World English Bible

Tagalog 1905

Judges

17

1There was a man of the hill country of Ephraim, whose name was Micah.
1At may isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, na ang pangala'y Michas.
2He said to his mother, “The eleven hundred pieces of silver that were taken from you, about which you uttered a curse, and also spoke it in my ears, behold, the silver is with me; I took it.” His mother said, “Blessed be my son of Yahweh.”
2At sinabi niya sa kaniyang ina, Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo, na siyang ikinapagtungayaw mo, at sinalita mo rin sa aking mga pakinig, narito, ang pilak ay nasa akin; aking kinuha. At sinabi ng kaniyang ina, Pagpalain nawa ng Panginoon ang aking anak.
3He restored the eleven hundred pieces of silver to his mother; and his mother said, “I most certainly dedicate the silver to Yahweh from my hand for my son, to make an engraved image and a molten image. Now therefore I will restore it to you.”
3At isinauli niya ang isang libo at isang daang putol na pilak sa kaniyang ina, at sinabi ng kaniyang ina, Aking tunay na itinalaga ng aking kamay ang pilak na ito sa Panginoon, na ukol sa aking anak, upang igawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: kaya ngayo'y isasauli ko sa iyo.
4When he restored the money to his mother, his mother took two hundred pieces of silver, and gave them to the founder, who made of it an engraved image and a molten image: and it was in the house of Micah.
4At nang kaniyang isauli ang salapi sa kaniyang ina, ay kinuha ng kaniyang ina ang dalawang daang putol na pilak na ibinigay sa mga mangbububo, na siyang gumawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: at nasa bahay ni Michas.
5The man Micah had a house of gods, and he made an ephod, and teraphim, and consecrated one of his sons, who became his priest.
5At ang lalaking si Michas ay nagkaroon ng isang bahay ng mga dios, at siya'y gumawa ng isang epod at mga terap at itinalaga ang isa ng kaniyang mga anak, na maging kaniyang saserdote.
6In those days there was no king in Israel: every man did that which was right in his own eyes.
6Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel: bawa't tao'y gumagawa ng minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata.
7There was a young man out of Bethlehem Judah, of the family of Judah, who was a Levite; and he lived there.
7At may isa namang may kabataan sa Bethlehem-juda, sa angkan ni Juda; na isang Levita; at siya'y nakikipamayan doon.
8The man departed out of the city, out of Bethlehem Judah, to live where he could find a place, and he came to the hill country of Ephraim to the house of Micah, as he traveled.
8At ang lalake ay umalis sa bayan, sa Bethlehem-juda, upang makipamayan kung saan siya makakasumpong ng matutuluyan: at siya'y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim, sa bahay ni Michas habang siya'y naglalakbay.
9Micah said to him, “Where did you come from?” He said to him, “I am a Levite of Bethlehem Judah, and I am looking for a place to live.”
9At sinabi ni Michas sa kaniya, Saan ka nanggaling? At sinabi niya sa kaniya, Ako'y Levita sa Bethlehem-juda, at ako'y yayaong makikipamayan kung saan ako makasumpong ng matutuluyan.
10Micah said to him, “Dwell with me, and be to me a father and a priest, and I will give you ten pieces of silver per year, a suit of clothing, and your food.” So the Levite went in.
10At sinabi ni Michas sa kaniya, Tumahan ka sa akin, at ikaw ay maging sa akin ay isang ama at isang saserdote, at bibigyan kita ng sangpung putol na pilak isang taon, at ng bihisan, at ng iyong pagkain. Sa gayo'y ang Levita ay pumasok.
11The Levite was content to dwell with the man; and the young man was to him as one of his sons.
11At ang Levita ay nakipagkasundong tumahang kasama ng lalake: at ang binata sa kaniya'y parang isa sa kaniyang mga anak.
12Micah consecrated the Levite, and the young man became his priest, and was in the house of Micah.
12At itinalaga ni Michas ang Levita, at ang binata ay naging kaniyang saserdote, at nasa bahay ni Michas.
13Then Micah said, “Now know I that Yahweh will do good to me, since I have a Levite to my priest.”
13Nang magkagayo'y sinabi ni Michas, Ngayo'y talastas ko, na gagawan ako ng mabuti ng Panginoon, yamang ako'y may isang Levita na pinakasaserdote ko.