Tagalog 1905

Ukranian: New Testament

Luke

12

1Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao, na ano pa't nagkakayapakan silasila, ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad, Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, na ito'y pagpapaimbabaw nga.
1Тим часом, як зібралась тьма народу, так що топтало одно одного, почав глаголати ученикам своїм: Перш усього остерегайтесь квасу Фарисейського, чи то лицемірства.
2Datapuwa't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman.
2Нїчого бо нема закритого, що не відкриєть ся, анї захованого, що не виявить ся.
3Kaya nga, ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid, ay ipagsisigawan sa mga bubungan.
3Тим, що ви потемки промовили, повидну чути муть; і що на ухо казали ви в коморах, проповідувати меть ся на домах.
4At sinasabi ko sa inyo mga kaibigan ko, Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa.
4Глаголю ж вам, другам моїм: Не лякайтесь тих, що вбивають тїло, а потім не можуть більш нічого заподїяти.
5Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan.
5Я яе покажу вам, кого лякатись: Лякайтесь того, хто, вбивши, власть має вкинути в пекло. Так, глаголю вам, того лякайтесь.
6Hindi baga ipinagbibili ang limang maya sa dalawang beles? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios.
6Хиба пятеро горобцїв не продають за два шаги? й один же з них не забутий перед Богом.
7Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.
7Тільки ж і волоссє на голові вашій усе полічене. Не лякайте ся ж оце: ви многих горобцїв дорожчі.
8At sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin naman siya ng Anak ng tao sa harap ng mga anghel ng Dios:
8Глаголю ж вам: Всякий, хто визнавати ме мене деред людьми, й Син чоловічий визнавати ме його перед ангелами Божими.
9Datapuwa't ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao, ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Dios.
9Хто ж відречеть ся мене перед людьми, того відречусь я перед ангелами Божими.
10Ang bawa't magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: nguni't ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.
10І всякий, хто скаже слово на Сина чоловічого, простить ся йому; хто ж на сьвятого Духа хулив, не простить ся.
11At pagka kayo'y dadalhin sa harap ng mga sinagoga, at sa mga pinuno, at sa mga may kapamahalaan, ay huwag kayong mangabalisa kung paano o ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin:
11Коли ж приведуть вас у школи, та до урядів, та до властей, не дбайте про те, як або чим боронити метесь, або що казати мете:
12Sapagka't ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin.
12бо сьвятий Дух учити ме вас тієї години, що треба говорити.
13At sinabi sa kaniya ng isa sa karamihan, Guro, iutos mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana.
13Каже ж Йому один з народу: Учителю, скажи братові моєму, щоб поділив ся зо мною наслїддєм.
14Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Lalake, sino ang gumawa sa aking hukom o tagapamahagi sa inyo?
14Він же рече йому: Чоловіче, хто настановив мене суддею або дїлителем над вами?
15At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.
15Рече ж до них: Остерегайтесь і бережітесь зажерливості; бо не в тім комусь життє його, щоб надто мати з достатків своїх.
16At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana:
16Сказав же приповість до них, глаголючи: В одного багатого чоловіка вродила добре земля;
17At iniisip niya sa sarili na sinasabi, Ano ang gagawin ko, sapagka't wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga?
17і думає він сам собі, говорячи: Що менї робити, що не маю куди звезти овощі мої?
18At sinabi niya, Ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pag-aari.
18І каже: От що зроблю: Розберу клунї мої та більші побудую, і звезу туди всі плоди мої і добро моє.
19At sasabihin ko sa aking kaluluwa, Kaluluwa, marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.
19І скажу душі моїй: Душе, маєш багацько добра, зложеного на лїта многі; спочивай, їж, пий, весели ся.
20Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?
20Рече ж йому Бог: Безумний, сієї ночі душу твою візьмуть у тебе; що ж надбав єси, кому буде?
21Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios.
21Оттак, хто скарбує для себе, а не в Бога багатіє.
22At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano ang inyong kakanin; kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin.
22Рече ж до учеників своїх: Тим глаголю вам: Не журіть ся душею вашою, що їсти мете, анї тілом, чим з'одягнетесь.
23Sapagka't ang buhay ay higit kay sa pagkain, at ang katawan kay sa damit.
23Душа більша їжі, а тїло одежі.
24Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon!
24Погляньте на круки: що не сїють і не жнуть; у них нї комори, нї клунї, а Бог годує їх; як же більше луччі ви птаства?
25At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?
25Хто ж з вас, журившись, може прибавити до зросту свого один локіть?
26Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit, bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay?
26Коли ж ви й найменьшого не можете, то чого про инше журитесь?
27Wariin ninyo ang mga lirio, kung paano silang nagsisilaki: hindi nangagpapagal, o nangagsusulid man; gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Kahit si Salomon man, sa buong kaluwalhatian niya, ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.
27Погляньте на лилії, як вони ростуть: не працюють і не прядуть; глаголю ж вам, що й Соломон у всїй славі своїй не з'одягав ся, як одна з сих.
28Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasan ay iginagatong sa kalan; gaano pa kaya kayo na di niya pararamtan, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya?
28Коли ж траву, що сьогоднї на полї, а завтра буде в піч вкинута, Бог так з'одягає; то як більше вас, маловіри?
29At huwag ninyong pagsikapan kung ano ang inyong kakanin, at kung ano ang inyong iinumin, o huwag man kayo'y mapagalinlangang pagiisip.
29І ви не шукайте що вам їсти, або що пити, й не несітесь (високо);
30Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga bansa sa sanglibutan: datapuwa't talastas ng inyong Ama na inyong kinakailangan ang mga bagay na ito.
30того бо всього народи сьвіту шукають; Отець же ваш знає, що треба вам сього.
31Gayon ma'y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito.
31Лучче шукайте царства Божого, а се все додасть ся вам.
32Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian.
32Не лякай ся, мале стадо: бо вподобалось Отцеві вашому дати вам царство.
33Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik, at kayo'y mangaglimos; magsigawa kayo sa ganang inyo ng mga supot na hindi nangaluluma, isang kayamanan sa langit na hindi nagkukulang, na doo'y hindi lumalapit ang magnanakaw, o naninira man ang tanga.
33Продавайте достатки ваші, і подавайте милостиню; робіть собі сакви, що не ветшають, скарб, що не вбавляєть ся на небесах, де злодій не приступає, анї міль не їсть.
34Sapagka't kung saan naroroon ang inyong kayamanan, ay doroon naman ang inyong puso.
34Де бо скарб ваш, там і серце ваше буде.
35Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang, at paningasan ang inyong mga ilawan;
35Нехай будуть поясницї ваші підперезані, і сьвітильники позасьвічувані,
36At magsitulad kayo sa mga taong nangaghihintay sa kanilang panginoon kung siya'y bumalik na galing sa kasalan; upang kung siya'y dumating at tumuktok, pagdaka'y mabuksan nila siya.
36і ви подобні людям, що дожидають пана свого, коли вертати меть ся з весілля, щоб, як прийде та постукає, зараз одчинити йому.
37Mapapalad yaong mga alipin na kung dumating ang panginoon ay maratnang nangagpupuyat: katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya'y magbibigkis sa sarili, at sila'y pauupuin sa dulang, at lalapit at sila'y paglilingkuran niya.
37Блаженні слуги ті, котрих, прийшовши пан, знайде їх пильнуючих; істино глаголю вам, що піддережеть ся та й посадовить їх за стіл, і, приступивши, послугувати ме їм.
38At kung siya'y dumating sa ikalawang pagpupuyat, o sa ikatlo, at masumpungan sila sa gayon, ay mapapalad ang mga aliping yaon.
38І коли прийде о другій сторожі, або о третій сторожі прийде, і знайде так, блаженні слуги ті.
39Datapuwa't talastasin ninyo ito na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, siya'y magpupuyat, at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay.
39Се ж знайте, що коли б знав господар, о которій годинї злодій прийде, пильнував би, й не дав би підкопати господи своєї.
40Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.
40Тим і ви будьте готові; бо, котрої години не думаєте, Син чоловічий прийде.
41At sinabi ni Pedro, Panginoon, sinasabi mo baga ang talinghagang ito sa amin, o sa lahat naman?
41Каже ж Йому Петр: Господи, чи до нас приповість сю глаголеш, чи до всїх?
42At sinabi ng Panginoon, Sino nga baga ang katiwalang tapat at matalino, na pagkakatiwalaan ng kaniyang panginoon ng kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng kanilang bahagi na pagkain sa kapanahunan?
42Рече ж Господь: Хто єсть вірний і розумний дворецький, що поставить його пан над челяддю своєю, видавати у пору визначену харч?
43Mapalad ang aliping yaon, na kung dumating ang kaniyang panginoon ay maratnang gayon ang ginagawa niya.
43Блажен слуга той, котрого, пан прийшовши, знайде, що робить так.
44Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari.
44По правдї глаголю вам, що над усїм достатком своїм поставить його.
45Datapuwa't kung sabihin ng aliping yaon sa kaniyang puso, Maluluwatan ang pagdating ng aking panginoon; at magpasimulang bugbugin ang mga aliping lalake at ang mga aliping babae, at kumain at uminom, at maglasing;
45Коли ж слуга той скаже в серцї своїм: Барить ся пан мій прийти, та й зачне бити рабів і рабинь, їсти, та пити, та впиватись,
46Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na di niya hinihintay, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga di tapat.
46прийде пан того слуги дня, котрого не сподїваєть ся, і години, котрої не знав, та й відлучить його, й долю його з невірними положить.
47At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami;
47Той же слуга, що знав волю пана свого, та й не приготовив ся, анї зробив по волї його, буде битий много.
48Datapuwa't ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya.
48Хто ж, не знавши, зробив достойне биття, буде битий мало. Від усякого бо, кому дано багато, багато вимагати меть ся від него; а кому прибавлено багато, більш спитаєть ся від него.
49Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na?
49Огонь прийшов я кинути на землю; і чого хочу? тільки щоб запалав уже.
50Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking kagipitan hanggang sa ito'y maganap?
50Хрещеннем же маю хреститись, і як мені важко, доки се скінчить ся!
51Inaakala baga ninyo na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:
51Чи думаєте, що впокій прийшов я дати на землї? Нї, глаголю вам, а роздїленне:
52Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.
52буде бо від нинї пятеро в одній хаті розділених, троє проти двох, і двоє проти трох.
53Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.
53Стане батько різно проти сина, а син проти батька; мати проти дочки, а дочка проти матери; свекруха проти невістки своєї, і невістка проти свекрухи своєї.
54At sinabi rin naman niya sa mga karamihan, Pagka nakikita ninyong bumangon sa kalunuran ang isang alapaap, ay agad ninyong sinasabi, Uulan; at gayon ang nangyayari.
54Рече ж і до народу: Як побачите хмару, що виступає від заходу, зараз кажете: Ливень буде, й буває так.
55At kung humihihip ang hanging timugan, ay sinasabi ninyo, Iinit na maigi; at ito'y nangyayari.
55А як вітер полуденний віє, кажете, що спека буде, й буває.
56Kayong mga mapagpaimbabaw! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit; datapuwa't bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito?
56Лицеміри, лице землї і неба вмієте пізнавати, часу ж сього як не розпізнаєте?
57At bakit naman hindi ninyo hatulan sa inyong sarili kung alin ang matuwid?
57Чом же й про себе не судите право?
58Sapagka't samantalang pumaparoon ka sa hukom na kasama mo ang iyong kaalit, ay sikapin mo sa daan na makaligtas ka sa kaniya; baka sakaling kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal at ipasok ka ng punong kawal sa bilangguan.
58Як бо йдеш із противником твоїм перед князя, то в дорозЇ дбай, щоб збутись його; щоб не потяг тебе до судді, а суддя не передав тебе слузі, а слуга не вкинув тебе в темницю.
59Sinasabi ko sa iyo, Hindi ka lalabas doon sa anomang paraan, hanggang sa mabayaran mo ang katapustapusang lepta.
59Глаголю тобі, не вийдеш звідтіля, доки й останнього мідяка не віддаси.