1İsrail Kralı Yehunun krallığının yedinci yılında Yoaş Yahuda Kralı oldu. Yedi yaşında kral oldu ve Yeruşalimde kırk yıl krallık yaptı. Annesi Beer-Şevalı Sivyaydı.
1Nang ikapitong taon ni Jehu ay nagpasimulang maghari si Joas: at siya'y nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beerseba.
2Yoaş Kâhin Yehoyada yaşadığı sürece RABbin gözünde doğru olanı yaptı. Çünkü Kâhin Yehoyada ona yol gösteriyordu.
2At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, sa lahat ng kaniyang kaarawan na ipinagturo sa kaniya ni Joiada na saserdote.
3Ancak alışılagelen tapınma yerleri henüz kaldırılmamıştı ve halk oralarda hâlâ kurban kesip buhur yakıyordu. eklenmiştir.
3Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis: ang bayan ay nagpatuloy na naghain at nagsunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.
4Yoaş kâhinlere şöyle dedi: ‹‹RABbin Tapınağı için yapılan bağışları: Nüfus sayımından elde edilen geliri, kişi başına düşen vergiyi ve halkın gönüllü olarak RABbin Tapınağına sunduğu paraları toplayın.
4At sinabi ni Joas sa mga saserdote, Ang buong salapi ng mga bagay na itinalaga na napasok sa bahay ng Panginoon, na karaniwang salapi, na salapi na inihalaga sa mga pagkatao na hiniling sa bawa't isa, at ang buong salapi na nagudyok sa puso ng sinomang lalake na dalhin sa bahay ng Panginoon.
5Her kâhin bunları hazine görevlilerinden alsın. Tapınağın neresinde yıkık bir yer varsa, onarılsın.››
5Kunin ng mga saserdote, ng bawa't isa sa kaniyang kakilala: at kanilang huhusayin ang mga sira ng bahay saan man makakasumpong ng anomang sira.
6Yoaşın krallığının yirmi üçüncü yılında kâhinler tapınağı hâlâ onarmamışlardı.
6Nguni't nangyari, nang ikadalawangpu't tatlong taon ng haring si Joas, na hindi hinusay ng mga saserdote ang mga sira ng bahay.
7Bunun üzerine Kral Yoaş, Kâhin Yehoyada ile öbür kâhinleri çağırıp, ‹‹Neden RABbin Tapınağını onarmıyorsunuz?›› diye sordu, ‹‹Hazine görevlilerinden artık para almayın. Aldığınız paraları da RABbin Tapınağının onarımına devredin.››
7Nang magkagayo'y tinawag ng haring si Joas si Joiada na saserdote, at ang ibang mga saserdote, at sinabi sa kanila, Bakit hindi ninyo hinuhusay ang mga sira ng bahay? ngayon nga'y huwag na kayong magsikuha pa ng salapi sa inyong mga kakilala, kundi inyong ibigay para sa mga sira ng bahay.
8Böylece kâhinler halktan para toplamamayı ve tapınağın onarım işlerine karışmamayı kabul ettiler.
8At pinayagan ng mga saserdote na huwag na silang magsikuha pa ng salapi sa bayan, o husayin man ang mga sira ng bahay.
9Kâhin Yehoyada bir sandık aldı. Kapağına bir delik açıp sunağın yanına, RABbin Tapınağına girenlerin sağına yerleştirdi. Kapıda görevli kâhinler RABbin Tapınağına getirilen bütün paraları sandığa atıyorlardı.
9Nguni't si Joiada na saserdote ay kumuha ng isang kaban, at binutasan ang takip niyaon, at inilagay sa tabi ng dambana sa dakong kanan ng pumapasok sa bahay ng Panginoon: at isinilid doon ng mga saserdote na tagatanod-pinto ang buong salapi na dinala sa bahay ng Panginoon.
10Sandıkta çok para biriktiğini görünce kralın yazmanıyla başkâhin RABbin Tapınağına getirilen paraları sayıp torbalara koyarlardı.
10At nagkagayon, nang makita nila na maraming salapi sa kaban, na ang kalihim ng hari at ang dakilang saserdote ay sumampa, at kanilang isinilid sa mga supot at binilang ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.
11Sayılan paralar RABbin Tapınağındaki işlerin başında bulunan adamlara verilirdi. Onlar da paraları RABbin Tapınağında çalışan marangozlara, yapıcılara,
11At ibinigay nila ang salapi na tinimbang sa mga kamay nila na gumawa ng gawain, na siyang mga tagapangasiwa sa bahay ng Panginoon; at kanilang ibinayad sa mga anluwagi at sa mga manggagawa, na gumawa sa bahay ng Panginoon,
12duvarcılara, taşçılara öder, tapınağı onarmak için kereste ve yontma taş alımında kullanır ve onarım için gereken öbür malzemelere harcarlardı.
12At sa mga mangdadaras ng bato, at sa mga mananabas ng bato, at sa pagbili ng mga kahoy, at mga batong tabas upang husayin ang mga sira ng bahay ng Panginoon, at sa lahat sa magugugol sa bahay upang husayin.
13RABbin Tapınağında toplanan paralar, tapınak için gümüş tas, fitil maşaları, çanak, borazan, altın ya da gümüş eşya yapımında kullanılmadı.
13Nguni't walang ginawa para sa bahay ng Panginoon na mga tasang pilak, mga gunting, mga mangkok, mga pakakak, anomang mga kasangkapang ginto, o mga kasangkapang pilak, sa salapi na napasok sa bahay ng Panginoon:
14Bu para yalnız işçilere ödendi ve tapınağın onarımına harcandı.
14Sapagka't kanilang ibinigay yaon sa kanila na nagsigawa ng gawain, at ipinaghusay ng bahay ng Panginoon.
15Tapınakta çalışanlara para ödemekle görevli kişiler öyle dürüst insanlardı ki, onlara hesap bile sorulmazdı.
15Bukod dito'y hindi sila nangakikipagtuos sa mga lalake, na pinagabutan nila sa kamay ng salapi upang ibigay sa nagsisigawa ng gawain: sapagka't sila'y nagsisigawang may pagtatapat.
16Suç ve günah sunusu olarak verilen paralarsa RABbin Tapınağına getirilmezdi; bunlar kâhinlere aitti.
16Ang salaping handog dahil sa pagkakasala, at ang salaping handog dahil sa kasalanan, ay hindi ipinasok sa bahay ng Panginoon: yao'y sa mga saserdote nga.
17O sırada Aram Kralı Hazael, Gat Kentine saldırıp kenti ele geçirdi. Sonra Yeruşalime saldırmaya karar verdi.
17Nang magkagayo'y si Hazael na hari sa Siria ay umahon, at lumaban sa Gath, at sinakop yaon: at itinanaw ni Hazael ang kaniyang mukha upang umahon sa Jerusalem.
18Yahuda Kralı Yoaş, ataları olan öbür Yahuda krallarından Yehoşafatın, Yehoramın, Ahazyanın ve kendisinin RABbe adamış olduğu bütün kutsal armağanları, RABbin Tapınağında ve sarayın hazinelerinde bulunan bütün altınları Aram Kralı Hazaele gönderdi. Bunun üzerine Hazael Yeruşalime saldırmaktan vazgeçti.
18At kinuha ni Joas sa hari sa Juda ang lahat na bagay na itinalaga ni Josaphat, at ni Joram, at ni Ochozias, na kaniyang mga magulang, na mga hari sa Juda, at ang kaniyang mga itinalagang bagay, at ang lahat na ginto na masusumpungan sa mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, at ipinadala kay Hazael na hari sa Siria: at siya'y umalis sa Jerusalem.
19Yoaşın krallığı dönemindeki öteki olaylar ve bütün yaptıkları Yahuda krallarının tarihinde yazılıdır.
19Ang iba nga sa mga gawa ni Joas, at ang lahat niyang ginawa, di ba nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?
20Kral Yoaşın görevlileri düzen kurup onu Sillaya inen yolda, Beytmilloda öldürdüler.
20At ang kaniyang mga lingkod ay nagsibangon, at nagsipagbanta, at sinaktan si Joas sa bahay sa Millo, sa daan na palusong sa Silla.
21Yoaş'ı öldürenler, görevlilerinden Şimat oğlu Yozakar'la Şomer oğlu Yehozavat'tı. Yoaş Davut Kenti'nde atalarının yanına gömüldü. Yerine oğlu Amatsya kral oldu.
21Sapagka't sinaktan siya ni Josachar na anak ni Simaath, at ni Jozabad na anak ni Somer, na kaniyang mga lingkod, at siya'y namatay; at inilibing nila siya na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at naghari si Amasias na kaniyang anak na kahalili niya.