้พยากรณ์ ถึงเศรุบบาเบลบุตรชายเชอัลทิเอล ผู้ว่าราชการเมืองยูดาห์ และถึงโยชูวาบุตรชายเยโฮซาดัก มหาปุโรหิต ว่า
2Ganito ang sinasalita ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, ang bayang ito'y nagsasabi, Hindi pa dumarating ang panahon, ang panahon ng pagtatayo ng bahay sa Panginoon.
2"พระเยโฮวาห์จอมโยธาตรัสดังนี้ว่า ประชาชนเหล่านี้กล่าวว่า เวลานั้นยังไม่มาถึง คือเวลาที่จะสร้างพระนิเวศของพระเยโฮวาห์"
3Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Hagai na propeta, na nagsasabi,
3แล้วพระวจนะของพระเยโฮวาห์จึงมาถึงโดยทางฮักกัยผู้พยากรณ์ว่า
4Panahon baga sa inyo na tumahan sa inyong mga nakikisamihang bahay, samantalang ang bahay na ito ay namamalaging wasak?
4"ถึงเวลาแล้วหรือที่ตัวเจ้าเองอาศัยอยู่ในบ้านที่มีไม้บุ แต่ส่วนพระนิเวศนี้ทิ้งให้พังทลาย
5Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
5เพราะฉะนั้น บัดนี้พระเยโฮวาห์จอมโยธาจึงตรัสว่า จงพิจารณาดูว่า เจ้ามีความเป็นอยู่อย่างไร
6Kayo'y nangaghasik ng marami, at nagsisiani ng kaunti; kayo'y nagsisikain, nguni't hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo'y nagsisiinom, nguni't hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo'y nangananamit, nguni't walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.
6เจ้าหว่านมาก แต่เกี่ยวน้อย เจ้ารับประทาน แต่ไม่เคยอิ่ม เจ้าดื่ม แต่ก็ไม่เคยหายอยาก เจ้านุ่งห่ม แต่ก็ไม่มีใครอุ่น ผู้ที่ได้ค่าจ้าง ก็ได้ค่าจ้างมาใส่ถุงที่มีรู
7Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.
7พระเยโฮวาห์จอมโยธาตรัสดังนี้ว่า จงพิจารณาดูว่า เจ้ามีความเป็นอยู่อย่างไร
8Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon.
8พระเยโฮวาห์ตรัสว่า จงขึ้นไปที่เนินเขาและนำไม้มาสร้างพระนิเวศ เราจะมีความพอใจในพระนิเวศนั้น และเราจะได้รับเกียรติ
9Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay.
9เจ้าทั้งหลายหวังได้มาก แต่ดูเถิด ก็ได้น้อย และเมื่อเจ้านำผลมาบ้านของเจ้า เราก็เป่ามันไปเสีย พระเยโฮวาห์จอมโยธาตรัสว่า ทำไมเป็นอย่างนั้นเล่า ก็เพราะนิเวศของเราพังทลายอยู่ ฝ่ายเจ้าต่างก็สาละวนอยู่กับเรื่องบ้านของตน
10Kaya't dahil sa inyo, pinipigil ng langit ang hamog, at ipinagkakait ng lupa ang kaniyang bunga.
10เพราะฉะนั้น ท้องฟ้าที่อยู่เหนือเจ้าจึงยั้งน้ำค้างไว้เสีย และโลกก็ยึดพืชผลของมันไว้เสีย
11At ako'y nagpasapit ng pagkatuyo sa lupa, at sa mga bundok, at sa trigo, at sa alak, at sa langis, at sa sumisibol sa lupa, at sa mga tao, at sa baka, at sa lahat ng pinagpagalan ng mga kamay.
11และเราก็เรียกความแห้งแล้งมาสู่แผ่นดินและเนินเขา มาสู่ข้าว น้ำองุ่นใหม่ และน้ำมัน มาสู่สิ่งต่างๆซึ่งดินอำนวยผล สู่มนุษย์และสัตว์ และมาสู่ผลงานทั้งสิ้นซึ่งมือกระทำไว้"
12Nang magkagayo'y si Zorobabel na anak ni Sealtiel, at si Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote, sangpu ng buong nalabi sa bayan, nagsitalima sa tinig ng Panginoon nilang Dios, at sa mga salita ni Hagai na propeta, na siyang sinugo ng Panginoon nilang Dios; at ang bayan ay natakot sa harap ng Panginoon.
12แล้วเศรุบบาเบล บุตรชายเชอัลทิเอลและโยชูวา บุตรชายเยโฮซาดัก มหาปุโรหิต พร้อมกับประชาชนทั้งปวงที่เหลืออยู่ได้เชื่อฟังพระสุรเสียงของพระเยโฮวาห์ พระเจ้าของเขาทั้งหลาย และถ้อยคำของฮักกัยผู้พยากรณ์ เพราะว่าพระเยโฮวาห์พระเจ้าของเขาทั้งหลายได้ทรงใช้ท่านมา และประชาชนก็เกรงกลัวต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์
13Nang magkagayo'y nagsalita si Hagai, na sugo ng Panginoon ayon sa pasugo ng Panginoon sa bayan, na nagsasabi, Ako'y sumasainyo, sabi ng Panginoon.
13แล้วฮักกัย ทูตของพระเยโฮวาห์ จึงกล่าวแก่ประชาชนตามกระแสรับสั่งของพระเยโฮวาห์ว่า "พระเยโฮวาห์ตรัสว่า เราอยู่กับเจ้าทั้งหลาย"
14At kinilos ng Panginoon ang kalooban ni Zorobabel na anak ni Sealtiel, na gobernador sa Juda, at ang kalooban ni Josue na anak ni Josadac na pangulong saserdote, at ang kalooban ng buong nalabi sa bayan; at sila'y nagsiparoon, at nagsigawa sa bahay ng Panginoon ng mga hukbo, na kanilang Dios,
14และพระเยโฮวาห์ทรงเร้าใจเศรุบบาเบลบุตรชายเชอัลทิเอล ผู้ว่าราชการเมืองยูดาห์ และทรงเร้าใจของโยชูวาบุตรชายเยโฮซาดัก มหาปุโรหิต และเร้าใจประชาชนทั้งปวงที่เหลืออยู่นั้น เขาทั้งหลายก็มาทำงานในพระนิเวศของพระเยโฮวาห์จอมโยธา พระเจ้าของเขาทั้งหลาย
15Nang ikadalawang pu't apat na araw ng buwan, nang buwang ikaanim, nang ikalawang taon ni Dario na hari.
15ณ วันที่ยี่สิบสี่ของเดือนที่หก ในปีที่สองแห่งรัชกาลกษัตริย์ดาริอัส