1‹‹ ‹Egemen RAB şöyle diyor: İç avlunun doğuya bakan kapısı altı çalışma günü kapalı, Şabat Günü ve Yeni Ay Günü ise açık kalacak.
1Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang pintuang-daan ng lalong loob na looban na nakaharap sa dakong silanganan ay sasarhan sa anim na araw na iginagawa; nguni't sa sabbath ay bubuksan, at sa kaarawan ng bagong buwan ay bubuksan.
2Önder dışarıdan eyvana girip kapı sövesinin yanında duracak. Kâhinler onun yakmalık ve esenlik sunularını sunacaklar. Önder kapı eşiğinde tapındıktan sonra çıkıp gidecek. Kapı akşama dek açık kalacak.
2At ang prinsipe ay papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan sa labas; at tatayo sa tabi ng haligi ng pintuang-daan; at maghahanda ang mga saserdote ng kaniyang handog na susunugin, at ng kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, at siya'y sasamba sa may pasukan ng pintuang-daan; kung magkagayo'y lalabas siya; nguni't ang pintuang-daan ay hindi sasarhan hanggang sa hapon.
3Şabat günleri ve Yeni Ay törenlerinde ülke halkı bu kapının girişinde RABbin önünde tapınacak.
3At ang bayan ng lupain ay sasamba sa may pintuan ng pintuang-daang yaon sa harap ng Panginoon sa mga sabbath at sa mga bagong buwan.
4Önder Şabat Günü RABbe sunacağı yakmalık sunu olarak kusursuz altı kuzu, bir koç sunacak.
4At ang handog na susunugin na ihahandog ng prinsipe sa Panginoon sa araw ng sabbath ay anim na batang tupa na walang kapintasan at isang lalaking tupang walang kapintasan;
5Koç için verilecek tahıl sunusu bir efa tahıl olacak, kuzular için verebileceği kadar tahıl sunusu sunabilir. Her efa tahıl için bir hin zeytinyağı verilecek.
5At ang handog na harina ay isang efa sa lalaking tupa, at ang handog na harina sa mga batang tupa ay ang kaniyang kayang ibigay, at isang hin ng langis sa isang efa.
6Yeni Ay Günü kusursuz bir boğa, altı kuzu ve bir koç sunacak.
6At sa kaarawan ng bagong buwan ay isang guyang toro na walang kapintasan, at anim na batang tupa at isang lalaking tupa; mga walang kapintasan:
7Boğa ve koç için tahıl sunusu olarak birer efa tahıl sağlayacak; kuzular için istediği kadar tahıl sağlayabilir. Her efa tahıl için bir hin zeytinyağı sağlayacak.
7At siya'y maghahanda ng handog na harina, isang efa sa toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ayon sa kaniyang kaya, at isang hin na langis sa isang efa.
8Önder içeri gireceği zaman eyvandan girecek ve aynı yoldan dışarı çıkacak.
8At pagka ang prinsipe ay papasok, siya'y papasok sa daan ng portiko ng pintuang-daan, at sa daan ding yaon siya lalabas.
9‹‹ ‹Ülke halkı bayramlarda RABbin önüne geldiğinde, tapınmak için Kuzey Kapısından giren Güney Kapısından çıkacak, Güney Kapısından giren Kuzey Kapısından çıkacak. Hiç kimse girdiği kapıdan çıkmayacak. Herkes girdiği kapının karşısındaki kapıdan çıkacak.
9Nguni't pagka ang bayan ng lupain ay haharap sa Panginoon sa mga takdang kapistahan, siyang pumapasok sa daan ng pintuang-daang hilagaan upang sumamba ay lalabas sa daan ng pintuang-daang timugan ay lalabas sa daan ng pintuang-daang hilagaan; hindi siya babalik sa daan ng pintuang-daan na kaniyang pinasukan, kundi lalabas na matuwid sa harap niya.
10Önder halkın arasında olacak. Halkla birlikte girecek, halkla birlikte çıkacak.
10At ang prinsipe, pagka sila'y magsisipasok, ay magsisipasok sa gitna ng mga yaon; at pagka sila'y magsisilabas ay magsisilabas na magkakasama.
11‹‹ ‹Bayramlarda ve kutsal günlerde boğa ve koç için tahıl sunusu olarak birer efa tahıl verecek; kuzular için verebileceği kadar tahıl sağlayabilir. Her efa tahıl için bir hin zeytinyağı verecek.
11At sa mga kapistahan at sa mga kadakilaan ay ang handog na harina ay magiging isang efa sa isang toro, at isang efa sa lalaking tupa, at sa mga batang tupa ay ang kayang ibigay niya, at isang hin ng langis sa isang efa.
12Önder RABbe gönülden verilen yakmalık sunular ya da esenlik sunuları sunacağı zaman doğuya bakan kapı kendisine açılacak. Yakmalık sunuları ya da esenlik sunularını Şabat Günü sunduğu gibi sunacak. Sonra dışarı çıkacak; o çıktıktan sonra kapı kapanacak.
12At pagka ang prinsipe ay maghahanda ng kusang handog, ng handog na susunugin o ng mga handog tungkol sa kapayapaan na pinakakusang handog sa Panginoon, may isang magbubukas sa kaniya ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan; at kaniyang ihahanda ang kaniyang handog na susunugin at ang kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan, gaya ng kaniyang ginagawa sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y lalabas siya; at pagkalabas niya ay sasarhan ng isa ang pintuang-daan.
13‹‹ ‹Her gün, her sabah yakmalık sunu olarak RABbe bir yaşında kusursuz bir kuzu sağlayacaksın.
13At ikaw ay maghahanda ng isang batang tupa ng unang taon na walang kapintasan na pinakahandog na susunugin sa Panginoon araw-araw: tuwing umaga ay maghahanda ka.
14Bununla birlikte her sabah tahıl sunusu olarak efanın altıda biri tahıl ve ince unu ıslatmak için bir hinin üçte biri kadar zeytinyağı sağlayacaksın. Bu tahıl sunusunun RABbe sunulması sürekli bir kural olacak.
14At iyong ihahandang handog na harina na kasama niyaon tuwing umaga, ang ikaanim na bahagi ng isang efa, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ng langis, upang basain ang mainam na harina; isang handog na harina na lagi sa Panginoon: na pinakalaging alituntunin.
15Böylece günlük yakmalık sunu olarak her sabah kuzu, tahıl sunusu ve zeytinyağı sunulacak.› ››
15Ganito nila ihahanda ang batang tupa at ang handog na harina, at ang langis, tuwing umaga, na pinakahandog na susunuging lagi.
16‹‹ ‹Egemen RAB şöyle diyor: Eğer önder oğullarından birine kendi mülkünden armağan ederse, bu mülk torunlarına da geçecek. Miras yoluyla bu onların mülkü olacak.
16Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Kung ang prinsipe ay magbigay ng kaloob sa kanino man sa kaniyang mga anak, ay magiging kaniyang mana, mauukol sa kaniyang mga anak; siyang kanilang pag-aari na pinakamana.
17Önder görevlilerinden birine kendi mülkünden armağan ederse, görevli toprak parçasını özgürlük yılına dek elinde tutacak. Sonra öndere geri verecek. Önderin mirası ancak oğullarına geçebilir, onların olacak.
17Nguni't kung ibigay niya ang kaniyang mana na pinakakaloob sa isa sa kaniyang mga alipin, magiging kaniya sa taon ng kalayaan; kung magkagayo'y mababalik sa prinsipe; nguni't tungkol sa kaniyang mana, magiging sa kaniyang mga anak.
18Önder halkı mülkünden kovarak miraslarından etmemeli. Oğullarına ancak kendi mülkünden miras verebilir. Öyle ki, halkımdan hiç kimse mülkünden ayrılıp dağılmasın.› ››
18Bukod dito'y hindi kukuha ang prinsipe ng mana ng bayan, na aalisin sa kanila ang kanilang pag-aari; siya'y magbibigay ng mana sa kaniyang mga anak na mula sa kaniyang sariling pag-aari, upang ang aking bayan ay huwag mangalat bawa't isa sa kaniyang pag-aari.
19Bundan sonra adam beni kapı yanındaki girişten kuzeye bakan, kâhinlere ait kutsal odalara getirdi. Bana batıda bir yer gösterdi.
19Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pasukan, na nasa tabi ng pintuang-daan, sa loob ng mga banal na silid na ukol sa mga saserdote, na nakaharap sa hilagaan: at, narito, may isang dako sa lalong loob na bahagi na dakong kalunuran.
20‹‹Kâhinlerin suç sunusuyla günah sunusunun etini haşlayacakları, tahıl sunusunu pişirecekleri yer burası›› dedi, ‹‹Öyle ki, bunları dış avluya çıkarıp kutsallıklarını halka geçirmesinler.››
20At sinabi niya sa akin, Ito ang dako na pagpapakuluan ng mga saserdote ng handog sa pagkakasala at ng handog dahil sa kasalanan, na siyang kanilang pagiihawan ng handog na harina; upang huwag nilang mailabas sa lalong labas na looban, upang banalin ang bayan.
21Daha sonra adam beni dış avluya çıkarıp sırayla avlunun dört köşesine götürdü. Avlunun her köşesinde küçük birer avlu olduğunu gördüm.
21Nang magkagayo'y inilabas niya ako sa labas ng looban ng bahay at pinaraan niya ako sa apat na sulok ng looban; at, narito, sa bawa't sulok ng looban ay may isang looban.
22Dış avlunun dört köşesinde kırk arşın uzunluğunda, otuz arşın genişliğinde birer kapalı avlu vardı. Köşelerdeki avluların ölçüsü aynıydı.
22Sa apat na sulok ng looban ay may mga looban na nababakod, apat na pung siko ang haba at tatlong pu ang luwang: ang apat na ito sa mga sulok ay may isang sukat.
23Dört avlunun çevresinde de taş duvar vardı; duvarın dibinde yemek pişirmek için yerler yapılmıştı.
23At may isang pader sa palibot ng mga yaon, sa palibot ng apat, at may ginawang pakuluang mga dako sa ilalim ng mga pader sa palibot.
24Bana, ‹‹Bunlar tapınakta hizmet edenlerin halkın sunduğu kurban etini pişirecekleri mutfaklar›› dedi.
24Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang mga dako na pakuluan na pagpapakuluan ng mga tagapangasiwa sa bahay ng hain ng bayan.