1But it happened after a while, in the time of wheat harvest, that Samson visited his wife with a young goat; and he said, “I will go in to my wife into the room.” But her father wouldn’t allow him to go in.
1Nguni't nangyari pagkatapos ng sangdaling panahon, sa panahon ng pagaani ng trigo, na dumalaw si Samson na may dalang isang anak ng kambing sa kaniyang asawa; at kaniyang sinabi, Aking papasukin ang aking asawa sa loob ng silid. Nguni't ayaw papasukin siya ng kaniyang biyanang lalake.
2Her father said, “I most certainly thought that you had utterly hated her; therefore I gave her to your companion. Isn’t her younger sister more beautiful than she? Please take her, instead.”
2At sinabi ng kaniyang biyanang lalake, Aking tunay na inisip na iyong lubos na kinapootan siya; kaya't aking ibinigay siya sa iyong kasama: di ba ang kaniyang kapatid na bata ay maganda kay sa kaniya? Isinasamo ko sa iyo na kunin mong kahalili niya.
3Samson said to them, “This time I will be blameless in regard of the Philistines, when I harm them.”
3At sinabi ni Samson sa kanila, Ngayon ay wala akong ipagkakasala sa mga Filisteo, kung gawan ko man sila ng kasamaan.
4Samson went and caught three hundred foxes, and took torches, and turned tail to tail, and put a torch in the midst between every two tails.
4At yumaon si Samson at humuli ng tatlong daang zorra at kumuha ng mga sigsig at pinag-kabitkabit ang mga buntot, at nilagyan ng isang sigsig sa gitna ng pagitan ng bawa't dalawang buntot.
5When he had set the brands on fire, he let them go into the standing grain of the Philistines, and burnt up both the shocks and the standing grain, and also the olive groves.
5At nang kaniyang masulsulan ang mga sigsig, ay kaniyang binitiwan sa nakatayong trigo ng mga Filisteo at sinunog kapuwa ang mga mangdala at ang nakatayong trigo, at gayon din ang mga olibohan.
6Then the Philistines said, “Who has done this?” They said, “Samson, the son-in-law of the Timnite, because he has taken his wife, and given her to his companion.” The Philistines came up, and burnt her and her father with fire.
6Nang magkagayo'y sinabi ng mga Filisteo, Sinong gumawa nito? At kanilang sinabi, Si Samson na manugang ni Timnateo, sapagka't kaniyang kinuha ang asawa niya at ibinigay sa kaniyang kasama. At sumampa ang mga Filisteo, at sinunog ang babae at ang kaniyang ama.
7Samson said to them, “If you behave like this, surely I will be avenged of you, and after that I will cease.”
7At sinabi ni Samson sa kanila, Kung ginawa ninyo ang ganito ay walang pagsalang aking igaganti sa inyo; at pagkatapos ay magtitigil ako.
8He struck them hip and thigh with a great slaughter: and he went down and lived in the cleft of the rock of Etam.
8At sinaktan niya sila, sa hita at sasapnan ng di kawasang pagpatay: at siya'y bumaba at tumahan sa isang guwang ng bato ng Etam.
9Then the Philistines went up, and encamped in Judah, and spread themselves in Lehi.
9Nang magkagayo'y nagsisampa ang mga Filisteo, at humantong sa Juda, at nagsikalat sa Lehi.
10The men of Judah said, “Why have you come up against us?” They said, “We have come up to bind Samson, to do to him as he has done to us.”
10At sinabi ng mga lalake sa Juda, Bakit kayo nagsisampa laban sa amin? At kanilang sinabi, Upang gapusin si Samson kung kaya't kami ay nagsisampa upang gawin sa kaniya ang gaya ng ginawa niya sa amin.
11Then three thousand men of Judah went down to the cleft of the rock of Etam, and said to Samson, “Don’t you know that the Philistines are rulers over us? What then is this that you have done to us?” He said to them, “As they did to me, so have I done to them.”
11Nang magkagayo'y ang tatlong libong lalake sa Juda ay nagsilusong sa guwang ng bato ng Etam, at sinabi kay Samson, Hindi mo ba nalalaman na ang mga Filisteo ay nagpupuno sa atin? ano nga itong ginawa mo sa amin? At sinabi niya sa kanila, Kung paano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila.
12They said to him, “We have come down to bind you, that we may deliver you into the hand of the Philistines.” Samson said to them, “Swear to me that you will not fall on me yourselves.”
12At sinabi nila sa kaniya, Kami ay nagsilusong upang gapusin ka, upang maibigay ka namin sa kamay ng mga Filisteo. At sinabi ni Samson sa kanila, Sumumpa kayo sa akin, na hindi kayo ang dadaluhong sa akin.
13They spoke to him, saying, “No; but we will bind you fast, and deliver you into their hand; but surely we will not kill you.” They bound him with two new ropes, and brought him up from the rock.
13At sinalita nila sa kaniya, Hindi kundi gagapusin ka lamang namin, at ibibigay sa kanilang kamay: nguni't tunay na hindi ka namin papatayin. At kanilang ginapos siya ng dalawang bagong lubid, at iniahon mula sa bato.
14When he came to Lehi, the Philistines shouted as they met him: and the Spirit of Yahweh came mightily on him, and the ropes that were on his arms became as flax that was burnt with fire, and his bands dropped from off his hands.
14Nang siya'y dumating sa Lehi, ang mga Filisteo ay naghihiyawan samantalang sinasalubong nila siya: at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya, at ang mga lubid na nasa kaniyang mga bisig ay naging parang lino na nasupok sa apoy, at ang kaniyang mga tali ay nalaglag sa kaniyang mga kamay.
15He found a fresh jawbone of a donkey, and put forth his hand, and took it, and struck a thousand men therewith.
15At siya'y nakasumpong ng isang bagong panga ng asno, at iniunat ang kaniyang kamay, at kinuha, at ipinanakit sa isang libong lalake.
16Samson said, “With the jawbone of a donkey, heaps on heaps; with the jawbone of a donkey I have struck a thousand men.”
16At sinabi ni Samson, Sa pamamagitan ng panga ng isang asno, ay nagkabuntonbunton, Sa pamamagitan ng panga ng isang asno ay nanakit ako ng isang libong lalake.
17It happened, when he had made an end of speaking, that he cast away the jawbone out of his hand; and that place was called Ramath Lehi.
17At nangyari, pagkatapos niyang makapagsalita, na kaniyang inihagis ang panga na nasa kaniyang kamay, at ang dakong yao'y tinawag na Ramath-lehi.
18He was very thirsty, and called on Yahweh, and said, “You have given this great deliverance by the hand of your servant; and now shall I die for thirst, and fall into the hand of the uncircumcised?”
18At siya'y nauhaw na mainam at tumawag sa Panginoon, at sinabi, Iyong ibinigay itong dakilang kaligtasan sa kamay ng iyong lingkod: at ngayo'y mamamatay ako dahil sa uhaw at mahuhulog sa kamay ng mga hindi tuli.
19But God split the hollow place that is in Lehi, and water came out of it. When he had drunk, his spirit came again, and he revived: therefore its name was called En Hakkore, which is in Lehi, to this day.
19Nguni't binuksan ng Dios ang isang guwang na nasa Lehi, at nilabasan ng tubig yaon; at nang siya'y makainom, ang kaniyang diwa ay nanumbalik, at siya'y nabuhay: kaya't ang pangalan niyaon ay tinawag na En-haccore, na nasa Lehi hanggang sa araw na ito.
20He judged Israel in the days of the Philistines twenty years.
20At siya'y naghukom sa Israel sa mga kaarawan ng mga Filisteo, ng dalawang pung taon.