Tagalog 1905

World English Bible

Jeremiah

45

1Ang salita na sinalita ni Jeremias na propeta kay Baruch na anak ni Nerias, nang sulatin niya ang mga salitang ito sa isang aklat sa bibig ni Jeremias, nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda na nagsasabi:
1The message that Jeremiah the prophet spoke to Baruch the son of Neriah, when he wrote these words in a book at the mouth of Jeremiah, in the fourth year of Jehoiakim the son of Josiah, king of Judah, saying,
2Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa iyo, Oh Baruch:
2Thus says Yahweh, the God of Israel, to you, Baruch:
3Iyong sinabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang Panginoon ay nagdagdag ng kapanglawan sa aking sakit; ako'y pagod sa kaaangal, at wala akong kapahingahan.
3You said, Woe is me now! for Yahweh has added sorrow to my pain; I am weary with my groaning, and I find no rest.
4Ganito ang sasabihin mo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, na ang aking itinayo ay aking ibabagsak, at ang aking itinanim ay aking bubunutin; at ito'y sa buong lupain.
4You shall tell him, Thus says Yahweh: Behold, that which I have built will I break down, and that which I have planted I will pluck up; and this in the whole land.
5At ikaw baga ay humahanap ng mga dakilang bagay para sa iyong sarili? huwag mong hanapin; sapagka't, narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa lahat ng tao, sabi ng Panginoon; nguni't ang iyong buhay ay ibibigay ko sa iyo na pinakahuli sa lahat ng dakong iyong kapaparoonan.
5Do you seek great things for yourself? Don’t seek them; for, behold, I will bring evil on all flesh, says Yahweh; but your life will I give to you for a prey in all places where you go.