Tagalog 1905

Turkish

Daniel

2

1At nang ikalawang taon ng paghahari ni Nabucodonosor ay nanaginip si Nabucodonosor ng mga panaginip; at ang kaniyang espiritu ay nabagabag, at siya'y napukaw sa pagkakatulog.
1Krallığının ikinci yılında Nebukadnessar bir düş gördü. Ruhu üzüntüyle sarsıldı, uykusu kaçtı.
2Nang magkagayo'y ipinatawag ng hari ang mga mahiko, at ang mga enkantador, at ang mga manghuhula, at ang mga Caldeo, upang saysayin sa hari ang kaniyang mga panaginip. Sa gayo'y nagsipasok sila at sila'y nagsiharap sa hari.
2Düşünün ne olduğunu söylesinler diye sihirbazları, falcıları, büyücüleri, yıldızbilimcileri çağırttı. Hepsi gelip kralın önünde durdular.
3At sinabi ng hari sa kanila, Ako'y nanaginip ng isang panaginip, at ang aking Espiritu ay nabagabag upang maalaman ang panaginip.
3Kral, ‹‹Beni üzüntüyle sarsan bir düş gördüm. Ne anlama geldiğini öğrenmek istiyorum›› dedi.
4Nang magkagayo'y nagsalita ang mga Caldeo sa hari sa wikang Siria, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man: saysayin mo sa iyong mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.
4Yıldızbilimciler Aramice, ‹‹Ey kral, sen çok yaşa!›› dediler, ‹‹Düşünü bu kullarına anlat ki, ne anlama geldiğini söyleyelim.›› yazılmıştır.
5Ang hari ay sumagot, at nagsabi sa mga Caldeo, Ang bagay ay nawala sa akin: kung di ninyo ipaliliwanag sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y pagpuputolputulin, at ang inyong mga bahay ay gagawing dumihan.
5Kral, ‹‹Gördüğüm düşü ve ne anlama geldiğini bana açıklamazsanız, kararım kesin, paramparça edileceksiniz›› diye karşılık verdi, ‹‹Evleriniz de çöplüğe çevrilecek.
6Nguni't kung inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon, kayo'y magsisitanggap sa akin ng mga kaloob at mga kagantihan at dakilang karangalan: kaya't ipaliwanag ninyo sa akin ang panaginip at ang kahulugan niyaon.
6Ama düşü ve ne anlama geldiğini açıklayabilirseniz, sizi büyük armağanlarla ödüllendirip onurlandıracağım. Onun için bana düşü ve ne anlama geldiğini açıklayın.››
7Sila'y nagsisagot na ikalawa, at nangagsabi, Saysayin ng hari sa kaniyang mga lingkod ang panaginip, at aming ipaliliwanag ang kahulugan.
7Onlar yine, ‹‹Ey kral, düşü bu kullarına anlat ki, ne anlama geldiğini söyleyelim›› dediler.
8Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka't inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay.
8Bunun üzerine kral, ‹‹Kararımın kesin olduğunu bildiğiniz için zaman kazanmak istediğinizi anlıyorum›› dedi,
9Nguni't kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka't kayo'y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya't saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.
9‹‹Ama düşün ne olduğunu bana açıklamazsanız, sizin için tek ceza vardır. Durumun değişeceğini umarak bana yalan yanlış şeyler söylemek için aranızda anlaşmışsınız. Şimdi bana düşün ne olduğunu söyleyin ki, ne anlama geldiğini açıklayabileceğinizi anlayayım.››
10Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa'y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo.
10Yıldızbilimciler, ‹‹Yeryüzünde senin bu isteğini yerine getirecek tek kişi yoktur›› diye yanıtladılar, ‹‹Kaldı ki, büyük, güçlü hiçbir kral bir sihirbazdan, falcıdan ya da yıldızbilimciden böyle bir şey istememiştir.
11At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao.
11Kralın isteğini yerine getirmek güçtür. İnsanlar arasında yaşamayan ilahlardan başka krala bunu açıklayabilecek kimse yoktur.››
12Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia.
12Buna çok öfkelenen kral, Babildeki bütün bilgelerin öldürülmesini buyurdu.
13Sa gayo'y itinanyag ang pasiya, at ang mga pantas na tao ay papatayin; at hinanap nila si Daniel at ang kaniyang mga kasama upang patayin.
13Böylece hepsinin öldürülmesi için buyruk çıktı. Danielle arkadaşlarının öldürülmesi için de adamlar gönderildi.
14Nang magkagayo'y nagbalik ng sagot si Daniel na may payo at kabaitan kay Arioch na punong kawal ng bantay ng hari, na lumabas upang patayin ang mga pantas na tao sa Babilonia;
14Daniel Babilin bilgelerini öldürmeye giden kralın muhafız birliği komutanı Aryokla bilgece, akıllıca konuştu.
15Siya'y sumagot, at nagsabi kay Arioch na punong kawal ng hari, Bakit ang pasiya ay totoong madalian mula sa hari? Nang magkagayo'y ipinatalastas ni Arioch ang bagay kay Daniel.
15Aryoka, ‹‹Kralın buyruğu neden bu denli sert?›› diye sordu. Aryok durumu Daniele anlattı.
16At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.
16Bunun üzerine Daniel krala gidip düşünün ne anlama geldiğini söyleyebilmesi için zaman istedi.
17Nang magkagayo'y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama:
17Sonra evine dönüp olup bitenleri arkadaşları Hananyaya, Mişaele, Azaryaya anlattı.
18Upang sila'y magsipagnais ng kaawaan sa Dios ng langit tungkol sa lihim na ito; upang si Daniel at ang kaniyang mga kasama ay hindi mangamatay na kasama ng ibang mga pantas na tao sa Babilonia.
18Göklerin Tanrısına yakarmalarını istedi; öyle ki, Tanrı onlara lütfedip bu gizi açıklasın ve kendisiyle arkadaşları Babilin öbür bilgeleriyle birlikte öldürülmesinler.
19Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.
19Gece giz bir görümde Daniele açıklandı. Bunun üzerine Daniel Göklerin Tanrısını övdü.
20Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka't ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya.
20Şöyle dedi: ‹‹Tanrının adına öncesizlikten sonsuzluğa dek övgüler olsun!Bilgelik ve güç Ona özgüdür.
21At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya'y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya'y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;
21Odur zamanları ve mevsimleri değiştiren.Kralları tahttan indirir, tahta çıkarır.Bilgelere bilgelik,Anlayışlılara bilgi verir.
22Siya'y naghahayag ng malalim at lihim na mga bagay; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay tumatahang kasama niya.
22Derin ve gizli şeyleri ortaya çıkarır,Karanlıkta neler olduğunu bilir,Çevresi ışıkla kuşatılmıştır.
23Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.
23Ey atalarımın Tanrısı,Sana şükreder, seni överim.Sen ki, bana bilgelik ve güç verdin,Senden istediklerimizi bana bildirdinVe kralın düşünü bize açıkladın.››
24Kaya't pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito, Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan.
24Daniel, kralın Babilin bilgelerini öldürmeye atadığı Aryoka giderek, ‹‹Babilin bilgelerini yok etme›› dedi, ‹‹Beni krala götür, düşünün ne anlama geldiğini açıklayacağım.››
25Nang magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan.
25Aryok onu hemen krala götürdü ve, ‹‹Sürgündeki Yahudalılar arasında kralın düşünü yorumlayabilecek birini buldum›› dedi.
26Ang hari ay sumagot, at nagsabi kay Daniel, na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon?
26Kral, öbür adı Belteşassar olan Daniele, ‹‹Gördüğüm düşü ve ne anlama geldiğini bana söyleyebilir misin?›› diye sordu.
27Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man.
27Daniel şöyle yanıtladı: ‹‹Kralın açıklanmasını istediği gizi ne bir bilge, ne falcı, ne de sihirbaz açıklayabilir.
28Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:
28Ama gökte gizleri açıklayan bir Tanrı var. Gelecekte neler olacağını Kral Nebukadnessara O bildirmiştir. Yatağında yatarken gördüğün düş ve görümler şunlardır:
29Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari.
29‹‹Sen, ey kral, yatarken gelecekle ilgili düşüncelere daldın, gizleri açan da neler olacağını sana bildirdi.
30Nguni't tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso.
30Bana gelince, ey kral, öbür insanlardan daha bilge olduğum için değil, düşünün ne anlama geldiğini bilesin, aklından geçenleri anlayasın diye bu giz bana açıklandı.
31Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot.
31‹‹Ey kral, düşünde önünde duran büyük bir heykel gördün. Çok büyük ve olağanüstü parlaktı, görünüşü ürkütücüydü.
32Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso,
32Başı saf altından, göğsüyle kolları gümüşten, karnıyla kalçaları tunçtan,
33Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto.
33bacakları demirden, ayaklarının bir kesimi demirden, bir kesimi kildendi.
34Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag.
34Sen bakıyordun ki, bir taş insan eli değmeden kesilip heykelin demirden, kilden ayaklarına çarparak onları paramparça etti.
35Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa.
35Demir, kil, tunç, gümüş, altın aynı anda parçalandı; yazın harman yerindeki saman çöpleri gibi oldular. Derken bir rüzgar çıktı, hiç iz bırakmadan hepsini alıp götürdü. Heykele çarpan taşsa büyük bir dağ oldu, bütün dünyayı doldurdu.
36Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari.
36‹‹Gördüğün düş buydu. Şimdi de ne anlama geldiğini sana açıklayalım.
37Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian;
37Sen, ey kral, kralların kralısın. Göklerin Tanrısı sana egemenlik, güç, kudret, yücelik verdi.
38At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na ginto.
38İnsanoğullarını, yabanıl hayvanları, gökte uçan kuşları senin eline teslim etti. Seni hepsine egemen kıldı. Altından baş sensin.
39At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa.
39Senden sonra senden daha aşağı durumda başka bir krallık çıkacak. Sonra bütün dünyada egemenlik sürecek tunçtan üçüncü bir krallık çıkacak.
40At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.
40Dördüncü krallık demir gibi güçlü olacak. Çünkü demir her şeyi kırıp ezer. Demir gibi tümünü kırıp parçalayacak.
41At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto.
41Ayaklarla parmakların bir kesiminin çömlekçi kilinden, bir kesiminin demirden olduğunu gördün; yani bölünmüş bir krallık olacak bu. Öyleyken onda demirin gücü de bulunacak, çünkü demiri kille karışık gördün.
42At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok.
42Ayak parmaklarının bir kesimi demirden, bir kesimi kilden olduğu gibi, krallığın da bir bölümü güçlü, bir bölümü zayıf olacak.
43At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik.
43Demirin kille karışık olduğunu gördüğüne göre halklar evlilik bağıyla birbirleriyle karışacaklar, ama demirin kille karışmadığı gibi onlar da birbirine bağlı kalmayacaklar.
44At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man.
44‹‹Bu krallar döneminde Göklerin Tanrısı hiç yıkılmayacak, başka halkın eline geçmeyecek bir krallık kuracak. Bu krallık önceki krallıkları ezip yok edecek, kendisiyse sonsuza dek sürecek.
45Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat.
45İnsan eli değmeden dağdan kesilip gelen taşın demiri, tuncu, kili, gümüşü, altını parçaladığını gördün. Ulu Tanrı bundan sonra neler olacağını krala açıklamıştır. Düş gerçek, yorumu da güvenilirdir.››
46Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.
46Bunun üzerine Kral Nebukadnessar Danielin önünde yüzüstü yere kapandı. Ona bir sunu ve buhur sunulmasını buyurdu.
47Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.
47Daniele, ‹‹Madem bu gizi açıklayabildin, Tanrın gerçekten tanrıların Tanrısı, kralların Efendisi›› dedi, ‹‹Gizleri açan Odur.››
48Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia.
48Sonra Danieli yüksek bir göreve getirdi; ona birçok değerli armağan verdi. Onu Babil İline vali atadı, Babilin bütün bilgelerinin başkanı yaptı.
49At si Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari.
49Daniel'in isteği üzerine Şadrak'ı, Meşak'ı, Abed-Nego'yu da Babil İli'nde yüksek görevlere atadı. Daniel ise sarayda kaldı.