World English Bible

Tagalog 1905

1 Chronicles

10

1Now the Philistines fought against Israel: and the men of Israel fled from before the Philistines, and fell down slain on Mount Gilboa.
1Ang mga Filisteo nga ay nakipaglaban sa Israel: at ang mga lalake ng Israel ay nagsitakas sa harap ng mga Filisteo, at nangabuwal na patay sa bundok ng Gilboa.
2The Philistines followed hard after Saul and after his sons; and the Philistines killed Jonathan, and Abinadab, and Malchishua, the sons of Saul.
2At ang mga Filisteo ay nangagsisunod na mainam sa likuran ni Saul at ng kaniyang mga anak; at pinatay ng mga Filisteo si Jonathan, at si Abinadab, at si Malchi-sua, na mga anak ni Saul.
3The battle went hard against Saul, and the archers overtook him; and he was distressed by reason of the archers.
3At ang pagbabaka ay lumalang mainam laban kay Saul, at inabutan siya ng mga mamamana; at siya'y nahirapan dahil sa mga mamamana.
4Then Saul said to his armor bearer, “Draw your sword, and thrust me through with it, lest these uncircumcised come and abuse me.” But his armor bearer would not; for he was terrified. Therefore Saul took his sword, and fell on it.
4Nang magkagayo'y sinabi ni Saul sa kaniyang tagadala ng sandata: Bunutin mo ang iyong tabak, at iyong palagpasin sa akin; baka ang mga hindi tuling ito ay magsiparito at pahirapan ako. Nguni't hindi inibig ng kaniyang tagadala ng sandata; sapagka't siya'y totoong natakot. Kaya't kinuha ni Saul ang kaniyang tabak, at nagpatibuwal doon.
5When his armor bearer saw that Saul was dead, he likewise fell on his sword, and died.
5At nang makita ng kaniyang tagadala ng sandata na si Saul ay patay, siya nama'y nagpatibuwal sa kaniyang tabak, at namatay.
6So Saul died, and his three sons; and all his house died together.
6Gayon namatay si Saul, at ang kaniyang tatlong anak; at ang kaniyang buong sangbahayan ay namatay na magkakasama.
7When all the men of Israel who were in the valley saw that they fled, and that Saul and his sons were dead, they forsook their cities, and fled; and the Philistines came and lived in them.
7At nang makita ng lahat na lalake ng Israel na nangasa libis na sila'y nagsitakas, at si Saul at ang kaniyang mga anak ay patay, ay kanilang iniwan ang kanilang mga bayan at nagsitakas; at ang mga Filisteo ay nagsiparoon at nagsitahan sa mga yaon.
8It happened on the next day, when the Philistines came to strip the slain, that they found Saul and his sons fallen on Mount Gilboa.
8At nangyari nang kinaumagahan nang magsiparoon upang hubaran ng mga Filisteo ang nangapatay, na kanilang nasumpungan si Saul at ang kaniyang mga anak na buwal sa bundok ng Gilboa.
9They stripped him, and took his head, and his armor, and sent into the land of the Philistines all around, to carry the news to their idols, and to the people.
9At hinubaran nila siya at kinuha ang kaniyang ulo, at ang kaniyang sandata, at ipinadala sa lupain ng mga Filisteo sa palibot, upang ibalita sa kanilang mga diosdiosan, at sa bayan.
10They put his armor in the house of their gods, and fastened his head in the house of Dagon.
10At inilagay nila ang kaniyang sandata sa bahay ng kanilang mga dios, at ipinako ang kaniyang ulo sa bahay ni Dagon.
11When all Jabesh Gilead heard all that the Philistines had done to Saul,
11At nang mabalitaan ng buong Jabes-galaad ang buong ginawa ng mga Filisteo kay Saul,
12all the valiant men arose, and took away the body of Saul, and the bodies of his sons, and brought them to Jabesh, and buried their bones under the oak in Jabesh, and fasted seven days.
12Ang lahat na matapang na lalake ay nagsitindig, at kinuha ang bangkay ni Saul, at ang mga bangkay ng kaniyang mga anak, at dinala sa Jabes, at inilibing ang kanilang mga buto sa ilalim ng ensina sa Jabes, at nangagayunong pitong araw.
13So Saul died for his trespass which he committed against Yahweh, because of the word of Yahweh, which he didn’t keep; and also because he asked counsel of one who had a familiar spirit, to inquire,
13Sa gayo'y namatay si Saul dahil sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang nagawa laban sa Panginoon, dahil sa salita ng Panginoon na hindi niya iningatan; at dahil naman na siya'y nakipagsanggunian sa masamang espiritu, upang pagsiyasatan.
14and didn’t inquire of Yahweh: therefore he killed him, and turned the kingdom to David the son of Jesse.
14At hindi nagsiyasat sa Panginoon: kaya't pinatay niya siya, at inilipat ang kaharian kay David na anak ni Isai.