World English Bible

Tagalog 1905

Acts

14

1It happened in Iconium that they entered together into the synagogue of the Jews, and so spoke that a great multitude both of Jews and of Greeks believed.
1At nangyari sa Iconio na sila'y magkasamang nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio, at nangagsalita ng gayon na lamang na ano pa't nagsisampalataya ang lubhang marami sa mga Judio at sa mga Griego.
2But the disbelieving Jews stirred up and embittered the souls of the Gentiles against the brothers.
2Datapuwa't inudyukan ng mga Judiong suwail ang mga kaluluwa ng mga Gentil, at pinasama sila laban sa mga kapatid.
3Therefore they stayed there a long time, speaking boldly in the Lord, who testified to the word of his grace, granting signs and wonders to be done by their hands.
3Nagsitira nga sila doon ng mahabang panahon na nagsisipagsalita ng buong katapangan sa Panginoon, na nagpapatotoo sa salita ng kaniyang biyaya, na ipinagkakaloob na gawin ng kanilang mga kamay ang mga tanda at mga kababalaghan.
4But the multitude of the city was divided. Part sided with the Jews, and part with the apostles.
4Datapuwa't nagkabahabahagi ang karamihan sa bayan; at ang isang bahagi'y nakisama sa mga Judio, at ang ibang bahagi'y nakisama sa mga apostol.
5When some of both the Gentiles and the Jews, with their rulers, made a violent attempt to mistreat and stone them,
5At nang gawin ang pagdaluhong ng mga Gentil at ng mga Judio naman na kasama ang kanilang mga pinuno, upang sila'y halayin at batuhin,
6they became aware of it, and fled to the cities of Lycaonia, Lystra, Derbe, and the surrounding region.
6At sa pagkaalam nila nito, ay nagsitakas na patungo sa mga bayan ng Licaonia, Listra at Derbe, at sa palibotlibot ng lupain:
7There they preached the Good News.
7At doon nila ipinangaral ang evangelio.
8At Lystra a certain man sat, impotent in his feet, a cripple from his mother’s womb, who never had walked.
8At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.
9He was listening to Paul speaking, who, fastening eyes on him, and seeing that he had faith to be made whole,
9Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya upang mapagaling,
10said with a loud voice, “Stand upright on your feet!” He leaped up and walked.
10Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. At siya'y lumukso at lumakad.
11When the multitude saw what Paul had done, they lifted up their voice, saying in the language of Lycaonia, “The gods have come down to us in the likeness of men!”
11At nang makita ng karamihan ang ginawa ni Pablo, ay nagsigawan sila, na sinasabi sa wikang Licaonia, Ang mga dios ay nagsibaba sa atin sa anyo ng mga tao.
12They called Barnabas “Jupiter,” and Paul “Mercury,” because he was the chief speaker.
12At tinawag nilang Jupiter, si Bernabe; at Mercurio, si Pablo, sapagka't siya ang pangulong tagapagsalita.
13The priest of Jupiter, whose temple was in front of their city, brought oxen and garlands to the gates, and would have made a sacrifice along with the multitudes.
13At ang saserdote ni Jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan, ay nagdala ng mga baka't mga putong na bulaklak sa mga pintuang-daan, at ibig maghaing kasama ng mga karamihan.
14But when the apostles, Barnabas and Paul, heard of it, they tore their clothes, and sprang into the multitude, crying out,
14Datapuwa't nang marinig ito ng mga apostol, na si Bernabe at si Pablo, ay hinapak nila ang kanilang mga damit, at nagsipanakbo sa gitna ng karamihan, na nagsisigaw,
15“Men, why are you doing these things? We also are men of like passions with you, and bring you good news, that you should turn from these vain things to the living God, who made the sky and the earth and the sea, and all that is in them;
15At nagsisipagsabi, Mga ginoo, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? Kami'y mga tao ring may mga karamdamang gaya ninyo, at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo, upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay, na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat, at ng lahat ng nasa mga yaon:
16who in the generations gone by allowed all the nations to walk in their own ways.
16Na nang mga panahong nakaraan ay pinabayaan niya ang lahat ng mga bansa ay magsilakad sa kanilang mga sariling daan.
17Yet he didn’t leave himself without witness, in that he did good and gave you rains from the sky and fruitful seasons, filling our hearts with food and gladness.”
17At gayon man ay hindi nagpabayang di nagbigay patotoo, tungkol sa kaniyang sarili, na gumawa ng mabuti at nagbigay sa inyo ng ulang galing sa langit at ng mga panahong sagana, na pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at ng katuwaan.
18Even saying these things, they hardly stopped the multitudes from making a sacrifice to them.
18At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.
19But some Jews from Antioch and Iconium came there, and having persuaded the multitudes, they stoned Paul, and dragged him out of the city, supposing that he was dead.
19Datapuwa't nagsirating ang mga Judiong buhat sa Antioquia at Iconio: at nang mahikayat nila ang mga karamihan, ay kanilang pinagbabato si Pablo, at kinaladkad nila siya sa labas ng bayan, na inaakalang siya'y patay na.
20But as the disciples stood around him, he rose up, and entered into the city. On the next day he went out with Barnabas to Derbe.
20Datapuwa't samantalang ang mga alagad ay nangakatayo sa paligid niya, ay nagtindig siya, at pumasok sa bayan: at nang kinabukasa'y umalis siya na kasama ni Bernabe napasa Derbe.
21When they had preached the Good News to that city, and had made many disciples, they returned to Lystra, Iconium, and Antioch,
21At nang maipangaral na nila ang evangelio sa bayang yaon, at makahikayat ng maraming mga alagad, ay nagsibalik sila sa Listra at sa Iconio, at sa Antioquia,
22confirming the souls of the disciples, exhorting them to continue in the faith, and that through many afflictions we must enter into the Kingdom of God.
22Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.
23When they had appointed elders for them in every assembly, and had prayed with fasting, they commended them to the Lord, on whom they had believed.
23At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
24They passed through Pisidia, and came to Pamphylia.
24At kanilang tinahak ang Pisidia, at nagsiparoon sa Pamfilia.
25When they had spoken the word in Perga, they went down to Attalia.
25At nang masalita na nila ang salita sa Perga, ay nagsilusong sila sa Atalia;
26From there they sailed to Antioch, from where they had been committed to the grace of God for the work which they had fulfilled.
26At buhat doo'y nagsilayag sila sa Antioquia, na doo'y ipinagtagubilin sila sa biyaya ng Dios dahil sa gawang kanilang natapos na.
27When they had arrived, and had gathered the assembly together, they reported all the things that God had done with them, and that he had opened a door of faith to the nations.
27At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.
28They stayed there with the disciples for a long time.
28At nangatira silang hindi kakaunting panahon na kasama ng mga alagad.