1At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
1พระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสว่า
2Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva, na hinalo para sa ilawan, upang laging papagliyabin ang ilawan.
2"เจ้าจงบัญชาแก่คนอิสราเอลให้นำน้ำมันอย่างบริสุทธิ์สกัดจากมะกอกเทศเพื่อเติมประทีป เพื่อให้ตะเกียงลุกอยู่เสมอ
3Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi.
3ภายในพลับพลาแห่งชุมนุมข้างนอกม่านหีบพระโอวาทนั้น ให้อาโรนจัดประทีปให้เป็นระเบียบตั้งแต่เวลาเย็นจนเวลาเช้าเสมอต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์ ทั้งนี้ให้เป็นกฎเกณฑ์ถาวรตลอดชั่วอายุของเจ้า
4Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon.
4ให้อาโรนจัดประทีปให้เป็นระเบียบอยู่บนคันประทีปบริสุทธิ์เสมอต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์
5At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay.
5และเจ้าจงเอายอดแป้ง ปิ้งขนมปังสิบสองก้อน แต่ละก้อนใช้แป้งสองในสิบเอฟาห์
6At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon.
6เจ้าจงจัดขนมปังนั้นวางบนโต๊ะบริสุทธิ์ต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์ เป็นสองแถวๆละหกก้อน
7At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
7และเจ้าจงเอาเครื่องกำยานบริสุทธิ์ใส่ไว้แต่ละแถว เพื่อจะคู่กับขนมปังเป็นส่วนที่ระลึก เป็นเครื่องบูชากระทำด้วยไฟถวายแด่พระเยโฮวาห์
8Sa bawa't sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan.
8ทุกๆวันสะบาโตให้อาโรนจัดไว้ให้เป็นระเบียบถวายต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์เสมอ ในนามของคนอิสราเอลเป็นพันธสัญญาเนืองนิตย์
9At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak; at kanilang kakanin sa dakong banal: sapagka't kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan.
9ขนมปังนี้ตกเป็นของอาโรนและบุตรชายของเขา ให้เขารับประทานได้ในที่บริสุทธิ์ เพราะเป็นส่วนบริสุทธิ์ที่สุดที่ได้จากเครื่องบูชากระทำด้วยไฟถวายแด่พระเยโฮวาห์เป็นกฎเกณฑ์เนืองนิตย์"
10At ang anak na lalake ng isang babaing, Israelita na ang ama'y Egipcio, ay napasa gitna ng mga anak ni Israel: at nagbabag sa gitna ng kampamento ang anak ng babaing Israelita at ang isang lalake ni Israel.
10ครั้งนั้นมีชายคนหนึ่งเป็นบุตรชายของหญิงคนอิสราเอล ซึ่งบิดาเป็นชาวอียิปต์ ออกไปท่ามกลางคนอิสราเอล และบุตรชายของหญิงอิสราเอลทะเลาะกับชายอิสราเอลคนหนึ่งในค่าย
11At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, at nilait: at siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Selomith, na anak ni Dribi sa lipi ni Dan.
11และบุตรชายหญิงอิสราเอลคนนั้นได้เหยียดหยามพระนามของพระเยโฮวาห์และได้แช่งด่า เขาจึงนำตัวมาให้โมเสส (มารดาของเขาชื่อเชโลมิทบุตรสาวของดิบรีคนตระกูลดาน)
12At siya'y kanilang inilagay sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng bibig ng Panginoon.
12เขาจึงจองจำชายคนนั้นไว้จนกว่าน้ำพระทัยของพระเยโฮวาห์จะเป็นที่กระจ่างต่อเขาทั้งหลาย
13At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
13พระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสว่า
14Dalhin mo ang mapaglait sa labas ng kampamento; at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kaniyang ulo, at pagbatuhanan siya ng buong kapisanan.
14"จงนำผู้ที่แช่งด่านั้นออกมาจากค่าย ให้บรรดาผู้ที่ได้ยินคำแช่งด่าเอามือของตนวางไว้บนศีรษะของเขา และให้บรรดาชุมนุมชนเอาหินขว้างเขาให้ตาย
15At sasalitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Sinomang mapanungayaw sa kaniyang Dios ay magpapasan ng kaniyang sala.
15และจงกล่าวแก่คนอิสราเอลว่า ผู้ใดแช่งด่าพระเจ้าของเขา ผู้นั้นจะต้องได้รับโทษบาป
16At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala; walang pagsalang pagbabatuhanan siya ng buong kapisanan: maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain, ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon.
16ผู้ใดที่เหยียดหยามพระนามของพระเยโฮวาห์จะต้องถูกโทษถึงตาย และให้ชุมนุมชนทั้งหมดเอาหินขว้างเขา คนต่างด้าวหรือชาวเมืองก็ดี เมื่อเขาเหยียดหยามพระนามของพระเยโฮวาห์ จะต้องถูกโทษถึงตาย
17At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala;
17ผู้ที่ฆ่าคนตาย จะต้องถูกโทษถึงตาย
18At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop.
18ผู้ใดที่ฆ่าสัตว์ต้องชดใช้สิ่งนั้น สัตว์แทนสัตว์
19At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya;
19ถ้าผู้ใดกระทำให้เพื่อนบ้านเสียโฉม เขากระทำให้เสียโฉมอย่างไร ก็ให้กระทำแก่เขาอย่างนั้น
20Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya.
20กระดูกหักแท่นกระดูกหัก ตาแทนตา ฟันแทนฟัน เขากระทำให้เสียโฉมอย่างไร เขาก็ต้องถูกทำให้เสียโฉมอย่างนั้น
21At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit, at ang pumatay sa isang tao ay papatayin.
21ผู้ใดที่ฆ่าสัตว์ต้องเสียค่าชดใช้ และผู้ใดที่ฆ่าคนให้ผู้นั้นถูกโทษถึงตาย
22Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan, na gaya sa tubo sa lupain: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.
22เจ้าจงมีพระราชบัญญัติอย่างเดียวกันสำหรับคนต่างด้าว และสำหรับชาวเมือง เพราะเราคือพระเยโฮวาห์พระเจ้าของเจ้า"
23At nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel at siya na nanglait ay inilabas nila sa kampamento, at siya'y pinagbatuhanan ng mga bato. At ginawa ng mga anak ni Israel, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
23โมเสสก็บอกแก่คนอิสราเอลให้เขาพาคนที่แช่งด่านั้นออกมาจากค่าย และเอาหินขว้างเขา คนอิสราเอลกระทำดังนี้ตามที่พระเยโฮวาห์ทรงบัญชาโมเสสไว้