1At nangyari, pagkatapos nito, na si Absalom na anak ni David ay mayroong isang kapatid na babae na maganda, na ang pangala'y Thamar; at sininta siya ni Amnon na anak ni David.
1Davutun oğlu Avşalomun Tamar adında güzel bir kızkardeşi vardı. Davutun başka bir oğlu, Amnon Tamara gönül verdi.
2At si Amnon ay totoong nagdamdam, na anopa't siya'y nagkasakit dahil sa kaniyang kapatid na kay Thamar; sapagka't siya'y dalaga; at inaakala ni Amnon na mahirap gawan siya ng anomang bagay.
2Amnon üvey kızkardeşi Tamar yüzünden yatağa düşecek kadar üzüntüye kapıldı. Çünkü Tamar erden bir kızdı ve Amnon ona bir şey yapmayı olanaksız görüyordu.
3Nguni't si Amnon ay may isang kaibigan na ang pangala'y Jonadab, na anak ni Simea na kapatid ni David: at si Jonadab ay isang lalaking totoong magdaraya.
3Amnonun Davutun kardeşi Şimanın oğlu Yonadav adında çok akıllı bir arkadaşı vardı.
4At sinabi niya sa kaniya, Bakit, Oh anak ng hari, sa araw araw ay nangangayayat kang ganyan? hindi mo ba sasaysayin sa akin? At sinabi ni Amnon sa kaniya, Aking sinisinta si Thamar na kapatid ng aking kapatid na si Absalom.
4Yonadav Amnona, ‹‹Ey kral oğlu, neden böyle her sabah üzgün görünüyorsun?›› diye sordu, ‹‹Bana anlatamaz mısın?›› Amnon, ‹‹Üvey kardeşim Avşalomun kızkardeşi Tamara gönül verdim›› diye yanıtladı.
5At sinabi ni Jonadab sa kaniya, Mahiga ka sa iyong higaan, at magsakitsakitan ka: at pagka ang iyong ama ay naparoon upang tingnan ka, sabihin mo sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bayaang ang aking kapatid na si Thamar ay pumarito, at bigyan ako ng tinapay na makakain, at maghanda ng pagkain sa aking paningin upang aking makita, at kanin sa kaniyang kamay.
5Yonadav, ‹‹Yatağa yat ve hastaymış gibi yap›› dedi, ‹‹Baban seni görmeye gelince ona şöyle dersin: ‹Lütfen kızkardeşim Tamar gelip bana yiyecek versin. Yemeği önümde hazırlasın ki, ona bakayım, elinden yiyeyim.› ››
6Sa gayo'y nahiga si Amnon at nagsakitsakitan: at nang pumaroon ang hari upang tingnan siya, sinabi ni Amnon sa hari, Isinasamo ko sa iyo na bayaang pumarito ang aking kapatid na si Thamar, at igawa ako ng dalawang tinapay na maliit sa aking paningin upang aking makain sa kaniyang kamay.
6Böylece Amnon yatağa yatıp hastaymış gibi yaptı. Kral onu görmeye gelince, Amnon, ‹‹Lütfen kızkardeşim Tamar gelip önümde iki gözleme hazırlasın da elinden yiyeyim›› dedi.
7Nang magkagayo'y nagsugo si David sa bahay kay Thamar, na sinasabi, Pumaroon ka ngayon sa bahay ng iyong kapatid na si Amnon, at ipaghanda mo siya ng pagkain.
7Davut, sarayda yaşayan Tamara, ‹‹Haydi kardeşin Amnonun evine gidip ona yiyecek hazırla›› diye haber gönderdi.
8Sa gayo'y naparoon si Thamar sa bahay ng kaniyang kapatid na si Amnon; at siya'y nakahiga. At siya'y kumuha ng isang masa, at minasa, at ginawang mga binilong tinapay sa kaniyang paningin, at niluto na mga munting tinapay.
8Tamar yatmakta olan kardeşi Amnonun evine gitti. Hamur alıp yoğurdu, önünde gözleme yapıp pişirdi.
9At kinuha niya ang kawali, at mga ibinuhos sa harap niya; nguni't kaniyang tinanggihang kanin. At sinabi ni Amnon: Palabasin ang lahat na tao sa harap ko. At silang lahat ay lumabas, bawa't isa mula sa harap niya.
9Tavayı alıp gözlemeyi önüne koyduysa da Amnon yemek istemedi. ‹‹Yanımdan herkesi çıkarın›› diye buyruk verdi. Herkes çıktı.
10At sinabi ni Amnon kay Thamar: Dalhin mo rito sa silid ang pagkain, upang aking makain sa iyong kamay. At kinuha ni Thamar ang mga munting tinapay na kaniyang ginawa, at mga dinala sa silid kay Amnon na kaniyang kapatid.
10Sonra Amnon Tamara, ‹‹Yemeği yatak odama getir de, elinden yiyeyim›› dedi. Tamar hazırladığı gözlemeleri kardeşi Amnonun yatak odasına götürdü.
11At nang ilapit niya sa kaniya upang kanin, kaniyang tinangnan siya, at sinabi niya sa kaniya, Halika, sumiping ka sa akin, kapatid ko.
11Yesin diye yemeği ona yaklaştırınca, Amnon Tamarı yakalayarak, ‹‹Gel, benimle yat, kızkardeşim›› dedi.
12At sumagot siya sa kaniya, Huwag kapatid ko, huwag mo akong dahasin; sapagka't hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay: huwag kang gumawa ng ganitong kaululan.
12Ama Tamar, ‹‹Hayır, kardeşim, beni zorlama!›› dedi, ‹‹İsrailde böyle şey yapılmamalıdır! Bu iğrençliği yapma!
13At ako, saan ko dadalhin ang aking hiya? at tungkol sa iyo, ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, magsalita ka sa hari, sapagka't hindi ipagkakait ako sa iyo.
13Sonra ben utancımı nasıl üstümden atarım? Sense İsrailde alçak biri durumuna düşersin. Ne olur krala söyle; o beni senden esirgemez.››
14Gayon ma'y hindi niya dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa't siya'y malakas kay sa kaniya, dinahas niya siya, at sumiping sa kaniya.
14Ne var ki, Amnon Tamarı dinlemek istemedi. Daha güçlü olduğu için onunla zorla yattı.
15Nang magkagayo'y kinapootan siya ni Amnon na may mahigpit na poot; sapagka't ang kapootan na kaniyang ikinapoot sa kaniya ay malaki kay sa pagsinta na kaniyang isininta sa kaniya. At sinabi ni Amnon sa kaniya, Bumangon ka, ikaw ay yumaon.
15Bundan sonra Amnon Tamardan öylesine nefret etti ki, ona duyduğu nefret, beslemiş olduğu sevgiden daha güçlüydü. Amnon Tamara, ‹‹Kalk, git!›› dedi.
16At sinabi niya sa kaniya, Huwag ganyan, sapagka't itong malaking kasamaan sa pagpapalabas mo sa akin ay higit kay sa iba na iyong ginawa sa akin. Nguni't ayaw niyang dinggin siya.
16Tamar, ‹‹Hayır›› dedi, ‹‹Çünkü beni kovman, bana yaptığın öbür kötülükten daha büyük bir kötülüktür.›› Ama Amnon onu dinlemek istemedi.
17Nang magkagayo'y tinawag niya ang kaniyang alipin na nagaalaga sa kaniya, at sinabi, Ilabas mo ang babaing ito sa harap ko, at itrangka mo ang pintuan pagkalabas niya.
17Hizmetindeki uşağı çağırıp, ‹‹Bu kadını yanımdan dışarı çıkar, ardından da kapıyı sürgüle›› dedi.
18At siya'y may suot na sarisaring kulay: sapagka't ang mga gayong kasuutan ang isinusuot ng mga anak na dalaga ng hari. Nang magkagayo'y inilabas siya ng kaniyang alipin at tinarangkahan ang pintuan pagkalabas niya.
18Uşak Tamarı dışarı çıkarıp ardından kapıyı sürgüledi. Tamar uzun kollu bir giysi giymişti. Kralın erden kızları böyle giyinirlerdi.
19At binuhusan ni Thamar ng mga abo ang kaniyang ulo, at hinapak ang kaniyang suot na sarisaring kulay na nakasuot sa kaniya; at kaniyang ipinatong ang kaniyang kamay sa kaniyang ulo, at ipinagpatuloy ang kaniyang lakad, na umiiyak ng malakas habang siya'y yumayaon.
19Tamar başına kül saçıp sırtındaki uzun kollu giysiyi yırttı. Elini başına koyup ağlaya ağlaya gitti.
20At sinabi ni Absalom na kaniyang kapatid sa kaniya, Napasa iyo ba si Amnon na iyong kapatid? nguni't ngayo'y tumahimik ka, kapatid ko: siya'y iyong kapatid; huwag mong isapuso ang bagay na ito. Sa gayo'y si Thamar ay nagpighati sa bahay ng kaniyang kapatid na si Absalom.
20Kardeşi Avşalom ona, ‹‹Seninle birlikte olan kardeşin Amnon muydu?›› diye sordu, ‹‹Haydi, kızkardeşim, sesini çıkarma. O senin üvey kardeşindir. Bu olayın üzerinde durma.›› Böylece Tamar, kardeşi Avşalomun evinde yalnız ve üzgün yaşadı.
21Nguni't nang mabalitaan ng haring si David ang lahat ng mga bagay na ito, siya'y totoong napoot.
21Kral Davut olup bitenleri duyunca çok öfkelendi.
22At hindi nagsalita si Absalom kay Amnon kahit mabuti o masama man; sapagka't pinagtaniman ni Absalom si Amnon dahil sa kaniyang dinahas ang kaniyang kapatid na si Thamar.
22Avşalom ise Amnona iyi kötü hiçbir şey söylemedi. Kızkardeşi Tamara tecavüz ettiği için Amnondan nefret ediyordu.
23At nangyari, pagkatapos ng dalawang buong taon, na nagpagupit ng mga tupa si Absalom sa Baal-hasor na nasa siping ng Ephraim: at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari.
23Tam iki yıl sonra, Avşalom kralın bütün oğullarını kendi koyun kırkıcılarının bulunduğu Efrayim Kenti yakınındaki Baal-Hasora çağırdı.
24At naparoon si Absalom sa hari, at sinabi niya, Narito ngayon, ang iyong lingkod ay nagpapagupit ng mga tupa; isinasamo ko sa iyo na ang hari at ang kaniyang mga lingkod ay magsiyaong kasama ng iyong lingkod.
24Avşalom krala gelip, ‹‹Koyunlarımı kırktırıyorum›› dedi, ‹‹Lütfen kral ve görevlileri de kuluna katılsın.››
25At sinabi ng hari kay Absalom, Huwag anak ko, huwag tayong magsiyaong lahat, baka maging mabigat na pasan sa iyo. At pinilit niya siya: gayon ma'y hindi siya yumaon, kundi binasbasan siya.
25Kral Davut, ‹‹Hayır, oğlum, hepimiz gelmeyelim, sana yük oluruz›› diye yanıtladı. Avşalom üstelediyse de kral gitmek istemedi, ama onu kutsadı.
26Nang magkagayo'y sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo?
26Bunun üzerine Avşalom, ‹‹Öyleyse izin ver de kardeşim Amnon bizimle gelsin›› dedi. Kral, ‹‹Amnon neden seninle gelsin?›› diye sordu.
27Nguni't pinilit siya ni Absalom, na anopa't kaniyang pinasama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng mga anak ng hari.
27Ancak Avşalom üsteleyince, kral Amnonu ve bütün öbür oğullarını onunla gönderdi.
28At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga'y magpakalakas, at magpakatapang.
28Avşalom hizmetkârlarına şöyle buyurdu: ‹‹Dinleyin! Amnonun şaraptan iyice keyiflendiği anı bekleyin. Size ‹Amnonu vurun› dediğim an onu öldürün. Korkmayın! Size buyruğu ben veriyorum. Güçlü ve yürekli olun!››
29At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo'y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa't lalake sa kaniyang mula, at tumakas.
29Hizmetkârlar Avşalomun buyruğuna uyarak Amnonu öldürdüler. Kralın öbür oğulları katırlarına atlayıp kaçtılar.
30At nangyari, samantalang sila'y nasa daan, na ang balita ay dumating kay David, na sinasabi, Pinatay ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari, at walang nalabi isa man sa kanila.
30Onlar yoldayken, Avşalomun kralın bütün oğullarını öldürdüğü, hiçbirinin sağ kalmadığı söylentisi Davuta ulaştı.
31Nang magkagayo'y bumangon ang hari at hinapak ang kaniyang mga suot, at humiga sa lupa; at lahat niyang mga lingkod ay nakatayo sa palibot na hapak ang kanilang mga suot.
31Kral kalkıp giysilerini yırttı, yere kapandı. Bütün görevlileri de, giysileri yırtılmış, yanıbaşındaydılar.
32At si Jonadab na anak ni Simea na kapatid ni David, ay sumagot at nagsabi, Huwag akalain ng aking panginoon na kanilang pinatay ang lahat ng mga binatang anak ng hari, sapagka't si Amnon lamang ang patay: sapagka't sa pasiya ni Absalom ay pinasiyahan ito mula sa araw na kaniyang dahasin ang kaniyang kapatid na si Thamar.
32Davutun kardeşi Şimanın oğlu Yonadav şöyle dedi: ‹‹Efendim kral bütün oğullarının öldürüldüğünü sanmasın; yalnız Amnon öldü. Çünkü o üvey kızkardeşi Tamara tecavüz ettiği günden bu yana, Avşalom buna kararlıydı.
33Ngayon nga'y huwag isapuso ng aking panginoon na hari ang bagay, na akalain ang lahat ng mga anak ng hari ay patay: sapagka't si Amnon lamang ang patay.
33Onun için, ey efendim kral, bütün oğullarının öldüğü haberini dikkate alma; çünkü yalnız Amnon öldü.››
34Nguni't si Absalom ay tumakas. At ang bataan na nagbabantay ay tumanaw ng kaniyang mga mata, at tumingin, at, narito, dumarating ay maraming tao sa daan na mula sa burol, sa likuran niya.
34Bu arada Avşalom kaçtı. Nöbetçi tepenin yamacındaki batı yolundan büyük bir kalabalığın geldiğini gördü.
35At sinabi ni Jonadab sa hari, Narito, ang mga anak ng hari ay nagsisidating: kung ano ang sinabi ng inyong lingkod, ay nagkagayon.
35Yonadav krala, ‹‹İşte oğulların geliyor! Kulunun dediği gibi oldu›› dedi.
36At nangyari pagkatapos niyang makapagsalita, na, narito, ang mga anak ng hari ay nagsidating, at inilakas ang kanilang tinig at nagsiiyak: at ang hari naman at ang lahat niyang mga lingkod ay nagsiiyak na mainam.
36O konuşmasını bitirir bitirmez, kralın oğulları oraya varıp hıçkıra hıçkıra ağlamaya başladılar. Kral ve görevlileri de acı acı ağladılar.
37Nguni't tumakas si Absalom at naparoon kay Talmai na anak ni Amiud na hari sa Gessur. At tinangisan ni David ang kaniyang anak araw araw.
37Avşalom Geşur Kralı Ammihut oğlu Talmayın yanına kaçtı. Davut ise oğlu Amnon için sürekli yas tutuyordu.
38Sa gayo'y tumakas si Absalom at naparoon sa Gessur, at dumoong tatlong taon.
38Geşura kaçan Avşalom orada üç yıl kaldı.
39At pinanabikan ng haring David na paroonan si Absalom: sapagka't siya'y naaliw na tungkol kay Amnon yamang patay na.
39Kral Davut Avşalom'un yanına gitmeyi çok istiyordu. Çünkü Amnon'un ölümü konusunda avuntu bulmuştu.