1Nang magkagayo'y naparoon si David sa Nob kay Ahimelech na saserdote: at sinalubong si David ni Ahimelech na nanginginig, at sinabi sa kaniya, Bakit ka nagiisa, at walang taong kasama ka?
1Then came David to Nob to Ahimelech the priest. Ahimelech came to meet David trembling, and said to him, “Why are you alone, and no man with you?”
2At si David ay nagsabi kay Ahimelech na saserdote, Inutusan ako ng hari ng isang bagay, at sinabi sa akin, Huwag maalaman ng sinoman ang bagay na aking isinusugo sa iyo, at ang aking iniutos sa iyo: at aking inilagay ang mga bataan sa gayo't gayong dako.
2David said to Ahimelech the priest, “The king has commanded me a business, and has said to me, ‘Let no man know anything of the business about which I send you, and what I have commanded you; and I have appointed the young men to such and such a place.’
3Ngayon nga anong mayroon ka sa iyong kamay? Bigyan mo ako ng limang tinapay sa aking kamay, o anomang mayroon ka.
3Now therefore what is under your hand? Give me five loaves of bread in my hand, or whatever there is present.”
4At sumagot ang saserdote kay David, at nagsabi, Walang karaniwang tinapay sa aking kamay, nguni't mayroong banal na tinapay; kung disin ang mga bataan ay magpakalayo lamang sa mga babae.
4The priest answered David, and said, “There is no common bread under my hand, but there is holy bread; if only the young men have kept themselves from women.”
5At sumagot si David sa saserdote, at nagsabi sa kaniya, Sa katotohanan ang mga babae ay nalayo sa amin humigit kumulang sa tatlong araw na ito; nang ako'y lumabas ang mga daladalahan ng mga bataan ay banal, bagaman isang karaniwang paglalakad; gaano pa kaya kabanal ngayon ang kanilang mga daladalahan?
5David answered the priest, and said to him, “Truly, women have been kept from us about these three days. When I came out, the vessels of the young men were holy, though it was but a common journey. How much more then today shall their vessels be holy?”
6Sa gayo'y binigyan siya ng saserdote ng banal na tinapay: sapagka't walang tinapay roon, kundi tinapay na handog, na kinuha sa harap ng Panginoon, upang lagyan ng tinapay na mainit sa araw ng pagkuha.
6So the priest gave him holy bread; for there was no bread there but the show bread, that was taken from before Yahweh, to put hot bread in the day when it was taken away.
7Isang lalake nga sa mga lingkod ni Saul ay naroon nang araw na yaon, na pinigil sa harap ng Panginoon: at ang kaniyang pangalan ay Doeg na Idumeo, na pinakapuno ng mga pastor na nauukol kay Saul.
7Now a certain man of the servants of Saul was there that day, detained before Yahweh; and his name was Doeg the Edomite, the best of the herdsmen who belonged to Saul.
8At sinabi ni David kay Ahimelech, At wala ka ba sa iyong kamay na sibat o tabak? sapagka't hindi ko nadala kahit ang aking tabak o ang aking mga sandata man, dahil sa ang bagay ng hari ay madalian.
8David said to Ahimelech, “Isn’t there here under your hand spear or sword? For I have neither brought my sword nor my weapons with me, because the king’s business required haste.”
9At sinabi ng saserdote, Ang tabak ni Goliath na Filisteo, na iyong pinatay sa libis ng Ela, narito, nabibilot sa isang kayo na nasa likod ng epod: kung iyong kukunin yaon, kunin mo: sapagka't walang iba rito liban yaon. At sinabi ni David, Walang ibang gaya niyaon; ibigay mo sa akin.
9The priest said, “The sword of Goliath the Philistine, whom you killed in the valley of Elah, behold, it is here wrapped in a cloth behind the ephod. If you will take that, take it; for there is no other except that here.” David said, “There is none like that. Give it to me.”
10At tumindig si David, at tumakas nang araw na yaon dahil sa takot kay Saul, at naparoon kay Achis na hari sa Gath.
10David arose, and fled that day for fear of Saul, and went to Achish the king of Gath.
11At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya, Hindi ba ito'y si David na hari sa lupain? Hindi ba pinagaawitanan siya sa mga sayaw, na sinasabi, Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo, At ni David ang kaniyang laksalaksa?
11The servants of Achish said to him, “Isn’t this David the king of the land? Didn’t they sing one to another about him in dances, saying, ‘Saul has slain his thousands, David his ten thousands?’”
12At iningatan ni David ang mga salitang ito sa kaniyang puso, at natakot na mainam kay Achis na hari sa Gath.
12David laid up these words in his heart, and was very afraid of Achish the king of Gath.
13At kaniyang binago ang kaniyang kilos sa harap nila at nagpakunwaring ulol sa kanilang mga kamay, at nagguhit sa mga pinto ng pintuang-daan, at pinatulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas.
13He changed his behavior before them, and pretended to be mad in their hands, and scrabbled on the doors of the gate, and let his spittle fall down on his beard.
14Nang magkagayo'y sinabi ni Achis sa kaniyang mga lingkod, Narito, tingnan ninyo ang lalake ay ulol: bakit nga ninyo dinala siya sa akin?
14Then Achish said to his servants, “Look, you see the man is mad. Why then have you brought him to me?
15Kulang ba ako ng mga ulol, na inyong dinala ang taong ito upang maglaro ng kaululan sa aking harapan? papasok ba ang taong ito sa aking bahay?
15Do I lack madmen, that you have brought this fellow to play the madman in my presence? Shall this fellow come into my house?”