World English Bible

Tagalog 1905

Amos

6

1Woe to those who are at ease in Zion, and to those who are secure on the mountain of Samaria, the notable men of the chief of the nations, to whom the house of Israel come!
1Sa aba nila na nangagwawalang bahala sa Sion, at nila na mga tiwasay sa bundok ng Samaria, na magigiting na lalake sa mga pangulong bansa, ng mga pinagsasadya ng sangbahayan ni Israel!
2Go to Calneh, and see; and from there go to Hamath the great; then go down to Gath of the Philistines. are they better than these kingdoms? or is their border greater than your border?
2Magsidaan kayo sa Calne, at inyong tingnan; at mula roon ay magsiparoon kayo sa Hamath na malaki; kung magkagayo'y magsibaba kayo sa Gath ng mga Filisteo: magaling baga sila kay sa mga kahariang ito? o malaki baga ang kanilang hangganan kay sa inyong hangganan?
3Those who put far away the evil day, and cause the seat of violence to come near;
3Kayong nangaglalayo ng masamang araw at nangagpapalit ng likmuan ng karahasan;
4Who lie on beds of ivory, and stretch themselves on their couches, and eat the lambs out of the flock, and the calves out of the midst of the stall;
4Na nangahihiga sa mga higaang garing, at nagsisiunat sa kanilang mga hiligan, at nagsisikain ng mga batang tupa na mula sa kawan, at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;
5who strum on the strings of a harp; who invent for themselves instruments of music, like David;
5Na nagsisiawit ng mga pagayongayong awit sa tinig ng biola; na nagsisikatha sa ganang kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;
6who drink wine in bowls, and anoint themselves with the best oils; but they are not grieved for the affliction of Joseph.
6Na nagsisiinom ng alak sa mga mankok, at nagsisipagpahid ng mga mainam na pabango; nguni't hindi nangahahapis sa pagdadalamhati ng Jose.
7Therefore they will now go captive with the first who go captive; and the feasting and lounging will end.
7Sila nga ngayo'y magsisiyaong bihag na kasama ng unang nagsiyaong bihag, at ang kasayahan nila na nagsisihiga ay mapaparam.
8“The Lord Yahweh has sworn by himself,” says Yahweh, the God of Armies: “I abhor the pride of Jacob, and detest his fortresses. Therefore I will deliver up the city with all that is in it.
8Ang Panginoong Dios ay sumumpa sa kaniyang sarili, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo: Aking kinayayamutan ang karilagan ng Jacob, at aking kinapopootan ang kaniyang mga palacio; kaya't aking ibibigay ang bayan sangpu ng lahat na nandoon.
9It will happen, if there remain ten men in one house, that they shall die.
9At mangyayari, kung may matirang sangpung tao sa isang bahay, na pawang mangamamatay.
10“When a man’s relative carries him, even he who burns him, to bring bodies out of the house, and asks him who is in the innermost parts of the house, ‘Is there yet any with you?’ And he says, ‘No;’ then he will say, ‘Hush! Indeed we must not mention the name of Yahweh.’
10At pagka itataas siya ng amain, sa makatuwid baga'y ng sumusunog sa kaniya, upang ilabas ang mga buto sa bahay, at sasabihin doon sa nasa pinakaloob ng bahagi ng bahay, May kasama ka pa bagang sinoman? at kaniyang sasabihin: Wala; kung magkagayo'y kaniyang sasabihin: Tumahimik ka; sapagka't hindi natin mababanggit ang pangalan ng Panginoon.
11“For, behold, Yahweh commands, and the great house will be smashed to pieces, and the little house into bits.
11Sapagka't narito, naguutos ang Panginoon, at ang malaking bahay ay magkakasira, at ang munting bahay ay magkakabutas.
12Do horses run on the rocky crags? Does one plow there with oxen? But you have turned justice into poison, and the fruit of righteousness into bitterness;
12Tatakbo baga ang mga kabayo sa malaking bato? magaararo baga roon ang sino man sa pamamagitan ng mga toro? inyo ngang ginagawang kapaitan ang katarungan, at ajenjo ang bunga ng katuwiran,
13you who rejoice in a thing of nothing, who say, ‘Haven’t we taken for ourselves horns by our own strength?’
13Kayong nangagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan na nangagsasabi; Di baga kami ay nagtaglay para sa amin ng mga sungay sa pamamagitan ng aming sariling kalakasan?
14For, behold, I will raise up against you a nation, house of Israel,” says Yahweh, the God of Armies; “and they will afflict you from the entrance of Hamath to the brook of the Arabah.”
14Sapagka't, narito, aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo; at kanilang pagdadalamhatiin kayo mula sa pasukan sa Hamath hanggang sa batis ng Araba.