Tagalog 1905

World English Bible

Genesis

8

1At naalaala ng Dios si Noe, at ang lahat ng may buhay, at ang lahat ng hayop na kasama niya sa sasakyan: at nagpahihip ang Dios ng isang hangin sa ibabaw ng lupa, at humupa ang tubig;
1God remembered Noah, all the animals, and all the livestock that were with him in the ship; and God made a wind to pass over the earth. The waters subsided.
2Natakpan din ang mga bukal ng kalaliman at ang mga dungawan ng langit, at napigil ang ulan sa langit;
2The deep’s fountains and the sky’s windows were also stopped, and the rain from the sky was restrained.
3At humupang patuloy ang tubig sa lupa; at kumati ang tubig pagkaraan ng isang daan at limang pung araw.
3The waters receded from the earth continually. After the end of one hundred fifty days the waters decreased.
4At sumadsad ang sasakyan nang ikapitong buwan, nang ikalabing pitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat.
4The ship rested in the seventh month, on the seventeenth day of the month, on Ararat’s mountains.
5At ang tubig ay nagpatuloy ng paghupa hanggang sa ikasangpung buwan: nang ikasangpung buwan, nang unang araw ng buwan, ay nakita ang mga taluktok ng mga bundok.
5The waters receded continually until the tenth month. In the tenth month, on the first day of the month, the tops of the mountains were seen.
6At nangyari, pagkaraan ng apat na pung araw, na binuksan ni Noe ang dungawan ng sasakyan na kaniyang ginawa:
6It happened at the end of forty days, that Noah opened the window of the ship which he had made,
7At siya'y nagpalipad ng isang uwak, at ito'y nagparoo't parito hanggang sa natuyo ang tubig sa lupa.
7and he sent out a raven. It went back and forth, until the waters were dried up from the earth.
8At nagpalipad siya ng isang kalapati, upang tingnan kung humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa.
8He sent out a dove from him, to see if the waters were abated from the surface of the ground,
9Datapuwa't hindi nakasumpong ang kalapati ng madapuan ng talampakan ng kaniyang paa, at nagbalik sa kaniya sa sasakyan, sapagka't ang tubig ay nangasa ibabaw pa ng buong lupa: at iniunat ang kaniyang kamay at hinawakan, at ipinasok niya sa sasakyan.
9but the dove found no place to rest her foot, and she returned to him into the ship; for the waters were on the surface of the whole earth. He put out his hand, and took her, and brought her to him into the ship.
10At naghintay pa ng muling pitong araw; at muling pinalipad ang kalapati sa labas ng sasakyan;
10He stayed yet another seven days; and again he sent the dove out of the ship.
11At ang kalapati ay nagbalik sa kaniya ng dakong hapon; at, narito't may dalang isang dahong sariwa ng olivo sa tuka: sa gayon ay naunawa ni Noe na humupa na ang tubig sa lupa.
11The dove came back to him at evening, and, behold, in her mouth was an olive leaf plucked off. So Noah knew that the waters were abated from the earth.
12At naghintay pang muli siya ng pitong araw; at pinalipad ang kalapati; at hindi na muling nagbalik pa sa kaniya.
12He stayed yet another seven days, and sent out the dove; and she didn’t return to him any more.
13At nangyari, nang taong ikaanim na raan at isa, nang unang buwan, nang unang araw ng buwan, ay natuyo ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inalis ni Noe ang takip ng sasakyan at tumanaw siya, at, narito't ang ibabaw ng lupa ay tuyo.
13It happened in the six hundred first year, in the first month, the first day of the month, the waters were dried up from the earth. Noah removed the covering of the ship, and looked. He saw that the surface of the ground was dried.
14At nang ikalawang buwan nang ikadalawang pu't pitong araw ng buwan, ay natuyo ang lupa.
14In the second month, on the twenty-seventh day of the month, the earth was dry.
15At nagsalita ang Dios kay Noe, na sinasabi,
15God spoke to Noah, saying,
16Lumunsad ka sa sasakyan, ikaw at ang iyong asawa, at ang iyong mga anak, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo.
16“Go out of the ship, you, and your wife, and your sons, and your sons’ wives with you.
17Ilabas mong kasama mo ang bawa't may buhay na kasama mo sa lahat ng laman, ang mga ibon, at ang mga hayop, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa; upang magsipanganak ng sagana sa lupa, at magpalaanakin, at mangagsidami sa ibabaw ng lupa.
17Bring out with you every living thing that is with you of all flesh, including birds, livestock, and every creeping thing that creeps on the earth, that they may breed abundantly in the earth, and be fruitful, and multiply on the earth.”
18At lumunsad si Noe, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak na kasama niya:
18Noah went out, with his sons, his wife, and his sons’ wives with him.
19Ang bawa't hayop, bawa't umuusad, at bawa't ibon, anomang gumagalaw sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikaniyang angkan ay nangagsilunsad sa sasakyan.
19Every animal, every creeping thing, and every bird, whatever moves on the earth, after their families, went out of the ship.
20At ipinagtayo ni Noe ng isang dambana ang Panginoon; at kumuha sa lahat na malinis na hayop, at sa lahat na malinis na ibon, at nagalay ng mga handog na susunugin sa ibabaw ng dambana.
20Noah built an altar to Yahweh, and took of every clean animal, and of every clean bird, and offered burnt offerings on the altar.
21At sinamyo ng Panginoon ang masarap na amoy; at nagsabi ang Panginoon sa sarili, Hindi ko na muling susumpain ang lupa, dahil sa tao, sapagka't ang haka ng puso ng tao ay masama mula sa kaniyang pagkabata; ni hindi ko na muling lilipulin pa ang lahat na nabubuhay na gaya ng aking ginawa.
21Yahweh smelled the pleasant aroma. Yahweh said in his heart, “I will not again curse the ground any more for man’s sake, because the imagination of man’s heart is evil from his youth; neither will I ever again strike everything living, as I have done.
22Samantalang ang lupa ay lumalagi, ay hindi maglilikat ang paghahasik at pagaani, at ang lamig at init, at ang tagaraw at taginaw, at ang araw at gabi.
22While the earth remains, seed time and harvest, and cold and heat, and summer and winter, and day and night shall not cease.”