Tagalog 1905

World English Bible

Psalms

100

1Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain.
1Shout for joy to Yahweh, all you lands!
2Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.
2Serve Yahweh with gladness. Come before his presence with singing.
3Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.
3Know that Yahweh, he is God. It is he who has made us, and we are his. We are his people, and the sheep of his pasture.
4Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan.
4Enter into his gates with thanksgiving, into his courts with praise. Give thanks to him, and bless his name.
5Sapagka't ang Panginoon ay mabuti; ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man; at ang kaniyang pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi.
5For Yahweh is good. His loving kindness endures forever, his faithfulness to all generations.