1Nang magkagayo'y si Jerobaal na siyang Gedeon, at ang buong bayan na kasama niya ay bumangong maaga, at humantong sa bukal ng Harod: at ang kampamento ng Madian ay nasa dakong hilagaan nila, sa dako roon ng Moreh, sa libis.
1Yerubbaal -Gidyon- ile yanındaki halk erkenden kalkıp Harot Pınarının başında ordugah kurdular. Midyanlıların ordugahıysa onların kuzeyinde, More Tepesinin yanındaki vadideydi.
2At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin.
2RAB Gidyona şöyle dedi: ‹‹Yanında fazla adam var; Midyanı onların eline teslim etmem. Yoksa İsrailliler, ‹Kendi gücümüzle kurtulduk› diyerek bana karşı övünebilirler.
3Kaya't ngayo'y yumaon ka, ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan, na iyong sabihin, Sinomang matatakutin at mapanginig, ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad. At bumalik sa bayan ang dalawang pu't dalawang libo; at naiwan ang sangpung libo.
3Şimdi halka şunu söyle: ‹Korkudan titreyen dönsün, Gilat Dağından geri gitsin.› ›› Bunun üzerine halktan yirmi iki bin kişi döndü, on bin kişi orada kaldı.
4At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayan ay totoong marami pa; palusungin mo sila sa tubig, at doo'y aking susubukin sila sa iyo: at mangyayari, na sinomang aking sabihin sa iyo, Ito'y sumama sa iyo, yaon sumama sa iyo; at sa sinomang sabihin ko sa iyo, Ito'y huwag sumama sa iyo, yao'y huwag sumama sa iyo.
4RAB Gidyona, ‹‹Adamların sayısı hâlâ fazla›› dedi, ‹‹Kalanları suyun başına götür, onları orada senin için sınayayım. ‹Bu seninle gidecek› dediğim adam seninle gidecek; ‹Bu seninle gitmeyecek› dediğim gitmeyecek.››
5Sa gayo'y kaniyang inilusong ang bayan sa tubig: at sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Bawa't humimod sa tubig ng kaniyang dila, gaya ng paghimod ng aso, ay iyong ihihiwalay: gayon din ang bawa't yumukong lumuhod upang uminom.
5Gidyon halkı suyun başına götürdü. RAB Gidyona, ‹‹Köpek gibi diliyle su içenleri bir yana, su içmek için dizleri üzerine çökenleri öbür yana ayır›› dedi.
6At ang bilang ng mga humimod, na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ay tatlong daang lalake: nguni't ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig.
6Ellerini ağızlarına götürerek dilleriyle su içenlerin sayısı üç yüzü buldu. Geri kalanların hepsi su içmek için dizleri üzerine çöktüler.
7At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo, at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay: at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kanikaniyang dako.
7RAB Gidyona, ‹‹Sizi diliyle su içen üç yüz kişinin eliyle kurtaracağım›› dedi, ‹‹Midyanlıları senin eline teslim edeceğim. Öbürleri yerlerine dönsün.››
8Sa gayo'y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak: at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa't isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda, nguni't pinigil ang tatlong daang lalake: at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya sa libis.
8Gidyon yalnız üç yüz kişiyi alıkoyarak geri kalan İsraillileri çadırlarına gönderdi. Bu üç yüz kişi, gidenlerin kumanyalarıyla borularını da aldılar. Midyanlıların ordugahı Gidyonun aşağısında, vadideydi.
9At nangyari nang gabi ring yaon, na sinabi ng Panginoon sa kaniya, Bumangon ka, lusungin mo ang kampamento; sapagka't aking ibinigay sa iyong kamay.
9RAB aynı gece Gidyona, ‹‹Kalk, ordugaha saldır›› dedi, ‹‹Çünkü orayı senin eline teslim ediyorum.
10Nguni't kung ikaw ay natatakot na lumusong, ay lumusong ka sa kampamento na kasama ni Phara na iyong lingkod.
10Ordugaha yalnız gitmekten korkuyorsan, uşağın Purayı da yanına al.
11At iyong maririnig kung ano ang kanilang sinasabi, at pagkatapos ang iyong mga kamay ay lalakas na lumusong sa kampamento. Nang magkagayo'y lumusong siyang kasama si Phara na kaniyang lingkod sa pinakahangganan ng mga lalaking may sakbat na nangasa kampamento.
11Midyanlıların söylediklerine kulak kabart. O zaman ordugahlarına saldırmaya cesaret bulursun.›› Böylece Gidyon uşağı Pura ile ordugahın yanına kadar sokuldu.
12At ang mga Madianita at ang mga Amalecita at ang lahat ng mga anak sa silanganan ay nalalatag sa libis na parang balang dahil sa karamihan; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang, na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan.
12Midyanlılar, Amalekliler ve öbür doğulu halklar çekirge sürüsü gibi vadiye yayılmışlardı. Kıyıların kumu kadar çok, sayısız develeri vardı.
13At nang dumating si Gedeon, narito, may isang lalake na nagsasaysay ng isang panaginip sa kaniyang kasama, at kaniyang sinabi, Nanaginip ako ng isang panaginip; at, narito, isang munting tinapay na sebada, ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian, at umabot sa tolda, at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak, at natiwarik, na ang tolda'y lumagpak.
13Gidyon ordugahın yanına vardığında, adamlardan biri arkadaşına gördüğü düşü anlatıyordu. ‹‹Bir düş gördüm›› diyordu, ‹‹Arpa unundan yapılmış bir somun ekmek, Midyan ordugahına doğru yuvarlanarak çadıra kadar geldi, çadıra çarpıp onu devirdi, altüst etti. Çadır yerle bir oldu.››
14At sumagot ang kaniyang kasama, at nagsabi, Ito'y hindi iba, kundi ang tabak ni Gedeon, na anak ni Joas, isang lalaking Israelita, na ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya.
14Adamın arkadaşı şöyle karşılık verdi: ‹‹Bu, İsrailli Yoaş oğlu Gidyonun kılıcından başka bir şey değildir. Tanrı Midyanı ve bütün ordugahı onun eline teslim edecek.››
15At nangyari, nang marinig ni Gedeon ang salaysay tungkol sa panaginip, at ang pagkapaliwanag niyaon, na siya'y sumamba; at siya'y bumalik sa kampamento ng Israel, at sinabi, Tumindig kayo; sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian.
15Gidyon düşü ve yorumunu duyunca Tanrıya tapındı. İsrail ordugahına döndü ve adamlarına, ‹‹Kalkın! RAB Midyan ordugahını elinize teslim etti›› dedi.
16At binahagi niya ang tatlong daang lalake ng tatlong pulutong, at kaniyang nilagyan ang mga kamay nilang lahat ng mga pakakak, at mga bangang walang laman at mga sulo sa loob ng mga banga.
16Sonra üç yüz adamını üç bölüğe ayırdı. Hepsine borular, boş testiler ve testilerin içinde yakılmak üzere çıralar verdi.
17At kaniyang sinabi sa kanila, Masdan ninyo ako, at inyong parisan: at, narito, pagka ako'y dumating sa pinakahuling bahagi ng kampamento, ay mangyayari, na kung anong aking gawin ay siya ninyong gagawin.
17Onlara, ‹‹Gözünüz bende olsun›› dedi, ‹‹Ben ne yaparsam siz de onu yapın. Ordugahın yanına vardığımda ne yaparsam siz de aynısını yapın.
18Pagka ako'y hihihip ng pakakak, ako at lahat na kasama ko, ay humihip nga naman kayo ng mga pakakak, sa buong palibot ng buong kampamento, at sabihin ninyo, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon.
18Ben ve yanımdakiler borularımızı çalınca, siz de ordugahın çevresinde durup borularınızı çalın ve, ‹RAB için ve Gidyon için!› diye bağırın.››
19Sa gayo'y si Gedeon, at ang isang daang lalake na kasama niya ay napasa pinakahuling bahagi ng kampamento sa pasimula ng pagbabantay sa hating gabi, ng halos kahahalili lamang ng bantay: at sila'y humihip ng mga pakakak, at kanilang binasag ang mga banga na nasa kanilang mga kamay.
19Gidyon ile yanındaki yüz kişi gece yarısından az önce, nöbetçi değişiminden hemen sonra ordugahın yanına vardılar; borularını çalmaya başlayıp ellerindeki testileri kırdılar.
20At hinipan ng tatlong pulutong ang mga pakakak, at binasag ang mga banga, at itinaas ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay, at ang mga pakakak sa kanilang kanang kamay na kanilang hinihipan, at sila'y naghiyawan, Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon.
20Üç bölük de borularını çalıp testileri kırdı. Çalacakları boruları sağ ellerinde, çıralarıysa sol ellerinde tutuyorlardı. ‹‹Yaşasın RABbin ve Gidyonun kılıcı!›› diye bağırdılar.
21At sila'y nangakatayo, bawa't isa, sa kaniyang dako sa palibot ng kampamento: at ang buong hukbo ay tumakbo; at sila'y sumigaw at pinatakas nila.
21Onlar ordugahın çevresinde dururken, ordugahtakilerin hepsi koşuşmaya, bağırıp kaçışmaya başladı.
22At hinipan nila ang tatlong daang pakakak at inilagay ng Panginoon ang tabak ng bawa't isa laban sa kaniyang kasama, at laban sa buong hukbo: at tumakas ang hukbo hanggang sa Beth-sitta sa dakong Cerera, hanggang sa hangganan ni Abelmehola, sa siping ng Tabbat.
22Üç yüz boru birden çalınca RAB ordugahtakilerin hepsini kılıçla birbirlerine saldırttı. Midyan ordusu Sereraya doğru, Beytşittaya, Tabbat yakınındaki Avel-Mehola sınırına dek kaçtı.
23At ang mga lalake ng Israel ay nagpipisan, ang sa Nephtali, at ang sa Aser, at sa buong Manases, at hinabol ang Madian.
23Naftali, Aşer ve bütün Manaşşeden çağrılan İsrailliler Midyanlıları kovalamaya başladılar.
24At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing maburol ng Ephraim, na sinasabi, Lusungin ninyo ang Madian, at agapan ninyo ang tubig, hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. Sa gayo'y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan, at inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan.
24Gidyon, Efrayimin dağlık bölgesine gönderdiği ulaklar aracılığıyla, ‹‹İnip Midyanlılara saldırın›› dedi, ‹‹Önlerini kesmek için Şeria Irmağının Beytbaraya kadar uzanan bölümünü tutun.›› Efrayimoğulları Şeria Irmağının Beytbaraya kadarki bölümünü ele geçirdiler.
25At kanilang hinuli ang dalawang prinsipe sa Madian, si Oreb at si Zeeb: at kanilang pinatay si Oreb sa batuhan ni Oreb at si Zeeb ay kanilang pinatay sa pisaan ng ubas ni Zeeb, at hinabol ang Madian: at kanilang dinala ang mga ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gedeon sa dako roon ng Jordan.
25Midyanlı iki önderi, Orev ile Zeev'i tutsak aldılar. Orev'i Orev Kayası'nda, Zeev'i ise Zeev'in üzüm sıkma çukurunda öldürerek Midyanlılar'ı kovalamaya devam ettiler. Orev'le Zeev'in kesik başlarını Şeria Irmağı'nın karşı yakasından Gidyon'a getirdiler.