1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit, na may dakilang kapamahalaan; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian.
1А після сього бачив я ангела, що сходив з неба, що мав велику власть; а земля осьвітилась від слави його.
2At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.
2І покликнув сильно голосом великим, глаголючи: Упав, упав Вавилон, велика і став домівкою бісам і сховиском всякому духові нечистому, і сховиском всякій птиці нечистій і огидній.
3Sapagka't dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan.
3Бо пристрасним вином блудодїяння свого напоїла всі народи, і царі земні блудили з нею, і купці земні з превеликої розкоші її збагатїли.
4At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Mangagsilabas kayo sa kaniya, bayan ko, upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan, at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot:
4І чув я инший голос з неба, що глаголав: Вийди з неї, народе мій, щоб не мати вам спілки в гріхах її, і щоб не приняти вам пораз її.
5Sapagka't ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan.
5Дійшли бо гріхи її аж до неба, і згадав Бог про неправди її.
6Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
6Віддайте їй, яко ж вона віддавала вам; і подвоїть їй у двоє по дїлам її; і в чаші, в котрій вона мішала, мішайте їй у двоє.
7Kung gaano ang pagkakapagmapuri, at pagkapamuhay na malayaw, ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa: sapagka't sinasabi niya sa kaniyang puso, Ako'y nakaupong reina, at hindi ako bao, at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa.
7Скільки вона себе славила, і розкошувала, стільки завдайте їй муки і смутку. Бо в серцї своїм говорить вона: Сиджу царицею, і я не вдова, і смутку не побачу.
8Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
8Тим то прийдуть одного дня порази її: смерть і смуток і голод; і буде огнем спалена; сильний бо Господь Бог, що судить Її,
9At ang mga hari sa lupa, na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya, ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya, pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog,
9І заплачуть і заголосять по нїй царі земні, що з нею блудили й розкошували, коли побачять дим пожару їі,
10At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
10оддалеки стоячи задля страху перед мукою її, говорячи: Горе, горе (тобі,) великий городе, Вавилоне, городе кріпкий, одної бо години настиг суд твій!
11At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya, sapagka't wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal;
11І купці земні заплачуть, і засумують по нїй; товару бо їх нїхто вже не купить,
12Ng kalakal na ginto at pilak, at mahalagang bato, at mga perlas, at mainam na lino, at kayong kulay ube, at sutla, at kayong pula; at sarisaring mababangong kahoy, at bawa't kasangkapang garing, at bawa't kasangkapang mahalagang kahoy, at tanso, at bakal, at marmol;
12товару: золота, і срібла, і каміння дорогого, і перед, і виссону, і ба-гряницї, і шовку, і кармазину, і всякого дерева пахучого, і всякого посуду з кости слоневої, і всякого посуду з дерева дорогого, і з мідї, і з желїза, і з мрамора;
13At kanela, at especias, at incienso, at ungguento, at kamangyan, at alak, at langis, at mainam na harina, at trigo, at mga baka, at mga tupa; at kalakal na mga kabayo at mga karo, at mga alipin; at mga kaluluwa ng mga tao.
13і цинамону, і пахощів, і мира, і ладану, і вина, і оливи, і муки, і пшениці, і скоту, і овець, і коней, і возів, і тіл, і душ людських.
14At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo, at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo, at hindi na mangasusumpungan pa.
14І овощі, бажання душі твоєї, відійшли від тебе, і все, що тучне і сьвітле, відійшло від тебе, і вже більш не знайдеш того.
15Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito, na nangagsiyaman dahil sa kaniya, ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nagsisiiyak at nagsisipagluksa;
15Купцї сього всего, котрі збагатїли з неї, оддалеки стануть із страху перед мукою її, і будуть плакати, та сумувати,
16Na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, niyaong dakilang bayan, siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube, at pula, at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas!
16та казати: Горе, горе (тобі), городе великий, з'одягнений у виссон, і багряницю, та кармазин, та озолочений золотом, і в каміннях дорогих, та перлах.
17Sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan. At bawa't pinunong daong, at bawa't naglalayag saan mang dako, at ang mga mangdaragat, at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat, ay nangakatayo sa malayo,
17Одної бо години спустошене таке багацтво. І всякий керманич, і ввесь народ, що в кораблях, і корабельники і всї, що на морі орудують, стояли оддалеки,
18At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog, na nangagsasabi, Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan?
18і покликували, дивлячись на дим пожару його, і казали: которий подібний городу великому?
19At sila'y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo, at nagsisigawan, na nagiiyakan at nagtataghuyan, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba, ang dakilang bayan, na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan! sapagka't sa loob ng isang oras ay nalipol.
19І посипали попелом голови свої, і кликали плачучи, та сумуючи, й казали: Горе, горе (тобі), городе великий, в котрому забогатїли всї, що мають кораблї на морі, багацтвом твоїм; одної бо години спустошений!
20Magalak ka tungkol sa kaniya, Oh langit, at kayong mga banal, at kayong mga apostol, at kayong mga propeta; sapagka't inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya.
20Веселись над ним, небо і сьвяті апостоли і пророки; Бог бо суд ваш судив над нею.
21At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato, na gaya ng isang malaking gilingang bato, at inihagis sa dagat, na sinasabi, Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog, igigiba ang Babilonia, ang dakilang bayan, at hindi na masusumpungan pa.
21І підняв один сильний ангел каменя, наче млинового, великого, і кинув у море, глаголючи: 3 таким розгоном буде кинутий Вавилон, великий город, і вже більш його не знайдуть.
22At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa, at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta, at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo;
22І голосу кобзарів, і сьпіваків, і сопільників, і трубачів вже не буде більш чути у тобі, і вже жоден іскусник від жодного іскуства не знайдеть ся у тебе, й голосу млинового каменя не буде вже чути у тебе,
23At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo, at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo; sapagka't ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa; sapagka't dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa.
23і сьвітло сьвічника вже не засьвітить у тебе, й голосу жениха й невісти не буде вже чути у тебе; твої бо купці були вельможі земні, і твоїми чарами зведені всї народи.
24At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta, at ng mga banal, at ng lahat ng mga pinatay sa lupa.
24І в ньому знайдена кров пророків і сьвятих, і всїх вбитих на землї.