1At umalis siya doon; at napasa kaniyang sariling lupain; at nagsisunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad.
1І вийшовши звідтіля, прибув у свою країну; і йшли слідом за Ним ученики Його.
2At nang dumating ang sabbath, ay nagpasimulang magturo siya sa sinagoga: at marami sa nangakakarinig sa kaniya ay nangagtataka, na nangagsasabi, Saan nagkaroon ang taong ito ng mga bagay na ito? at, Anong karunungan ito na sa kaniya'y ibinigay, at anong kahulugan ng gayong mga makapangyarihang gawa na ginagawa ng kaniyang mga kamay?
2І, як настала субота, почав у школї навчати; й многі, слухаючи, дивувались, кажучи: Звідкіля се в Него? і що се за розум, даний Йому, що дива такі руками Його роблять ся?
3Hindi baga ito ang anluwagi, ang anak ni Maria, at kapatid ni Santiago, at ni Jose, at ni Judas, at ni Simon? at hindi baga nangaririto sa atin ang kaniyang mga kapatid na babae? At siya'y kinatitisuran nila.
3Хиба ж сей не тесля, син Мариї, брат Яковів, і Йосиїв, і Юдин, і Симонів? і хиба не тут між нами сестри Його? І поблазнились Ним.
4At sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propetang di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa gitna ng kaniyang sariling mga kamaganak, at sa kaniyang sariling bahay.
4Рече ж їм Ісус: Не єсть пророк без чести, хиба що в країні своїй, та в родині, і в домівці своїй.
5At hindi siya nakagawa doon ng anomang makapangyarihang gawa, liban sa ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa ilang mga maysakit, at pinagaling sila.
5І не міг там ніякого чуда зробити, тільки на деяких недужих положивши руки, сцїлив їх.
6At nanggigilalas siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga nayong nasa paligidligid.
6І дивувавсь недовірством їх. І ходив кругом по селах, навчаючи.
7At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa; at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu;
7І покликав дванайцятьох, та й почав їх посилати по двоє, і дав їм власть над духами нечистими;
8At ipinagbilin niya sa kanila na huwag silang magsipagbaon ng anoman sa paglakad, kundi tungkod lamang; kahit tinapay, kahit supot ng ulam, kahit salapi sa kanilang supot;
8і звелїв їм, щоб нічого не брали на дорогу, тільки одну палицю: ні торбини, нї хліба, ні у черес грошей,
9Datapuwa't gumamit ng mga sandalyas: at, huwag magsuot ng dalawang tunika.
9щоб обувались у постоли й не вдягались у дві одежині.
10At sinabi niya sa kanila, Saan man kayo magsipasok sa isang bahay, mangatira kayo roon hanggang sa kayo'y magsialis doon.
10І рече їм: Де б ви нї зайшли в яку господу, там пробувайте, аж поки вийдете звідтіля.
11At sa alin mang dakong hindi kayo tanggapin, at hindi kayo pakinggan, pagalis ninyo doo'y ipagpag ninyo ang alabok na nasa ilalim ng inyong talampakan bilang patotoo sa kanila.
11А хто не прийме вас, анї слухати ме вас, то, виходячи звідтіля, обтрусіть і порох із під ніг ваших, на сьвідкуванне їм. Істино глаголю вам: Одраднїще буде Содомові та Гоморі суднього дня, ніж городові тому.
12At sila'y nangagsialis, at nagsipangaral na mangagsisi ang mga tao.
12І вийшовши вони, проповідували, щоб каялись.
13At nangagpalabas ng maraming demonio, at nangagpahid ng langis sa maraming may-sakit, at pinagaling sila.
13І бісів багато виганяли, й намащували оливою багато недужих, і сцїляли.
14At narinig ng haring Herodes; sapagka't nabantog na ang pangalan niya; at sinabi niya, Si Juan na Mangbabautismo ay nagbangon sa mga patay, at kaya sumasa kaniya ang mga kapangyarihang ito.
14І дочувся цар Ірод (явне бо зробилось імя Його), і каже: Що Йоан Хреститель із мертвих устав, і того роблять ся чудеса від него.
15At sinasabi ng mga iba, Siya'y si Elias. At sinasabi ng mga iba, Siya'y propeta, na gaya ng ibang mga propeta.
15Инші казали, що се Ілия; инші ж казали, що се пророк або один з пророків.
16Datapuwa't nang marinig ni Herodes, ay sinabi, Si Juan na aking pinugutan ng ulo, siya'y nagbangon.
16Почувши ж Ірод, сказав: Що се Йоан, котрого я стяв, він устав з мертвих.
17Sapagka't si Herodes din ang nagsugo sa mga kawal at nagpahuli kay Juan, at nagpatanikala sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Filipo na kaniyang kapatid; sapagka't nagasawa siya sa kaniya.
17Сей бо Ірод, піславши, взяв Йоана, та й звязав його в темниці за Іродияду, жінку Филипа, брата свого; бо оженивсь із нею.
18Sapagka't sinabi ni Juan kay Herodes, Hindi matuwid sa iyo na iyong ariin ang asawa ng iyong kapatid.
18Сказав бо Иоан Іродові: Що не годить ся тобі мати жінку брата твого.
19At ipinagtanim siya ni Herodias, at hinahangad siyang patayin; at hindi niya magawa;
19Іродияда ж лютувала на него, й, хотіла його вбити, та не могла.
20Sapagka't natatakot si Herodes kay Juan palibhasa'y nalalamang siya'y lalaking matuwid at banal, at siya'y ipinagsanggalang niya. At kung siya'y pinakikinggan niya, ay natitilihan siyang mainam; at pinakikinggan niya siya na may galak.
20Ірод бо боявсь Иоана, знавши його, яко чоловіка праведного й сьвятого, то й беріг його й, слухаючи його, багато робив, і залюбки його слухав.
21At nang sumapit ang isang kaukulang araw, na kapanganakan niya, ay ipinaghanda ni Herodes ng isang hapunan ang kaniyang mga maginoo, at mga mataas na kapitan, at mga pangulong lalake sa Galilea;
21Як же настав день нагідний, кали Ірод на свої родини бенкет справив дукам своїм, та гетьманам, та значним Галилейським,
22At nang pumasok ang anak na babae ni Herodias ay sumayaw, at siya'y kinalugdan ni Herodes at ng mga kasalo niyang nakaupo sa dulang; at sinabi ng hari sa dalaga, Hingin mo sa akin ang maibigan mo, at ibibigay ko sa iyo.
22і як увійшла дочка тієї Іродияди, танцювала, й догодила Іродові, й, тим, що сиділи з ним, озвав ся цар до дївицї: Проси в мене, чого бажаєш, а дам тобі.
23At ipinanumpa niya sa kaniya, Ang anomang hingin mo sa akin ay ibibigay ko sa iyo, kahit ang kalahati ng aking kaharian.
23І поклявсь їй: Що, чого б у мене нї попросила, дам тобі, хочби й половину царства мого.
24At lumabas siya, at sinabi sa kaniyang ina, Ano ang aking hihingin? At sinabi niya, Ang ulo ni Juan ang Mangbabautismo.
24Вона ж, вийшовши, каже матері своїй: Чого просити? Та ж каже: Голови Йоана Хрестителя.
25At pagdaka'y pumasok siyang dalidali sa kinaroroonan ng hari, at humingi, na sinasabi, Ibig ko na ngayon din ang ibigay mo sa akin na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.
25І, ввійшовши зараз швидко до царя, просила, кажучи: Хочу, шоб менї дав зараз на блюді голову Йоана Хрестителя.
26At namanglaw na lubha ang hari; datapuwa't dahil sa kaniyang sumpa, at sa nangakaupo sa dulang, ay hindi niya itinanggi.
26І зажурившись вельми цар, та задля клятьби й задля тих, що з ним сиділи, не хотів їй відмовити.
27At pagdaka'y nagsugo ang hari sa isang kawal na kaniyang bantay, at ipinagutos na dalhin sa kaniya ang ulo niya: at yumaon siya at pinugutan siya ng ulo sa bilangguan,
27І зараз піславши цар ката, звелїв принести голову його; він же пійшовши, стяв його в темниці.
28At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga; at ibinigay ng dalaga sa kaniyang ina.
28І приніс голову його на блюдї, і дав її дівиці, а дївиця дала її матері своїй.
29At nang mabalitaan ng kaniyang mga alagad, ay nagsiparoon sila at binuhat ang kaniyang bangkay, at inilagay sa isang libingan.
29І, довідавшись ученики його, пійшли і взяли тіло його, та й положили його в гробі.
30At ang mga apostol ay nangagpisan kay Jesus; at isinaysay nila sa kaniya ang lahat ng mga bagay na kanilang ginawa, at ang lahat ng kanilang itinuro.
30І посходились апостоли до Ісуса, й сповістили Його про все, й що робили, й чого навчали.
31At sinabi niya sa kanila, Magsiparito kayo ng bukod sa isang dakong ilang, at mangagpahinga kayo ng kaunti. Sapagka't marami ang nangagpaparoo't parito, at sila'y hindi man lamang mangagkapanahon na magsikain.
31І рече до них: Ійдїть ви самі окроме в пусте місце, та відпочиньте трохи; було бо багато, що приходили й відходили, й навіть ніколи було їм їсти.
32At nagsiyaon silang nangasa daong at nangapasa isang dakong ilang at bukod.
32І поплили в пусте місце човном, окроме.
33At nangakita sila ng mga tao sa pagalis, at sila'y nangakilala ng marami at paraparang nagsisitakbo na nagsiparoon doon mula sa lahat ng mga bayan, at nangaunang nagsirating pa kay sa kanila.
33І бачив їх народ, як відчалювали, й пізнали Його многі, і збігались туди пішки з усіх городів, та й випередили їх, і посходились до Него.
34At lumabas siya at nakita ang lubhang maraming tao, at nahabag siya sa kanila, sapagka't sila'y gaya ng mga tupa na walang pastor: at siya'y nagpasimulang tinuruan sila ng maraming bagay.
34І вийшовши Ісус, побачив багато народу, й жалкував над ними, що були як вівці, не маючі пастиря, і почав навчати їх багато.
35At nang gumabi na, ay nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad, at nangagsabi, Ilang ang dakong ito, at gumagabi na;
35І як уже багато часу минуло, приступивши до Него ученики Його, кажуть: Що се пусте місце, і вже час пізний, -
36Payaunin mo sila, upang sila'y magsiparoon sa mga bayan at mga nayon sa palibotlibot nito, at mangagsibili ng anomang makakain.
36відпусти їх, щоб, пійшовши по околичнїх хуторах та селах, купили собі хлїба: не мають бо що їсти.
37Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kanila, Bigyan ninyo sila ng makakain. At sinabi nila sa kaniya, Magsisiyaon ba kami at magsisibili ng dalawang daang denariong tinapay, at ipakakain namin sa kanila?
37Він же, озвавшись, рече до них: Дайте ви їм їсти. І кажуть Йому: Хиба, пійшовши, купимо за двістї денариїв хлїба, й дамо їм їсти?
38At sinabi niya sa kanila, Ilang tinapay mayroon kayo? magsiparoon kayo at inyong tingnan. At nang mangaalaman nila, ay kanilang sinabi, Lima, at dalawang isda.
38Він же рече до них: Скільки хлїбів маєте? йдїть та подивіть ся. І, взнавши, кажуть: Пять, та дві рибі.
39At iniutos niya sa kanila na paupuin silang lahat na pulupulutong sa ibabaw ng damuhang sariwa.
39І звелів їм садовити всіх купа коло купи на зеленій траві,
40At sila'y nagsiupong hanayhanay, na tigsasangdaan, at tiglilimangpu.
40і посідали вони ряд коло ряду по сотням і по півсотням.
41At kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at pinagputolputol ang mga tinapay; at ibinigay niya sa mga alagad upang ihain nila sa kanila; at ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda.
41І, взявши пять хлїбів та дві рибі, й поглянувши на небо, благословив, і ламав хлїби, та й давав ученикам своїм, щоб клали перед ними; й дві рибі поділив усїм.
42At nagsikain silang lahat, at nangabusog.
42І їли всі, й наситились.
43At kanilang pinulot ang mga pinagputolputol, labingdalawang bakol na puno ng tinapay at mga isda naman.
43І набрали окрушин дванайцять повних кошів, та й із риб.
44At ang nagsikain ng mga tinapay ay limang libong lalake.
44А тих, що їли хлїби, було з пять тисяч чоловіка.
45At pagdaka'y pinalulan niya sa daong ang kaniyang mga alagad, at pinauna sa kaniya sa kabilang ibayo, sa Betsaida, samantalang pinayayaon niya ang karamihan.
45І зараз примусив учеників своїх увійти в човен, та плисти на той бік попереду 'д Витсаїдї, поки сам одпустить народ.
46At pagkatapos na mapagpaalam niya sila, ay naparoon siya sa bundok upang manalangin.
46І, відпустивши їх, пійшов на гору молитись.
47At nang dumating ang gabi, ang daong ay nasa gitna ng dagat, at siya'y nagiisa sa lupa.
47І як настав вечір, був човен серед моря, а він один на землі.
48At pagkakita sa kanila na totoong nangalulumbay sa paggaod, sapagka't sinasalunga sila ng hangin, at malapit na ang ikaapat na pagpupuyat sa gabi ay naparoon siya sa kanila, na lumalakad sa ibabaw ng dagat; at ibig silang lagpasan:
48І бачив, як вони силкувались, веслуючи; був бо вітер противний їм; і коло четвертої сторожи ночі приходить до них, ідучи по морю, і хотів минути їх.
49Datapuwa't sila, nang makita nilang siya'y lumalakad sa ibabaw ng dagat, ay inakala nilang siya'y isang multo, at nangagsisigaw;
49Вони ж, бачивши Його, що ходить по морю, думали, що се мара, та й закричали:
50Sapagka't nakita siya nilang lahat, at nangagulumihanan. Datapuwa't pagdaka'y nagsalita siya sa kanila, at sa kanila'y sinabi, Laksan ninyo ang inyong loob: ako nga; huwag kayong mangatakot.
50всі бо Його бачили, й потрівожились. І зараз заговорив до них, і рече їм: Бодріть ся; се я; не лякайтесь.
51At pinanhik niya sila sa daong; at humimpil ang hangin: at sila'y nanganggilalas ng di kawasa sa kanilang sarili;
51І ввійшов до них у човен; і втих вітер, і вельми, над міру здумілись у собі, і дивувались.
52Palibhasa'y hindi pa nila natatalastas yaong tungkol sa mga tinapay, dahil sa ang kanilang puso'y pinatigas.
52Не зрозуміли бо про хлїби: було бо серце їх засліплене.
53At nang mangakatawid na sila, ay narating nila ang lupa ng Genezaret, at nagsisadsad sa daungan.
53І, перепливши, прибули в землю Генисарецьку, й причалили.
54At paglunsad nila sa daong, pagdaka'y nakilala siya ng mga tao,
54І як вийшли вони з човна, зараз, пізнавши Його,
55At nang malibot nilang nagtutumulin ang buong lupaing yaon, at nagpasimulang dalhin sa kaniya ang mga may-sakit na nasa kanilang higaan, saan man nila marinig na naroon siya.
55кинулись по всій тій околиці, та й почади приносити на ношах тих, що нездужали, як почули, що Він там єсть.
56At saan man siya pumasok, sa mga nayon, o sa mga bayan o sa mga bukid, ay inilalagay nila sa mga liwasan ang mga may-sakit, at ipinamamanhik sa kaniya na ipahipo man lamang sa kanila ang laylayan ng kaniyang damit: at ang lahat ng nagsihipo sa kaniya ay pawang nagsigaling.
56І куди нї приходив Він, у села, чи городи, чи хутори, на майданах клали недужих, і благали Його, щоб їм хоч до краю одежі Його приторкнутись, і хто тільки доторкнувсь Його, спасав ся.