1At si Sedechias na anak ni Josias ay naghari na gaya ng hari, na humalili kay Conias na anak ni Joacim, na ginawang hari sa lupain ng Juda ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.
1เศเดคียาห์ราชบุตรของโยสิยาห์ ผู้ซึ่งเนบูคัดเนสซาร์กษัตริย์แห่งบาบิโลนได้ตั้งให้เป็นกษัตริย์ในแผ่นดินยูดาห์ ได้เสวยราชย์แทนโคนิยาห์ราชบุตรของเยโฮยาคิม
2Nguni't maging siya, o ang kaniyang mga lingkod man, o ang bayan man ng lupain, hindi nakinig sa mga salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng propeta Jeremias.
2แต่ท่านเองก็ดี หรือข้าราชการของท่านก็ดี หรือประชาชนแห่งแผ่นดินก็ดี หาได้ฟังพระวจนะของพระเยโฮวาห์ ซึ่งพระองค์ตรัสโดยเยเรมีย์ผู้พยากรณ์ไม่
3At sinugo ni Sedechias na hari si Jucal na anak ni Selemias, at si Sephanias na anak ni Maasias na saserdote, sa propeta Jeremias, na sinabi, Idalangin mo kami ngayon sa Panginoon nating Dios.
3กษัตริย์เศเดคียาห์ทรงใช้เยฮูคัลบุตรชายเชเลมิยาห์ และเศฟันยาห์ปุโรหิตบุตรชายมาอาเสอาห์ให้ไปยังเยเรมีย์ผู้พยากรณ์ กล่าวว่า "ขออธิษฐานต่อพระเยโฮวาห์พระเจ้าของเราเผื่อเรา"
4Si Jeremias nga ay naglalabas pumasok sa gitna ng bayan: sapagka't hindi nila inilagay siya sa bilangguan.
4ฝ่ายเยเรมีย์นั้นยังเข้านอกออกในท่ามกลางประชาชนอยู่ เพราะท่านยังมิได้ถูกจำขัง
5At ang hukbo ni Faraon ay lumabas sa Egipto: at nang mabalitaan sila ng mga Caldeo na nagsisikubkob ng Jerusalem, ay nagsialis sa Jerusalem.
5กองทัพของฟาโรห์ได้ออกมาจากอียิปต์ และเมื่อคนเคลเดียผู้ซึ่งกำลังล้อมกรุงเยรูซาเล็มอยู่ได้ยินข่าวนั้น เขาทั้งหลายก็ถอยทัพไปจากกรุงเยรูซาเล็ม
6Nang magkagayo'y dumating ang salita ng Panginoon sa propeta Jeremias, na nagsasabi,
6พระวจนะของพระเยโฮวาห์มายังเยเรมีย์ผู้พยากรณ์ว่า
7Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Ganito ang inyong sasabihin sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo sa akin upang magsiyasat sa akin: Narito, ang hukbo ni Faraon, na lumabas upang tulungan kayo, ay babalik sa Egipto sa kanilang sariling lupain.
7"พระเยโฮวาห์พระเจ้าแห่งอิสราเอลตรัสดังนี้ว่า เจ้าจงไปบอกกษัตริย์แห่งยูดาห์ ผู้ซึ่งใช้เจ้ามาถามต่อเราว่า `ดูเถิด กองทัพของฟาโรห์ซึ่งได้มาช่วยเจ้ากำลังจะกลับไปอียิปต์ ไปยังแผ่นดินของเขา
8At ang mga Caldeo ay magsisiparito uli, at magsisilaban sa bayang ito; at kanilang sasakupin, at susunugin ng apoy.
8และคนเคลเดียจะกลับมาต่อสู้กับกรุงนี้อีก เขาทั้งหลายจะยึดไว้และเผาเสียด้วยไฟ
9Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag ninyong dayain ang inyong sarili, na magsabi, Tunay na magsisialis sa atin ang mga Caldeo: sapagka't hindi magsisialis.
9พระเยโฮวาห์ตรัสดังนี้ว่า อย่าล่อลวงตัวเจ้าโดยกล่าวว่า "คนเคลเดียจะถอยออกไปจากเราทีเดียวแน่" เพราะว่าเขาจะไม่ถอยออกไปเลยทีเดียว
10Sapagka't bagaman inyong sasaktan ang buong hukbo ng mga Caldeo na lumalaban sa inyo, at ang naiwan lamang doon ay mga lalaking sugatan sa gitna nila, gayon ma'y babangon sila, ang bawa't isa sa kaniyang tolda, at susunugin ng apoy ang bayang ito.
10ถึงแม้ว่าเจ้ากระทำให้กองทัพทั้งสิ้นของคนเคลเดียที่กำลังต่อสู้เจ้าให้พ่ายแพ้ และมีเหลือแต่คนที่บาดเจ็บเท่านั้น เขาทั้งหลายจะลุกขึ้น ทุกคนในเต็นท์ของเขา และเผากรุงนี้เสียด้วยไฟ'"
11At nangyari, na nang umurong sa Jerusalem ang hukbo ng mga Caldeo dahil sa takot sa hukbo ni Faraon,
11ต่อมาเมื่อกองทัพของคนเคลเดียได้ถอยจากกรุงเยรูซาเล็ม เพราะกองทัพของฟาโรห์เข้ามาประชิด
12Lumabas nga si Jeremias sa Jerusalem upang pumasok sa lupain ng Benjamin, upang tumanggap ng kaniyang bahagi roon, sa gitna ng bayan.
12เยเรมีย์ก็ออกไปจากกรุงเยรูซาเล็มมุ่งไปยังแผ่นดินเบนยามิน เพื่อจะรับส่วนของท่านท่ามกลางประชาชนที่นั่น
13At nang siya'y nasa pintuang-bayan ng Benjamin, isang kapitan ng bantay ay nandoon na ang pangalan ay Irias, na anak ni Selemias, na anak ni Hananias; at kaniyang dinakip si Jeremias, na propeta, na sinasabi, Ikaw ay kumakampi sa mga Caldeo.
13เมื่อท่านอยู่ที่ประตูเบนยามิน ทหารยามคนหนึ่งอยู่ที่นั่น ชื่ออิรียาห์บุตรชายเชเลมิยาห์ ผู้เป็นบุตรชายฮานันยาห์ได้จับเยเรมีย์ผู้พยากรณ์กล่าวว่า "ท่านกำลังหนีไปหาคนเคลเดีย"
14Nang magkagayo'y sinabi ni Jeremias; Kasinungalingan, hindi ako kumakampi sa mga Caldeo. Nguni't hindi niya dininig siya: sa gayo'y dinakip ni Irias si Jeremias, at dinala sa mga prinsipe.
14และเยเรมีย์ตอบว่า "ไม่จริงเลย ข้าพเจ้ามิได้กำลังหนีไปหาคนเคลเดีย" แต่อิรียาห์ไม่ฟังท่าน และจับเยเรมีย์นำมาหาพวกเจ้านาย
15At ang mga prinsipe ay napoot kay Jeremias at sinaktan nila siya, at isinilid sa bilangguan sa bahay ni Jonathan na kalihim: sapagka't kanilang ginawang bilangguan yaon.
15และบรรดาเจ้านายก็เดือดดาลต่อเยเรมีย์ และเขาทั้งหลายก็ตีท่านและขังท่านไว้ในเรือนของโยนาธานเลขานุการ เพราะได้ทำให้เป็นคุก
16Nang si Jeremias ay makapasok sa bilangguang nasa ilalim ng lupa, at sa loob ng mga silid, at nang mabilanggo si Jeremias doon na maraming araw;
16เมื่อเยเรมีย์เข้าไปในคุกใต้ดินและในห้องเล็กแล้ว เยเรมีย์ก็ค้างอยู่ที่นั่นหลายวันแล้ว
17Nagsugo nga si Sedechias na hari at ipinasundo siya: at tinanong siyang lihim ng hari sa kaniyang bahay, at nagsabi, May anoman bagang salitang mula sa Panginoon? At sinabi ni Jeremias: Mayroon. Sinabi rin niya, Ikaw ay mabibigay sa kamay ng hari sa Babilonia.
17กษัตริย์เศเดคียาห์ใช้ให้คนไปเอาตัวท่านออกมา กษัตริย์ได้สอบถามท่านเป็นความลับที่ในพระราชวังว่า "มีพระวจนะอันใดมาจากพระเยโฮวาห์บ้างหรือ" เยเรมีย์ทูลว่า "มีพ่ะย่ะค่ะ" แล้วท่านทูลอีกว่า "พระองค์จะถูกมอบไว้ในมือของกษัตริย์แห่งบาบิโลน"
18Bukod dito'y sinabi ni Jeremias sa haring Sedechias, Sa ano ako nagkasala laban sa iyo, o laban sa iyong mga lingkod, o laban sa bayang ito upang ilagay ninyo ako sa bilangguan?
18เยเรมีย์ได้ทูลกษัตริย์เศเดคียาห์อีกว่า "ข้าพระองค์ได้กระทำอะไรผิดต่อพระองค์ หรือต่อข้าราชการของพระองค์ หรือต่อชนชาตินี้ พระองค์จึงได้จำขังข้าพระองค์ไว้ในคุก
19Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghula sa inyo, na nangagsasabi, Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo, o laban man sa lupaing ito?
19ผู้พยากรณ์ของพระองค์ผู้ได้พยากรณ์ให้พระองค์ว่า `กษัตริย์แห่งบาบิโลนจะไม่มาต่อสู้พระองค์ หรือต่อสู้แผ่นดินนี้' นั้นอยู่ที่ไหน
20At ngayo'y dinggin mo, isinasamo ko sa iyo, Oh panginoon ko na hari: isinasamo ko sa iyo na tanggapin ang aking pamanhik sa harap mo, na huwag mo akong pabalikin sa bahay ni Jonathan na kalihim, baka mamatay ako roon.
20บัดนี้ ข้าแต่กษัตริย์ผู้เป็นเจ้านายของข้าพระองค์ ขอพระองค์สดับฟัง ขอคำทูลของข้าพระองค์เป็นที่โปรดปรานต่อพระพักตร์ของพระองค์ ขออย่าส่งข้าพระองค์กลับไปที่เรือนของโยนาธานเลขานุการนั้นเลย เกรงว่าข้าพระองค์จะตายเสียที่นั่น"
21Nang magkagayo'y nagutos si Sedechias na hari, at kanilang ibinilanggo si Jeremias sa looban ng bantay; at kanilang binigyan siya araw-araw ng isang putol na tinapay na mula sa lansangan ng mga magtitinapay, hanggang sa maubos ang lahat na tinapay sa bayan. Ganito nabilanggo si Jeremias sa looban ng bantay.
21กษัตริย์เศเดคียาห์จึงมีรับสั่งให้เขามอบเยเรมีย์ไว้ที่บริเวณทหารรักษาพระองค์ และเขาให้ขนมปังแก่ท่านวันละก้อนจากถนนช่างทำขนมจนขนมปังในกรุงนั้นหมด เยเรมีย์จึงค้างอยู่ในบริเวณทหารรักษาพระองค์อย่างนั้น