1At nangyari ng araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo, at mapahiran ng langis at mapaging banal, pati ng lahat ng kasangkapan niyaon, at ang dambana pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at mapahiran ng langis at mapaging banal;
1It happened on the day that Moses had finished setting up the tabernacle, and had anointed it and sanctified it, with all its furniture, and the altar with all its vessels, and had anointed and sanctified them;
2Na naghandog ang mga prinsipe sa Israel, ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. Ito ang mga prinsipe sa mga lipi, ito ang mga namamahala roon sa nangabilang:
2that the princes of Israel, the heads of their fathers’ houses, offered. These were the princes of the tribes. These are they who were over those who were numbered:
3At kanilang dinala ang kanilang alay sa harap ng Panginoon, anim na karitong may takip, at labing dalawang baka; isang kariton sa bawa't dalawa sa mga prinsipe, at sa bawa't isa'y isang baka: at kanilang iniharap sa harapan ng tabernakulo.
3and they brought their offering before Yahweh, six covered wagons, and twelve oxen; a wagon for every two of the princes, and for each one an ox: and they presented them before the tabernacle.
4At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
4Yahweh spoke to Moses, saying,
5Tanggapin mo sa kanila, upang sila'y gumawa ng paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay mo sa mga Levita, sa bawa't lalake ang ayon sa kanikaniyang paglilingkod.
5“Accept these from them, that they may be used in doing the service of the Tent of Meeting; and you shall give them to the Levites, to every man according to his service.”
6At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay sa mga Levita.
6Moses took the wagons and the oxen, and gave them to the Levites.
7Dalawang kariton at apat na baka ay ibinigay niya sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang paglilingkod:
7He gave two wagons and four oxen to the sons of Gershon, according to their service:
8At apat na kariton at walong baka ay kaniyang ibinigay sa mga anak ni Merari, ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.
8and he gave four wagons and eight oxen to the sons of Merari, according to their service, under the direction of Ithamar the son of Aaron the priest.
9Nguni't sa mga anak ni Coath ay walang ibinigay siya: sapagka't ang paglilingkod sa santuario ay nauukol sa kanila; kanilang pinapasan sa kanilang mga balikat.
9But to the sons of Kohath he gave none, because the service of the sanctuary belonged to them; they carried it on their shoulders.
10At ang mga prinsipe ay naghandog sa pagtatalaga sa dambana noong araw na pahiran ng langis, sa makatuwid baga'y ang mga prinsipe ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana.
10The princes gave offerings for the dedication of the altar in the day that it was anointed, even the princes gave their offerings before the altar.
11At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sila'y maghahandog ng kanilang alay, na bawa't prinsipe'y sa kaniyang kaarawan, sa pagtatalaga sa dambana.
11Yahweh said to Moses, “They shall offer their offering, each prince on his day, for the dedication of the altar.”
12At ang naghandog ng kaniyang alay nang unang araw ay si Naason na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda:
12He who offered his offering the first day was Nahshon the son of Amminadab, of the tribe of Judah,
13At ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
13and his offering was: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
14Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan,
14one golden ladle of ten shekels, full of incense;
15Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
15one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
16Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
16one male goat for a sin offering;
17At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Naason na anak ni Aminadab.
17and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Nahshon the son of Amminadab.
18Nang ikalawang araw, si Nathanael na anak ni Suar, na prinsipe ni Issachar ay naghandog:
18On the second day Nethanel the son of Zuar, prince of Issachar, gave his offering.
19Kaniyang inihandog na pinakaalay niya, ay isang pinggang pilak na ang bigat ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
19He offered for his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
20Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan;
20one golden ladle of ten shekels, full of incense;
21Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
21one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
22Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;
22one male goat for a sin offering;
23At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Nathanael na anak ni Suar.
23and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, five male lambs a year old. This was the offering of Nethanel the son of Zuar.
24Nang ikatlong araw ay si Eliab na anak ni Helon, na prinsipe sa mga anak ni Zabulon:
24On the third day Eliab the son of Helon, prince of the children of Zebulun
25Ang kaniyang alay, ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
25gave his offering: one silver platter, the weight of which was a hundred and thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
26Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
26one golden ladle of ten shekels, full of incense;
27Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
27one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
28Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;
28one male goat for a sin offering;
29At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.
29and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Eliab the son of Helon.
30Nang ikaapat na araw ay si Elisur na anak ni Sedeur, na prinsipe sa mga anak ni Ruben:
30On the fourth day Elizur the son of Shedeur, prince of the children of Reuben
31Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina.
31gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
32Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
32one golden ladle of ten shekels, full of incense;
33Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
33one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
34Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;
34one male goat for a sin offering;
35At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur.
35and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Elizur the son of Shedeur.
36Nang ikalimang araw ay si Selumiel na anak ni Zurisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Simeon:
36On the fifth day Shelumiel the son of Zurishaddai, prince of the children of Simeon
37Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
37gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
38Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan.
38one golden ladle of ten shekels, full of incense;
39Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
39one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
40Isang kambing na lalake, na handog dahil sa kasalanan;
40one male goat for a sin offering;
41At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai.
41and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old: this was the offering of Shelumiel the son of Zurishaddai.
42Nang ikaanim na araw ay si Eliasaph na anak ni Dehuel, na prinsipe sa mga anak ni Gad:
42On the sixth day, Eliasaph the son of Deuel, prince of the children of Gad
43Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
43gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
44Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
44one golden ladle of ten shekels, full of incense;
45Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
45one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
46Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
46one male goat for a sin offering;
47At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliasaph na anak ni Dehuel.
47and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Eliasaph the son of Deuel.
48Nang ikapitong araw ay si Elisama na anak ni Ammiud, na prinsipe sa mga anak ni Ephraim:
48On the seventh day Elishama the son of Ammihud, prince of the children of Ephraim
49Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
49gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
50Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
50one golden ladle of ten shekels, full of incense;
51Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon na handog na susunugin;
51one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
52Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
52one male goat for a sin offering;
53At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisama na anak ni Ammiud.
53and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Elishama the son of Ammihud.
54Nang ikawalong araw ay si Gamaliel na anak ni Pedasur, na prinsipe sa mga anak ni Manases:
54On the eighth day Gamaliel the son of Pedahzur, prince of the children of Manasseh
55Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
55gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
56Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
56one golden ladle of ten shekels, full of incense;
57Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
57one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
58Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
58one male goat for a sin offering;
59At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur.
59and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Gamaliel the son of Pedahzur.
60Nang ikasiyam na araw ay si Abidan, na anak ni Gedeon, na prinsipe sa mga anak ni Benjamin:
60On the ninth day Abidan the son of Gideoni, prince of the children of Benjamin
61Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
61gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
62Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
62one golden ladle of ten shekels, full of incense;
63Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
63one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
64Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
64one male goat for a sin offering;
65At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Abidan na anak ni Gedeon.
65and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Abidan the son of Gideoni.
66Nang ikasangpung araw ay si Ahiezer na anak ni Ammisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Dan:
66On the tenth day Ahiezer the son of Ammishaddai, prince of the children of Dan
67Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
67gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
68Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
68one golden ladle of ten shekels, full of incense;
69Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
69one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
70Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;
70one male goat for a sin offering;
71At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
71and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Ahiezer the son of Ammishaddai.
72Nang ikalabing isang araw ay si Pagiel na Anak ni Ocran, na prinsipe sa mga anak ni Aser:
72On the eleventh day Pagiel the son of Ochran, prince of the children of Asher
73Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
73gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
74Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
74one golden ladle of ten shekels, full of incense;
75Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
75one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
76Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;
76one male goat for a sin offering;
77At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, at limang kambing na lalake, at limang korderong lalake, ng unang taon: ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.
77and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Pagiel the son of Ochran.
78Nang ikalabing dalawang araw ay si Ahira na anak ni Enan, na prinsipe sa mga anak ni Nephtali:
78On the twelfth day Ahira the son of Enan, prince of the children of Naphtali
79Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;
79gave his offering: one silver platter, the weight of which was one hundred thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mixed with oil for a meal offering;
80Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;
80one golden spoon of ten shekels, full of incense;
81Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;
81one young bull, one ram, one male lamb a year old, for a burnt offering;
82Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;
82one male goat for a sin offering;
83At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.
83and for the sacrifice of peace offerings, two head of cattle, five rams, five male goats, and five male lambs a year old. This was the offering of Ahira the son of Enan.
84Ito ang pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel: labing dalawang pinggang pilak, labing dalawang mangkok na pilak, labing dalawang kutsarang ginto:
84This was the dedication of the altar, on the day when it was anointed, by the princes of Israel: twelve silver platters, twelve silver bowls, twelve golden ladles;
85Na bawa't pinggang pilak ay isang daan at tatlong pung siklo ang bigat, at bawa't mangkok ay pitong pu: lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apat na raang siklo, ayon sa siklo ng santuario;
85each silver platter weighing one hundred thirty shekels, and each bowl seventy; all the silver of the vessels two thousand four hundred shekels, after the shekel of the sanctuary;
86Ang labing dalawang kutsarang ginto, na puno ng kamangyan, na ang bigat ay sangpung siklo bawa't isa, ayon sa siklo ng santuario; lahat ng ginto ng mga kutsara, ay isang daan at dalawang pung siklo:
86the twelve golden ladles, full of incense, weighing ten shekels apiece, after the shekel of the sanctuary; all the gold of the ladles weighed one hundred twenty shekels;
87Lahat ng mga baka na handog na susunugin ay labing dalawang toro, ang mga tupang lalake ay labing dalawa, ang mga korderong lalake ng unang taon ay labing dalawa, at ang mga handog na harina niyaon; at ang mga kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ay labing dalawa:
87all the cattle for the burnt offering twelve bulls, the rams twelve, the male lambs a year old twelve, and their meal offering; and the male goats for a sin offering twelve;
88At lahat ng mga baka na pinaka-hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang pu't apat na toro, ang mga tupang lalake ay anim na pu, ang mga kambing na lalake ay anim na pu, ang mga korderong lalake ng unang taon ay anim na pu. Ito ang pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mapahiran ng langis.
88and all the cattle for the sacrifice of peace offerings twenty-four bulls, the rams sixty, the male goats sixty, the male lambs a year old sixty. This was the dedication of the altar, after it was anointed.
89At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, upang makipagsalitaan sa kaniya, ay narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya, mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang querubin: at siya'y nagsalita sa kaniya.
89When Moses went into the Tent of Meeting to speak with Yahweh, he heard his voice speaking to him from above the mercy seat that was on the ark of the Testimony, from between the two cherubim: and he spoke to him.