Tagalog 1905

Thai King James Version

Numbers

3

1At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises, nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai.
1ต่อไปนี้เป็นพงศ์พันธุ์ของอาโรนและโมเสสครั้งเมื่อพระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสบนภูเขาซีนาย
2At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.
2ชื่อบุตรชายของอาโรนมีดังนี้ นาดับบุตรหัวปี อาบีฮู เอเลอาซาร์และอิธามาร์
3Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote na pinahiran ng langis, na itinalaga upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
3นี่แหละเป็นชื่อบุตรชายของอาโรนที่ได้เจิมไว้เป็นปุโรหิต เป็นผู้ที่ท่านสถาปนาไว้ให้ปฏิบัติในตำแหน่งปุโรหิต
4At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon, nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon, sa ilang ng Sinai, at sila'y hindi nagkaanak: at si Eleazar at si Ithamar ay nangasiwa sa katungkulang saserdote sa harap ni Aaron na kanilang ama.
4แต่นาดับและอาบีฮูตายต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์ เมื่อเขาเอาไฟที่ผิดรูปแบบมาถวายบูชาต่อพระพักตร์พระเยโฮวาห์ที่ถิ่นทุรกันดารซีนาย และต่างก็ไม่มีบุตร ดังนั้นเอเลอาซาร์และอิธามาร์จึงได้ปรนนิบัติในตำแหน่งปุโรหิตอยู่ในสายตาของอาโรนบิดาของเขา
5At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
5พระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสว่า
6Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya.
6"จงนำตระกูลเลวีเข้ามาใกล้ และตั้งเขาไว้ต่อหน้าอาโรนปุโรหิต ให้เขาปรนนิบัติอาโรน
7At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
7เขาจะปฏิบัติหน้าที่แทนอาโรนและแทนชุมนุมชนทั้งหมดหน้าพลับพลาแห่งชุมนุม ขณะเขาปฏิบัติงานที่พลับพลา
8At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
8เขาจะดูแลบรรดาเครื่องใช้ของพลับพลาแห่งชุมนุม และปฏิบัติหน้าที่แทนคนอิสราเอล เมื่อเขาปฏิบัติงานที่พลับพลา
9At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel.
9จงมอบคนเลวีไว้กับอาโรนและกับบุตรชายทั้งหลายของอาโรน เขาทั้งหลายรับเลือกจากคนอิสราเอลมอบไว้กับอาโรนแล้ว
10At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
10เจ้าจงแต่งตั้งอาโรนและบุตรชายทั้งหลายของอาโรนให้ปฏิบัติงานตามตำแหน่งปุโรหิต แต่คนอื่นที่เข้ามาใกล้จะต้องถูกลงโทษถึงตาย"
11At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
11และพระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสว่า
12At tungkol sa akin, narito, aking kinuha ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel sa halip ng mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin:
12"ดูเถิด เราเองได้เลือกคนเลวีจากคนอิสราเอลแทนบรรดาบุตรหัวปีท่ามกลางคนอิสราเอลที่คลอดจากครรภ์มารดาก่อน คนเลวีจะเป็นของเรา
13Sapagka't lahat ng mga panganay ay sa akin; sapagka't nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay aking pinapagingbanal sa akin, ang lahat ng mga panganay sa Israel, maging tao at maging hayop: sila'y magiging akin; ako ang Panginoon.
13เพราะบรรดาบุตรหัวปีเป็นของเรา ในวันที่เราได้ประหารชีวิตบุตรหัวปีทั้งหลายในประเทศอียิปต์นั้น เราได้เลือกบรรดาบุตรหัวปีในอิสราเอล ทั้งมนุษย์และสัตว์เดียรัจฉานไว้เป็นของเรา ทั้งหลายเหล่านี้ต้องเป็นของเรา เราคือพระเยโฮวาห์"
14At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai, na sinasabi,
14พระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสที่ถิ่นทุรกันดารซีนายว่า
15Bilangin mo ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa kanilang mga angkan: bawa't lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay bibilangin mo.
15"จงนับคนเลวีตามเรือนบรรพบุรุษและตามครอบครัว คือท่านจงนับผู้ชายทุกคนที่มีอายุตั้งแต่เดือนหนึ่งขึ้นไป"
16At sila'y binilang ni Moises ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos sa kaniya.
16โมเสสจึงได้นับเขาทั้งหลายตามพระดำรัสของพระเยโฮวาห์ดังที่พระองค์ตรัสสั่งไว้
17At ito ang mga naging anak ni Levi ayon sa kanilang mga pangalan: si Gerson, at si Coath, at si Merari.
17ต่อไปนี้เป็นชื่อบุตรชายของเลวี คือเกอร์โชน โคฮาท และเมรารี
18At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gerson ayon sa kanilang mga angkan: si Libni at si Simei.
18ชื่อบุตรชายของเกอร์โชนตามครอบครัว คือลิบนีและชิเมอี
19At ang mga anak ni Coath ayon sa kanilang mga angkan, ay si Amram, at si Izhar, si Hebron, at si Uzziel.
19บุตรชายของโคฮาทตามครอบครัว คืออัมราม อิสฮาร์ เฮโบรน และอุสซีเอล
20At ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan; ay si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
20และบุตรชายของเมรารีตามครอบครัว คือมาลี และมูชี นี่เป็นครอบครัวคนเลวี ตามเรือนบรรพบุรุษของเขา
21Kay Gerson galing ang angkan ng mga Libnita, at ang angkan ng mga Simeita: ito ang mga angkan ng mga Gersonita.
21วงศ์เกอร์โชนมีครอบครัวลิบนีและครอบครัวชิเมอี เหล่านี้เป็นครอบครัวเกอร์โชน
22Yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat ng mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay pitong libo at limang daan ang nangabilang sa kanila.
22จำนวนคนทั้งหลาย คือจำนวนผู้ชายทั้งหมดที่มีอายุตั้งแต่เดือนหนึ่งขึ้นไปเป็นเจ็ดพันห้าร้อยคน
23Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran.
23ครอบครัวเกอร์โชนนั้นจะต้องตั้งค่ายอยู่ข้างหลังพลับพลาด้านตะวันตก
24At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga Gersonita ay si Eliasaph na anak ni Lael.
24มีเอลียาสาฟบุตรชายลาเอลเป็นหัวหน้าเรือนบรรพบุรุษของเกอร์โชน
25At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Gerson sa tabernakulo ng kapisanan ay ang tabernakulo, at ang Tolda, ang takip niyaon at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan,
25งานที่วงศ์เกอร์โชนปฏิบัติในพลับพลาแห่งชุมนุมมีงานพลับพลา งานเต็นท์พร้อมกับเครื่องคลุมเต็นท์ และม่านประตูพลับพลาแห่งชุมนุม
26At ang mga tabing ng looban at ang tabing sa pintuan ng looban na nasa palibot ng tabernakulo at sa palibot ng dambana, at ang mga tali niyaon na naukol sa buong paglilingkod doon.
26ม่านบังลานและม่านประตูลาน ซึ่งอยู่รอบพลับพลาและแท่นบูชา รวมทั้งเชือกโยงทั้งงานสารพัดที่เกี่ยวกับสิ่งเหล่านี้
27At kay Coath ang angkan ng mga Amramita at ang angkan ng mga Izharita, at ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzzielita: ito ang mga angkan ng mga Coathita.
27วงศ์โคฮาทมีครอบครัวอัมราม ครอบครัวอิสฮาร์ ครอบครัวเฮโบรน ครอบครัวอุสซีเอล เหล่านี้เป็นครอบครัวโคฮาท
28Ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay may walong libo at anim na raang nangamamahala ng katungkulan sa santuario.
28ตามจำนวนผู้ชายทั้งหมดที่มีอายุตั้งแต่เดือนหนึ่งขึ้นไปเป็นแปดพันหกร้อยคน เป็นคนปฏิบัติหน้าที่สถานบริสุทธิ์
29Ang mga angkan ng mga anak ni Coath ay magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo, sa dakong timugan.
29บรรดาครอบครัวลูกหลานของโคฮาทจะตั้งค่ายอยู่ทางด้านใต้ของพลับพลา
30At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ng mga Coathita ay si Elisaphan na anak ni Uzziel.
30มีเอลีซาฟานบุตรชายอุสซีเอลเป็นหัวหน้าเรือนบรรพบุรุษของครอบครัวโคฮาท
31At ang magiging katungkulan nila ay ang kaban, at ang dulang, at ang kandelero, at ang mga dambana, at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan, at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon.
31คนเหล่านี้มีหน้าที่ดูแลหีบพระโอวาท โต๊ะ คันประทีป แท่นบูชาทั้งสองและเครื่องใช้ต่างๆของสถานบริสุทธิ์ ซึ่งปุโรหิตใช้ปฏิบัติงานและม่าน ทั้งงานสารพัดที่เกี่ยวกับสิ่งเหล่านี้
32At si Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ay siyang magiging prinsipe ng mga prinsipe ng mga Levita at mamamahala sa mga may katungkulan sa santuario.
32เอเลอาซาร์บุตรชายของอาโรนปุโรหิตเป็นนายใหญ่เหนือหัวหน้าของคนเลวีและตรวจตราผู้ที่มีหน้าที่ปฏิบัติสถานบริสุทธิ์
33Kay Merari ang angkan ng mga Mahalita at angkan ng mga Musita: ito ang mga angkan ni Merari.
33วงศ์เมรารีมีครอบครัวมาลี และครอบครัวมูชี เหล่านี้เป็นครอบครัวเมรารี
34At yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay anim na libo at dalawang daan.
34จำนวนคนทั้งหลายคือจำนวนผู้ชายทั้งหมดที่มีอายุตั้งแต่หนึ่งเดือนขึ้นไปเป็นหกพันสองร้อยคน
35At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ni Merari ay si Suriel na anak ni Abihail: sila'y magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan.
35และศุรีเอลบุตรชายอาบีฮาอิลเป็นหัวหน้าเรือนบรรพบุรุษของครอบครัวเมรารี คนเหล่านี้จะตั้งค่ายอยู่ด้านเหนือของพลับพลา
36At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Merari, ay ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan, at ang lahat ng kasangkapan, at lahat ng paglilingkod doon;
36งานที่กำหนดให้แก่ลูกหลานเมรารีคืองานดูแลไม้กรอบพลับพลา ไม้กลอน ไม้เสา ฐานรองและเครื่องประกอบสิ่งเหล่านี้ทั้งหมด ทั้งงานสารพัดที่เกี่ยวกับสิ่งเหล่านี้
37At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali ng mga yaon.
37และเสารอบลาน พร้อมกับฐานรอง หลักหมุดและเชือกโยง
38At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
38และบุคคลที่จะตั้งค่ายอยู่หน้าพลับพลาด้านตะวันออกหน้าพลับพลาแห่งชุมนุม ด้านที่ดวงอาทิตย์ขึ้น มีโมเสสและอาโรนกับลูกหลานของท่าน มีหน้าที่ดูแลการปรนนิบัติภายในสถานบริสุทธิ์และบรรดากิจการที่พึงกระทำเพื่อคนอิสราเอล และผู้ใดอื่นที่เข้ามาใกล้จะต้องถูกลงโทษถึงตาย
39Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita na binilang ni Moises at ni Aaron sa utos ng Panginoon ayon sa kanilang mga angkan, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda, ay dalawang pu't dalawang libo.
39บรรดาคนที่นับเข้าในคนเลวี ซึ่งโมเสสและอาโรนได้นับตามพระดำรัสของพระเยโฮวาห์ เป็นบรรดาผู้ชายทั้งหมดตามครอบครัวที่มีอายุตั้งแต่หนึ่งเดือนขึ้นไปเป็นสองหมื่นสองพันคน
40At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bilangin mo ang lahat ng mga lalaking panganay sa mga anak ni Israel mula sa isang buwang gulang na patanda, at iguhit mo ang bilang ng kanilang mga pangalan.
40และพระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสว่า "จงนับบุตรชายหัวปีทั้งหลายของคนอิสราเอล ที่มีอายุตั้งแต่หนึ่งเดือนขึ้นไป จงจดจำนวนรายชื่อไว้
41At iuukol mo sa akin ang mga Levita (ako ang Panginoon) sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel; at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga hayop ng mga anak ni Israel.
41เจ้าจงกันพวกเลวีไว้ให้เรา (เราคือพระเยโฮวาห์) ทั้งนี้เพื่อแทนบรรดาบุตรหัวปีท่ามกลางคนอิสราเอล และให้สัตว์ทั้งปวงของคนเลวีแทนสัตว์หัวปีทั้งหลายของคนอิสราเอล"
42At binilang ni Moises, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ang lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel.
42ดังนั้นโมเสสจึงได้นับบรรดาบุตรหัวปีท่ามกลางคนอิสราเอล ตามที่พระเยโฮวาห์ตรัสสั่งท่าน
43At lahat ng mga panganay na lalake ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa isang buwang gulang na patanda, doon sa nangabilang sa kanila, ay dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan at pitong pu't tatlo.
43บุตรชายหัวปีทั้งหลายตามจำนวนชื่อที่นับได้ ซึ่งมีอายุตั้งแต่หนึ่งเดือนขึ้นไป มีสองหมื่นสองพันสองร้อยเจ็ดสิบสามคน
44At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
44และพระเยโฮวาห์ตรัสกับโมเสสว่า
45Kunin mo ang mga Levita sa halip ng lahat na mga panganay sa mga anak ni Israel, at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng kanilang mga hayop: at ang mga Levita ay magiging akin; ako ang Panginoon.
45"จงเอาคนเลวีแทนบุตรหัวปีทั้งหมดของคนอิสราเอล และเอาสัตว์ทั้งหลายของคนเลวีแทนสัตว์ของคนอิสราเอล คนเลวีจะเป็นของเรา เราคือพระเยโฮวาห์
46At sa ikatutubos sa dalawang daan at pitong pu't tatlong panganay ng mga anak ni Israel na higit sa bilang ng mga Levita,
46สำหรับเป็นค่าไถ่บุตรหัวปีของคนอิสราเอลจำนวนสองร้อยเจ็ดสิบสามคนที่เกินจำนวนผู้ชายคนเลวีนั้น
47Ay kukuha ka ng limang siklo sa bawa't isa ayon sa ulo; ayon sa siklo ng santuario kukunin mo (isang siklo ay dalawang pung gera):
47เจ้าจงเก็บคนละห้าเชเขล คือจงเก็บตามเชเขลของสถานบริสุทธิ์ (เชเขลหนึ่งมียี่สิบเก-ราห์)
48At ibibigay mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping ikatutubos na humigit sa bilang nila.
48และมอบเงินซึ่งต้องเสียเป็นค่าไถ่ของคนที่เกินเหล่านั้นให้ไว้แก่อาโรนและลูกหลานของท่าน"
49At kinuha ni Moises ang salaping pangtubos sa mga labis na humigit sa mga natubos ng mga Levita:
49โมเสสจึงเก็บเงินค่าไถ่จากคนเหล่านั้นที่เกินกว่าจำนวนคนที่คนเลวีไถ่ไว้
50Mula sa mga panganay ng mga anak ni Israel kinuha niya ang salapi; isang libo at tatlong daan at anim na pu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:
50คือท่านเก็บเงินจากบุตรหัวปีของคนอิสราเอล เป็นเงินจำนวนหนึ่งพันสามร้อยหกสิบห้าเชเขล นับตามเชเขลของสถานบริสุทธิ์
51At ibinigay ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping pangtubos ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
51และโมเสสได้นำเอาเงินค่าไถ่ให้แก่อาโรนและลูกหลานของอาโรน ตามพระดำรัสของพระเยโฮวาห์ ดังที่พระเยโฮวาห์ทรงบัญชาโมเสสไว้